NAKAUPO ako ngayon sa dinning namin ngayon. Tahimik lamang akong kumakain habang sina daddy and kuya Rash ay nag-uusap about sa business na mayro'n kami. Isang hotel na ang nag-aasikaso ay si kuya Rash and mayro'n din kaming maliit na construction building, si dad naman ang namamahala roon.
“I'm done! Maraming salamat po sa food!” saad ko sa tahimik na surroundings naming apat.
Si mommy kasi ay hindi sumasabay sa usapan nila. Mayro'n din kasing business si mommy at about iyon sa nails salon.
“Rosalie, ilang months na lamang ay ga-graduate ka na. Nakapagdesisyon ka na bang i-pursue ang course mong iyan?”
Napabuga ako nang marinig na naman ang tanong ni daddy sa akin. Actually, ayaw niyang mag-nurse ako pero no choice siya dahil heto talaga ang kinuha ko.
Simula bata ay ginusto at pinangarap ko ng maging nurse at dahil iyon kay ate Marian — ang pinsan ko sa side ni daddy. Head nurse na siya ngayon sa isang public hospital.
“Sure na po ako, daddy! Wala na po akong balak na kumuha ng ibang course,” sagot ko sa kanya.
Nakita ko ang pagtingin nina mommy and kuya Rash sa akin. “Dad, pabayaan mo na si Rosalie sa gusto niya. Alam mo namang since bata siya ay iyan na ang lumalabas sa bibig niya. Ang maging nurse katulad ni ate Marian,” sabi ni kuya Rash. Tinignan niya ako at ngumiti sa akin. “Pumasok ka na, Rosalie! Mag-iingat ka sa pagda-drive mo and pakisabi kay Agustin na need naming magkita at may pag-uusapan kami about sa business,” ngiting sabi niya sa akin.
Huminga akong malalim at tumango sa kanya. “Sasabihin ko iyon, kuya Rash. I will go now!” sabi ko ulit sa kanila at lumakad na ako palabas sa dining hall.
“Rash, don't spoil Rosalie, so she always gets what she wants!
“Dad, she is my only sibling so I want her to be happy with what she wants. I know you want her to be happy, you too, mom!”
Narinig kong sabi ni kuya Rash bago ako makalayo roon. Kaya favorite ko rin si kuya Rash dahil always siyang naka-support sa akin, maging si mommy. Iyon nga lang ay hindi siya showy. About naman kay dad? Minsan pinapayagan niya ako pero madalas ayaw niya lalo na kay Agustin. Wala raw siyang tiwala na aalagaan ako ng isang iyon. Kung hindi lang daw nakakatulong ang family ni Agustin sa business naming construction ay tutol talaga siya sa relationship namin.
Ang family kasi ni Agustin ay ang supplier namin sa mga bakal at nakakamura kami kapag sa kanila kumukuha ng mga supply. May discount din kasi kaming nakukuha sa kanila.
“Miss Rosalie, good morning po!”
Napatingin ako kay kuya Gio, siya ang nagda-drive sa akin papunta sa campus. Matagal na siyang nagta-trabaho sa amin bilang family driver. Kaya malaki na ang tiwala ng family namin sa kanya.
Tumango ako sa kanya. “Opo, kuya Gio! Pahatid na po papunta sa campus namin,” sabi ko sa kanya.
Lumakad na siya papunta sa parking kung nasaʼn nakaparada ang mga kotse namin. Kinuha niya ang isang white Civic Type R car namin. Pumasok na ako roon sa backseat at sinarado ko ang pagitan sa backseat and front seat.
Ganoʼn ang ginagawa ako kapag hinahatid at sinusundo ako sa campus. Ayoko rin kasi ng kinakausap ako habang nasa byahe, except kung ikaw si Agustin.
I cross my legs habang nakatingin sa window puro kotse lamang ang nakikita ko. Kaya nilabas ko na lamang ang aking phone at chinat ang babe kong si Agustin.
“Babe, masusundo mo ba ako later after school? Maaga ang uwian namin today because last day na namin ngayong araw, babe!”
Sinend ko agad iyon kay babe kaya maghihintay na lamang ako ng reply mula sa kanya.
Napapangiti ako nang maisip ko si Agustin kaya hindi ko napigilang kiligin habang nakatingin ako sa may bintana ngayon.
“Miss Rosalie, nandito na po tayo sa campus niyo,” saad ni kuya Gio sa akin.
Nawala ang aking iniisip nang magsalita si kuya Gio, kaya kinuha ko na ang aking pink bag at binuksan ang divider sa back seat and front seat.
“Thank you, kuya Gio! I will text na lang po in case na magpapasundo po ako, ha?” sabi ko sa kanya at lumabas na sa car namin.
“Sure po, Miss Rosalie!” nakangiting sabi niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.
Lumakad na ako papunta sa building naming mga nursing student. All white ang suot kong uniform, simula sa buhok ko hanggang sa aking sapatos except sa bag kong pink. Kahit last day na namin ay need pa rin namin mag-uniform.
Nakarating na ako sa floor namin at pumasok sa classroom naming sobrang lamig. “Hello, good morning mga people!” masayang bati ko sa mga classmate ko.
Napatingin sila sa akin kaya ngumiti ako sa kanila. Nakita ko ang mga kaibigan kong sina Isa and Lanie — hindi nga namin inaakala na mayaman pala ang angkan nila Isa. Mayaman ang Mama niya kaya sobra kaming nagulat ni Lanie nang dahil doon.
At least, hindi na lamang ako ang mayaman sa aming tatlo.
“Hello, girls!” masayang bati ko sa kanilang dalawa at umupo ako sa desk ko. “Saan ang punta niyo this semestral break natin?” dagdag na tanong ko sa kanila.
“Bahay lang ako this sembreak!” nakangiting sabi ni Lanie sa akin.
“Um, I donʼt know pa kay Kaiju kung saan kami pupunta this sembreak, Rosalie!” saad ni Isa sa akin. “Pero, balak ni Blade na pumunta sa Japan at si Blaze naman ay gustong pumunta sa South Korea. Kaya not sure pa talaga kung saan kami pupunta this semestral break,” pagpapatuloy na sabi ni Isa sa akin.
“Wow! Really, Isa?” tanong ko sa kanya at tumango siya sa akin.
“How about you, Rosalie? Saan ka pupunta ngayon? Kayo ni Agustin?” Ramdam ko ang kilig sa tanong ni Isa sa akin.
Sumandal ako sa chair ko at ngumiti sa kanilang dalawa. “Um, naka-plano kaming pumunta sa Paris this semestral break!” nakangiting sabi ko sa kanilamg dalawa at pinaramda ko ang aking kilig nang sabihin ko iyon.
Nakita ko ang kislap sa mga mata nina Lanie and Rosalie nang sabihin ko iyon sa kanilang dalawa. “Really? Wow! Paris is one of my dream country! Gusto kong puntahan iyon someday!” sabi ni Lanie sa akin.
“You should, Lanie! And, of course, kayo rin dapat ay pumunta sa Paris, Isa!” sabi ko sa kanila. “Donʼt worry, girls, may pasalubong kayo sa akin from Paris!” sabi ko sa kanila at napangiting tumango sila sa akin.
“Thanks na agad, Rosalie!” saad ni Lanie sa akin at tumango ako sa kanya.
Nakangiti pa rin ako sa kanilang dalawa hanggang mawala iyon nang hindi na sila tumingin sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi at palihim kong nilabas ang phone ko para tignan kung nagreply na ba si babe sa akin.
Napabuga na lamang ako nang makitang walang reply mula sa kanya. Pero, nakita kong naka-five minutes ago siya.
Hindi ba niya nakita ang chat ko? Or dineadma niya ako?
The f**k!
Pinakalma ko na lamang ang aking isipan at hindi ko na muna inisip si Agustin nang mag-umpisa ang class namin.
Kahit last day na namin ay nagtututo pa rin sila. Naibigay naman na namin iyong mga requirements namin before the semester end. Kaya bakit need pa rin nila magturo ngayon!
Apat na oras ang tinagal namin sa campus. Lumabas na kami sa classroom namin at pumunta na muna kami sa canteen para kumain. Nakahanap din agad kami ng pʼwesto kaya roon na kami tumambay.
“Ako na mag-buy ng food natin, Rosalie and Isa! What do you want, girls? But, libre niyo, ha?” sabi ni Lanie sa amin kaya napatawa kami sa kanya.
“Ako na ang sumagot sa food natin today,” sabi ni Isa sa amin at binigyan niya si Lanie ng 1k pesos.
Kinuha ni Lanie iyon at lumakad na siya para bumili ng food namin. Alam naman ni Lanie ang favorite naming pagkain kaya kahit hindi na namin sabihin sa kanya.
Naging tahimik ang paligid namin ni Isa nang kunin niya ang kanyang phone, sunod kong nakita sa kanya ay pagngiti niya nang malaki. Mukhang ka-chat niya ngayon ang boyfriend niya. Sabi niya sa amin ay CEO iyon ng isang Entertainment Company. In short, mayaman din.
Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko rin ang aking phone at pinuntahan ko agad ang facetagram account ko. Nakita kong nagreply na si babe sa akin. Nagningning ang aking mga mata nang makita ko iyon. Pero, ang ningning na mayroʼn sa mga mata ko ay biglang naglaho nang mabasa ang reply ni Agustin sa akin.
“Babe, Iʼm sorry! Hindi kita masusundo ngayong araw. May need kaming puntahan ni dad!” Iyon ang reply niya sa akin.
Kinagat ko ang aking ibabang labi at napailing na lamang sa kanya. Labag man sa loob ko ay nagreply ako sa kanya. “No need to say sorry, babe! Si tito iyon kaya need mong unahin siya, okay? By the way, how about sa Paris natin this week? Sa Sunday na ang flight natin, ha? Donʼt forget that, okay?” reply ko sa kanya at sinend iyon pabalik.
Nag-decide kasi kaming mag-Paris ngayong semestral break ko. Pinilit ko rin kasi siya dahil gusto kong makarating doon kasama siya. Kaya ako ang gumastos ng ticket naming dalawa, round-trip iyon.
Kaya dapat matuloy iyon dahil kung ʼdi, masasayang ang pera na pinangbili ko ng plane ticket naming dalawa.
Binalik ko na lamang ang aking phone sa bag ko nang makita ko na si Lanie na papunta na rito sa table namin. Kung gaanong kasaya si Isa na hawak ang phone niya, kaibahan naman sa akin.
Pakiramdam ko ay nanlalamig na siya sa akin.
Nakalapit na sa amin si Lanie at binigay na niya sa amin ang aming mga pagkain. Tahimik kong kinain ang lasagna ko with apple juice.
Hindi ko alam pero nararamdaman kong may nakabara sa aking dibdib ngayon.
“Isa, Lanie, see you after semestral break, ha? Stay in love sa ating lahat!” malakas na sabi ko sa kanilang dalawa at kumaway sa dalawang kaibigan ko.
Nakita ko sina Lanie and Isa na tumingin sa akin. Ngumiti sila sa akin at kumaway rin sila pabalik sa akin.
“See you rin, Rosalie!”
“Ingat sa vacation ng family niyo, Rosalie!”
sabay nilang sabi sa akin at ngumiting ko.
Lumakad na rin ako pabalik sa parking. Nagtext si kuya Gio na nasa parking na siya ngayon at hinihintay ako. Kaya nang makarating ako roon ay nakita ko na agad ang kotse na ginamit niya kanina. Sumakay na ako roon at nakapagpahinga na rin ako.
Pero, isa lang ang problema ko, hindi nagre-reply sa akin si Agustin.