UMUNGOL si Brielle nang maramdaman niyang may tumatapik sa balikat niya.
“Brielle, wake up.” Narinig niya ang boses ng kakambal niya na si Brianna.
“Don’t disturb me. I’m still sleepy,” groggy pa na wika niya kay Brianna. Pagkatapos niyon ay nakapikit pa din ang mga mata na hinila niya ang kumot at itinalukbong niya iyon sa kanyang mukha para hindi siya ma-istorbo ng kakambal.
Next time, itatago na niya ang duplicate key ng kwarto niya para hindi ito makapasok sa kwarto niya at hindi siya nito istorbohin. Gusto pa niyang matulog dahil inaantok pa siya. Late na kasi siyang nakatulog kagabi dahil may tinapos siyang Manuscript. Halos alas dos na siya ng madaling araw nakatulog.
Brielle Dela Vega is a Romance Novelist. She was also a Full Time Writer, dati ay freelance writer lang siya pero ngayon ay Full Time na. Dati kasi ay nagta-trabaho siya sa isang kompanya hanggang sa mag-resign siya dahil hindi na siya masaya sa trabaho niya. At ayaw din niya sa ibang ka-trabaho niya na walang ibang ginawa kundi pag-usapan siya. Pati na din ang Boss niya, na hindi niya matagalan ang lagkit na tingin na ipinagkakaloob nito sa kanya. May pamilya na nga ito, pero ganoon pa ito kung tumingin sa kanya. At ang isa pang rason kung bakit nag-desisyon siya na mag-resign sa trabaho ay noong inalok siya nitong maging mistress nito. Ibibigay daw nito ang lahat ng gusto niya pumayag lang siyang maging mistress nito. Anong akala nito sa kanya? Na madali siyang mapapayag sa alok nito?
Darn him. Kaya nang araw din na iyon ay nagpasa agad siya ng resignation letter.
At pinili na lang ni Brielle na maging Full Time Writer. At least sa pagiging Full Time Writer niya ay hawak niya ang kanyang oras, hindi lang iyon, wala din siyang pakikisamahan na ka-trabaho niya. Wala siyang Boss na bastos.
Boss lang niya sa Publishing House kung saan siya nagsusulat at ang Editor lang niya ang pakikisamahan niya. And she was thankful dahil mabait ang Boss at Editor niya.
Pero mayamaya ay nawala ang kumot na nakatalukbong sa kanyang mukha. Naiinis naman siyang nagmulat ng mga mata at agad na tumutok ang tingin niya kay Brianna na nakatayo sa harap ng kama. Hilang-hila nito ang kumot niya. Hindi din niya napigilan ang kunutan ito ng noo dahil sa inis na nararamdaman niya para dito. Darn, gusto niya itong batuhin ng unan, sa totoo lang. “What do you need?” tanong niya dito, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Gusto niyang ipakita sa kakambal ang inis na nararamdaman niya para sa susunod ay hindi na nito iyon uulitin. But knowing, Brianna. Hindi nito alintana ang inis na nararamdaman niya. Alam nito kasi na maiinis siya dito sa sandaling iyon pero bukas ay wala na ang inis na nararamdaman niya.
At habang nakatitig siya sa kakambal ay alam niyang may kailangan ito sa kanya kung bakit ito naro’n. Kilala kasi niya ang kakambal, hindi ito mag-i-istorbo sa kanya kung wala itong kailangan. Eh, hindi lang naman iyon ang unang beses na ini-storbo siya nito.
Ngumuso naman si Brianna. Pagkatapos niyon ay umupo ito sa gilid ng kama at matiim siyang tinitigan. “I need your help,” wika nito sa kanya.
Lalo na namang nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. “What is your problem again?” tanong niya. Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na humingi ito ng tulong sa kanya dahil may problema ito. At dahil maunawain siya, lalo na sa pamilya ay hindi niya matiis na huwag tulungan ang mga ito. Lalo na ito, lahat ng tulong o pabor na hinihingi nito ay binibigay niya. Well, hindi lang naman siya ang ganoon. Pati na din si Brianna, iba din kasi kapag kapamilya niya ang humihingi ng tulong. Hindi niya matitiis.
“Pwede ka ba ulit na magpanggap na ako?” wika nito sa kanya.
“What?” tanong niya.
Kumibot-kibot naman ang labi ni Brianna habang nakatingin sa kanya. “Please, Brielle. Help me,” wika nito. Itinaas pa nito ang isang daliri sa ere para ipakita iyon sa kanya. “Last na talaga itong hinihiling ko sa `yo. Pagkatapos nito ay hindi na kita kukulitin at iistorbohin,” pagpapatuloy pa na wika ng kakambal. Nag-puppy eyes pa ito habang nakatingin sa kanya.
Nagpakawala naman si Brielle nang malalim na buntong-hininga. Saglit din niyang ipinikit ang mga mata. “What do you want me to do?” tanong niya sa kakambal. Pinagbigyan niya ito hindi dahil sa sinabi nito sa kanya na last na siya nitong kukulitin at iistorbohin. Alam kasi niyang hindi iyon ang huling beses na hihingi ito ng tulong. Gaya nga ng sinabi niya ay kilalang-kilala niya ito. Pumayag na siya dahil alam niyang hindi siya nito titigilan hanggang sa hindi siya nito napapayag.
Napansin naman niya ang pag-aliwalas ng mukha nito at ang pagsilay ng ngiti sa labi nito nang mapapayag siya nito.
“Pwede bang ikaw mo na ang maging Brianna sa opisina,” sagot nito sa tanong niya. “May importante kasi akong pupuntahan ngayon. At hindi ako pwedeng mag-leave dahil kailangan ako ni Boss,” dagdag pa nito.
She took a deep breath. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nagpanggap si Brielle bilang Brianna sa pinagta-trabahuan nito. Noong nagkasakit ito ay siya ang pumasok sa trabaho bilang ito. Sakto kasing may meeting ang Boss nito noong magkasakit ang kakambal niya at hindi ito pwedeng mag-leave dahil kailangan ito ng Boss nito. Sinabi din sa kanya ni Brianna ang mga dapat at hindi dapat niyang gawin habang nasa opisina siya. Tinandaan naman niya lahat ng bilin at sinasabi nito sa kanya para hindi siya magkamali at para hindi siya mahuli na hindi siya si Brianna. Baka mapagalitan pa ang kapatid ng Boss nito kapag nahuli siya na nagpapanggap.
Secretary kasi ang kakambal sa isang malaking kompanya sa Pilipinas—ang Del Mundo’s Group of Company na pagmamay-ari ni Marcus Del Mundo. Hindi naman siya nahirapan sa pagpapanggap niya dahil kilala niya ang kakambal. Kabisado niya ang bawat kilos nito kaya madali para sa kanya ang maging si Brianna. Hindi lang iyon, Identical twins din sila. Magkamukha kasi silang dalawa ng kakambal. At pamilya lang nila at malalapit na kaibigan ang nakakapag-categorize kung sino si Brianna at kung sino si Brielle. Hindi nga lang iilang beses na napagkamalan siyang si Brianna ng nakakakilala sa kanila. Minsan kino-correct niya, at kapag nag-trip siya ay hinahayaan lang niyang mapagkamalan siyang si Brianna.
At para naman hindi na malito ang iba ay pinakulot ni Brianna ang mahabang buhok nito. Samantalang straight naman ang buhok niya. Sa paraan na iyon ay hindi na malilito ang nasa paligid nila.
At kapag tititigan naman silang mabuti ay do’n din malalaman kung sino si Brianna at Brielle dahil magkaiba ang kulay ng mga mata nila. Kulay brown ang mga mata niya samantalang kulay itim ang mga mata ni Brianna. Do’n lang sila hindi magkapareho ng kakambal.
Mayamaya ay napansin ni Brielle na sumulyap si Brianna sa alarm clock niya na nakapatong sa bedside table.
“Alas sais na. Bumangon ka na para mag-ready. Hindi ka pwedeng ma-late,” wika nito sa kanya. Pagkatapos ay hinawakan nito ang isang kamay niya para tulungan siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. Mahinang itinulak pa siya ng kakambal patungo sa banyo na nasa loob ng kwarto niya.
Ngumuso naman si Brielle nang makapasok siya sa loob ng banyo. Nag-umpisa naman na siyang naligo at hindi naman siya masyadong nagtagal do’n. Nang matapos ay lumabas na siya at nakita niyang naro’n pa si Brianna sa kwarto niya. Nakaupo ito sa gilid nang kama at nang magtama ang mga mata nila ay awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi nito. Sinimangutan naman niya ito, pero tumawa lang naman ito sa kanya.
Mayamaya ay napatingin naman siya sa hawak nitong damit nang itinaas nito iyon sa harap niya. “Wear this,” wika nito sa kanya. Nakita niyang formal attire ang hawak nito. Iyon kasi ang madalas na isuot nito kapag papasok ito sa trabaho.
“Walang slacks?” Tanong niya na nakasimangot pa din, skirt kasi ang gusto nitong ipasuot sa kanya.
Umiling naman ito. Tumayo ito at naglakad palapit sa kanya. “Huwag ka nang maarte. Basta isuot mo na lang ito,” wika nito sabay abot sa kanya.
Pinaningkitan naman niya ito ng mga mata. “Mag-back out na lang kaya ako?” sabi niya, pinamaywangan pa niya ito.
“Binibiro lang naman kita. Hindi ka naman mabiro. Smile ka na, sige ka, hindi ka magkaka-boyfriend kung lagi kang nakasimangot,” wika pa nito sa kanya.
Lalo naman niya itong pinaningkitan pero nginitian lang siya nito. “Sige na, magbihis ka na para hindi ka ma-late. Ayaw ni Boss na nali-late ako sa opisina,” mayamaya ay wika ni Brianna sa kanya.
Wala naman na siyang nagawa kundi sundin ang sinasabi nito. Hindi na din siya nahiya na isuot iyon sa harap nito dahil ilang beses na din naman niyang ginawa ang magbihis sa harap ng kakambal at kung minsan ay ito din. Sanay na sanay na silang dalawa. Eh, dati nga, noong magkasama pa sila sa iisang kwarto at sabay pa silang maligo na dalawa sa loob ng banyo. Dahil kung maghihintayan pa sila ay lalo silang magtatagal. Lalo na ito, ang tagal nitong maligo. Mukhang natutulog pa ang kakambal sa loob ng banyo. “Halika, ayusan kita,” wika din nito sa kanya. Naging sunod-sunuran na din siya sa kakambal. Hinayaan lang niya ito na ayusan siya. Eh, sa kanilang dalawa ay mas maalam ito. Mas kikay kasi si Brianna kaysa sa kanya.
At makalipas ang ilang minuto ay natapos na din si Brianna sa pag-aayos sa kanya. Napatitig naman siya sa sariling repleksiyon sa vanity mirror niya. Now, she really looks like her Twin sister. Gayang-gaya na niya ang porma at ayos nito. Kinulot din nito ang buhok niya para hindi mahalata na hindi siya si Brianna. Hindi naman masyadong reaveling ang suot niya, dahil hanggang tuhod naman niya ang skirt. She looks really an office girl.
“Kamukha mo na talaga ako,” wika ng kakambal na may ngiti sa labi.
Tinaasan naman niya ito ng isang kilay. “Of course? Identical twins tayo. Eh, `di magkamukha tayo,” sabi niya dito.
Tumawa lang naman ito bilang sagot.
“Okay na. Alis ka na para hindi ka ma-late,” mayamaya ay wika nito sa kanya.
Sinimangutan naman niya ang kapatid. Hindi man lang siya nito pinag-almusal. “Akin ang sahod mo ngayon. Double pay, ha,” wika naman niya dito. Siyempre, siya ang pumasok kaya dapat lang na mapunta sa kanya ang sahod nito. Sayang din iyon.
Humalakhak na nag-thumbs up naman ang kakambal. “Okay,” wika nito.
Sabay naman na silang lumabas na dalawa sa kwarto. “Ako na ang bahala kina Papa,” wika naman nito.
She rolled her eyes. “Dapat lang,” wika naman niya dito.
Inihatid naman siya ni Brianna hanggang sa gate ng bahay nila. Ito na din ang nagpara ng masasakyan na Taxi. At bago siya sumakay do’n ay kumaway pa ang kapatid. Inismiran lang naman niya ito.