NAG-ANGAT ng tingin si Brielle nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Pagkaangat ay nakita niya ang kaibigan si Marie na nakatingin sa kanya. "Brielle," sambit ulit nito sa pangalan niya ng magtama ang mga mata nila. "Marie," banggit niya sa pangalan. Matalik na kaibigan niya si Marie, kaklase niya ito noong first year college siya. Naging matalik niya itong kaibigan noon. At hanggang ngayon, naging matatag ang pagkakaibigan nilang dalawa. Lumapit naman ito sa kanya. Pagkatapos at umupo ito sa tabi niya. Nasa ospital pa din siya sa sandaling iyon. Binabantayan kasi niya ang kakambal niyang si Brianna. Umuwi naman sa bahay ang Mama at Papa niya. Salitan kasi sila sa pagbabantay sa ospital. Dalawang araw na ang lumipas simula noong malaman nila ang sinap