bc

Finally Found You

book_age16+
82
FOLLOW
1K
READ
arrogant
brave
others
comedy
sweet
realistic earth
enimies to lovers
passionate
like
intro-logo
Blurb

Si Denise ang tipo ng babae na maraming gustong gawin sa buhay niya, madali rin siyang magsawa sa isang bagay o ginagawa. Kaya hindi niya choice ang maging permanente sa isang trabaho.

Sa edad na trenta'y singko ay napakarami na niyang lugar na napuntahan. Marami na rin siyang work experience, kaya nagiging madali din sa kanya ang matanggap sa mga inaapplayan niya.

Hanggang sa dumating sa punto na gusto naman niyang pumunta sa Europe at magtrabaho doon, at maging citizen na rin. Ang pakikipagrelasyon ay wala sa balak niya. Kaya she decided na magtrabaho sa Hongkong bilang Domestic Helper. Nandoon kasi ang mga agency for Europe at balita niya madaling mag apply doon.

Natanggap naman siya agad ng isang Chinese family, isang mag asawa na matatanda na. Ang hindi niya inaasahan ay may anak pala ang mga iyon na isang bachelor dahil sa 41 years old na ang lalaki. Very much single, gwapo, matangkad, very manly ang voice, nafafall tuloy siya ang kaso ay suplado. Ni hindi man lang talaga siya kinakausap kahit na marunong namang magsalita din ng english at parang hindi siya nag eexist sa harapan nito lalo nasa buhay ng mga ito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Huminto na ang taxi sa isang malaking bahay kaya nakadama siya ng konting takot at kaba. Kanina habang nasa biyahe pa sila ng mamang taxi driver ay parang gusto niya na huwag ng makarating sa kanyang destination. Kinakabahan siya dahil first time niya na mamasukan bilang helper. Kung hindi lang talaga iyon ang paraan para makuha niya ang gusto niya, na naging pangarap na niya ay hinding hindi niya gagawin iyon. Iyon na kasi ang pinakamabilis na choice para makarating siya sa lupang pinapangarap, ang Europe. Kung sa pinas kasi siya mag aapply para makarating doon ay aabutin siya ng pagtanda, hindi pa siya nakakaalis papuntang Europe, tapos ay peperahan lang siya ng nga scammer doon. Alam na alam na niya ang kalakaran ng mga utak ng mga namemera lang. Mahirap magtiwala ng basta basta lalo at napakalaking halaga ang pinag uusapan. Trenta'y singko pa naman na ang edad niya, nasa stage na siya na nanganganib na ang kanyang edad. Pati nga lovelife ay talagang nasa panganib na. Ewan ba niya bakit ganoon siya. Aaminin niya na naaatract din siya sa opposite s*x pero hindi na lumalawig pa, hanggang doon lang. Lalo na kapag nalaman pa niya na may gusto pala sa kanya, ahay!, wala na turn off na talaga siya. Nung bata siya marami siyang crush talaga at pinagpapantasyahan, lalo at mga koreano, mahilig kasi siya sa kdrama. Nung kasibulan naman niya ay nagkaroon din siya ng lagpas daliri na mga kafling lang pero hindi talaga siya nagseryoso. Sabi kasi ng lola niya, ang tunay na pag ibig daw ay darating sa edad na twenty five to thirty five years old. Kaya iyon ang pinanghawakan niya. Naalala pa niya ang lola niya kapag nagkukwento at binabalikan ang kabataan nito, hay nako po! Kilig na kilig. Sabi nito mararamdaman daw iyon sa unang pagkikita pa lang, sa unang pagtatama pa lamang ng mga eye balls daw, at lalo na kapag nag usap pa daw. Napapangiti pa rin siya lagi kapag naaalala niya ang mga mata ng lola niya na kumikislap pa sa pagkukwento ng tungkol sa lolo niya. Sobrang mahal na mahal nito kasi ang lolo niya. Solo flight na siya sa buhay niya simula ng pumanaw ang matanda, may dalawa pa siyang mas panganay na kapatid pero may kanya kanya ng pamilya na ang mga iyon, three marias kasi sila. Lalo naman ang Mama niya may bago na itong asawa start ng pumanaw ang Papa niya dahil sa sakit sa puso. Ang bahay na naiwan ng lola niya sa kanya ay may kalumaan na, na ipinauupa na lang niya sa malapit na kamag anak niya sa mother side. Ayaw din niya magstay na mag isa doon at parang haunted house na ang dating. Matatakutin pa naman siya. Sabi pa ng lola niya noong nabubuhay pa ito ay hinding hindi daw siya mumultuhin nito kapag namatay dahil nga sa alam nito na napakaduwag niyang tao. Noong nagmatured na siya ay malaki ang ipinagbago niya. Future na niya ang laging laman ng isip niya, marami siyang gustong gawin sa buhay. Yung usapang pag ibig ay hindi na niya naging priority. Paano wala naman siyang naexperience pa na ganoon, yung katulad sa mga kwento ng lola niya. Minsan naiisip niya na jinajamming lang siya ng matanda o pinagtitripan, gusto nito na maniwala siya dito sa mga kwentong pag ibig na hindi niya alam kung totoo ba. Kung kailan siya magkakaboyfriend para makapag asawa ay walang makakapagsabi talaga. Mas enjoy siyang ienjoy ang buhay niya nang nag iisa, yung nagagawa niya ang lahat ng gusto niya na walang nangingialam. Kahit anong panahon niya gustuhin ay magagawa niya na hindi kailangan ng permiso ng iba. Sa mga nagkakagusto sa kanya ay wala na siyang magagawa doon. Eh sa wala siyang nararamdaman, ano ang gagawin niya? Alangan pilitin niya?! Pero syempre iniisip din niya ang kapakanan ng mga iyon kaya hindi na niya binibigyan pa ng pag asa ang mga ito, sinasabihan na niya sa una pa lang na wala siyang gusto kahit na katiting sa mga ito. Minabuti niya na sundin ang payo ng dalawang nakasama niyang magtrabaho sa bansang Taiwan na kasalukuyang nasa Europe na, na sa ibang bansa siya mag exit para mas maging maiksi ang processing time. Wala kasing mangyayari daw kung sa Pinas siya manggagaling, sayang lang daw ang pera niya. Mamumuti lang ang mga mata niya sa paghihintay sa wala. Lagi niya kasing kachat ang mga iyon kaya marami siyang nalalaman na mga information. Lagi din siyang likers ng mga ito sa mga post ng mga ito sa f******k. At ang naisip niya na pinakamagadang option ay mamasukan siyang Domestic Helper dito sa bansang ito, para makaapply na siya dito. Marami kasing agency going to Europe dito sa Hongkong. Reason niya ay konting panahon lang naman ang kanyang ipagtitiis sa pagpapaalipin sa mga chekwa, dahil balak niya agad na mag apply ora mismo kapag nabigyan na siya ng Hongkong id. May pera din kasi siya sa bangko na inilaan niya talaga para sa placement fee. Iyon kasi ang main requirements na kakailanganin together syempre with her passport na ten years validity. Bagong renew pa niya iyon bago siya umalis sa Pilipinas. Mahirap kasi kung dito pa siya sa Hongkong aabutin expiration, masmahal at mas mabusisi ang proseso. May sinasabi ang driver na hindi niya maintindihan. Napapakamot na lang siya sa ulo. Itinuturo nito ang bahay na color white with the touch of red. "Is it here? Chiri la ma?" Tanong niya. English at mandarin na iyon. Ewan niya kung naintindihan ba siya ng driver. "Haya! Haya! Haya!" Iyon ang naririnig niya sabay tango ng maraming ulit, isip niya ang sakit naman sa leeg non. Gusto niyang matawa sana, kaso pinigilan niya at baka isipin nito na pinagtatawanan niya ito na totoo naman. "Okay, okay." Aniya saka bumaba na siya. Isinukbit niya ang malaking backpack sa likod niya at ang malaking shoulder bag na white sa kanang balikat niya. May dalawang malalaking maleta pa siya na nasa likurang na taxi. Oh diba hindi naman siya mukhang ready talaga sa pagpunta doon sa hongkong. Actually ay lumagpas siya ng isang kilo buhat sa 36 kilos niya na dapat lang niyang bagahe sa airplane, buti na lang at siya ang pinakalast passenger kaya pinagbigyan na siya ng crew. At dahil nga sa last na siya ay halos takbuhin na niya ang immigration area, tapos ang mahabang lakarin pa bago makarating sa gate 5. Baka masaraduhan siya ng eroplano. Medyo kabado din siya, pero pagdating naman niya doon ay nagsisipasukan pa lang pala ang mga pasahero. Tapos ang kasabayan niya ay inilagay sa tainga niya ang phone nito, no choice siya kundi sagutin. Nakatanggap tuloy siya ng maraming sermon ng pinakaboss ng kanilang agency, dahil sa hindi niya pagtupad sa maagang oras na bilin ng mga ito, isinumbong siya ng kasabayan niya. Oo na lang siya ng oo, hindi na rin niya masyadong inintindi ang mga sinabi, ang mahalaga ay naroroon na siya at papasok na sila ng China Airlines. Kaya no pakels na siya sa galit ng agent. Hindi pa siya pumipindot ng doorbell ay bumukas na iyon, meaning ay talagang hinihintay ng mga ito ang kanyang pagdating. Isang matanda na matabang lalaki ang sumalubong sa kanya, ayon sa facial aura nito ay mukhang mabait naman, wish niya lang na hindi siya nagkakamali ng sapantaha. Mabilis ang mga kilos na hinila niya muna ang isang malaking maleta at ang dalawa niyang bag na papasok, itinuro ng matanda na doon siya sa bandang dulo. Tapos ay agad niyang binalikan pa ang isang maleta niya sa may gate na naiwan. Sobrang kabang kaba talaga siya sa sitwasyon niya ngayon. Ganon pala ang feeling ng isang pagiging katulong, dama niya ang malaking kahihiyan sa pagkatao niya. Tumingin siya kung saan naroroon ang matandang lalaki pero wala na ito sa may gate. Sa sapantaha niya ay nasa loob na ng bahay, sa entrace door dumaan. Kaya naisipan niyang buksan ang sliding door sa likurang bahagi ng bahay at kailangan na niyang pumasok sa loob. Huminga siya ng pagkalalim lalim, para patatagin ang sarili niya. Bitbit ang isang maleta at ang dalawang bag ay pinasok na niya ang bahay. Nakita nga niya na nasa loob na ang matandang lalaki. Inilapag niya ang mga bitbit at binalikan naman ang isa pa niyang maleta. "Hello sir.! Hello Ma'am!" Agad na bati niya sa dalawang matanda habang nakangiti, medyo yumukod din siya. Turo iyon ng agency niya sa pinas na ipakita daw niya ang paggalang sa magiging amo niya. Kailangan pa nga daw na magpaimpress siya sa mga ito. Dahil first impression last ang karamihan sa mga motto ng mga chinese person. Kung paano niya gagawin iyon ay bahala na. Yung pakiramdam na parang gusto niyang bumalik ng pinas ora mismo ay damang dama niya. Ibang iba pala ang pakiramdam, natatakot siya na hindi niya mawari and ofcourse nanliliit siya sa sarili niya dahil sa trabaho na ipinunta niya doon, bilang isang katulong. Tiis lang self, makakaya mo rin iyan. Saka saglit ka lang naman mangangatulong. Iyon ang paulit ulit na ipinapasok niya sa isip, para pilitin niyang kayanin ang panibagong yugto na iyon ng buhay niya. Mabait naman ang bungad ng dalawang matanda sa kanya kaya kahit papaano ay nababawasan ang takot niya, kung totoong mababait nga ang mga ito ay masasabing swerte pa rin siya. May maliit na batang lalaki din doon, sa pagkakaalam niya ay three years old iyon, dahil nang mainterview siya sa Whats App ay nakita niya sa videocall ang batang iyon. Ang sabi ng matandang lalaki ay Sir o laofan daw ang itawag niya dito. Ang laofan kasi ay salitang mandarin na meaning ay boss, samantalang sa matandang babae na asawa nito ay mama daw naman. Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa may sofa. Kanina ay napansin na niya iyon pero she only ignore. Ipinakilala iyon ni Mama na anak daw nitong lalaki at panganay daw. Dalawang lalaki daw kasi ang anak nito. Ang tawag naman dito ni Sir ay big brother. Medyo natawa siya palihim dahil naalala niya ang bahay ni kuya sa philippine television show. Si big brother. Nakatayo siya sa harap nito, ngumiti siya sabay sabing "Hello." Medyo yumukod din siya, busy iyon sa kakadutdot ng phone, sumulyap sa kanya ng saglit na saglit lang, parang napilitan lang siyang tignan at nagmukha siyang istorbo tuloy dito. "Hello. Hello." Sabi din nito sa baritonong boses, pero hindi ngumiti at hindi na tumingin pa ulit sa kanya. Naisip niya na may pagkasuplado pa yata. Inalis na niya ang atensyon niya sa lalaki, at nagfocus sa matandang babae. Hindi niya alam kung ano talaga ang gagawin. Sobra siyang naninibago sa bagong experience na iyon. "Do you speak mandarin?" Tanong ng matandang lalaki. "Because mama speak mandarin." Sabi nito. Nakakapagsalita siya pero hindi naman ganoon kagaling, medyo nakakaintindi lang din siya pero sa tantiya niya ay mga twenty percent lang. "Yes sir, but itientien." Aniya dito. "Okay, okay." Parang sa tingin niya ay mukhang strikto yata ang matandang lalaki. Tinawag siya ni mama dahil kakain na pala ang lunch. Hindi na niya napansin ang oras sa sobrang kaba na nararamdaman niya. Napatingin siya sa malaking wall clock kaya nalaman niya na alauna na ng hapon. "Eat, eat." Sabi ni mama inabot nito sa kanya ang isang styrofoam box na may lamang pagkain. "You can eat there." Turo nito sa may pinasukan niya kaninang pinto. Mayroon kasing lamesang kahoy doon. "Thank you, thank you mama." Pasasalamat niya dito. Nadaanan niya ang mga bag na basta na lang niya inilapag sa semento, mamaya na niya aayusin pagkakain. Mag isa siyang pumunta sa lamesa, saka siya nagsimulang kumain. Maya maya ay dumating si Sir at inabutan siya ng bottle water. "Thank you Sir." Sabi niya sa matandang lalaki. Nang umalis ito ay napahinga siya ng malalim. Yung pakiramdam na gusto niya ulit umatras ay damang dama niya, hindi niya kasi maiwasan na hindi manliit sa kanyang sarili. Pero pinapangaralan niyang pilit ang diwa na marangal na trabaho naman iyon at wala siyang dapat na ikahiya. Maganda nga rin na makaexperience niya ganoong mga pangyayari sa buhay niya, at tiyak niya na marami siyang matututunan. Binilisan na lang niya ang pagsubo at pagnguya, iba na ang sitwasyon ngayon baka sabihin pa ng mga boss niya na ang bagal niyang kumain. Naririnig niya na kumakain na ang mga ito sa loob. Si Sir, si Mama, si big brother at ang maliit na bata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook