"I'M VERY proud of you, Brielle." Nagising si Brielle sa panaginip na iyon. Sa panaginip niya ay nakausap niya ang kakambal na si Brianna. Dumalo daw ito sa booksigning event niya at sinambit ang mga katagang iyon. Sa panaginip niya ay kita niya ang sara sa mukha ng kambal habang kausap niya ito. Mukhang masaya ito sa achievement niya sa buhay. Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Brielle. Saglit din siyang nanatili sa kinahihigaan hanggang sa napagpasyahan niyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. Napatingin din siya sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table niya at nakita niyang alas nueve na ng umaga. Sanay naman na din si Brielle na gumising ng ganoong oras. Minsan nga ay alas onse na ng umaga siya nagigising kapag napuyat siya mula sa pagsusulat.