CHAPTER 6

1684 Words
NAKARATING na rin kami rito sa hotel na binook ko thru online, ang Pullman Paris Tour Eiffel. Malapit lang ito sa Eiffel tower kaya heto ang pinili ko at ang room na binook ko ay ang view ay eiffel tower. Bumaba na ako sa car ni uncle Devon. Dinedeadma ko ang pagtatanong at pangugulit niya sa akin tungkol sa number ni Criza. “Hey, Rosalie! Sabihin mo na sa akin!” sabi na naman niya sa akin. See? Ayaw pa rin niyang magpapigil talaga? Hindi na nga ako sumasagot sa mga tanong niya kanina. Kinuha ko na lamang ang duffle bag ko at sinara ang pinto ng passenger seat ng kotse ni Uncle Devon. Nakita kong binuksan na niya ang compartment ng kanyang kotse at nilabas ang dalawang maleta kong nandoon. "Hey, what's her phone number?" pangungulit pa rin niyang tanong sa akin. Pinang-ikutan ko na lamang siya ng aking mga mata at napailing. Nauna na akong pumasok sa may hotel at sinalubong kami ng attendant. Binigyan kami ng hotel cart para roon ilagay ang mga maletang dala ko. “Thanks!” nakangiting sabi ko sa kanya at tumango lamang ang lalaking attendant. Siya na ang humawak ng hotel cart at tinulak iyon papunta sa may lobby, nasa likod pa rin si uncle Devon na hindi pa rin ako tinatantanan ng tanong niyang paulit-ulit. “Hey, Rosalie?” paulit-ulit niyang tanong na naiirita na ang tenga ko. I looked at him and looked at him badly. I didn't speak and the staff in the lobby spoke to me. “Excuse me, Miss De Leon? Can I see your passport and booking appointment? Thanks!” mahinahon niyang pagtatanong sa akin. I nodded to her and took out the plastic envelope in my bag. “Oh, wait!” I told her and took my passport and online booking appointment. Good thing I printed it. "Here's my passport and printed booking appointment!" I added to her. Kinuha niya iyon at chineck ang dalawang binigay ko sa kanya. Maya lamang din ay tumingin siya muli sa akin. “Is he with you?” pagtatanong niya sa akin at tinuro si Uncle Devon. I shook my head to her. “Um, no! He just brought me here,” nakangiting sabi ko sa kanya. I saw the surprise on her face. I thought she was going to ask me again, but thank God! She just closed her mouth. Pagod na ako at gusto ko ng mag-rest! Isama mo pa na ginugulo pa rin ako ni uncle Devon! “Uncle Devon, stop it already! I donʼt know her phone number, okay? Tanging facetagram account lang ang alam ko!” sumagot na ako sa kanya dahil hindi talaga niya ako tinatantanan. Ako lang ang nabu-bwisit dahil sa kalalabit niya sa akin. Nakita ko ang mukha niyang seryosong nakatingin sa akin. “Are you sure? Maybe you're just lying?” saad niya sa akin. Napanganga na lamang ako sa kanyang sinabi. “Oh my gosh! I really don't know, uncle Devon! Promise, I don't know!” napapataas na ang boses ko dahil sa kanya. He frowned at me kaya hindi ako makapaniwala sa ginawa niyang iyon. Pero, nawala ang tingin ko sa kanya nang magsalita muli siya ang female staff na nasa lobby. “Ms. De Leon, This is the keycard of your hotel room. Enjoy your stay here!” nakangiting sabi niya sa akin at kinuha ko iyon. “Thanks!” saad ko sa kanya at tumuloy na kami papunta sa may elevator. “I'll take you to your hotel room,” uncle Devon said to me as we had the male attendant behind us who had been pushing the hotel cart so far. “Hindi na po ako bata, uncle Devon!” sabi ko sa kanya. “Kaya ayos na po ako rito,” dagdag na sabi ko pa sa kanya. “When I say I'll take you, I'll take you all the way to your hotel room to make sure you're okay. Maybe you want me to tell sister Megan that you are the only one here today? Because your stupid and cowardly boyfriend didn't go with you!” Napatingin ako kay uncle Devon dahil sa sinabi niyang iyon. Napangiwi ako sa kanya at napapikit. “Okay po,” saad ko na lamang sa kanya. “And, when you leave tomorrow call me, okay? Sasamahan kitang mamasyal dito sa Paris! Hindi ka pʼwedeng mag-isa rito, Rosalie!” madiin niyang sabi sa akin at napahinto na kami sa paglalakad. Nandito na kami sa tapat ng hotel room ko. Alam ko ang tinutukoy ni uncle Devon. Sinabi na rin naman iyon ni Criza sa akin kanina at napapanood ko sa fscetagram account ko. “Alam ko po ang tungkol doon, uncle Devon!” sabi ko sa kanya at tinap ang keycard sa door. Napangiti akong tumingin sa attendant ng hotel room. “Thank you for assisting us!” nakangiting sabi ko sa lalaki at tumango siya sa akin. Lumakad na rin siya paalis dala ang hotel cart. Nailapag na rin kasi niya ang mga gamit ko. “Kahit na, Rosalie! Ang mga pick pocket dito ay hindi nahihiya! Harap-harapan silang kumukuha!” madiin na sabi ni uncle Devon sa akin. Sobrang strict ni uncle Devon pero I know he's just worried about me thatʼs why heʼs acting like that now. Uncle Devon is kind and sweet but the only thing I don't like about him is that he doesnʼt like Agustin! There is only one reason why he doesn't like Agustin because he says babe is just using me. I donʼt believe it! He just really doesn't like my boyfriend. Nilapag ni uncle Devon ang mga maleta ko sa loob ng hotel room ko. Nang mailapag niya iyon ay naglibot siya sa buong paligid ng hotel room ko. Hinayaan ko na lamang siya at ako ay napaupo rito sa may solo sofa na mayroʼn ang room ko. I have two beds dahil tig-isa kami ni babe pero... Donʼt mind that! “Your hotel room is secure and safe, Rosalie! Even your bathroom is safe,” he said to me seriously. Nakita ko pa rin ang tingin niyang naglilibot sa buong paligid. I donʼt know kung ano ang hinahanap niya sa room kaya hinayaan ko na lamang siya kaysa magkasagutan lang kami ni uncle Devon. “100% safe. Walang kahina-hinala, Rosalie!” Narinig ko na naman ang sinabi niya habang nakaupo pa rin ako rito. “Uulitin ko ang sasabihin ko sa iyo, Rosalie... Always lock the door and window. Never trust anyone. Don't open the door and use the peephole to check who's outside your hotel room. Be vigilant, Rosalie. I know you're easy to target because you're a simpleton when you think.” pagtatapos niyang sabi sa akin. I winced at what he said. “What?” I said loudly to him and stood up from my seat. “Umalis ka na nga, uncle Devon! Magpapahinga na po ako at pagod na ako ngayon! Bumalik ka na po sa apartment niyo!” malakas na sabi ko sa kanya at tinulak siya palabas ng hotel room ko. “Okay! Okay!” malakas niyang sabi sa akin. Nasa pintuan na siya ngayon at tinitigan ako. “Tandaan mo ang sinabi ko sa iyo, okay? Tawagan mo ko kapag may need lang puntahan dito, sasaamahan kita!” madiin niyang sabi sa akin. I rolled my eyes to him. “Opo! I get it, okay?” sabi ko sa kanya at tinulak muli siya. “Wait! Something else I forgot to tell you! If you don't know what her phone number is. What facetagram account did she just have?” tanong niya sa akin. Hindi pa pala siya tapos kay Criza! Akala ko naman ay nakalimutan na niya ang tungkol doon. Tinitigan ko lamang siya at sinara ang pinto ko. “Manigas ka, uncle Devon! Playboy!” malakas na sabi ko pagkasara ko sa pinto. Narinig ko ang himutok niya sa labas ng hotel room ko kaya sumilip ako sa peephole. “Hey, Rosalie! Tell me, okay! Baka nakakalimutan mong may alas akong hawak about sa iyo! Sasabihin ko kay ate Megan ang tungkol di—” Binuksan ko muli ang pinto. “Okay, fine! I-a-ask ko muna siya if pʼwede kong ibigay ang account niya, uncle Devon! So, please go home na! I'm so tired!” naiirita kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa kanyang labi. “Okay, my niece! See you tomorrow!” nakangising sabi niya sa akin at lumakad na paalis. Sinarado ko ang pinto at nakahinga ano nang maluwag dahil doon. So, need ko tulay i-ask si Criza about dito. Lumakad na ako papasok sa hotel room ko at kinuha ang phone ko. Pumunta ako sa account ni Criza at tinaype na ito. “Hello, Criza! Gusto ko lang itanong kung pʼwede ko bang sabihin ang account mo sa uncle ko? Thanks!” Nang ma-i-chat ko iyon ay binaba ko ang phone sa side table at tumungo sa bathroom. Need kong mag-half bath then matutulog na ako. Pagod na talaga ako ngayong araw! Natulog na ako rito sa malambot na kama habang nakatingin sa kabilang bed na walang nakahiga. Si Agustin sana ang pu-pʼwesto roon. Pero, hindi siya sumipot at mas priority niya ang business nila kahit naka-plan na ito matagal na. Argh, nakakainis! Ilang minutong nakapikit ako nang mapadilat muli ako. Hindi ako makatulog. Dilat na Dilat ang aking mga mata habang nakatingin sa may kisame ng hotel room ko. Pabaling-baling ako sa kama ngayon dahil hindi ako makatulog, siguro dahil sa jetlag na nakuha ko kanina at sa inis na nararamdaman ko pa rin kay Agustin. Sana maging okay talaga ang first day ko mamaya sa Paris. Lalo naʼt si uncle Devon ang makakasama ko rito at hindi lamang iyon dahil kinukulit din ako ni uncle Devon about kay Criza. Bakit may mga makukulit na nakapaligid sa akin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD