NAPADILAT ang aking mga mata at napatulala sa may kawalan. Napaupo ako sa kama at sumandal sa headboard. It's morning. But, my eyes are still sleepy. I want to sleep but I can't waste my day here. I have only two days to stay here in Paris and my itinerary has a lot more on my list.
Napahikab ako at kinusot ang aking magkabilang mata. Napatingin ako sa side table at nakita ko ang phone ko. I took it and looked to see if uncle Devon or mommy was chatting with me.
Hindi ako nagkakamali. Nakita ko roon ang name ni uncle Devon and kuya Rash. Huminga akong malalim at saka ko clinick ang chat ni kuya Rash sa akin. Paniguradong alam na niyang ako lamang ang tumuloy papunta rito sa Paris. Knowing uncle Devon ay tsimosong lalaki.
Kuya Rash:
Rosalie! What did I found out from uncle Devon's mouth! That you are the only one who went to Paris! Agustin didn't go with you?
I winced because I read that but his chat with me wasn't over yet. Napalunok ako at muling binasa ang chat ni kuya Rash sa akin.
Kuya Rash:
Kung hindi pala tumuloy si Agustin dapat sinabi mo sa akin para ako na lamang sumama sa iyo! Paano kung mapahamak ka, ha?
Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa nabasa kong chat ni kuya Rash sa akin. If ever na sinabi ko sa kanya, paniguradong magagalit siya kay Agustin.
I took a deep breath and nagtipa ako pabalik sa kanya. Need kong magreply para kumalma siya at masabing nasa safe zone naman ako ngayon.
“Kuya Rash, donʼt worry sa akin, okay? Ligtas naman po akong naisundo ni uncle Devon from airport and kaya ko naman po ang sarili ko. And, donʼt tell to mom and dad about this po, ha? Please, kuya Rash! Promise po magiging ligtas ako rito sa Paris and hindi ako magiging tanga-tanga habang naglilibot. I love you po, kuya Rash!” mahabang reply ko sa kanya para malaman niyang maayos lang ako rito sa hotel na pinag-stay-an ko.
Nag-exit na ako sa account ni kuya Rash at nagawi ako sa account ni uncle Devon. Pagkabukas ko pa lamang iyon ay napangiwi ako.
Devon Madrid:
Hey, maldita! Huwag kang lilibot sa Paris hanggaʼt hindi mo ko kasama, okay? Pupuntahan kita sa hotel room mo bandang alas-dose ng tanghali. Tapos na ang work ko niyan. Naiintindihan mo ba ako?
See? Pinagbabantaan niya ako!
Alas-dose pa siya pupunta? But itʼs already 8:30AM pa lamang. Almost three hours pa ako maghihintay kung hihintayin ko ang pagdating ni uncle Devon. Saka malapit lang naman ang Eiffel tower dito sa hotel room ko, kaya roon na lamang ako pupunta and ang ibang place na need kong puntahan ay hihintayin ko na lamang siya. Dapat need kong bumalik sa hotel room ko before 12NN para hindi niya ako mahuli!
Napangisi ako habang ni-re-reply-an ko si uncle Devon ngayon. At, nang ma-i-send ko iyon sa kanya ay tumayo na ako para maligo. Wala dapat akong need aksayahin na oras.
Time is gold!
After taking a bath ay kinuha ko na ang aking maleta at nilabas doon ay damit ko na pang-OOTD sa unang travel ko rito. Naka-organize na kasi ang lahat ng aking gamit kaya hindi na ako mahihirapan na mamili.
Nakahinga rin nang maluwag ng matapos na akong mag-ayos ng aking first OOTD ngayong araw rito sa Paris ay lumabas na rin ako. Nakasuot ako ngayong araw na, dress na kulay white and black na hanggang sa aking itaas na tuhod ito and nagdala ako ng long cardigan ko in case na lamigin ako mamaya. Na-check ko na rin ang bag ko at nasa harap ko ito para makita ko talagang walang gagalaw sa bag ko. Knowing na kalat ang pickpockets sa buong Paris lalo na kung malapit sa Eiffel Tower, iyon ang nababasa ko sa social media. Wala rin akong gaanong suot na alahas except sa ring kong hindi attractive and necklace kong star ang pendant. Hindi ako nagsuot ng ring and bracelet, tanging relos lamang sinuot ko.
Lumabas na ako sa hotel room ko. Sinigurado kong naka-lock talaga ang aking hotel room at maging ang bintana para hindi mapasukan ang ang aking hotel room. Need kong maging alerto.
Hindi pala ako sumunod sa chat ni uncle Devon na hintayin ko siya para masamahan niya akong lumibot. Pero, ayoko namang maghintay ng tanghali, ano? Tanghali pa kasi siya free kaya anong gagawin ko sa hotel room ko, magmumukmok? And, hindi naman na ako bata para gabayan niya. Alam ko naman ang need kong gawin.
Sumakay na ako sa elevator and I alert myself to my surroundings. Hindi ako pʼwedeng maging kampante sa lahat.
Nakasampay sa aking braso ang long cardigan ko. Hindi pa naman ako nilalamig kaya isasabit ko muna ito. Pumunta na muna ako sa buffet area dahil dahil may free breakfast and dinner ako na kasama sa aking package. Kaya pʼwede rin dito kumain si uncle Devon dahil dalawang tao occupied ng bill ko lalo naʼt wala si Agustin.
Kumuha lamang ako sa buffet ng pasta, bread and some cookies. Gusto ko ngang mag-rice today pero wala akong nakikitang rice sa buffet area. Nakakahiya naman kung mag-ask at baka magtaka pa sila sa akin. Kaya kinain ko na lamang itong food na kinuha ko at nagmadali para makapaglibot na ako sa paligid ng Eiffel tower.
Iʼm so excited!
Nang maubos ko na ang food ko and nag-check ako if may nagreply ba sa kanilang dalawa ni kuya Rash and uncle Devon pero wala ni-isa. Pa-exit na ulit sana ako nang makitang may message request ako, binuksan ko iyon at nakita ko ang name na Criza Domingo. Nangunot ang noo ko kung may kilala ba akong Criza Domingo pero agad din akong ngumiti nang maalala siya, si Criza sa airport!
Clinick ko iyon at nakita ko ang mahabang message niya sa akin. “Hello, ate Rosalie! Itʼs me, Criza from airport! Oh, by the way, good morning po! Nandito na po ako sa school, College De Paris! Sobrang excited po akong mag-aral dito and at the same time ay kinakabahan pero kakayanin ko po para maging proud sila Kuya sa akin! Ate Rosalie, ingat ka today, ha, in case na maglilibot ka po! Double ingat po sa mga pickpockets sa paligid! Enjoy your travel po!” mahabang basa ko sa chat niya at inaccept iyon maging ang kanyang friend request.
Sheʼs cute! Talagang inalala pa niya ako.
“Hello, Criza! Thanks sa pag-alala mo sa akin! Donʼt worry alerto ako today. Sa Eiffel tower lang naman ako lilibot ngayong umaga then balik ako sa hotel para hintayin ang uncle ko. Enjoy rin sa enrollment mo today and sana magkaroon ka rin agad ng friends dʼyan! Ingat too!” mahabang reply ko rin sa kanya at sinend iyon.
Binalik ko na muna ang phone ko sa bag at lumabas na ako sa hotel na tinutuluyan ko. Naramdaman ko agad ang kalamigan ng hangin pero hindi ako nagpatinag. Paano naman kasi ang mga tao sa paligid ko ay naka-sleeveless pa nga, mga hindi nilalamig kaya ilalaban ko iyong outfit ko!
Inayos ko muna ang aking buhok na nakalagay at tanging pagkulot lamang sa dulo ang ginawa ko rito. Lumakad na ako papunta sa Eiffel tower, pʼwede naman lakarin from my hotel.
Napapikit ako nang tumama muli ang hangin sa balat ko. Hinayaan ko lamang ang hangin na tumama sa balat ko at naglakad na muli ako. May mga nakakasabay akong naglalakad din papunta sa Eiffel tower ngayon, hindi ko nga ma-distinguish kung pickpockets ba sila, or, katulad ko ring mga tourists. Nagpapanggap din kasing mga turista ang pickpockets at magaganda rin ang mga suot.
“Miss, good morning! Something fell in your pocket!”
I rolled my eyes nang may marinig ako sa aking likod pero dineadma ko iyon. Paano ako makakahulog kung nasa harap ko ang aking bag. Ganito ba ang modus nila, ha?
Kakairita, ha?
Hindi ko na lamang pinansin iyon at lumakad ako nang mabilis. Tumawid ako sa kabilang side dahil nandoon ang Eiffel tower, hindi ko inaakalang sobrang lapit lang talaga sa hotel.
“May Eiffel tower!” saad ko habang nakatingin ngayon dito. “Ang ganda mo! Pero, mas maganda ka raw kapag gabi! Pipilitin ko si uncle Devon na pumunta rito mamaya!” dagdag ko pang sabi habang nakatingin pa rin dito.
Lumakad pa ako para humanap ng magandang spot para picture-an ang Eiffel tower na ito. Habang naglalakad ako para maghanap ay may narinig na naman akong boses.
“Miss, you dropped something in you pocket!”
My forehead furrowed when I heard that being said again. Huminto na ako at hinawakan nang mahigpit ang bag ko bago ko siya lingunin. “Hey, tantanan niyo nga ako, mga pickpocket kayo! Wala kayong makukuha sa aki—” Napahinto ako sa aking sinabi, hindi dahil tagalog ang sinabi kung ʼdi dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Napailing ako at tinaasan siya ng aking kilay. “I said I wasn't dropping anything! You're not going to get anything out of me because I'm alert, ʼno!” sabi ko sa kanya nang mahimasmasan ako.
Ang gwapo niya kasi. Para siyang model ng brief. Ay, este, bakit iyon ba ang inisip ko, ha? Ang daming pʼwedeng i-model bakit brief ang nasabi ko!
Tsk! Buti na lamang ay hindi malakas ang pagkakasabi ko nuʼn kahit sabihin nating hindi siya nakakainditi ng tagalog, ano!
“But, Miss, it really came from your bag and I'm not one of the pickpockets you're talking about.” sabi niya sa akin.
Nagmamaang-maangan pa siya dʼyan!
Ganoʼn naman madalas sinasabi ng mga pickpockets kapag nahuhuli sila.
“Here's what you dropped in your bag. I'm sure it's make-up, right?” sabi niya muli at pinakita ang nakuha niya.
Nanlaki ang mga ko nang makita ko iyon. “Itʼs my lip balm” bulalas kong sabi at tinuro iyon. “Wait!” ani ko sa kanya at tumingin sa paligid baka nahuhulog na ako sa patibong ng mga ito.
Kinapa ko ang aking long cardigan dahil doon ko nilagay ang aking lip balm. Nang kapkapin ko ay wala roon kaya binuksan ko ang bag ko, wala rin doon.
Napataas ang tingin ko sa lalaki na hawak ang lip balm ko. “Um, Mister? Can you look at the bottom? If that lip balm ever came to me? I have an initial there,” sabi ko sa kanya at tinuro ang hawak niya.
Mahigpit kong hinawakan ang aking bag nang tignan niya ang ilalim. “Um, yes, there it is! RDL,” bigkas niya kaya nanlaki ang aking mga mata.
“Thatʼs mine!” madiin na sabi ko at kinuha iyon. “Thanks!” sabi ko sa kanya at yumuko. Tinignan ko ang ilalim at nakita ko ang initial ko.
Lahat ng makeup ko ay may initial sa ilalim para may palatandaan akong akin iyon.
Nilagay ko na iyon sa bag ko at tinignan muli ang lalaki. “Thanks again, Mister!” saad ko at lumakad na palayo.
Nakakahiya! Napagbintangan ko siyang pickpockets!
Sorry naman, ano! Nag-iingat lang talaga ako!
Napahinto ako at napahawak sa aking dibdib nang makalayo na ako sa lalaking iyon. Napatingin ako sa harap ko at nakita ko ang magandang Eiffel tower sa aking harapan.
Heto ang perfect view sa pagkakaroon ng picture. Nilabas ko na ang aking phone at balak ko na lamang mag-selfie today dahil pipilitin ko si uncle Devon na pumunta ulit later, mamayang gabi.
“3...2...1... Eiffel tower!” malakas na sabi ko at ngumiti nang malaki.
I giggles nang makita ang kuha ko. Hindi pa ako kuntento sa isang picture kaya tinaas ko muli ang aking phone makuha naman ang ibang anggulo ng Eiffel tower. Magpi-picture na sana ulit ako nang may humablot sa aking phone.
“Help! Help me!” malakas na sigaw ko at mabilis na tumakbo patungo sa babaeng humablot ng aking phone.
May snatcher din pala rito! Akala ko naman ay pickpocket lamang!