CHAPTER 3

1907 Words
NAKASAKAY na ako ngayon sa car ulit namin. Pauwi na kami ni kuya Gio ngayon sa bahay. Hapon na rin kasi at mag-i-impake pa ako para sa flight namin ni babe tomorrow papunta sa Paris. Maayos na ang itsura ko at handa na akong rumampa sa Paris lalo na sa Eiffel tower, isa kaya ito sa sikat at pinupuntahan na tourist place sa Paris. Kaya heto ang una sa bucket list ko. Napapangiti na lamang ako habang nakatingin sa bintana ngayon at binabaybay ang daan pauwi sa bahay namin. Pumasok din sa isipan ko ang nangyari kanina sa fast food restaurant, iyong lalaking sobrang hot at tumingin sa akin kanina. Mata pa lamang ay sobrang hot na niya. Paano pa kaya kung buong mukha na niya ang makita ko, ʼdi ba? Napabuga na lamang ako at iniisip kung bakit ang lalaki na ang nasa isip ko ngayon. Ganoʼng may boyfriend na ako at mahal ako ni Agustin! Ilang years na ba kaming mag-boyfriend and girlfriend? Strong two years and counting na kaming dalawa kaya walang makakatibag sa amin. Lalo naʼt gustong-gusto ako ng parents niya, especially, tita Aileen — Agustinʼs mom. “Miss Rosalie, nandito na po tayo sa tapat ng main door po,” sabi ni kuya Gio sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya at napatingin sa paligid. Nandito na nga kami sa tapat ng main door namin. Hindi ko namalayan dahil ang isip ko ay nasa lalaki kanina. Nevermind. “Thank you po, kuya Gio! Pahinga na rin po kayo!” nakangiting sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa bahay namin. Tuloy-tuloy akong naglakad paakyat sa second floor namin kung nasaʼn ang aking room. Naglalakad akong nakangiti ngayon at pumasok sa room ko. Pumalakpak ako para bumukas ang ilaw ng aking room. Nilapag ko ang aking bag sa may mini sofa ko na mayroʼn sa aking room. Pumasok ako sa aking walk-in closet at hinubad ang suot kong damit, nagpalit ako ng pambahay ko. Masyado pang maaga para maghalf bath ako. Nang makapagpalit ako ng aking clothes ay dinala ko iyon sa laundry basket ko. Kinuha ko na ang aking maleta, isang maliit and malaki. Kinuha ko rin ang pink kong duffle bag, dito ko ilalagay ang ibang damit ko na for sleep wear and another accessories for my hair like headband and eye mask. Nang mailabas ko na ang tatlong bag na aking gagamitin ay tinali ko muna ang aking buhok at nag-unat-unat para makapag-impake na ako. “Letʼs go!” masayang sabi ko sa aking sarili at nag-umpisa na akong mag-ayos ng aking damit at gamit. Halos ang dinala kong damit ay may pagkakapal dahil medyo malamig daw ngayon sa Paris ayos kay mareng Woogle. Kaya marami akong dinalang long trouser, jeans, mini skirt, cardigan, long sweater, three pairs of scarfs and shoes kong one inch lang ang taas. Gusto ko rin maging komportable ang paglilibot ko sa Paris. Pinack ko na nang maayos ang mga damit na kinuha at nilagay sa tig-iisang lalagyan. I named them as day 1, day 2 and day 3, ang OOTD ko pauwi sa Pinas. Ilang days lang talaga kami room. Nang maiayos ko na iyon nang mabuti ay nakahinga rin ako nang maluwag. May mga space pa nga sa aking maleta, both sa maliit and malaki. Doon ko ilalagay ang mga pasalubong ko. Nilabas ko na rin ang aking mga dala at nilagay iyon sa gilid ng aking sofa. Hindi ko na maitago sa aking sarili ang saya! Bukas na ang alis namin papunta sa Paris! Maaga akong nagising ngayong araw. Ngayon ang araw ng pagpunta namin sa Paris ni babe! Kaya alas-sais pa lamang ng umaga ay gising na gising na ako. Energetic na rin ang buong katawan ko, kaya bumangon na ako sa kama at hinanda ko na ang dalawang check-in maleta ko and isang hand carry na duffle bag. Iyong isang maleta ko naman na check-in ay maliit lamang iyon, nasa 20 inches lamang at ang malaki ko ay nasa 28 inches lamang. Nilagay ko iyon sa tabi na ng pinto para madali kong makuha. Actually, sina dad and mom, hindi payag sa out of country namin ni babe pero wala silang nagawa dahil mapilit ako. Gusto ko talagang pumunta sa Paris with my babe! Dahil naniniwala akong lalong magiging matatag ang relasyon namin ni Agustin. Nakangiti akong lumakad papunta sa bathroom at nag-asikaso na rin ako. Maaga akong naligo ngayong araw kahit mamayang hapon pa ang flight namin, 4:10PM to be exact. Maaga rin kasi kaming pupunta sa airport, mga alas-dose ng tanghali ay nandoon na dapat kami para hindi kami ma-hassle. Ganoʼn din kasi ang turo ni mommy sa akin! Mas okay nang maaga kaysa ma-late. Thatʼs a tip! Nang matapos akong maligo ay nagbihis na muna ako ng pambahay kong damit at bumaba na muna para kumain ng breakfast ko. Papunta pa lamang ako sa dining hall namin nang may maamoy ako. “Lugaw?” malakas na tanong ko nang makita ko sina mom and kuya Rash sa dining hall namin. “Good morning, my lovely daughter!” nakangiting sabi ni mommy sa akin. Ngumiting lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang labi. “Good morning po, mommy! Nasaan po si dad today?” tanong ko sa kanya. Umupo na ako sa tabi ni mommy heto ang always kong pʼwesto kapag nakakasabay ko sila. “Nauna na si dad na pumasok, Rosalie. By the way, today ang alis niyo ni Agustin papuntang Paris, right?” Napataas ang tingin ko kay kuya Rash at tumango ako sa kanya. “Yes po, kuya Rash! Kaya excited na po ako today! Maaga rin akong nagising and naligo today!” nakangiting sabi ko sa kanila. “Kaya naman pala maaliwalas ang mukha ng magandang anak! By the way, anong oras kayo aalis? Pupunta ba si Agustin dito? Or, sa airport kayong magkikita?” tanong ni mommy sa akin. Katatapos ko lang kumuha ng lugaw sa kaldero naming gold. Naglagay ako ng calamansin and patis. “Um, balak po naming magkita na lamang sa airport, mommy! Kaya before mag-alas dose po ng tanghali ay need ko pong nandoon na sa NAIA!” sagot ko sa kanyang tanong at tumikim na ng lugaw. “Thatʼs good, iha! Much better ng maaga kaysa ma-late. Hindi ka namin maihahatid ng kuya Rash mo papunta sa airport,” saad ni mommy sa akin. Ngumiti na lamang ako sa kanya at tumango sa kanya. “Itʼs okay po, mom! Magpapahatid na lamang ako today kay kuya Gio again!” nakangiting sabi ko sa kanya at tinapik niya ako. “If may need ka habang nasa Paris kayo ni Agustin, chat me okay? And, i-update mo kami about sa whereabouts mo, ha? And, donʼt give up your virginity, Rosalie!” madiin na sabi ni mommy sa pinakahuling bilin niya sa akin. Napangiwi ako nang dahil doon. “Of course, mom! I know naman po ang aking limit! Donʼt worry, okay?” sabi ko sa kanya at siyang pagtango niya sa akin. Bumalik na muli kami sa pagkain at nagkʼwentuhan muli kami pero about na sa business nila. Magkakaroon daw ulit ng another franchise si mommy sa isang mall around EDSA. Bandang alas-diyes ng umaga nang makapagpalit na ako ng aking damit, na susuotin ko papunta sa Paris. Naka-receive rin ako ng chat mula kay Agustin na, “see you later.” Kaya lalo akong kinilig dahil tuloy na tuloy ang aming pagpunta sa Paris today. “Kuya Gio, tara na po! Baka ma-traffic pa po tayo papunta sa NAIA!” nakangiting sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin. Tinulungan niya si Diane na buhatin ang aking maleta. Ang duffle bag ko naman ay pinatong ko na sa malaking maleta ko para hindi ako mahirapan sa paghila later. Pumasok na ako sa backseat ng kotseng gagamitin namin today ni kuya Gio at hinayaan ko na lang silang mag-ayos doon. Nilabas ko ang aking phone sa gamit kong sling bag. Nagchat ako kay babe. “Iʼm on my way sa airport now, babe! See you! I love you!” tipa ko at sinend na iyon sa kanya. Nakarinig ako nang pagsara ng pinto, kaya sumilip ako nakita ko si kuya Gio ang pumasok. Sinarado ko na kasi ang divider curtain pagkapasok ko kanina. “Aalis na po tayo, Miss Rosalie!” saad niya sa akin. “Okay po, kuya Gio!” sagot ko sa kanya. Napasandal na lamang ako habang nakatingin sa bintana at habang hinihintay ko rin ang reply ni babe sa akin. Inabutan kami ng traffic sa may EDSA mabuti na lamang ay may alam na short cut si kuya Gio kaya nakarating kami sa airport ng 12:32PM. Maaga pa naman para sa flight namin 4:10PM. “Miss Rosalie, hatid ko na po kayo hanggang sa loob ng airport. Para hindi kayo mahirapan sa mga maleta niyo po,” alok na sabi ni kuya Gio sa akin. Umiling ako sa kanya. “No need na po, kuya Gio! Okay na po ako rito. Nilagay niyo naman na po sa cart ang mga gamit ko. Pʼwede na po kayong umuwi at baka ma-traffic po ulit kayo sa daan! Thank you po sa paghatid sa akin dito!” sabi ko sa kanya. Tinitigan pa ako ni kuya Gio para siyang hindi sang-ayon sa sinabi kong iyon. “Sigurado po ba kayo, Miss Rosalie?” tanong niya muli sa akin. Tumango ako sa kanya nang sunod-sunod. “Oo naman po, kuya Gio!” nakangiting sabi ko sa kanya at nag-wave na sa kanya. Tinulak ko na ang cart ko papasok sa loob ng NAIA. Hindi pala ako gaanong nagdala ng alahas dahil iyon ang binilin ni kuya Rash sa akin, sinunod ko lang ang bilin niya. Kaya ang dala ko ay relos kong hindi gaanong mamahalin, isang parehas na hikaw at isang necklace na ang pendant ay name ko. Iyon ang dala kong alahas. Nang makapasok na ako rito sa loob ng airport ay pumunta na muna ako sa isang fast food dito para kumain at the same time ay hintayin si babe na dumating. Masyado pa namang maaga kaya ayos lamang. Ilang oras ang nakakalipas nang mapansin kong wala pa ring dumadating na Agustin sa airport. Nakakailang chat na rin ako sa kanya pero until now ay hindi pa rin siyang nagre-reply. Until, nakatanggap ako nang chat mula sa kanya. Napanganga na lamang ako habang nakatingin sa chat message ni babe sa akin. “Iʼm sorry, Rosalie. I canʼt make it na sumama sa iyo papuntang Paris today! I have an urgent to do sa company namin nila dad. Iʼm sorry!” Napanganga ako sa nabasa kong chat ni Agustin sa akin. Hindi ko alam pero iyong excitement na nararamdaman ko kanina ay biglang nawasak. Nadurog iyon nang pinong-pino. “Nagkaroon kasi ng urgent meeting sa company namin. We can rebook our flight to go Paris, babe! By next week, maybe? Iʼm sorry talaga, babe, ha? Naiintidihan mo naman ako, right?” Isa pang chat niya sa akin. Napapikit na lamang ako lalo sa nabasa ko sa kanya. “Rebook?” kausap na sabi ko sa aking sarili at napatawa nang mahina nang dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD