NANG matapos kumain si Brielle ng lunch sa cubicle niya ay niligpit niya ang mga pinagkainan. Nag-spray din siya ng alcohol para mawala ang amoy ng kinain niya sa sandaling iyon.
Tiningnan naman niya ang wristwatch na suot. At nakita niyang may fourty minutes pa siya. Halos 20 minutes lang siyang kumain. At dahil may one hour break siyaa ay kinuha niya ang cellphone. Naisipan kasi niyang magsulat sa cellphone niya ng manuscript. Sayang naman kung maka-ilang word count siya sa break niya.
Brielle Dela Vega is a Romance Novelist. Freelance writer siya sa isang publishing house. Bata pa lang siya ay mahilig na siyang magbasa ng mga romance novel. At do'n din niya nakahiligan na magsulat ng mga fictional na kwento, gusto din niyang makita iyong pangalan niya sa mga bookstore sa iba't ibang panig ng bansa. Gusto din niyang maging writer, kahit na hindi masyadong sikat basta ma-share lang niya sa mga readers niya ang mga akda niya. Makapag-bigay din siya ng inspirasyon.
Kaya naisipan ni Brielle na magsulat ng kwento at magpasa sa isang kilalang publishing house. Sinuwerte naman si Brielle dahil natanggap ang manuscript na pinasa niya. Maganda din ang feedback na natanggap niya sa kanyang editor. To be honest, ay nakakakilig ang feedback sa kanya. And after a month ay na-publish na ang unang kwento niya. Kianna ang ibinigay niyang pangalan ng hingan siya ng pen name ng editor niya. Kianna din din kasi ang pangalan ng Main character ng unang libro niya kaya iyon ang naisipan niyang ibigay na pen name.
Naging best seller nga din ang unang libro niya na halos 30 thousand copies ang na-sold. At sa loob ng dalawang taon na pagiging freelance writer ay mahigit isang daan na ang na-publish niyang libro. Marami na nga din siyang readers.
Pinagsabay nga din ni Paige ang pagiging writer at ang pagiging isang secretary. Nagta-trabaho din siya sa isang Advertising Agency at siya ang Secretary ng may-ari.
Hindi naman napigilan ni Brielle ang mapasimangot nang maalala niya ang boss niyang may pagka-manyakis. Nitong makalipas na araw ay napapansin ni Brielle ang lagkit ng tingin ng boss niya sa kanya. Naiinis naman siya dito dahil kahit na may pamilya na ito ay ganoon pa ito kung tumingin sa kanya. Malapit na nga itong mag-senior citizen pero mukhang tumatanda ito ng paurong sa inuugali nito.
Ipinilig na lang naman ni Brielle ang ulo para maalis sa isip niya ang boss niya. Pagkatapos niyon ay itinuon na niya ang atensiyon sa hawak na cellphone.
Kapag may free time talaga si Brielle sa opisina ay ginigugol niya ang oras sa pagsusulat. Para naman pagdating niya sa bahay ay konti na lang ang isusulat niya. At hindi na siya magpupuyat para makatapos siya ng ilang chapter.
At kung kailan naman dumadaloy ang ideya sa isip niya ay na-istorbo siya ng tumunog ang intercom ng telepono. Napasimangot naman siya ng i-alis niya ang tingin sa cellphone at inilipat niya iyon sa telepono na tumutunog.
Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga bago niya sinagot ang tawag. "Hello, Sir?" wika naman niya nang sagutin niya ang tawag nito.
"Come to my office," utos naman ng boss niya sa kanya.
"Okay po, Sir," sagot naman niya bago niya ibinaba ang tawag.
Sinave mo na Brielle ang sinusulat niya bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa chair niya. Kinuha naman niya ang ballpen at planner niya saka siya humakbang patungo sa pinto ng opisina ng boss niya. Kumatok naman siya ng tatlong beses bago niya pinihit ang seradura pabukas.
Pigil naman ni Brielle na paningkitan ng mata ang boss niya nang makita ang lagkit ng titig nito ng pumasok siya sa loob ng opisina nito.
"Close the door, Brielle," utos naman nito sa kanya ng hindi niya isarado ang pinto. Sinadya talaga niyang huwag iyong isarado. Pero sa pagkakataong iyon ay wala siyang nagawa kundi isarado ang pinto. Pagkatapos ay naglakad siya palapit sa executive table nito.
"May ipag-uutos po ba kayo, Sir?" tanong naman niya dito. Ni-ready naman na niya ang hawak na planner at ballpen dahil isusulat niya do'n ang sasabihin nito para hindi niya makalimutan.
Hindi naman ito sumagot. Sa halip ay inusog nito ang swivel chair nito at isinandal nito ang likod do'n. Kita tuloy niya ang laki ng tiyan nito sa suot nitong long sleeves. Tumitig din ito sa kanya, hindi naman niya napigilan ang paghigpit niya sa hawak na ballpen sa sandaling iyon.
Kung hindi lang kasalanan, sinaksak na niya ang mata nito ng ballpen.
Calm yourself, Brielle.
Tumikhim siya para maalis ang titig nito sa kanya. "Sir?" untag niya.
"May gusto akong i-alok sa 'yo," wika naman nito sa kanya mayamaya.
Hindi naman niya napigilan ang mapataas ng isang kilay sa sinabi nito. "Anong gusto niyong i-alok, Sir?" tanong naman niya.
"Gusto mo bang kumita ng malaking halaga?" wika naman nito sa kanya sa seryosong boses. Sinabi din nito kung magkano ang halaga na kikitain niya na sinasabi nito. At isa na naman niyang kilay ang tumaas dahil halos triple sa sahod niya ang sinasabi nitong kikitain niya. "Plus a brandnew car, branded bag and shoes and a house and lot," dagdag pa na wika nito.
"What kind of job, Sir?" tanong pa din niya. Kahit na nagtanong siya ay hindi pa din niya tatanggapin ang inaalok nito.
Napansin naman niya ang pag-ngisi nito. Mukhang inisip nito na interesado siya sa trabahong inaalok nito sa kanya dahil sa pagtatanong niya. "Be my woman, Brielle," wika naman nito sa kanya.
Hindi naman niya napigilan ang pagkuyom ng nga kamao sa sinabi nito. "Excuse me, Sir?"
"Be my woman," ulit na wika nito. "At ibibigay ko sa 'yo lahat ng gusto mo. Kung hindi pa din sapat para sa 'yo ang perang sinabi ko kaya ay ko iyong dagdagan. Pumayag ka lang na maging babae ko," wika nito sa kanya. "Name it."
Gusto naman niyang sumuka sa sinabi ng Boss niya. Mahal at may respeto naman siya sa sarili niya. May takot din siya sa Diyos at hindi sumagi sa isipan niya na maging kabit lang ng kung sino man. Hindi niya kailangan ng malaking pera para mabuhay at sa masamang paraan pa. Kaya niyang mabuhay sa sarili niyang sikap at hirap.
"Hindi mo na din kailangan mag-trabaho kung pumayag ka sa inaalok ko. Pero mas maganda kung magpapatuloy ka bilang secretary ko para kapag kailangan kita--
"Ayoko," putol niya sa anumang sasabihin nito, lalo ding kumuyom ang kamao niya. Ayaw din kasi niyang marinig ang iba pa nitong sasabihin. At sa sandaling iyon ay gusto niyang sampalin ang boss niya sa kapal ng mukha nito.
Fuck him to the highest level!
"Anong akala mo sa akin, Sir, easy to get na babae. Kahit na bigyan mo ako ng isang milyon buwan-buwan hindi pa din ako papayag na maging babae mo. Over my dead body," sabi niya.
Naningkit naman ang mga mata ng boss niya sa sinabi niya. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Bubuka din sana ang bibig nito para magsalita ng mapatigil ito ng tumalikod siya at nag-martsa siya palabas ng opisina nito.
Tinawag nito ang pangalan niya pero hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.
Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga para kalmahin ang sarili. Lalo na ang nararamdamang inis at galit sa boss niya.
Bumalik naman siya sa cubicle niya at sa halip na umupo siya sa harap ng cubicle niya ay inayos niya ang lahat ng gamit. Ayaw na niyang manatili do'n.
Akmang aalis na siya ng mapatigil siya ng may naalala. Binuksan niya ang drawer do'n at kinuha ang envelope na naroon at saka siya bumalik sa loob ng opisina ng boss niyang manyakis.
"You came back. Nagbago ba ang isip mo? Pumapayag ka na ba?" wika naman nito nang makita siya nito.
Sa halip naman na sagutin ito ay lumapit siya dito. At saka niya ibinagsak ang hawak na envelope sa executive table nito. Naglikha pa nga ng ingay ang ginawa niya.
"My resignation letter as your Secretary, Mr. De Guzman," may diin ang boses na wika niya. Hindi na din niya ito tinawag na 'Sir' dahil sa sandaling iyon ay hindi na niya ito boss. Matagal na niyang ginawa ang resignation letter niya dahil may plano na talaga niyang umalis sa pinagta-trabahuan. Ngayon ay maibibigay na talaga niya iyon dito. "And I am no longer your secretary at this moment," dagdag pa niya.
Hindi na din niya ito hinintay na magsalita. Nag-martsa na siya ulit paalis ng opisina nito at paalis sa kompanya.
At hinding-hindi na siya babalik do'n.