NAKATUTOK ang atensiyon ni Apollo sa harap ng kanyang laptop sa sandaling iyon. Busy siya sa pagsagot sa lahat ng email na natanggap niya. Natambak kasi ang email sa kanya ng investor ng kompanya niya. Hindi kasi niya iyon naharap dahil busy siya noong nakaraang linggo. Nagbakasyon kasi sila ng girlfriend sa Maldives. At isang linggo silang dalawa do’n.
Apollo Guevas is the owner of Guevas Bank—one of the Biggest Bank in the Philippines. He is one of the Young Billionaires here in the country, too. Sa edad na trenta’y dos kasi ay bilyon-bilyon na ang kinikita niya. Hindi lang din kasi Guevas Bank ang negosyo niya. Major stockholder din siya sa malalaking kompanya sa Pilipinas. Sabi nga ng nakakalilala sa kanya ay ma-swerte daw siya dahil lahat ng negosyong pinapasok niya ay ma-swerteng nagtatagumpay. But to be honest ay hindi naman sa ma-swerte siya, matagumpay lahat ng negosyo niya dahil dugo’t pawis niya iyon. At kapag nag-i-invest siya ay talagang pinag-aaralan niya iyong mabuti kung worth it ba ang kompanyang pag-i-invest-an niya. And he work hard for it. Ngayon ay inaani na niya ang lahat ng pinaghirapan niya. Kahit nga hindi siya mag-trabaho ng ilang taon ay mabubuhay pa din siya.
At habang nakatutok ang atensiyon ni Apollo sa screen ng laptop ay kinuha niya ang mug ng kape na nakalapag sa ibabaw ng executive table niya. Pinatimpla niya iyon sa secretary niya kanina. Akmang hihigop siya nang mapansing wala na pa lang laman ang mug niya.
Muli niyang inilapag ang mug at saka niya pinindot ang intercom na naka-konekta sa labas ng opisina niya.
“Hello, Sir?” wika ng Secretary niya nang angatin nito ang intercom. “May kailangan po kayo?”
“Yes. Bring me some coffee again,” utos niya dito. Coffee is his favorite. Nakakapag-isip kasi siya ng mabuti kapag umiinom siya ng kape.
“Okay, Sir,” sagot naman nito sa kanya. Ibinaba na niya ang intercom at muli na naman niyang itinutok ang atensiyon sa laptop.
Makalipas naman ng ilang minuto ay nakarinig siya nang mahinang katok sa labas ng pinto ng opisina niya. “Come in.”
Naramdaman ni Apollo na bumukas ang pinto ng opisina niya. Hindi naman na siya nag-abalang mag-angat ng tingin dahil alam naman niya na ang Secretary niya iyon at bitbit na nito ang pinag-uutos niya. Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa ding lumalapit sa kanya. Kunot ang noo na inalis niya ang tingin sa harap ng laptop at nag-angat siya ng tingin. Pero sa halip na ang Secretary niya ang nakita niya ay ang Girlfriend niya na si Jille.
“Hi,” bati ni Jille sa kanya ng magtama ang mga mata nila. Nakasandal ang likod nito sa hamba ng pinto habang may hawak itong isang baso na naglalaman ng mainit na kape. May ngiti din na nakapaskil sa labi nito sa sandaling iyon habang nakatitig sa kanya.
Mabilis naman na nawala ang pagkakakunot ng noo niya. At hindi din niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi habang sinasalubong niya ang mainit na titig ang Girlfriend.
Tumayo naman si Apollo mula sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair para lapitan ang Girlfriend. Agad namang umalis si Jille mula sa pagkakasandal nito sa pinto para salubungin naman siya.
Hinalikan niya ito sa tuktok ng ulo ng tuluyan siyang makalapit. “What are you doing here, babe?” tanong niya na may ngiti pa din sa labi. Wala siyang ideya na pupuntahan siya nito sa opisina niya. Noong tawagan kasi niya ito kanina ay sinabi nito na may pupuntahan ito. Akala niya ay pupunta lang ito sa Mall para mag-shopping. Hindi kasi niya ito tinanong kung saan ito pupunta. Hindi kasi niya ugali na magtanong. May tiwala naman kasi siya kay Jille.
“I’m here because I missed you,” wika naman nito sa kanya sa masuyong boses.
Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha ni Apollo habang nakatitig siya kay Jille. Kinuha din niya ang hawak nitong mug at ang isang kamay naman ay pumulupot sa maliit na baywang nito at hinapit niya ito palapit sa katawan niya. “Oh, I’m sorry, babe,” wika naman niya. “I got busy this few days,” dagdag pa niya.
Pumulupot naman ang dalawang kamay ni Jille sa baywang niya. And then Jille sweetly smiled at him. “It’s okay. I understand,” masuyong wika nito.
He smiled at her, too. And he stares at her girlfriend lovingly. Matagal nang magkasintahan si Apollo at Jille, college pa sila pareho. Unang kita pa lang niya dito ay nagustuhan na agad niya ito. Kaya noong maramdaman niya iyon ay agad niyang niligawan si Jille. And after two months of courting ay sinagot din siya nito. At hanggang ngayon ay going strong pa din ang relationship nila. Isang dahilan para maging strong ang relasyon nila ay dahil pareho silang faithful at loyal.
Nag-aaway naman din sila, hindi naman maiiwasan iyon sa isang relasyon. Normal lang din naman iyon. Pero at the end of the day ay nagbabati din sila. Wala kasing ma-pride sa kanilang dalawa. Iyon din siguro ang pangalawang dahilan kung bakit tumagal ang relasyon nila.
Sa totoo lang, si Jille kasi ang pinapangarap ng isang lalaki. Hindi lang kasi ito maganda sa panlabas, kundi pati na din sa panloob na pag-uugali nito. She is kind, smart and understanding. Na kay Jille na ang lahat ng gusto niya sa isang babae kaya ayaw na niya itong pakawalan pa. And to be honest, he was planning to marry her. Kumukuha lang siya ng magandang tiyempo para mag-propose dito. At kapag hindi na siya busy ay aayusin na niya ang magiging proposal niya. At gusto niya na maging espesyal ang proposal sa girlfriend.
Sinalubong naman ni Jille ang titig niya na puno ng pagmamahal din. Hindi naman napapigilan ni Apollo na bumaba ang tingin niya sa mapupulang labi ng girlfriend. Halos palipat-lipat ang tingin niya sa labi nito at sa mga mata nito. At sa sandaling iyin ay gusto niyang halikan ang girlfriend sa labi nito. He missed those kissable lips.
At nang hindi siya makatiis ay dahan-dahan niyang inilapit ang mukha dito para halikan. At hindi pa tuluyang nagdidikit ang mga labi nila ng bigla siya nitong itinulak. Mabilis din nitong tinutop gamit ang isang kamay nito ang bibig nito. At sa ginawa nitong pagtulak ay bahagya pang nabuhos ang laman ng mug na hawak niya. Mabuti na lang at hindi niya ito natapunan.
“What’s wrong—
Hindi na niya natapos ang iba pa niyang sasabihin nang mabilis na tinungo ni Jille ang banyo na nasa loob ng opisina niya. Hindi naman niya napigilan ang bahagyang pagkunot nang kanyang noo habang sinusundan niya ito ng tingin. Saglit pa siyang hindi nakakilos sa kinatatayuan pero nang mahismasan ay sinundan niya ito sa loob ng banyo. Inilapag naman niya ang hawak sa center table bago siya pumasok sa loob. At nakita niya si Jille na sumusuka sa harap ng sink. Bigla siyang nakaramdam ng pag-alala para dito. Mabilis naman niya itong dinaluhan. Hinaplos-haplos din niya ang likod nito. Ar ang isang kamay naman ay humawak sa mahabang buhok nito para hindi nito iyon masukahan.
“Are you okay, babe?” he asked in a worry voice. “Are you sick?” he added.
Isang iling lang naman ang isinagot nito sa kanya. Binuksan nito ang faucet at nagmumog ito.
Pagkatapos niyon ay tuluyan siyang hinarap ni Jille. Tumaas naman ang isang kamay niya para haplusin ang maputlang pisngi nito. He took a deep breath. “Are you sure you’re okay? You look pale,” wika niya, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Mababakas pa din doon ang pag-alala. Namumutla kasi ito, at mamasa-masa ang mga mara nito.
Hindi naman nagsalita si Jille. Kinagat nito ang ibabang labi. “Answer me, babe. You making me worry,” wika niya dito ng hindi pa ito sumasagot. Hindi naman kasi ito dating ganoon.
“Apollo,” banggit nito sa pangalan niya habang titig na titig ito sa kanya, medyo teary eyed pa ito. Lalo naman siyang nag-alala. Pero mayamaya ay nagsalubong ang kilay niya nang makita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. “I’m pregnant,” mayamaya ay wika nito sa kanya.
Kasabay nang panlalaki ng mga mata niya ay ang pag-awang ng labi niya sa narinig na sinabi nito. Tama ba ang narinig niya na sinabi nito? Jille is pregnant? “What...did you say?” tanong niya dito. He wanted to make sure that he heard her right. Baka kasi nakaringgan lang niya iyon.
Sa pagkakataon iyon ay sumilay na ang matamis na ngiti sa labi nito “I’m pregnant, Apollo. And you’re going to be a father,” ulit na wika nito sa kanya.
Napakurap-kurap naman siya ng mga mata habang nakatitig sa masayang mukha ni Jille. In-absorb din ng utak niya ang sinabi ng Girlfriend. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang ma-realize niya ang sinabi nito.
Darn. He is going to be a father. At sa sandaling iyon ay nag-uumapaw ang saya na nararamdaman ng puso niya. f**k! Biglang nakaramdam siya ng excitement sa magiging anak niya. Ganoon pala ang nararamdaman ng isang lalaki kapag nalaman niyang magiging ama na siya. Kulang ang masaya para i-describe ang nararamdaman. Oh, god!
At sa sayang nararamdaman niya ay niyakap niya nang mahigpit si Jille.
“Thank you, babe. You make me happy,” wika niya sabay halik sa tuktok ng ulo nito.
Bilang sagot naman ay niyakap siya ni Jille nang mahigpit.