CHAPTER 5

1854 Words
DUMATING ako sa Charles de Gaulle Airport, ang main airport dito sa Paris. Almost 15 hours ang naging byahe ko simula sa Manila papunta rito. Napahikab na lamang ako when I saw the time here, Itʼs already 2 in the morning. Nakatayo kami ni Criza rito habang hinihintay naming lumabas ang aming maleta. “Ang tagal ng maleta natin,” saad niya at napabuga nang hangin. Napatawa ako sa kanya. “Marami yata ang maleta. Bawat tao yata na sakay ay tig-dalawang maleta ang dala,” natatawang sabi ko sa kanya, still waiting here to see our suitcase. “Oh by the way, ate Rosalie, may susundo ba saʼyo papunta sa hotel mo?” She'll ask me. Tumango ako sa kanya. “Yes! May kamag-anak kaming nakatira rito, na nag-wo-work around sa Paris. Kaya siya ang magsusundo sa akin,” sabi ko sa kanya at napahinto ako na magsalita, nakita ko na rin ang isa kong maleta. May isa pa akong aabangan at iyon ang malaki kong maleta. “Really? Akala ko ikaw lang talaga mag-isa rito, ate Rosalie!” sabi niya sa akin. I just smiled at her. “No, huh? If I'm the only one going here now, especially since my boyfriend didn't show up, I might not go here to Paris. I'm also scared when I'm alone especially if it's another country, Criza!” mahabang sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Same rin, ate Rosalie! Iyong unang punta ko rito ay kinabahan at natakot din ako. Mabuti na lamang ay kasama ko ang dalawang kuya ko! But, right now, hinayaan na nila ako... Para matuto ako! Lalo naʼt pinili ko itong maging exchange student dito sa Paris!” she told me. I felt sadness in her voice. “But, hindi ako galit sa kanila, ate Rosalie...” she stopped talking when she saw a suitcase in front of us. “Oh, that suitcase of mine!” she said loudly and took it. “May isa pa akong maleta! Parehas na tayong may maletang nakuha!” dagdag pa niyang sabi sa akin. Branded iyong maleta niya. Napatingin ako sa hawak kong phone nang makitang tumatawag ang tito ko ngayon. He's my uncle on my mom's side, si uncle Devon. “Teka lang, Criza, ha? Tumatawag na ang tito ko!” sabi ko sa kanya, ngumiti siya sa akin at tumango. “Hello, uncle Devon!” malakas kong sagot sa kanyang tawag thru my fscetagram account. “Naka-landing na ba ang eroplanong sinasakyan niyo, Rosalie?” seryosong tanong niya sa akin. “Kanina pa ako kinukulit ng mommy mo! Puntahan na raw kita rito sa airport at baka maligaw pa kayong dalawa. Or, worst ay manakawan kayo sa unang araw niyo!” malakas na sabi ni uncle Devon sa kabilang linya. I winced because of his shouting. “Just chill, uncle Devon! I'm here inside the airport and I'm just looking for my suitcase. Then, I'll go out once I get my last suitcase,” pagpapakalma kong sabi sa kanya. “Okay! Okay! Nasa loob na rin ako ng airport, Rosalie! Tumawag ka kapag tapos ka na sa immigration, okay?” mabilis niyang sabi sa akin at binaba na niya ang tawag. Napailing na lamang ako sa kanya. “Sobrang hot tempered talaga niya kahit kailan!” bulalas kong sabi at bumalik na ako kay Criza pero ganoʼn na lamang ang gulat ko ng nandoon na ang last maleta ko. “Um, dumaan na kanina iyan. Kinuha ko na at mukhang sa iyo naman, right? Parehas kasi ng isang maletang kinuha mo,” sabi niya sa akin at tinuro ang maletang nauna kong kinuha. “Thanks, Criza!” nakangiting sabi ko sa kanya. “Ikaw, nakuha mo na rin Iyong sa iyo?” Balik na tanong ko sa kanya at tumango rin siya sa akin. “Yes! Um, okay na rin ako! Tara na, punta na tayo sa immigration?” sabi niya sa akin at tumango ako sa kanya. “Sino ang kausap mo?” tanong niya sa akin habang naglalakad kaming dalawa. Napatingin ako sa kanya. “Um, uncle Devon ko! Uncle ko sa side ni mommy. Nasa labas na raw siya ngayon at hinihintay ako. Iyon nga lang ay hindi niya alam na ako lang mag-isa ang pumunta,” sabi ko sa kanya. “Wala kasing may alam na ako lang ang nagbyahe papunta rito,” dagdag na sabi ko sa kanya. “Aww! Siguro naman maiintindihan iyon ng uncle mo! Kaya donʼt worry, ate Rosalie!” nakangiting sabi niya sa akin at tinapik ang aking balikat. Nakarating na rin kami sa may immigration at nakapila na kaming dalawa ngayon. Pinauna ko na siya dahil kinakabahan ako sa mga tanong ng immigration at baka mautal ako. Naging mabilis lang din ang pagpila namin sa immigration at natapos na rin kaming dalawa. Tinignan lamang nila ang aking dalang visa and passport at tinanong ako ng dalawang beses. Kung kailan ako babalik sa Philippines and saan ang hotel room ko. Sinagot ko ang mga iyon lalo naʼt round-trip ang ticket ko at maging hotel room ko ay bayad na rin sa ilang araw na pag-stay ko roon. “Nasaan daw ang uncle Devon mo? Ang daming exit dito, ate Rosalie!” sabi niya sa akin habang tulak-tulak ulit namin ang cart kung nasaʼn ang aming maleta. “Tinatawagan ko na siya, Criza!” sagot ko sa kanya kaya napatigil na muna kaming dalawa sa paglalakad. “Uncle Devon!” malakas na sabi ko nang sagutin na niya ang tawag ko. “Nasaan na po kayo? Tapos na po ako sa immigration!” dagdag na sabi ko sa kanya. “Exit 3,” tipid niyang sabi sa akin. I was stunned by his response. I put the phone away from my ear and looked at Chris. “Nasa exit 3 ang uncle ko,” sabi ko sa kanya. “Oh, malapit na tayo sa kanya. Sabihin mo malapit na tayo sa kanya ngayon!” malakas na sabi ni Criza. Shall I say more? My uncle seems to have heard it again because of her loud voice. Pero, no choice pa rin ako at sinabi ko iyon. “Malapit na kami sa exit 3, uncle Devon!” sabi ko sa kanya at nagmadali kami sa paglalakad ni Criza. Hindi ko na binaba ang tawag ko kay uncle Devon para malaman niyang hinigingal na ako. Bakit kasi may kalakihan ang airport nila? “Oh, ayan na iyong exit 3, ate Rosalie!” sabi ni Criza sa akin at tinuro iyon. Nakita ko nga ang sign na iyon. Naglibot na ang tingin ko hanggang marinig ko ang boses ni uncle Devon. “Finally, nakita na rin kita!” madiin niyang sabi kaya napalingon ako sa likod ko. Doon ay nakita ko si uncle Devon. Napatigil ako sa paglalakad namin ni Criza at tinawag siya. “Criza, nakita ko na siya! Thanks sa paghelp sa akin! Come on, pakilala kita sa uncle ko!” sabi ko sa kanya at lumapit na kami roon sa harap ni uncle Devon. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. “Akala ko ang kasama mo ay ang boyfriend mong duwag?” baritonong tanong niya sa akin. Napangiwi ako sa kanyang sinabi. “Uncle donʼt say that!” saad ko sa kanya. Tinignan lamang niya ako. “Donʼt say that!” He mimicked me kaya napangiwi ako sa kanya. “So, sino siya?” Turo ni uncle Devon kay Criza. Napahawak ako sa aking bewang at tinignan siya nang masama. “Um, nakilala ko po sa airport. Katabi ko po siya, uncle Devon! And, mag-aaral po siya rito as exchange student! Okay na po ba?” sabi ko sa kanya habang ang kamay ko ay nasa bewang ko pa rin. “Maldita, ako ang guardian mo rito, okay?” madiin niyang sabi at dinuro ang aking noo, napanguso ako dahil doon. Kaya I donʼt like him, eh! Tinarayan ko na lamang siya at tumingin kay Criza. “Sorry, ha? Ganyan lang talaga ang uncle Devon ko!” mahinang sabi ko sa kanya. “Hey! May sundo ka ba?” malakas na tanong ni uncle Devon sa akin. “Ikaw, Criza, right? Gusto mong sumabay? Pa-thank you ko dahil sinamahan mo ang pamangkin kong ito!” sabi pa niya kay Criza. “Englishera ba siya? Do you want to come along? I want to thank you for accompanying my niece!” English na sabi ni uncle Devon at siyang pagbuga niya ng kanyang hangin. Hindi ko alam kay uncle Devon kung bakit nagtatagalog siya ganoʼng nasa Paris kami. “Um, it's fine. Someone will pick me up here too. Thanks for the offer,,” nakayukong sabi ni Criza. Biglang huminahon ang boses niya, ha? “Is that so? So, we are the first to leave! Be careful on your way home!” sabi ni uncle Devon sa kanya at siya na ang nagtulak ng cart ko kung nasaʼn ang aking dalawang maleta at isang duffle bag. Lumingon muli ako kay Criza at kumaway sa kanya. “Thank you again, Criza! Ingat ka!” malakas na sabi ko. “See you around!” Pahabol na sabi ko pa sa kanya. Nakita ko ang paglagay ni uncle Devon sa mga maleta ko sa compartment niya. Napatingin siya sa akin at sinenyasan niya akong pumasok sa loob kaya umupo na ako sa backseat. “Hey? Bakit ka dʼyan, ha? Move sa passenger seat at mag-uusap tayong dalawa!” seryosong sabi niya sa akin kaya napabuga ako. Lumabas ako sa backseat at pumasok sa may passenger seat. Nakita kong nasa loob na rin siya ng driver seat. “Why are you the only one here, Rosalie? I thought you were with your cowardly boyfriend?” sabi niya sa akin at may nakita akong mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Napalunok ako sa klase ng kanyang sinabi. “Um, busy raw siya,” mahinang sagot ko sa kanya. “Kaya ako lang ang tumuloy ngayon di—” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang marinig ko siyang tumawa. “Oh f**k! Iʼm sorry! Tumawa ako kasi nakakatawa iyong sinagot mo sa akin!” tumatawa pa rin siya habang sinasabi niya iyon. Pero, bigla ring naging seryoso ang mukha ni uncle Devon. “So, naniwala ka sa sinabi niya, Rosalie? Hindi mo alam tumatakbo sa mga lalaking katulad ng boyfriend mo! Better after ng bakasyon mo rito ay hiwalayan mo na iyon! Ayaw rin nina ate Megan and kuya Rodolfo sa kanya, right? Marami pang lalaki ang para sa iyo! Donʼt settle para sa iisang lalaking hindi kayang gumawa ng oras sa girlfriend niya!” mahaba at seryosong sabi ni uncle Devon habang nagmamaneho na siya. Hindi ko alam pero may laman ang sinasabi niya sa akin ngayon. Donʼt settle sa lalaking hindi ako kayang bigyan ng oras at atensyon. “Oh by the way, anong contact number nuʼng babae kanina?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD