Chapter 4

1261 Words
TUMIGIL si Brielle sa pagtipa sa laptop niya nang kunin niya ang baso na may laman na kape na nakapatong sa mesa niya. Akmang iinumin niya iyon nang mapahinto siya ng mapansing wala nang laman ang kape niya. Napasimangot naman siya, ibinaba naman niya ulit ang baso sa mesa. Pagkatapos niyon ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at saka siya naglakad patungo sa harap ng counter para um-order ulit ng kape niya. Gumagana kasi ang utak niya kapag may iniinom siyang kape. Nasa isang sikat na Coffee Shop si Brielle sa sandaling iyon habang abala siya sa pagsusulat. May tinatapos kasi siyang manuscript at kailangan niya iyong matapos sa susunod na araw. Nagpunta siya sa nasabing Coffee shop dahil gusto niyang maiba ang ambiance niya, nitong makalipas na araw kasi ay nami-mental block siya kapag sa bahay siya nagsusulat, wala siyang maisulat na kahit na letra sa laptop niya kapag nasa bahay siya. Kaya naisipan na lang niyang lumabas ng bahay at sa ibang lugar siya magsulat. At tambayan talaga niya ang nasabing Coffee Shop kapag nagsusulat siya o kung minsan sa isang tahimik na parke malapit lang din sa kinaroroonan niya. Pumila naman si Brielle sa likod ng isang babae dahil nauna itong nag-o-order. At mayamaya ay naramdaman ni Brielle na may tumabi sa likod niya. Mukhang customer din ng nasabing Coffee Shop ang nasa likod niya. Hindi nga din niya napigilan ang mapasinghot nang maamoy niya ang mabangong amoy nito. Sa klase ng naamoy niya ay pabango iyon ng lalaki kaya sigurado siya na lalaki ang nasa likod niya. And his scent is soothing through her nose. Gusto sana niyang tumingin sa likod niya pero pinigilan niya ang sarili. Mayamaya ay nakarinig siya ng pagtunog ng ringtone ng isang cellphone na galing sa likod niya. Nakiramdam naman siya. At hindi mapigilan ni Brielle ang mapataas ng isang kilay nang marinig niya ang boses ng nasa likod niya ng sagutin nito ang tumatawag dito. "Yes, Jille?" wika ng lalaki sa buong-buong boses. Ang ganda ng boses ng lalaki, ang manly ng tunog. Alam naman niyang hindi magandang ugali ang makinig sa pinag-uusapan ng ibang tao pero hindi mapigilan ni Brielle ang sarili na makinig. Hindi naman siguro iyon totally na kasalanan dahil may tainga naman siya at nasa likod niya ang lalaki habang nagsasalita ito kaya naririnig niya ang sinasabi nito. And his voice is really manly and husky. "A coffee? You are pregnant, hindi maganda sa buntis ang uminom ng kape," narinig niyang wika ng lalaki sa kausap nito. Naisip ni Brielle na baka asawa o girlfriend nito ang kausap nito. Wala naman siyang narinig na boses sa sumunod na sandali. Mukhang pinapakinggan nito ang sinasabi ng kausap nito hanggang narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Okay, okay. I'll buy you," wika naman nito, mababakas sa boses nito ang pagsuko. Hindi naman maiwasan ni Brielle na lihim na mapangiti. Mukhang hindi nito matiis ang kausap nito sa sandaling iyon. At sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan ang sarili, napalingon na siya sa kanyang likod para makita kung sino ang nasa likod niya. Pagtingin niya ay sumalubong sa kanya ang isang matangkad na lalaki. At kinakailangan pa niyang tumingala para makita niya ang mukha nito. Sa tantiya nga niya ay nasa lagpas anim na talampakan ang height nito. At pigil ni Brielle ang huwag mapasinghap nang makita niya ang hitsura ng lalaki. The man in front of her is handsome, he is oozing with s*x appeal. Ang kinis-kinis nga ng mukha nito. At hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo habang patuloy siyang nakatitig sa mukha nito. Medyo pamilyar kasi ang mukha nito, parang nakita na niya ang lalaki hindi lang niya alam kung saan at kung kailan niya ito nakita. Pero sigurado talaga siya na nakita na niya ito. Hanggang sa bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng maalala kung saan niya ito nakita. Ito iyong lalaking ka-meeting ng boss ng kakambal niya na si Brianna noong isang araw. No wonder, pamilyar ang mukha nito dahil nagtagpo na pala ang landas nila. Ito si Apollo Guevas! Ang may-ari ng pinakamalaking bank sa buong Pilipinas. At ang lalaki nga ang ginawa niyang male lead sa nobelang sinusulat niya ngayon. At mukhang naramdaman ni Apollo na nakatingin siya dito dahil bumaba ang tingin nito sa kanya. Agad naman na nagtama ang mga mata nila. Hindi naman niya maiwasan ang mapatitig sa mga mata nito. She was fascinated with his charcoal eyes. Para ngang kumikinang ang mga mata nito. And she couldn't explain why she can't take her eyes off him. Parang may magnetiko na naghihila sa kanya na titigan ang lalaki. At mayamaya ay napakurap siya ng mga mata ng taasan siya nito ng isang kilay. "I'll hang up the phone now. See you later," mayamaya ay paalam nito sa kausap nito. His voice still manly. Ibinulsa naman na nito ang hawak na cellphone sa bulsa ng suot nitong pantalon at saka siya nito tuluyang hinarap. "What?" he asked in a deep and baritone voice. And his face is serious now. She blinked her eyes twice. Ewan niya pero parang naumid ang dila niya sa sandaling iyon dahil hindi niya magawang makapagsalita. Nakatitig lang siya dito. Napansin naman niya ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay nito. "Are you going to order, Miss? Or will you just stare at me?" tanong nito. "Ikaw na ang susunod na o-oorder," dagdag pa na wika nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Brielle sa sinabi ng lalaki. At do'n lang naman siya nahismasan. "Sorry," wika naman niya. At kasabay ng sinabi niyang iyon ay ang pag-alis niya ng tingin dito. At kahit na hindi siya makatingin sa sariling repleksyon sa salamin ay alam niyang kasimpula ng hinog na kamatis ang magkabilang pisngi niya dahil sa hiyang nararamdaman. Darn, Brielle, wika ng bahagi ng isipan. Nahihiya siya dahil baka kung ano ang isipin nito sa kanya dahil sa ginawa niyang paninitig dito. Nakangiwing kinagat naman niya ang ibabang labi. Nagpakawala din siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay um-order na ulit siya ng kape sa babaeng nasa harap ng counter. At habang umo-order siya ay naramdaman niya ang mainit na paninitig ng lalaki sa likod niya. Hindi tuloy siya mapakali sa kinatatayuan. Mabilis naman niyang ibinigay ang bayad niya sa babae ng makuha nito ang order niya. Mabilis din siyang umalis sa kinatatayuan para bumalik sa kinauupuan niya. Isi-serve naman sa table niya ang order niya. Nang makabalik siya sa kinauupuan ay agad niyang ibinalik ang atensiyon sa harap ng laptop niya. Pero hindi siya makapag-concentrate dahil naglalakbay ang isip niya sa lalaki. Darn. Saglit naman niyang ipinikit ang mga mata. At nang magmulat siya ay pasimple niyang tiningnan ang lalaki. Nando'n pa din ito sa harap ng counter at mukhang hinihintay nito na matapos ang order nito. Napanguso naman siya nang makita na ibinigay na ng staff ang order nito. Nauna siyang nag-order pero mas naunang ibinigay dito ang order nito. Mukhang very important person ang lalaki. Nang makuha na nito ang order nito ay tumalikod na ito at nagsimulang humakbang na paalis. At habang naglalakad ito ay tumingin ito sa dereksiyon niya. Their eyes met again. Nanlaki na naman ang mga mata niya at saka niya mabilis na iniwas ang tingin dito. At nagkunwari siyang abala sa harap ng laptop niya. Nagta-type nga siya sa keyboard ng laptop niya kahit na walang sense ang tina-type niya. Lalong nag-iinit nga ang magkabilang pisngi niya. At hindi maintindihan ni Brielle kung bakit bigla na lang nag-iba ang t***k ng puso niya. Ah, darn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD