Chapter 5

1787 Words
SAKTONG paglabas ni Apollo mula sa loob ng banyo ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng executive table niya sa opisina niya. Nagpatuloy naman siya sa paghakbang palapit sa table niya para kunin ang cellphone. Nang makalapit ay agad niyang kinuha ang cellphone. At nakita at nabasa niya na si Jille ang tumatawag sa kanya. Mabilis namang sinagot ni Apollo ang tawag nang makita na ang girlfriend ang tumatawag sa kanya. "Hello, babe?" wika niya sa baritonong boses mula sa kabilang linya. "Babe," wika naman nito. "Napatawag ka?" tanong naman niya dito. Narinig naman niya ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya. "Hmm...are you busy today?" tanong nito sa halip na sagutin siya. "Yes. May tinatapos akong dokumento," honest na sagot naman niya. Apollo is really busy today. Marami kasi siyang ginagawa sa opisina. May pinag-aaralan siyang importanteng dokumento at kailangan din niyang gumawa ng proposal para sa investor ng kompanya niya. "Ganoon ba," wika naman nito, may nabakasan siyang lungkot sa boses nito. "Bakit mo pala naitanong?" tanong naman niya dito. "Wala," sagot naman nito sa kanya sa mahinang boses. Hindi naman napigilan ni Apollo ang mapakunot ng noo. "Jille," sambit naman niya sa pangalan nito sa seryosong boses. Alam kasi niya na may gusto itong sabihin sa kanya kung bakit ito tumawag o kung bakit nito tinatanong kung busy siya. Sa pangalawang pagkakataon ay muli niyang narinig ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya. "Gusto ko sanang kumain ng lansones. Kaso...wala akong makitang pwedeng mapagbilhan," wika naman nito sa dahilan kung bakit ito tumawag sa kanya. "Oh," sambit naman ni Apollo sa narinig na wika ni Jille sa kanya. Mukhang pinaglilihan nito ang lansones. "Apollo, pwede mo ba akong hanapan ng lansones. Gusto ko talagang kumain no'n," wika naman nito sa kanya. "Please?" He took a deep breath. "Okay," sagot niya dito. Hindi kasi ito matiis ni Apollo, lalo na at buntis ito. Baka mapaano pa ang pinagbubuntis nito kung hindi nito makain ang gusto nitong kainin. "Oh, thank you, babe," wika nito, sa pagkakataong iyon ay sumigla na ang boses ni Jille. "You don't have to thank me, babe. Responsibilidad kita at ang magiging anak natin," sabi naman niya dito. "I love you," tanging wika naman nito sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi sa narinig niyang sinabi ni Jille. "I love you, too," sambit din niya. "Anyway, makakapaghintay ka ba? Maghahanap ako ng pwede kung mapagbilhan ng lansones," sabi niya dito. "Yes," sagot naman nito sa kanya. "Okay. Just wait for me," sabi naman niya bago siya nagpaalam dito. Nang mawala mula sa kabilang linya si Jille ay ibinulsa na niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon. Pagkatapos ay isinara na niya ang laptop niya at inayos ang mga papeles na nagkalat sa ibabaw ng mesa. Binuksan din niya ang drawer para kunin ang remote control key ng kotse niya. At bago siya lumabas ng opisina ay kinuha niya ang coat na nakasabit sa coat rack stand na nasa loob ng opisina niya. Napahinto naman siya ng parang may nalaglag mula sa bulsa ng coat niya. At nang mapatingin siya sa sahig ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita kung ano ang nalaglag do'n. Mabilis naman niyang pinulot ang maliit na box. Pinunasan naman niya ang hawak na box kahit na hindi iyon nadumihan. Pagkatapos ay binuksan niya ang maliit na box at tumambad sa kanyang mata ang one karat diamond na ring. Bago siya pumasok sa opisina kanina ay dumaan siya sa YB Jewelry--ang malaking Jewelry Store sa bansa para bumili ng engagement ring para kay Jille. Bago pa niya malaman na buntis ito ay plano na niya na mag-propose ng kasal dito, kumukuha lang siya ng magandang tiyempo para sa gagawin niya. Pero ngayong nalaman na niyang buntis ito ay gusto niyang madaliin ang balak niya. Gusto niya bago lumaki ang tiyan nito ay kasal na silang dalawa. Kaya sa susunod na linggo ay magpo-propose na siya. Nag-hire pa nga siya ng expert para tumulong sa kanya sa balak niyang pagpo-propose. Nakausap na nga din niya ang magulang niya at magulang ni Jille sa gagawin niya. Gusto din kasi niyang kunin ang basbas ng mga ito. At their family is very happy. Saglit namang tinitigan ni Apollo ang singsing bago niya isinara iyon. Pagkatapos niyon ay itinago mo na niya iyon sa drawer niya na nasa loob ng opisina. Saka na lang niya iyon kukunin kapag malapit na ang pinakahihintay niya. Naglakad naman siya palabas ng opisina. Pagkalabas niya ay agad naman tumayo ang secretary niya nang makita siya nito. He look at her secretary. "May ipag-uutos po kayo, Sir?" tanong nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila. "I'm going out," wika naman niya dito. "Kapag may naghanap sa akin, sabihin mo na tawagan na lang ako," dagdag pa na bilin niya dito. Tumango naman ito. "Sige po, Sir," sagot naman nito. Hindi naman na siya nagsalita. Sa halip ay naglakad na siya paalis. Sumakay siya sa elevator at pinindot niya ang G-button. Hindi naman nagtagal ay tumigil iyon at bumukas. Humakbang naman siya palabas at tuloy-tuloy siya hanggang sa makarating siya parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. He unlocked the remote control key of his car. Tumunog iyon tanda ng pagbukas. Binuksan niya ang pinto sa gawi ng driver seat at sumakay na siya sa loob niyon. Pinaandar na niya ang kotse at umalis na siya para maghanap ng pinaglilihian ni Jille. Una namang pinuntahan ni Apollo ay sa Rivas Mall. Pero noong napunta siya sa fruit section ay wala siyang makita na lansones na benebenta kaya agad naman siyang umalis do'n para lumipat sa ibang Mall. Pero gaya ng unang pinuntahan niya ay wala siyang makita. Tatlong Mall din ang pinuntahan niya pero walang nagbebenta ng lansones. At sabi ng staff na napagtanungan niya, hindi pa daw kapanahunan ng lansones ngayong buwan. Nagpakawala naman si Apollo ng malalim na buntong-hininga ng sumakay siya sa loob ng kotse. Kailangan niyang makahanap ng lansones para kay Jille. Baka mapaano pa ito kung hindi nito makakakain ang gusto nitong kainin. Kinuha naman niya ang cellphone niya at saka niya tinawagan ang secretary niya. Nakatatlong ring bago naman nito sinagot ang tawag niya. "Hello, Sir?" wika naman nito mula sa kabilang linya. "Sophie, may alam ka bang ibang bilihan ng mga prutas?" tanong niya dito kung bakit niya ito tinawagan. Sinabi din niya kung anong prutas ang hinahanap niya. "Mayro'n, Sir," sagot naman nito sa kanya. "Where?" he asked her. Sinabi naman nito kung saan siya makakabili ng hinahanap niya. Sa isang palengke daw sa Quezon City siya makakabili ng hinahanap niya. Sinabi din nito kung saan eksaktong lugar siya makakabili. "Okay. Thank you," wika naman niya dito. Pinatay naman na niya ang tawag at saka niya pinaandar ang kotse patungo sa lugar. Hindi naman nagtagal ay nakarating na siya sa pupuntahan. Naghabap naman siya ng pagpaparadahan niya ng kotse niya dahil hindi naman niya pwedeng ipasok iyon sa loob ng palengke. Nang makahanap ay lumabas na siya ng kotse at naglakad na patungo do'n. Medyo maraming tao sa palengke pero hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa nakarating siya sa bilihan ng mga prutas. Isa-isa niyang pinuntahan ang mga stall do'n pero out of stock na ang hinahanap niya. Hanggang sa makapunta siya sa huling Stall. May nakita pa nga siyang isang babae na bumibili do'n bago ito umalis. "Ano po hanap niyo, Sir?" tanong naman ng may edad na tindera sa kanya. "Hmm...may lansones po kayong tinda?" tanong niya dito. "Oh, mayro'n, Sir. Pero iyong huling kilo ng lansones ay nabili na noong babae," wika nito sabay turo sa babaeng nakita niyang kakaalis lang. "Wala na po bang darating na stock?" tanong naman niya ng ibalik niya ang tingin dito "Mayro'n, Sir. Pero sa susunod na araw pa," sagot naman nito. Bumagsak naman ang balikat niya sa narinig. Kailangan niya ngayong araw ang lansones. At mayamaya ay saglit siyang natigilan ng may pumasok sa isip niya. Napatingin siya sa dereksiyon ng babaeng nakabili ng lansones. "Thank you po, Manang," wika naman niya sa may edad na babae. Pagkatapos niyon ay humakbang siya para sundan ang babae. "Miss, wait," wika niya sa babae pero mukhang hindi siya nito marinig kaya nilakihan niya ang mga hakbang niya para mahabol niya ito. Nang nasa likod niya ito ay hinawakan niya ito sa balikat. "Excuse me, Miss," wika ni Apollo sa babae dahilan para mapahinto ito sa paglalakad. Naramdaman nga niya na natigilan ito sa paghawak niya sa balikat nito. Lumingon naman ito sa kanya. At sumalubong sa kanya ang kulay brown na mga mata nito. Hindi din niya napigilan na mapapatitig sa mga mata nito. Napansin din niya ang pamimilog ng mga mata nito nang makita siya nito. At habang nakatitig siya dito ay parang pamilyar ito. Parang nakita na niya ito. Pero hindi niya iyon masyadong pinagtuunan ng pansin. "Sorry, Miss," wika niya sa babae. Saglit naman itong hindi nagsalita. Tumikhim din ito. "M-may kailangan ka?" tanong naman nito sa kanya. Saglit din siyang hindi nagsalita pero mayamaya ay bumaba ang tingin niya sa hawak nitong plastic na may lamang lansones. "Kanina pa kasi ako naghahanap ng mapagbibilihan ng lansones," wika niya ng ibalik niya ang tingin sa mukha nito. "Kaso out of stock ang lahat ng pinuntahan ko. I really, really need it. My girlfriend is pregnant at gusto niyang kumain ng lansones," sabi niya dito. Akmang bubuka ang bibig niya para magsalita ng mapahinto siya ng itaas nito ang hawak na plastic. "Here," wika nito sa kanya. "Ha?" "Kailangan makain ng buntis ang gustong kainin nito. Kaya sa 'yo na lang ito," wika nito sa kanya, napansin din niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Napatitig naman siya dito. "Kunin mo na," sabi naman nito. Saglit siyang hindi kumilos pero mayamaya ay kinuha din niya ang hawak nitong plastic. "Thank you," wika niya. Ngumiti lang naman ito bilang sagot. Pagkatapos ay tumalikod na ito at humakbang na paalis. Napatitig naman siya sa likod nito. At nang may maalala siya ay mabilis niya itong sinundan habang dumudukot siya ng pera sa bulsa ng suot niyang pantalon. "Miss, wait," huminto ito sa paglalakad at nilingon siya. "Hmm?" "Here," wika niya sabay abot ng isang libo na pera dito. Sa halip na kunin ay tinitigan lang nito iyon. Kaya ang ginawa niya ay siya na mismo ang naglagay sa kamay nito. Sa pagdikit nga ng kamay nila ay may naramdaman siyang kakaiba pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. "Thank you again." Hindi naman na niya ito hinintay na magsalita. Tumalikod na siya at naglakad na siya paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD