HININTO ng Taxi Driver ang minamaneho nitong kotse nang makarating sila sa harap ng Del Mundo’s Group of Company. Matapos namang makapagbayad si Brielle ay bumaba na siya ng kotse. Agad namang tumutok ang tingin niya sa sign board kung saan nakasulat ang malaking pangalan ng kompanya. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya habang nakatitig siya sa pangalan ng kompanya. Habang nakatitig kasi siya do’n ay naisip niya na gamitin sa susunod na nobela na isusulat niya ang kompanya ni Marcus—ang boss ni Brianna. Pwede din na ito ang gamitin niyang Hero dahil Hero Material naman ang lalaki. He was Billionaire and of course, he is tall, fair-complexion and handsome. Hindi lang kasi iilang beses na nakita niya ito noong magpanggap siya bilang kakambal niya. At talagang masasabi niya na gwapo talaga si Marcus. Walang binatbat ang mga Hollywood actor at model sa ka-gwapuhan nito.
Iiling na lang si Brielle sa pinag-iisip niya. Nagsimula naman na siyang naglakad papasok sa loob ng building. Binati pa siya ng guard na nakasalubong niya, she greet him back. Pagkatapos ay nag-in siya sa Biometrics at tuloy-tuloy na siyang naglakad patungo sa elevator. Pinindot niya ang 21st floor button kung saan matatagpuan ang opisina ng Boss ng kakambal. Nasa pinakamataas kasi ang opisina ni Marcus. Dapat lang naman na do’n ito dahil ito ang pinakamataas do’n.
Nang huminto at bumukas ang elevator ay lumabas na siya do’n at humakbang na siya palapit sa kinaroroonan ng table ni Brianna. She switch on her computer. At nilinisan din niya ang table nang kakambal. Umupo na din siya sa chair nito. Kinuha din niya ang planner nito at binasa niya ang nakasulat do’n. Binasa niya kung ano ang appointment ng Boss nito ng araw na iyon. Tinandaan din niya iyon para kapag tinanong siya nito ay alam niya ang isasagot sa lalaki.
Nang matapos ay inilapag na niya ang planner at tumitig siya sa monitor ng computer.
Mayamaya ay nag-angat si Brielle nang tingin nang makarinig siya ng mga yabag palapit sa kinaroroonan niya. At bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang ang Boss ni Brianna ang nakita niya. Si Marcus. His face was serious while walking towards her direction. Gayunman kahit na seryoso ang mukha nito ay hindi pa din maitatangging napaka-gwapo nito. Lalo na kapag nakangiti ito.
Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo niya. “Good morning, Sir,” bati niya dito nang tuluyan itong makalapit. Napansin naman niya na tumigil ito sa paglalakad at sumulyap sa kanya. Napansin naman niya ang paninitig nito sa kanya at hindi niya napigilan ang mapalunok ng makailang ulit nang makita niya ang pagkunot-noo nito habang nakatingin sa kanya. Para ngang sinusuri siya nito ngayon.
Shit! May ideya ba ito na hindi siya si Brianna? tanong niya sa isipan. Hindi naman siguro, kasi kuha niya ang ayos ng kambal. At mahihirapan ito na malaman na hindi siya si Brianna.
Relax Brielle. Hindi ka mahuhuli ni Marcus.
Saglit pa itong napatitig sa kanya bago nito inalis ang tingin at tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina nito.
Do’n naman siya nakahinga ng maluwag ng tuluyang nakaalis sa harap niya si Marcus. Pinaypayan din niya ang mukha gamit ang kamay. Malamig do’n pero pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya. My god! Bakit kasi ganoon siya makatitig?
Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay bumalik na siya mula sa pagkakaupo niya. Bilin sa kanya ng kakambal ay papasok lang siya sa loob ng opisina ng Boss nito kapag pinatawag siya nito. Hindi naman siya tinatawag kaya nanatili lang siya sa kinauupuan habang hinihintay na tawagin siya nito.
Itinapik-tapik nga din niya ang daliri sa table niya dahil nababagot siya. Gusto niyang may gawin, at habang wala pa namang inuutos ang Boss ni Brianna ay inilabas niya ang cellphone at do’n siya nagsulat ng manuscript niya. Sayang din ang oras na makakapagsulat siya kahit na ilang words lang.
At sa sumunod na sandali ay naging abala na siya sa pagsusulat. Nakalimutan na nga niya kung nasaan siya sa sandaling iyon dahil nag-enjoy na siya sa pagsusulat. Patuloy kasi ang pagdaloy ng ideya sa isip niya kaya patuloy din ang pagtipa niya sa cellphone. Ganoon siya kung minsan, kapag nasa harap ng laptop o cellphone at nagsusulat siya ay parang may sarili na siyang mundo. Nakatutok na kasi ang atensiyon niya sa sinusulat na para bang nando’n siya mismo sa setting nang sinusulat niya.
Pero mayamaya ay inalis niya ang tingin sa hawak na cellphone nang makarinig siya ng isang malakas na pagtikhim. Nag-angat siya ng mukha at hindi niya napigilan ang manlaki ng kanyang mata nang sumalubong sa kanya ang isang gwapong lalaking nakakunot ang noo habang matamang nakatitig sa kanya.
Hindi niya napigilan ang pasadahan ito ng tingin. The man infront of her is dashing handsome. Matangkad ito at sa tantiya niya ay lagpas na anim na pulgada. He was oozing with s*x appeal, too. Bagay na bagay dito ang suot nitong Tuxedo.
Para nga din itong Main Character sa sinusulat niyang mga nobela. Gwapo ang boss ni Brianna pero mas gwapo din ito. Darn. Mukhang lugar ang pinagta-trabahuan ng kakambal ng mga gwapo. Kasi nagkalat ang mga ito do’n. Parang ang sarap tumambay do’n.
Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi sa mga naiisip niya.
Mayamaya ay napakurap-kurap siya ng mga mata ng taasan siya nito ng isang kilay habang nakatitig ito sa kanya.
Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. Tumikhim din siya at nginitian niya ang lalaki na hanggang ngayon ay nakatingin sa kanya. “Good morning, Sir. What can I do for you?” magalang na tanong niya sa lalaki.
“I have an appointment with Marcus,” he said in baritone voice. Pinagdikit naman niya ang labi. Darn, hindi lang sa mukha ito gwapo, pati boses nito ay tunog gwapo din. Pakiramdam nga niya ay nagsisitaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa sandaling iyon. Haist...ang perfect din nito.
“Hmm...name, Sir?” tanong naman niya ng damputin niya ang planner ng kakambal at binuklat niya iyon.
“Apollo,” banggit nito sa pangalan nito. Hinanap naman niya ang pangalan ni Apollo sa planner na hawak niya. At nabasa at nakita niya ang pangalan nito do’n. May appointment nga ito kay Marcus. Kaya pala medyo pamilyar sa kanya ang pangalan nito dahil nabasa na niya iyon kanina noong buklatin niya ang planner ng kakambal. Napataas naman ang isang kilay niya ng mabasa ang buong pangalan nito. His name is Apollo Guevas. At ito ang may-ari ng Guevas Bank. Ang pinakamalaking Bank sa buong bansa. Wow! He is Billionaire just like Marcus.
Nang makita ni Brielle na may appointment nga ang nasa harap ay pinindot niya ang intercom para ipaalam sa Boss ng kapatid na naro’n na si Sir Apollo.
“Hello, Sir.” bati niya nang angatin ni Sir Marcus ang intercom. “Sir, inform ko lang po kayo. Nasa labas na po si Sir Apollo,” imporma niya.
“Okay. Let him in,” wika naman ni Sir Marcus sa kanya.
Tumango naman siya kahit na hindi siya nito nakikita. “Okay, Sir,” sagot niya bago niya ibinaba ang intercom.
“Pasok na po kayo, Sir,” nakangiting wika naman niya dito.
Hindi naman ito nagsalita. Sa halip ay umalis na ito sa harap niya at humakbang na palapit sa pinto ng opisina ni Sir Marcus. Akmang bubuksan nito ang pinto nang mapatigil ito ng tumunog ang ringtone ng cellphone nito. Hindi naman niya inalis ang tingin sa malapad na likod nito ng kunin nito ang cellphone sa bulsa ng suot nitong pantalon at sinagot nito kung sino ang tumatawag dito.
“Babe.”
Hindi napigilan ni Brielle ang pagtaas ng isang kilay nang marinig niya ang sinabi nito. Napansin din niya ang sweet sa boses nito ng banggitin nito ang salitang ‘Babe.’ “I have a meeting right now. I call you kapag tapos na,” malambing na wika nito sa kausap. “Okay. See you later. I love you.”
Nang matapos itong makipag-usap ay tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina.
At habang nakatingin siya sa nakasarang pinto na pinasukan nito ay hindi niya napigilan na isipin na ang swerte ng babaeng na girlfriend nito. Dahil hindi lang gwapo, mayaman at boyfriend nito. Kung mapagmahal pa.
Siya kaya? Kailan din niya mahahanap ang magiging Prince Charming niya?
Nagpakawala naman na siya ng malalim na buntong-hininga. Ipagpapatuloy na din sana niya ang pagsusulat pero tinamad na siya kaya tumitig lang siya sa monitor ng computer niya. At mayamaya ay napatingin siya sa intercom nang tumunog iyon. Dali-dali naman niyang sinagot ang tawag baka may importanteng ipag-uutos sa kanya si Marcus.
“Hello, Sir?”
“Brianna, bring us two coffe here,” utos sa kanya ni Marcus.
“Black or with cream, Sir?” tanong naman niya.
Saglit na hindi sumagit si Marcus. Pero naririnig niya sa background na tinatanong nito si Apollo kung ano ang gusto nito. “Black,” mayamaya ay sagot nito.
“Copy, Sir,” sabi niya. Ibinaba naman na niya ang tawag. Tumayo naman na siya sa kinauupuan niya para sundin ang pinag-uutos sa kanya ni Marcus. Nagpunta siya ng pantry at nagtimpla siya ng kape. Dinagdagan na din niya ng isa at iyon ay para sa kanya. Nang matapos ay inilagay niya iyon sa tray para mahawakan niya ang tatlo. Binitbit na niya iyon ay naglakad na siya. Ipinatong mo na niya sa table niya ang kapeng tinimpla niya para sa sarili.
Kumatok siya ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya. Gamit ang isang kamay ay pinihit niya ang seradura ng pinto at pumasok siya. Tumuon naman ang tingin niya sa dalawa na nakaupo sa sofa habang magkaharap.
“Excuse me, Sir,” pag-i-interrupt niya. Sabay naman na tumingin ang dalawa sa kanya. Pinagdikit naman niya ang mga labi nang makita ang gwapong mukha ng dalawa na nakatitig sa kanya. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad. “Here’s your coffee, Sir,” wika niya. Pagkatapos ay inilapag niya ang dalawang baso sa center table.
Umayos naman siya mula sa pagkakatayo niya. “May ipag-uutos pa po ba kayo, Sir?” tanong niya.
“Nothing. You may go,” wika sa kanya ni Marcus.
Tumango naman siya. Pagkatapos ay lumabas na siya ng opisina.