NAPABALIKWAS ng bangon si Brielle nang makarinig siya ng kalabog mula sa kabilang kwarto. Mabilis naman siyang bumaba ng kama para tingnan kung ano iyon. At sa sobrang pagmamadali niya ay muntik na siyang mapasubsob kung hindi lang niya agad na-i-balanse ang katawan. Darn. Lumabas siya ng kwarto at nagtungo siya sa katabing kwarto. Bumuntong-hininga mo na siya bago tumaas ang isang kamay niya para kumatok sa pinto. Wala naman siyang narinig na sagot mula dito. Kaya napagpasyahan na lang niyang pihitin ang seradura pabukas. May permiso naman siya sa pamilya nito na pwede siyang pumasok sa loob ng kwarto kahit na ayaw nito. Pagkabukas niya ng pinto ay pumasok siya. At agad niyang hinagilap kung nasaan si Apollo. Nakita naman niya itong nakatayo sa tabi ng kama. At hindi niya napigilan