PAGOD na pagod si Brielle ng pumasok siya sa bahay nila. Pakiramdam nga niya ay anumang oras ay babagsak na siya. Kulang kasi siya ng tulog, idadagdag pa ang bigat na nararamdaman niya sa nangyari. Pagkatapos niyang magbantay sa ospital ng buong araw ay pinalitan siya ng magulang niya ng pagdating ng mga ito sa ospital ng alas sais ng gabi. Umuwi mo na daw siya para nakapagpahinga siya ng maayos. Hindi naman na nagdalawang isip si Brielle, umuwi na siya. Kailangan talaga niyang magpahinga, baka magkasakit din siya. Gusto din naman niyang maging malakas para kay Brianna at para na din sa mga magulang niya. Nagpatuloy naman si Brielle sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa loob ng kanyang kwarto. Pagkapasok nga niya ay agad niyang ibinagsak ang katawan. At dahil sa sobrang pagod n