NAKABALIK na ako sa house namin. Hininto ni kuya Gio ang kotse sa mismong tapat ng main door ng bahay.
“Thank you po, kuya Gio!” nakangiting sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob.
Tahimik na kapaligiran ang sumalubong sa akin ngayon. Malamig na hangin ang tumama sa aking balat ngayon.
“Good afternoon po, Miss Rosalie!” saad ng isa naming kasambahay sa akin.
Tinignan ko lamang siya at ngumiti. Dumiretso akong umakyat sa second floor ng aming bahay. Heto ang mahirap sa dalawang anak lamang and parehong business minded ang parents, naiiwan lagi kayong mag-isa sa bahay.
Pinihit ko na ang door knob kong pink sa door kong pink din. Pumasok ako at bumungad sa akin ang malamig na hangin sa room ko. Binaba ko ang pink bag ko sa gilid ng aking study table. Lumakad na rin ako papasok sa akong walk-in closet ko. Umupo ako sa mini sofa na mayroʼn ako rito at tinanggal ang aking suot na white shoes. Sunod kong ginawa ay tinanggal ang suot kong uniform.
Last day na suot ko ito dahil sembreak na namin.
Hubud-hubad akong lumakad papunta sa bathroom ko para maghilamos. Pinuno ko ng tubig ang bathtub kong pink din. Naghintay ako roon hanggang makitang malapit nang mapuno at nilagay ko ang letter R na bath bomb ko roon.
Nagiging pink na rin ang tubig at bumubula na rin ito.
Lumubog na rin ako sa bathtub at napapikit ako sa sobrang sarap sa pakiramdam ko ngayon. Tumagal ako ng ilang minuto rin hanggang nagpasya na rin akong umahon sa bathtub at nag-hot shower. Nang matapos rin akong mag-shower ay pumasok na muli ako sa walk-in closet ko, kumuha ako ng blouse and shorts ko. Naglinis na rin ako ng face ko and naglagay ng serum, to maintain my beautiful face.
Lumabas na rin ako sa walk-in closet ko. Lumakad na akong palabas sa room kong napupuno ng pink. Lumakad ako sa hagdan naming kulay ginto at tanging paglalakad ko lamang ang umiingay sa paligid ngayon.
“Diane, anong oras po uuwi sina mom, dad and kuya Rash?” tanong ko sa kasambahay naming naabutan kong naglilinis ng mga figurine ni mommy.
Napatingin siya sa akin at napaisip. “Narinig ko po kanina kay mayordoma, na mala-late po sila ng uwi, Miss Rosalie,” saad niya sa akin. “Um, about naman po kay sir Rash, Miss Rosalie, hindi ko po alam kung mala-late rin po siyang uuwi,” dagdag na sabi niya sa akin.
Tumingin na lamang ako sa kanya at tumango. “May dinner na bang niluto tonight, Diane?” tanong ko sa kanya bago ako pumunta sa dining hall namin.
Tumango siya sa akin. “Nakapagluto na po si Victoria kanina, Miss Rosalie!” sagot niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.
“Okay, mag-e-earlier dinner ako today, Diane. If maagang dumating sina mom or dad either si kuya Rash, pakisabi na lamang sa kanila na tapos na akong mag-eat, okay.” saad ko sa kanya at nakita ko ang kanyang pagtango sa akin.
Hindi ko na siya pinansin at nag-umpisa na akong lumakad sa dining hall namin. Sobrang tahimik dito kaya ang ginawa ko ay binuksan ko ang television na mayroʼn dito sa dining hall. Binuksan ko ito at pumunta sa app na YouVid, nagpatugtog na lamang ako para hindi tahimik ang paligid ko ngayon.
Hinayaan ko iyong nakabukas at pumunta ako sa kitchen namin para kumuha ng pagkain ko for my dinner. Hindi ko alam sa isipan ko pero bigla ulit akong nagutom kahit kakakain ko lang sa campus kanina. Actually, hindi ko nga nalasahan ang pagkain ko kanina dahil ang inaalala ko ay ang reply ni Agustin kanina.
Kumuha na ako ng food kong sinigang na hipon and beef with broccoli. Ganito sa bahay namin, always dalawang putahe ang food every lunch and dinner. Iyon din kasi ang gusto ni mommy. Pero, sa lunch naman ay depende kung weekends or holiday sa school or sa company dahil nandito kami sa house nuʼn. Kaya mostly tuwing dinner ang always naka-dalawang putahe ng food.
Nilagay ko sa tray ang dalawang mangkok na mayroʼn ako, which is sa sinigang na hipon and beef broccoli. Nagsandok na rin ako ng rice ko and isang cup lamang iyon. Mina-maintain ko ang aking weight dahil pakiramdam ko ay tumataba na ako kaya moderate lang talaga ang pagkain ko nowadays.
Nilagay ko na rin sa tray ang plates kong with one cup of rice. And, buko juice na nasa pitchel naming kulay gold. Si mom ang namili nito.
Bumalik ako sa dining hall namin at doon ay nilapag ang mga pagkaing kinuha ko sa kitchen namin. Habang kasabay ang music na plinay ko ay kumain na rin ako. Naging masarap ang pagkain ko ngayong gabi kahit ako lamang mag-isa rito sa dining hall namin. Nang matapos na akong kumain ay dinala ko na lamang iyon sa sink at hinayaan na roon.
May maghuhugas naman doon.
Lumakad na ako pabalik sa room kong kulay pink. Umupo ako sa kama at kinuha ang aking phone. Sobrang dismayado pa rin ako dahil until now wala pa ring reply si Agustin sa akin.
Huminga akong malalim nang maalala ko ang binilin ni kuya Rash sa akin kanina. Need pala nilang magkita dahil may pag-uusapan sila about sa business. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol doon.
“Babe, muntik ko ng makalimutan to tell you! Need niyo pala magkita and magkausap ni kuya Rash! May pag-uusapan daw kayo about sa business! And by the way, donʼt forget our Paris this Sunday, ha? I love you, Agustin!”
Mahabang chat ko sa kanya at sinend ko rin agad iyon sa kanya. Nakita kong 30 minutes ago ka siyang online.
Kaya imbis na hintayin ang reply niya ay nanood ka lamang ako rito sa room ko ng KDama, itʼs about romance love story sa pagitan ng college students. Doon ko na lamang tinuon ang aking isipan kaysa kay Agustin.
Our Semestral break start today! Late na akong nagising kahit maaga yata akong nakatulog kagabi. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kagabi habang nanonood ng KDrama. Siguro dahil sa pagod at pagkainis ko kay babe kahapon kaya nakatulog na ako.
Napabangon na ako. Napaupo ako sa kama at sumandal sa headboard ng kama ko. Tinitigan ko ang aking 55 inches television, patay na iyon. Natatandaan ko ay naiwan ko iyong nakabukas kaya paniguradong talagang may pumasok sa room ko.
Paniguradong si kuya Rash ang pumasok sa room ko at nag-off ng aking television.
Napahikab ako nang malaki at kinusot ang aking mga mata, sabay ng pagkatulala ko na lamang sa pader ng room kong kulay pink.
Wall paper ko ay pink. Bedsheets ko ay pink. Sofa ko ay pink. Carpet ko ay pink. Lahat ay pink.
Heto ang favorite kong color.
Ilang minuto ang tinagal ko sa pagkatulala nang makapag-decide akong bumangon na. Umupo ako sa gilid ng kama at nakita ko roon ang aking phone kaya bago ako lumakad papasok sa bathroom ko ay kinuha ko muna iyon.
Nakita ko ang iilang messages na mula kay babe. Napangiti ako nang dahil doon. Mukhang maganda ang Saturday morning ko dahil kay babe!
Dinampot ko iyon at binuksan ko agad ang message ni babe. Napangiti ako nang mabasa ko ang reply niya sa akin.
“Babe, good morning! Ngayon lang nakapag-reply. Busy lang ako sa work yesterday kaya hindi ako makapag-reply sa iyo. By the way, nakapag-usap na kami ni kuya Rash thru phone, babe! Magme-meet kami today. I love you!”
Kinikilig ako nang mabasa ko ang chat niya sa akin. Buo na ang umaga ko dahil message niyang ito. Pero, may isa pa siyang message na lalong nagpakilig sa akin.
“Paris, babe? Of course, tuloy tayo this Sunday, I mean, tomorrow! Mag-iimpake na ako later, Rosalie! See you tomorrow, okay? I love you too!”
Basa ko muli sa second chat niya sa akin kaya lalo akong kinilig. Buong-buo na ang umaga ko ngayong araw. Nakaligo na atin ako at lumabas sa room ko. Naka-smile ako ng todo habang naglalakad pababa para kumain ng breakfast today.
I need to go to parlor ni mom later para magpa-treatment ng hair ko. Ayoko namang maging haggard pagpunta namin sa Paris tomorrow.
Need kong maging maganda kaya dapat maganda ako pagpumunta kami sa Paris.
“Good morning, kuya Rash!” malaking ngiting sabi ko sa kanya nang makita ko siyang papunta na rin siya sa dining hall.
Napalingon siya sa akin at malaking ngumiti rin sa akin. “Good morning too, my beautiful sister!” sabi niya sa akin at hinintay na niya ako.
Masayang lumapit ako sa kanya at niyakap niya akong mahigpit, sabay na kaming lumakad papunta sa dining hall namin. Nadatnan namin doon sina mom and dad na nakaupo na rin sa dining namin.
“Good morning po, mom and dad!” masayang sabi ko sa kanya. Hinalikan ko sila sa kanilang pisngi. Umupo na rin ako pagkatapos nuʼn.
“You are happy today, Rosalie, huh? Did something good happen to you today?” nakangiting tanong ni mommy sa akin, katabi ko lamang siya ngayon.
Ngumiting tumango ako sa kanya. “Of course, mom! Tuloy na tuloy kami tomorrow ni Agustin papunta sa Paris! You know naman na about our plan, right?” saad ko sa kanila.
Nakita ko ang pagtingin nila sa akin. Hinihintay kong may masabi sila sa akin pero wala naman. Ngumiti lamang sila sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanila.
Kumain na kaming lahat at nauna na naman akong natapos kumain. Nagpaalam na rin ako sa kanila dahil may appointment pa ako sa salon ni mommy pero hindi ako sa main branch niya pupunta. Nagpahatid ako kay kuya Gio sa parlor ni mommy, ang Me Beauty salon. Nang makarating ako roon ay lumabas na rin ako. Sinabihan na rin ako ni kuya Gio na hihintayin na lamang niya ako, kaya sinabi ko na maghintay na lamang siya sa kalapit na fast food restaurant.
“Hello, good morning po!” nakangiting sabi ko sa kanila nang makapasok ako sa loob ng salon nila.
“Good morning po, Miss Rosalie!” nakangiting bati sa akin ng Manager ng branch na ito nang makita nila ako.
Ningitian ko lamang sila at pinasunod nila ako sa kanila. Pinaupo nila ako sa pink na sofa at agad na inasikaso. Inayos na nila ang buhok ko at maging ang kamay and paa ko. Tatlo na silang gumagawa sa akin para mapabilis ang kanilang kilos at matapos din agad ako.
Lumipas ang halos dalawang oras nang matapos na rin ako. Nagustuhan ko ang ginawa nilang color sa aking buhok, na milk tea color. Nag-compliment iyon sa kulay ng aking balat.
Ngumiti ako sa kanila at nagbayad na rin ako. Lumabas na rin ako sa salon nila at pinuntahan si kuya Gio sa fast food restaurant.
Nagbayad pa rin ako kahit pagmamay-ari ni mommy ito. Walang anak-anak sa isang business.
“Tara na po ba, Miss Rosalie?” tanong niya sa akin nang makita niya ako.
Ngumiting umiling ako sa kanya. “Kain po muna tayo, kuya Gio! My treat!” malakas na sabi ko sa kanya.
Kaya imbis na umupo sa table ni kuya Gio ay pumila na ako sa may cashier para bumili ng food namin. Nagutom na rin kasi ako habang inaayusan ako kanina. Habang nakapila ako ay may naamoy akong mabango, inamoy ko iyon hanggang mapatingin ako sa isang lalaki na naka-all black na formal attire.
Napatingin ako sa kanya pero hindi ko makita ang mukha niya. Naka-facemask din siyang black kaya mata lamang niya ako nakikita ko ngayon.
Dama kong hot siya kahit naka-facemask siya ngayon. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya at hindi lamang ako ang nakatingin sa lalaking nasa kabilang side ngayon ng cashier. Halos lahat ng mga babaeng nakapila ngayon ay nakatingin sa kanya.
Napaiwas ako ng tingin nang mapatingin siya sa side namin. Patay malisya akong tumingin sa ibang bagay. Tumingin ako sa menu na nasa itaas at kunwari ay namimili ako kahit alam ko naman na ang o-order-in ko ngayon.
“Sir, whatʼs your order po?” malambing na sabi ng cashier kaya napangiwi ako sa sinabi niya.
Ang arte!
Ang landi!
“Two bucket of chicken and large fries. Thatʼs it!”
Napalingon ako sa lalaking tinitignan ko kanina, nang marinig ang boses niya. Buong-buo iyon.
Maging ang boses niya ay hot!
“Take out? Or, dine in, Sir?” tanong muli ng cashier sa kanya.
“Take out.” Ganoʼn pa rin ang boses niya, buong-buo at swabe ang tone ng kanyang boses.
“Hereʼs your order, Sir! Please, come again!” malanding sabi ng cashier sa lalaking iyon.
Napatingin ako sa kanya pero ganoʼn ang gulat ko nang mapatingin din siya sa akin ngayon. Kaya imbis na umiwas sa kanyang tingin ay hindi ko magawa, para akong nilulunod ng kanyang tingin ngayon.
Sino kaya ang lalaking iyon?
Bakit pakiramdam ko ay nakita ko na siya kahit mata lamang niya ang nakita ko ngayon?
Nakagat ko na lamang ang aking ibabang labi at hinayaan na lamang ang aking iniisip ngayon.