Chapter 2

2069 Words
Mabilisan ang ginawa niyang pag aayos ng kanyang mga damit at gamit. Sabi kasi ng matandang lalaki ay ilagay niya muna sa ibinigay nitong mga orocan box ang mga iyon. Pinanuod pa talaga siya nito kaya natataranta siya. Ano ba itong napasok ko? Saloob niya. Kaya yan Denise ikaw pa! Para siyang timang, yun ang tingin niya sa sarili niya, wala na kasi siyang ibang makakausap ng tagalog words sa bahay na iyon kundi ang sarili niya lang. Sa tantiya niya ay inabot lang siya ng ten minutes sa ginawa. Ganoon siya kabilis kumilos, paano naman kasi ay nakamasid ang dalawang matanda, sa palagay niya ay tinitignan din ng mga ito ang mga bitbit niya, baka kasi may dala siyang baril o bomba siguro. "Okay?" With matching hand sign pa ang matandang lalaki,ng matapos na siya sa ginagawa. "Okay! Okay!" Masiglang sagot niya. Alam niyang dapat ay energetic ang dating niya at dapat siyang magpabibo. Umalis na ang mga ito. Saka lang siya nakahinga ng maluwag, medyo pinakalma niya muna ang sarili ng dalawang minuto, nagstay siya sa maliit na kwarto niya at sumandal sa pader. May extention ang bahay na iyon sa likurang bahagi na nagsilbing playroom ng bata. Pansin na niya agad kanina pagdating pa lang. Dahil ang kabilang bahay ay hindi ganoong kahaba gaya ng sa magiging amo niya. Napakaraming laruan, ngayon lang siya nakakita ng ganoong karaming toys at mga books na pangbata. Sabagay mayaman, ganoon yata kapag mayaman talaga. Ang kwarto niya ay nasa kaliwang bahagi ng playroom, na sadyang ipinasadya lang para sa helper ng mga ito. Napatingin siya sa single size bed parang gusto niyang humilata sa pagod na nadarama. Kung nasa bahay niya lang siya ay malamang kanina pa siya naghihilik. Matinding pagod ang nadarama ng buong katawan niya ngayon, kabibigat ba naman ng mga dala niyang mga gamit. Wala na kasi siyang balak na umuwe ng pinas, deretso Europe na siya. Nakatingin naman siya ngayon sa pintuan na labasan ng silid niya, iniisip niya kung ano kaya ang gagawin niyang susunod. Kung magsisimula na ba siya agad sa paglilinis o may ipapagawa ang mga ito. Kanina sabi pa ng matandang lalaki ay ang pinakaboss daw talaga niya ay ang asawa nito na mama ang itatawag niya. Ito daw ay tagapasahod lang sa kanya, sabay tawa. Naisip niya tuloy na under the saya pa yata ang matandang lalaki. Huminga siya ng malalim. Para sa pangarap Denise! Kaya yan. Aniya sa sarili. Pinakiramdaman niya kung malakas pa ang t***k ng puso niya at nagpasiya na siyang lumabas. Nakita niyang nagliligpit ng pinagkainan si Mama kaya ang sabi ng instinct niya ay akuin na niya ang ginagawa nito. Pagkakataon niyang magpakitang gilas. Alam naman ng mga ito na first timer siya bilang isang maid pero ipapakita niya na wala sa experience yan, kundi nasa paninindigan. "Mama I help you cleaning this!" Sabi niya dito ng lapitan niya. "Okay! Okay!" Sagot nito naalala niya na sabi ng laofan niya (boss na lalaki) ay konti lang ang english ng asawa nito. Cantonese at mandarin lang ang salita ng matandang babae. May konti din naman siyang alam sa mandarin dala ng pagtatrabaho niya sa Taiwan ng ilang taon. Pero konti lang talaga, kasi naman wala sa pananaw niya na maging magaling sa pagsasalita ng mandarin at nakakaloka. Tama na yung may mga konti siyang alam. Tapos ngayon panibagong language na naman. Pero sabi niya sa sarili ay kaya niya dahil flexible naman siyang tao at maganda pa. Kung tatanungin siya ay nagagandahan siya sa sarili niya talaga, ewan niya lang sa mga insecure sa kanya. Maputi siya, maliit ang mukha na baby face at maraming nagsasabi na parang hindi siya thirty five years old. Para lang daw siyang nasa twenties. May kahawig siyang artista si Julia Baretto. Hindi siya ang nagsabi, ang mga kaibigan niya. Pero sa tingin niya ay mas maganda pa siya doon. Charot! Seksi kasi siya, may curve at may laman ang kanyang dibdib at pwet. Mana siya kasi sa lola niya na may lahing kastila, at laging sinasabi nito na mana daw siya dito kaya ayun na ang naging pananaw niya. Isa pa ay inaalagaan niya rin ang sarili at ayaw niyang tataba siya, wala pa nga siyang asawa tapos mukha na siyang balyena. Huwag naman!. She maintain her fifty one kilo, and she looks slim talaga. Hanggang balikat ang kanyang straight hair. May own kind of style siya pagdating sa outfit. Depende sa mood niya. Minsan pagirl, pero mas madalas na paboyish style siya. Mas prefer niya kasi ang ganoon dahil freewill siyang kumilos. Hindi naaasiwa at very comfortable. Pero syempre ay nagiging lady din siya kapag pupunta sa church or may okasyon. Tama na self, masyado mo ng binibuild up ang sarili mo. Napangiti tuloy siya sa sarili niya, pero agad niyang pinigil at baka maisip ng mga amo niya na may sira yata siya sa tuktok. Ang sarili na lang niya ang naloloko niya ngayon dahil mag isa lang siyang pinay sa bahay na iyon. Hindi katulad nang nasa pinas siya ay laging asar talo ang mga pamangkin niya sa mga kapatid, at ang iba pa niyang pinsan. Nasa sistema na niya ang pang aasar at mahilig tumawa. Masaya siya kapag may napipikon. Mabilis ang mga kilos niya na kinuha niya ang mga pinagkainan at inilagay sa lababo. Syempre dapat ipakita niya na hindi siya lalambot lambot. Sinusunod niya muna ngayon ay ang sinasabi ng instinct niya dahil hindi pa niya alam ang mga tamang gawin. Ang plastic na nakasapin sa lamesa ay tinanggal niya at nilukot, balak niyang itapon iyon sa stainless na basurahan na nasa malapit sa may lababo. Alam naman niya kung bakit may ganoon para hindi siguro marumihan ang lamesang kahoy ng mga ito ng mga muyang at sarsa. "Okay! Okay!" Sabi ni mama, ng makita nitong itinapon na niya iyon. Ibig sabihin ay tama pala ang sapantaha niya, eh di good shot agad iyon. Gusto niyang ipakita sa mga ito na nag iisip naman siya. Hinarap na niya ang mga hugasin. Hindi na naman niya maiwasan na hindi mapangiti kasi iniisip niya na ganon lang kaya lagi sila ni mama. Laging sasabihin nito ay Okay! Okay. Baka mahirap silang magkaintindihan, paano na kaya iyon? Wala pang five minutes ay tapos na agad siya. May nakita siyang basahan na nakasabit, sabi ng instinct niya ay pamunas iyon sa mga kasangkapan na hinugasan niya kaya ginawa niya. Ang yes! Tama na naman, kasi sabi ni mama ng lumapit ay, Okay! Meaning ay nakakatwo points na siya agad. Nang matapos siya ay nakita niyang nanonood ng kdrama ang matandang babae. Kaya naisip niya na sikat pala talaga ang mga palabas ng mga koreano hindi lang sa pinas pati dito sa Hongkong. Napapakunot noo pa ito sa panunuod. Siya naman ay nakukurot ang katabi niya kapag nanonood siya ng kdrama, kaya walang tumatabi talaga sa kanya. Wala na siyang magawang gawin kaya naisip na lang niya na pumunta sa playground, nandoon kasi ang batang lalaki, naglalaro ng mga toys nito. Pero kasunod niya pala ang lalaki na anak ng mga matatanda. Hindi na niya kasi napansin ito. Paano parang sa tingin niya dito ay suplado at walang pakialam sa kanya. Ugali pa naman niya na kapag deadma siya sa isang tao ay mas lalong deadma din ito sa kanya. "Hello." Napalingon siya dito, kaya nginitian niya. Medyo tumango siya sa harap nito. Napansin niya na medyo ika ika itong maglakad. Nang kukunin nito ang bakal na upuan at gusto yatang umupo ay nagprisinta na siya agad. Mabilis ang kilos na nakuha na niya iyon at ibinuka para maupuan nito. "Is this your first time to work as helper?" Iyon ang unang tanong habang nakatitig nasa kanya. Ewan niya at hindi niya kayang ipaliwanag pero pakiramdam niya ay napapaso siya sa mga matang iyon, baka talagang nakakapaso kaya pala saglit lang siyang tinignan kanina. May kakaiba pala sa lalaking ito, naisip niya. Napag aralan niya tuloy ang itsura nito, tinawag kasi nito ang bata at may sinabi kaya nawala ang atensyon nito sa kanya. Sa tantiya niya ay nasa late thirties or early forties ang edad nito. Matangkad, maputi, may itsura ito, ang features kasi nito ay very manly kahit maputi, pati na ang voice ang hunk sa pandinig. Pumasok sa isip niya kung ano kaya ang mararamdaman niya kapag bumulong ito sa kanya? Ngali ngali niyang batukan ang sarili sa kung ano ano ang naiisip niya. Alam naman niyang may asawa na ito at anak. Dahil sa edad nito napakaimposibleng binata ito. Anak nga nito ang batang three years old na makakasama niya dahil papa ang tawag nito sa lalaki. Medyo nagulat siya ng ulitin nito ang tanong, hindi niya alintana ang itsura niya na mukhang tanga. Nakanguso kasi siya at ang isang hintuturo niya ay nakahawak pa sa ibabang labi niya, kunot din ang kanyang noo. Nakatitig kasi siya sa bata at nag iisip siya bakit parang malayo ang mukha ng anak nito sa tatay, o baka si nanay nito ang kamukha. "Yes sir!" Sinagot na niya agad. Tumango tango naman ito. "Hmm, um do you have work before?" Tanong ulit. Parang nahihinuha niya na siguro ay balak siyang kilalanin nito kaya siya kinakausap. Kanina kasi ay parang wala naman itong pakialam sa pagdating niya. "Yes sir, I have so many work experienced before. But the latest is, I was a former technician engineer in semiconductor factory located in Taiwan." Mahabang sagot niya dito. Yung last na lang kasi alangan isa isahin pa niya dito lahat ng mga naging trabaho niya. Ang dami kaya, sa pinas pa lang. "Oh I see, you worked in Taiwan." Patango tango pa ito. "Yes! Yes sir." Sagot niyang muli. Medyo ngawit na nga siya, gusto sana niyang maupo din, gaya nito. "So, why don't you go back there?" Tanong ulit na nagpakunot medyo sa noo niya. Ayaw yata sa kanya nito at gusto pa siyang bumalik sa taiwan kaysa magwork sa bahay ng mga ito. Ang hirap kasing magpaliwanag, ang rason kasi ay alanganin na ang taon na pwede niyang ipagstay sa Taiwan, she only have two years left there and the companies wants three years of contract kaya hirap na siya mag apply, kung pwede lang why not. "I want here in Hongkong Sir. I-i want new environment, new kind of work." Iyon na lang ang isinagot niya, buti na lang at may naisip siya. Malapit naman sa katotohanan ang sinabi niya. Medyo nauuyam na siya sa gawain niya sa pabrika na pinasukan niya, gusto naman niya ng something new. Mahirap na ipinipilit ang isang bagay na ayaw na at iyon ang panuntunan niya sa life. Ten years na rin kasi siya doon sa semiconductor factory at ayaw na niyang balikan ang naging trabaho niya doon. Kung magwowork siya ulit sa isang factory she wants na doon na sa Europe para sosyal. Mukhang accepted naman ang rason niya sa lalaki dahil nagpatango tango ulit ito. Napansin niya na kinilatis siya nito mula talampakan pataas. Confident naman siya sa suot niya na seksi siya, dahil nakafitted jeans siya kaya bakas ang mahahaba niyang biyas. Ang pang itaas naman niya ay v-neck shape na red shirt. Binura niya sa isip na baka isa itong m******s, walang ganon, para talaga siyang sira. Kapag kinakausap siya nito ay nakatitig talaga sa mga mata niya kaya kapag sumasagot siya ay medyo umiiwas siya ng tingin, kasi hindi siya makatagal na parang nanunuot sa katauhan niya ang mga matang iyon. Alam niyang nasa kanya ang deperensiya, siya lang ang naiilang dito, samantalang sa lalaki ay wala lang naman. Marami pa itong tanong, ang nangyari ay nagkaroon ng Q and A portion sa pagitan nilang dalawa. Siguro part din iyon ng kinikilala siyang lubos nito kung mabuti ba siyang tao. About sa pamilya naman niya ang kadalasan na mga tanong nito na sinasagot naman niya ng pawang katotohanan lang. Pero may kaba siyang nadarama na hindi mawari, ewan niya parang unti unti na rin siyang tinutubuan ng hiya sa kausap. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon yung hindi siya at ease sa kausap at naiilang siya. Ngayon lang din niya nalaman at umabot pa siya sa tanda niyang iyon na attracted pala siya sa mga matured personality at yung tipong malayo ang edad sa kanya. Pero ayaw niyang sabihin na may dating sa kanya ang anak ng boss niya. Never dahil never siyang papatol sa may asawa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD