Story By lady dhanie
author-avatar

lady dhanie

ABOUTquote
Writing is my hobby! And imaginating is my anti-stress. Let\'s explore the magical world of creating such a wonderful stories to discover, in this timely matter.. Hoping you gonna find this novel lovable and enjoyable.. I\'m gladly, you find me, your very much welcome reader..?? Copyright © 2021 All rights reserved. No part or portion of this stories may be reproduced, recorded, copied or transmitted in any forms or by any means, electronic or mechanical, without the written permission of the copyright holder.
bc
The Last Liberator
Updated at Apr 23, 2024, 00:10
Si Simon Flabio Teres ang ikasangdaan saling lahi ni Gabriel na tagapangalaga sa The Concealed World. Siya na ang pinakahuling saling lahi dahil siya ay mapupunta sa misteryosong lungsod na iyon na siyang nakatadhana upang iligtas ang sangkaluluwa na naninirahan doon. May natatangi siyang lakas na nakapaloob mismo sa kanyang kaluluwa na nagmula sa kanyang ninunung si Gabriel. Magigising na lamang siya, na naroroon na siya. Puno ng pagtataka at takot ang kanyang puso sa una lamang, dahil sa kanyang nakikitang paghihirap at pang-aalipin ng mga lahing demonyo na lumukob doon. Magkakaroon ng isang matinding labanan sa pagitan ng mga demonyo at ng mga kaluluwa. Na dapat maipanalo ni Simon dahil nakasalalay doon ang ikatatahimik at kapayapaan ng lungsod.
like
bc
For the Sake of Love
Updated at Oct 28, 2021, 19:06
Hindi niya alam kung paano nagsimula at kung saan nagmula iyon, basta isang araw ay nagising na lang siya na napatunayan na niya sa kanyang sarili na may natatangi nga siyang kakayahan na hindi pangkaraniwan. Nakakaya niyang malaman ang susunod na mangyayari sa isang tao na makakasalamuha niya, kapag nahawakan niya ito sa alinmang bahagi ng katawan nito. Feeling proud siya nung una dahil nakakatulong siya sa iba lalo at mga malalapit sa kanya at mga mahal niya sa buhay. Pero ang napapansin niyang consequence ng ginagawa niyang pagtulong ay hindi nagiging maganda para sa kanya. Dahil siya ang nagsusuffer, siya ang nasasaktan. Sa kanya nangyayari ang dapat mangyayari sa iba kapag binalaan niya kung sino man iyon. Kaya naghanap siya ng ibang paraan para makatulong pa rin na hindi na niya kailangan pang ipaalam ang pupwedeng mangyari sa mga ito. Pero habang lumalaon ay nagiging masmasalimuot pa ang mga nakikita niyang hinaharap, na gigipit sa kanya dahil ang nakataya na ay ang buhay ng nag iisang lalaki na minahal niya.
like
bc
Barbara Catacutan
Updated at Aug 12, 2021, 06:40
"Alam mo kung pinagmamasdan mo lang ang pagmumukha mo sa salamin! Hindi ka siguro magkakaroon ng lakas ng loob na ipahiya ako!" Galit at palaban na saad niya s kaharap. Sobrang gigil na gigil na siya dahil sa kasamaan ng ugali ng babaeng kaharap. Hindi niya alam kung bakit nagagawa nito na ipahiya siya sa harap ng maraming tao. "Talaga lang Miss Barbara Catacutan!" Ipinagsigawan pa nito ang panget niyang pangalan. "Eh ikaw ang lakas ng loob mong rumampa! Hindi rin naman bagay sa iyo! Pa Ara Ara ka pa. Yuck!" Parang diring diri wika nito na naging dahilan ng kanyang pag-iyak. Talaga yatang kasumpa sumpa ang pangalan niyang taglay kaya siya ginaganon ng mga taong nakapaligid sa kanya.
like
bc
One Sided Love
Updated at Jun 28, 2021, 21:58
"Please Megs!.. Try to understand I-im so sorry,. But it's over." Hindi siya makapagsalita habang sinasambit ni Adrian ang mga katagang iyon sa kanya, basta tumutulo lang ang luha niya sa sobrang sakit. Nakikipaghiwalay sa kanya ang nobyo niya dahil sa isang hindi malinaw na rason, pero wala naman siyang magagawa, ayaw man niyang pumayag ay alangan ipilit niya pa ang kanyang sarili sa taong ayaw nasa kanya. Marami pa daw kasi itong dapat gawin at hindi nito kayang pagsabayin siya at ang pangarap nito. Kung talagang sila naman daw sa bandang huli ay tadhana ang gagawa ng paraan. Pero for the mean time ay hayaan daw muna niya ito. "I know you Megs at naniniwala ako na maiintindihan mo ako." Binitawan na nito ang kanyang kamay at tumayo na para umalis at iwan siya. Inihatid niya ito ng tingin, kahit na gusto niyang pigilan ito o magmakaawa na huwag siyang iwan nito ay hindi niya magawa, pakiramdam niya ay napipi na siya. Ito pa naman yung lalaki na minahal niya sa lahat, ibang iba ang katangian nito sa mga nakarelasyon niya. Akala niya ay ito na talaga ang magiging kapalaran niya pero isang napakalaking pagkakamali pala ang ginawa niya na ibigin ito ng wagas.
like
bc
The Glitch (truth reveal)
Updated at May 15, 2021, 22:05
Nagdiwang ang kalooban ng mga correspondents ng marinig nila ang salitang not guilty, iyon ang pasya ng hukuman na sila ay napawalang sala sa krimeng kinasangkutan nila. Para silang mga nabunutan ng mahahaba at matatalas na tinik sa lalamunan dahil sa naging pasyang iyon. Samantalang ang kampo ng pamilya ng biktimang namatay na si Angela Doce ay tumatangis at naghihinagpis dahil hindi nabigyan ng katarungan ang sinapit ng kanilang pinakamamahal na anak. "Haayss. Atlast natapos din." Wika ng isang lalaki na nakatingin sa katabi. Lubhang napakahabang proseso at masasalimuot na paglilitis at pag iimbistiga ang kanilang mga pinagdaanan. At ngayon ay itinuturi na silang mga inosente sa kamatayan ng dalaga. "That's good to us and better to them." Dagdag naman ng isa pa, pero ang mga tinginang iyon ay may kahulugan na sila sila lamang ang nakakaalam. Kung anuman ang totoong pangyayari at dahilan ng kanyang pagkamatay ay hindi na muli pang mauungkat, dahil tapos na. Wala na kayang pag asa pa na mabigyan ng katarungan ang sinapit ni Angela Doce, ngayong tapos na ang kaso? Kung makakamit pa nito ang hustisya na nararapat dito ay panahon lamang ang nakakaalam. Abangan..
like
bc
Finally Found You
Updated at Apr 28, 2021, 19:04
Si Denise ang tipo ng babae na maraming gustong gawin sa buhay niya, madali rin siyang magsawa sa isang bagay o ginagawa. Kaya hindi niya choice ang maging permanente sa isang trabaho. Sa edad na trenta'y singko ay napakarami na niyang lugar na napuntahan. Marami na rin siyang work experience, kaya nagiging madali din sa kanya ang matanggap sa mga inaapplayan niya. Hanggang sa dumating sa punto na gusto naman niyang pumunta sa Europe at magtrabaho doon, at maging citizen na rin. Ang pakikipagrelasyon ay wala sa balak niya. Kaya she decided na magtrabaho sa Hongkong bilang Domestic Helper. Nandoon kasi ang mga agency for Europe at balita niya madaling mag apply doon. Natanggap naman siya agad ng isang Chinese family, isang mag asawa na matatanda na. Ang hindi niya inaasahan ay may anak pala ang mga iyon na isang bachelor dahil sa 41 years old na ang lalaki. Very much single, gwapo, matangkad, very manly ang voice, nafafall tuloy siya ang kaso ay suplado. Ni hindi man lang talaga siya kinakausap kahit na marunong namang magsalita din ng english at parang hindi siya nag eexist sa harapan nito lalo nasa buhay ng mga ito.
like
bc
I LOVE YOU.. GOODBYE
Updated at Apr 27, 2021, 22:09
Nangibang bansa si Dolly para maiba naman ang landas niya na tinatahak at para lumayo sa mga masasakit na karanasan na nangyari sa kanya ng mga nakaraang panahon. Mula pagkabata ay nabatbat ng hirap at sakit ng kalooban ang kanyang puso. Sa totoo lang ay wala siyang naalala na naging masaya siya. Galing siya sa broken family at parehong magulang niya ay nagsipagasawa ng iba at kinalimutan siya. Kaya lumaki siya na laging nakikitira lamang, at dahil doon ay nakapag asawa naman siya ng maaga na naging isang sumpa sa pagkatao niya. Minalas siya dahil maling tao ang pinakasalan niya. Nagkaroon siya ng oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa, na hindi niya sinayang at agad siyang gumawa ng pagkakataon na makalayo. Maraming taon ang lumipas sa kanya, naging masaya din naman siya doon, nagkaroon siya ng maraming kakilala at mga tunay na kaibigan, naaliw siya at kahit papaano ay nakalimot sa kirot ng kahapon. Isa pang dahilan kung bakit siya naging lubos na masaya ay dahil kay Vhins. Ang lalaki na itinangi niya sa buhay niya, ipinaramdam sa kanya nito na isa siyang mahalagang babae na dapat mahalin alagaan at ingatan. Sa tulong nito ay tuluyan niyang nakalimutan ang lahat ng masasakit na karanasan at napalitan ng hindi mahalilip na kaligayahan sa piling nito. Walang oras na hindi siya naging masaya, dahil napakabuting tao sa kanya ng binata. Pero sadyang ipinanganak na yata siya para masaktan at hindi pwedeng lumigaya kailanman. Pero madali niyang natanggap iyon, isip niya ay naging masaya na rin naman siya kahit sa sandaling panahon na kasama ito dahil ang katumbas niyon sa kanya ay magpakailanman. Ngayon ang iniisip na lang niya ay ang kaligayahan ng kanyang minamahal na lalaki. Nakahanda siyang iwan si Vhins kahit ang kapalit ay kalungkutan na habang buhay na yatang maninirahan sa puso niya. Pero para sa pagmamahal ay gagawin niyang lumayo dahil alam naman niya sa umpisa pa lang na hindi siya ang karapat dapat na mahalin nito
like
bc
Deep Pained(ongoing)
Updated at Dec 28, 2020, 18:26
Hanna Perez, nag iisang anak ng mag asawang Dennis at Analyn. Mahirap lang ang buhay nila pero hindi matatawaran ang kaligayahan sa batang puso ni Hanna, dahil sa pagkakaroon ng mabubuting mga magulang. Kahit kaunti lang ang pagkain nila ay pinagsasaluhan nila iyon ng masaya. Sa batang edad niya ay marami nang nabubuong pangarap sa isipan niya para sa mga magulang, gusto niya na mabigyan ang mga ito kahit papaano ng maalwan na buhay sa paglaki niya. Isang tindero sa bangketa ang tatay niya at namamasukang labandera naman ang kanyang ina sa isang mayamang pamilya. Pero isang malupit na tadhana ang hahadlang sa pangarap na iyon. Na magiging daan naman para makaranas siya ng maayos at mayamang buhay sa piling ng mga umampon sa kanya. Doon papasok sa buhay niya ang isang tao na nagngangalang Brake Monteverde. Isang lalaki na makakaunawa sa kanya, aalagaan siya at ituturi siyang isang mahalagang babae sa buhay ng mga ito. Mapapalagay ang kanyang loob dito at ituturi niya itong night in a shining armor. Pero sa kabilang banda ay papasok din sa buhay niya si Baron Monteverde. Na kabaligtaran ni Brake. Ang tipo nito ay yung kahit nasa harapan siya nito ay hindi siya nag eexist sa mga mata nito, masyado itong malalim at ayaw na ayaw nitong makikipaglapit sa kanya dahil nananatiling ang tingin nito sa kanya ay isang yagit. Kaya nanatiling malayo ang loob niya dito. Pero sadya yatang may kamalasan siyang hatid sa mga tao sa paligid niya. Dahil sa hindi niya inaasahang pangyayari ay magkakaroon siya ng matinding kasalanan sa pamilyang kumupkop sa kanya, na lalong magpapasidhi sa nadaramang pagkadisgusto sa kanya ni Baron, na magtutulak pang lalo sa lalaki para magalit ito sa kanya at mauwe sa matinding pagkamuhi. Kung paano siya mapapatawad nito at matatanggap ay wala na yatang pag asa, dahil ang hiniling nito sa kanya para kahit papaano ay mawala daw ang malaking galit nito sa kanya ay ang kanyang paglayo.
like
bc
I'm sorry I can not UnLove You
Updated at Dec 28, 2020, 05:44
"Lumayo ka na. J-just leave me alone. M-maiintindihan kita Dax kung gagawin mo iyon, dahil iyon ang tamang gawin." Lumuluhang sabi niya dito. Nakatingin lang ito sa kanya, hindi nagsasalita pero kita niya sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman. Tutol ang kalooban nito na umalis at iwan siya. "Alang alang sa pamilya mo, sa mga pamilya natin, ito ang makakabuti." Dagdag pa niya dito. Pero habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay unti unti na siyang nadudurog, pinipiga ang puso niya sa tindi ng sakit na nadarama niya, wala siyang kasalanan pero bakit kailangang siya ang masaktan at magsakripisyo. Ang sagot ang kani kanilang pamilya ang involve sa sitwasyon. May malaking kasalanan ang pamilya niya sa pamilya nito. Kaya mas makakabuti na maghiwalay na sila kahit ni hindi pa nga nagsisimula ang magandang relasyon sana na magkakaroon sila ni Dax para sa katahimikan ng lahat at para sa kapayapaan ng puso ng lalaking mahal niya. Tumalikod na ito, at naglakad palayo. Kung kailan magkakaroon ng kapatawaran at magiging maayos ang lahat o kung matatanggap pa ba siya nito at ng pamilya nito ay hindi na siya aasa. Bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata na sumama sa malakas na buhos ng ulan. Sinimulan na rin niyang tumalikod at maglakad palayo sa lalaking iyon na minahal niya ng lubos mula pa noon.
like
bc
Make you Stay (book 2 completed)
Updated at Nov 27, 2020, 17:01
Pinagmamasdan niya si Miguel habang mahimbing na natutulog, hindi niya mapigil ang mga luha at malayang umaagos sa kanyang magkabilang pisngi masyado siyang nasasaktan sa mga nangyayari at hindi niya alam ang dahilan kung bakit naging ganoon ang mga pangyayari. Masaya at maayos naman ang relasyon na mayron sila ni Miguel, akala niya wala nang katapusan ang mga masasayang sandali, yung damang dama niya na sobra siyang mahal nito, wala na siyang mahihiling pa, napakasarap nito magmahal, sa araw araw ay nagagawa siyang pasiyahin nito. Pero bakit naglaho ang mga sandaling iyon. Isang umaga paggising niya ibang Miguel na ang kaharap niya, malayo sa lalaking pinakasalan niya. Kung ituri siya nito'y para siyang ibang tao at sobra siyang nasasaktan. "Miguel mahal na mahal kita, kahit paulit ulit mo akong masaktan, kahit paulit ulit mo akong itaboy." Kumawala ang isang hikbing hindi niya mapigil. Parang tinutusok ang puso niya ng mga karayom sa kanyang nadaramang paghihinagpis. "H-hindi kita kailanman iiwan, hindi ako susuko, lalo ako magsusumiksik sa iyo Miguel.. I'll do everything promise to make you stay!.."
like
bc
What Lies Beneath
Updated at Nov 19, 2020, 22:43
Siya si Nathalie Estremos isang karaniwang babae na matatawag. Bata pa siya ay pinangarap na niya na maging isang sikat na modelo. Kahit endorser ng kahit na anong produkto ay napakasaya na niya siguro. Kaya lang ay hindi siya biniyayaan ng katangkaran. Sa height niyang 4'11 ay wala na talaga siyang pag asa na makuha ang kanyang pangarap. Although maganda at maliit naman ang kanyang mukha at marami ang nakukyutan sa kanya dahil maamo ang kanyang mga mata, still hindi pa rin siya pansinin kung itatabi siya sa karamihan. Pero dumating ang pagkakataon na mapapalapit siya sa kanyang pangarap kaya she grab it agad ng walang pagdadalawang isip. May kumuha sa kanya na maging isang PA o Personal Assistant. Nirekomenda kasi siya ng kanyang bestfriend sa isang sikat na modelo nasi Ms.Francesca Visconde o mas kilala sa nickname na Cheska dahil nangangailangan ito ng makakatulong. Binigyan siya nito ng mga rules ang procedure at kabilin bilinan nito na maingat niyang susundin ang lahat ng mga bilin nito. Naging masaya siya at well enjoy sa kanyang bagong mga karanasan, bukod doon ay marami din siyang mga natutuhan pa, dama din niya ang pagiging mabuting tao ng kanyang Lady Boss. Pero kalaunan ay nagtataka siya dahil may mga bagay na kakaiba dito. Ika nga ay weird talaga, lalo na kapag nasa bahay siya nito. May pagkakataon pa na talagang naninindig ang kanyang mga balahibo sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi siya nakatiis kaya nasabi niya iyon sa bago niyang kasintahan na si Dom. Magugulantang siya sa isang napakatinding sikreto na malalaman niya tungkol kay Ms. Cheska na magiging dahilan para manganib ang kanyang buhay. Kung paano siya maiiligtas ng nobyo ay wala siyang ideya. Pero umaasa pa rin siya na makakagawa ito ng paraan. Sana lang ay hindi mahuli ang lahat para sa kanya..
like
bc
PROVOKE
Updated at Oct 31, 2020, 00:48
Sa edad ni Antonio Gabriel na trenta'y singko o may palayaw na Anton ay ngayon lang siya nabighani sa isang dalaga, sa kabila ng marami namang nakapaligid din sa kanyang mga babaeng may mga sinasabi ang itsura. Hindi niya akalain na magiging ganoon katindi ang madarama niyang atraksyon sa masungit na si Nathalie na nagtatrabaho sa bahay ng kanyang Biological Father na hanggang sa panaginip niya ay nandoon ito, at sinusungitan siya. Unang kita pa lang niya dito ay nakatanggap na siya ng panlalait at pagmamaliit. Sabagay she don't know yet na anak siya ng mayamang Don. The first encounter that they had ay nang pumasok na lang siya basta sa opisina ng father niya, na nakatsinilas lang, wearing old and faded jeans and perforated t-shirtl. He looks like a beggar. Kaya parang nandiri ang itsura nito pagkakita sa kanya. Nilait-lait siya nito, kaya nalaman niyang pangit pala ang ugali ng babae, but definitely beautiful, sexy and very attractive in his eyes. Hindi niya alam kung hanggang saan ang pagsusungit nito. But despite of being rude to him, he felt something to her that he could not ignore. Parang gusto niya tuloy subukang tumira sa malaking bahay na iyon, para lalong asarin pa ang dalaga.
like
bc
Invisible Touch(completed)
Updated at Oct 21, 2020, 05:54
Napilitan siyang lumipat sa bahay na iyon dahil sa kawalan ng matitirhan.. Ang malaki at lumang bahay na iyon ay namana ng kanyang ina sa lola nito na may lahing kastila at dahil nag iisa lang siyang anak kaya siya lang ang tagapagmana niyon. Tutal may balak siyang ibenta ang bahay na iyon at sa tiyak niya ay malaking halaga ang katumbas niyon dahil sa antique nang matatawag, at pati ang mga kagamitan sa loob ng bahay na iyon ay talagang ilang dekada na ang edad, kaya pinili na rin niyang pansamantalang tirhan para makita na rin niya ang mga kasiraan at magawan niya ng paraan, at kapag naibenta na niya saka siya bibili ng maliit lang na bahay dahil nag iisa na lang naman siya. Sa edad niyang trenta'y singko ay hindi pa siya nakakapag asawa at ulila na rin siya dahil sa tinamong aksidente ng kanyang mga magulang noong trenta'y anyos pa lang siya. Mga tiya at tiyo na lang ang kanyang nagsisilbing kapamilya Marami siyang plano kapag naibenta na niya ito, naisip niya habang nakatayo sa harap ng matandang mansyon na iyon at isa sa balak niya ay pumunta sa ibang bansa at mag asawa ng ibang lahi, iyon ng gusto niya ayaw niya kasi sa mga pinoy na puro kasweetan kuno sa umpisa at pagkatapos magsawa ay iba na naman. Pinasok niya ang bahay na iyon at isa isang kinikilatis ang mga kasangkapan na naroon, iniisip na niya ang ipepresyo niya kapag binenta niya ang mga iyon. Napapangiti tuloy siya ang hindi niya alam ay may isang pares ng paningin ang naroroon at pinagmamasdan siya sa bawat kanyang gawin..
like
bc
Even if the World Against Us(completed)
Updated at Sep 30, 2020, 08:22
Lumaki si Bernadette sa malapalasyong pagmamando sa loob ng kanilang bahay. Nag iisa siyang anak na babae nito at may tatlo siyang mga matatandang kapatid na lalaki. Alagang alaga siya ng kanyang ina at bantay sarado siya ng mga kuya at tatay niya, dahil prinsesa siya sa bahay nila. Kailangan ay mag asta siyang dalagang pilipina kapag kasama ang pamilya. Ang hindi alam ng mga ito ay mas maton pa siya sa mga kuya niya kapag nasa labas. Ganon na talaga siya at yun ang gusto niya. Wala din siyang interes sa kahit na sinong lalaki, sa babae lang. Hanggang balikat ang kantang tuwid na buhok na binagayan ng heart shape na mukha, kaya wala naman nag iisip na isa siyang lesbian. Wala naman sana siyang balak na maging isang ganap na tomboy, kung hindi lang dumating sa landas niya si abigael. Unang kita pa lang niya dito nang magpakilala ito bilang bago nilang kaklase ay pakiramdam niya ay nabighani na siya. Kay lakas ng tibok ng kanyang puso, at nakadarama siya ng kaba. Ang kaso ay saksakan pala ito ng sungit at suplada. Hindi siya papayag na hindi niya magawang maging malapit dito. Handa siyang gawin ang lahat para mapansin nito at kung papalarin ay maging jowa niya ang dalaga.
like
bc
Behind Hatred (book 1) completed
Updated at Jul 31, 2020, 17:27
"You seduced me!... Kaya nangyari ito!" Malakas na sigaw niya dito, galit na galit siya sa lalaki na ito. Nakatitig lang ito sa kanya, at nakikinig "Kung inaakala mo na magiging sayo ako, isinusumpa ko hinding hindi mangyayari iyon!" Halos mabingi din siya sa lakas ng kanyang boses. Hinding hindi siya papayag na maging asawa ito kahit pa nakuha nito ang lahat lahat sa kanya at pati buong simpatya ng kanyang pamilya. Magsasampa siya ng kaso dito. r**e, r**e naman talaga iyon. Pero hindi iyon ang sinabi ng katawan niya kanina. " Celyn!" Madiing bigkas nito, "just marry me! At magiging maayos ang lahat sayo pati na ang pamilya mo, pero kung makikipagmatigasan ka pa! Ikaw din ang mahihirapan damay pa ang papa mo." Babala nito, ang mga mata nito ay hindi nagbibiro. Gulong gulo na siya at hindi na niya alam ang gagawin. "Paano ako magpapakasal sayo? May mahal akong iba! May boyfriend ako!" Luhaan sabi niya dito. "At ikaw matanda ka na! Bakit hindi kaedad mo ang asawahin mo!" Mukhang nasaktan iyon at biglang umalis, naiwan siyang tulala sa kawalan at nag iisip. Paano siya makakatakas sa lalaki na iyon?
like
bc
Gusto kita, kaya Akin Ka completed
Updated at Jul 23, 2020, 23:56
Galit na pilit inilalabas, pero natatabunan na tunay na damdmin, nakaraan na lumikha ng sugat na hanggan sa kasalukuyan ay hindi gumagaling, pag ibig na ngpupumiglas, pero pilit itinatago at ayaw bigyan ng pagkakataon na makalaya upang maipadama. may pag asa pa kayang lumigaya sa piling ng isa't isa na ang mga puso ay nagmamahal na walang kapantay, ngunit itinatago upang hindi na muling masaktan.
like