SUMANDAL si Brielle sa may sink habang pinagmamasdan niya si Apollo na kumakain ng agahan nito. Wala din itong imik habang kumakain ito ng sandaling iyon sa harap ng dining table. At habang pinagmamasdan ni Brielle si Apollo ay bigla niyang naalala ang nakita niya kahapon. Hanggang ngayon ay malinaw pa din sa isipin niya kung ano ang nakita niya. At hindi naman niya maiwasan ang pamulahan ng mukha ng maalala ang private parts ni Apollo at kung gaano iyon kalaki. Mas lalo yatang namula ang pisngi niya, sa sobrang pula ay nagmistulang mansanas iyon. Darn. Ipinilig na lang naman niya ang ulo para maalis iyon sa isipan niya. At mayamaya ay napansin ni Brielle ang pagkunot ng noo nito at ang pagbaba ng hawak nitong kutsara at tinidor sa plato nito. Pinaglapat naman niya ang mga labi nang