bc

Deep Pained(ongoing)

book_age16+
4.4K
FOLLOW
35.2K
READ
billionaire
dark
aloof
drama
twisted
sweet
bxg
realistic earth
enimies to lovers
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Hanna Perez, nag iisang anak ng mag asawang Dennis at Analyn. Mahirap lang ang buhay nila pero hindi matatawaran ang kaligayahan sa batang puso ni Hanna, dahil sa pagkakaroon ng mabubuting mga magulang. Kahit kaunti lang ang pagkain nila ay pinagsasaluhan nila iyon ng masaya. Sa batang edad niya ay marami nang nabubuong pangarap sa isipan niya para sa mga magulang, gusto niya na mabigyan ang mga ito kahit papaano ng maalwan na buhay sa paglaki niya. Isang tindero sa bangketa ang tatay niya at namamasukang labandera naman ang kanyang ina sa isang mayamang pamilya.

Pero isang malupit na tadhana ang hahadlang sa pangarap na iyon. Na magiging daan naman para makaranas siya ng maayos at mayamang buhay sa piling ng mga umampon sa kanya.

Doon papasok sa buhay niya ang isang tao na nagngangalang Brake Monteverde. Isang lalaki na makakaunawa sa kanya, aalagaan siya at ituturi siyang isang mahalagang babae sa buhay ng mga ito. Mapapalagay ang kanyang loob dito at ituturi niya itong night in a shining armor. Pero sa kabilang banda ay papasok din sa buhay niya si Baron Monteverde. Na kabaligtaran ni Brake. Ang tipo nito ay yung kahit nasa harapan siya nito ay hindi siya nag eexist sa mga mata nito, masyado itong malalim at ayaw na ayaw nitong makikipaglapit sa kanya dahil nananatiling ang tingin nito sa kanya ay isang yagit. Kaya nanatiling malayo ang loob niya dito.

Pero sadya yatang may kamalasan siyang hatid sa mga tao sa paligid niya. Dahil sa hindi niya inaasahang pangyayari ay magkakaroon siya ng matinding kasalanan sa pamilyang kumupkop sa kanya, na lalong magpapasidhi sa nadaramang pagkadisgusto sa kanya ni Baron, na magtutulak pang lalo sa lalaki para magalit ito sa kanya at mauwe sa matinding pagkamuhi.

Kung paano siya mapapatawad nito at matatanggap ay wala na yatang pag asa, dahil ang hiniling nito sa kanya para kahit papaano ay mawala daw ang malaking galit nito sa kanya ay ang kanyang paglayo.

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Napakacute naman na bata iyan Analyn, ang puti puti." Saglit siyang napalingon sa nagsalita na babae, mukha iyong mas matanda sa nanay niya, ngumiti pa ito sa kanya kaya ginantihan niya iyon ng pacute na ngiti niya din at mukhang lalo pa itong natuwa sa kanya. Pagkatapos ay ibinalik niya ang kanyang mga mata sa mga nilalaro niyang paper doll. "Nagmana siya sa iyo ano? Maputi din." Dagdag pa nito. Isinama siya ng kanyang ina sa napakalaking bahay na iyon, talagang napawow siya sa laki ang akala nga niya ay isang palasyo na iyo. Kahapon pa sinabi sa kanya ng nanay niya na maghanda siya at bukas daw ay dadalhin siya nito sa bago nitong mga amo. Sa pagkakaalam niya ay labandera ang trabaho doon ng nanay niya. Nagtanong daw kasi ito sa amo nito kung pwede daw magsama ng anak at iniiwan kasi siya ng kanyang ina doon sa isang kapitbahay nila, pero ang sabi ng mga magulang niya ay malayong kamag anak naman daw iyon ng kanyang nanay. Kaya pag uwe nito ng araw na iyon ay masayang ibinalita nito sa kanya na maiisama na raw siya nito sa trabaho nito basta daw huwag na huwag siyang maglilikot at mangingialam nang kahit na anong gamit doon at baka magalit ang pinagsisilbihan nito at matanggal ang nanay niya sa trabaho. Nangako naman siya na susundin niya ang bilin nito at gustong gusto na niyang makarating agad doon. Sa murang edad niya ay nakaramdam na siya ng sobrang excitement. "Anak may mga bata din doon, dalawang lalaki, matanda sila sa iyon, anak iyon ng mga amo ko. Huwag ma huwag mong susungitan ha." Dagdag bilin pa nito. Hinihimas siya nito sa buhok. "Opo nanay, sana maging kalaro ko din sila. Sana mababait din sila." Naisip kasi niya na baka masusungit ang mga iyon dahil sa mayayaman ang mga ito at baka hindi siya gusto ng mga ito na maging kalaro. "Hindi ako sigurado anak kung makikipaglaro sila sa iyo pero basta wag ka maglilikot doon ha, habang naglalaba si nanay maglalaro ka lang sa isang tabi." Pinapakinggan niyang mabuti ang mga bilin ng kanyang nanay. Tumango siya dito. Gusto niya talagang makapunta doon sa malaking bahay na ikinukwento ng kanyang ina kaya sinabi niya sa sarili na hinding hindi talaga siya maglilikot doon para lagi na siyang maiisama ng nanay niya. Kaya naglalakad pa lang sila kanina papasok sa isang subdivision na iyon ay atat na atat na siyang makarating agad doon. Pilit nga niyang binibilisan ang lakad niya, habang palinga linga sa paligid. "Nanay grabe ang gaganda ng mga bahay." Namamanghang sabi niya habang nakatingala dito. Kita niya na masaya ang kanyang nanay dahil sa tuwang tuwa siya sa mga nakikita. Kahit bata pa siya ay nasasabi na niya sa sarili na napakaswerte niya sa pagkakaroon ng isang nanay na mahal na mahal siya. "Mas maganda doon anak sa bahay ng amo ko, matutuwa ka pagkarating natin. Mayron silang mini playground anak. Pero anak huwag kang magdudumi ha at baka magalit sila sa atin." Bilin ulit nito. "Opo nanay, mabait po ako don." Sagot niya dito. "Sa totoo lang Analyn maganda ka parang may lahi ka pa nga.. Ang puti mo at ang tangos ng ilong mo kaya panigurado etong anak mo ay lalaki ding maganda, nagmana sa iyo." Narinig niyang komento pa nito sa nanay niya. Kaninang pagdating pa lang nila ay yung ale na iyon na ang nag assist sa kanila. Pinakain pa sila nito ng masarap na pagkain hindi niya lang alam ang tawag pero para ding kalamay iyon. Pagkatapos ay nawala ito saglit at nung dumating ay may mga bitbit na itong maraming damit. Nakita niyang kinuha agad iyon ng nanay niya at nagsimula nang maglaba. Iniupo lang siya ng nanay niya sa isang maliit na upuan at sinabing doon lang siya at huwag aalis at baka daw mawala siya. Natakot naman siya sa sinabi ng Nanay niya na mawawala siya kays kahit anong gusto niyang maglakad lakad ay hindi niya magawa. Inaliw na lang niya ang sarili sa paglalaro ng mga dala niyang paper doll. "Ang ina ko po ate Lagring ay may lahing kastila, tubong Pangasinan po ako." Narinig niya na wika ng kanyang nanay. "Ah kaya pala Analyn. Maswerte ka at ikaw ay nagkaanak. Samantalang ako ay ni hindi na nakapag asawa. Naaliw na ako sa pagtatrabaho dito sa mga amo natin. Wala pa akong bente ay nandito na ako. Narinig niyang kwento ng ate Lagring na tinawag ng kanyang nanay. "Opo ate Lagring maswerte talaga kami ng asawa ko diyan sa anak namin. Lalo nung sobrang liit pa niyan, mga dalawang taon pa lang siya ate noon ay sobrang nakakatuwa, napakalambing pa. Nawawala ang pagod naming mag asawa sa kanya." Masayang sabi dito ng nanay niya. Napaisip siya kung ilang taon na ba siya ngayon, nagbilang pa siya sa daliri. Sa pagkaka alam niya ay limang taon na siya. Patingin tingin sa kanya ang mga ito habang pinagkukwentuhan siya. Inililibot niya ang kanyang paningin sa abot na mga nakikita niya. Napapalibutan ang lugar na iyon ng mga mayayabong na halaman sa paligid, hindi lang niya alam ang tawag dahil sa bata pa siya, hindi pa niya alam. Nakakakita din siya ng matataas na puting pader sa palibot, iniisip niya tuloy kung ano kaya ang nasa likod ng mga pader na iyon. Sa banda roon naman ay may kulay green na lupa at parang may natatanaw pa siyang palaruan. Nagtagal doon ang paningin niya. Pakiramdam niya ay gusto niyang lumapit doon. Ang kaso ay magagalit ang nanay niya at takot siya na baka mawalan ito ng trabaho kung maglilikot siya. Wala na siyang naintindihan sa mga pag uusap ng mg ito, dahil ang buong atensyon niya ay naroroon na sa nakikita niya. "Anak. Hanna okay ka lang ba diyan?" Bigla siyang napatingin sa ina na kasalukuyang nagkukusot ng mga damit. Nag thumbs up pa ito sa kanya. Kaya tumawa siya. "Opo nay." Maikling sagot niya. Nakita niyang nakangiti din sa kanya ang kausap nito ng nanay niya. "Nako Analyn kasarap ng may anak ano.. Lalo at ganyan kacute." Natutuwan komento pa nito. Inalis na niya ang paningin sa mga ito at pinagala sa malawak na paligid, sa batang edad niya ay manghang mangha na talaga siya sa mga nakikita at pinangarap na niya na sa paglaki niya ay magkaroon din siya ng ganong kagandang bahay kasama ang nanay at tatay niya. Naisip din niya na napakaswerte siguro ng dalawang bata na tinutukoy ng kanyang nanay kanina na mga nakatira doon at siguro ay napakasaya ng mga ito. Masasarap na pagkain magaganda at mamahaling gamit. "Ang saya nun!" Nagsalita siyang mag isa sabay tawa siya ng tawa, hindi niya pansin na pinagmamasdan pala siya ng mga matatanda, basta siya ay busy sa pangangarap. Nang may marinig siyang parang lumagutok sa bandang itaas kaya tumingala siyang bigla. Nahuli niya ang isang batang lalaki na nakatingin sa kanya. Tumayo siya at kumaway dito habang nakangiti. Natuwa siyang lalo dahil gumanti iyon ng kaway at ngumiti din, at mukhang natuwa naman iyon dahil nakikita siya. "Hellooo!" Sabi pa niya dito. Pero umalis na ito doon sa bintana. Medyo matagal pa siyang tumingala bago inalis ang mga mata doon, umaasa pa kasi siya na muli itong dudungaw doon. "Nanay nakita ko yung bata doon." Sabay turo niya sa itaas. Nakita naman niyang tumingala din ang nanay niya at ang kakwentuhan nito. "Siya si Sir Brake baby. Mabait na bata iyan. Kapag nakita mo siya tawagin mo siyang Sit Brake ha." Wika ni ate Lagring na kasama ng nanay niya. "Ahh Sir Brake." Nasabi niya. Inulit ulit pa niyang sabihin ang pangalan nito at baka makalimutan niya. Bumalik na siya sa upuan niya na katulad niyang maliit at umupo. Gusto niyang magpakabait para lagi siyang isasama ng nanay niya doon, at gusto nga niya ay araw araw pa. Bakasyon pa kasi kaya hindi pa siya pumpasok, pero sabi ng nanay niya ay grade 1 n daw siya sa pasukan at excited na siyang mag aral gusto niyang magkaroon ng maraming mg kaibigan. Hindi na niya alam kung gaano katagal na siyang naglalaro lang doon habang naglalaba ang nanay niya. Nagulat pa siya nang bigla siyang tawagin ng ate Lagring na tinatawag ng nanay niya. "Halika dito baby Hanna, tara kain ka nito." Napatingin siya sa hawak nito, at lumapit siya agad. Gusto niya iyon parang slice ng chocolate icecream, excited pa siya na kinuha iyon mula sa kamay nito. "Salamat po.." Sabi niya dito, at bumalik na siya sa kanyang pagkakaupo bitbit ang platito ng pagkain. "Salamat ate Lagring." Narinig pa niyang sinabi ng nanay niya dito. "Ay wala iyon, teka kukunin ko yung kakanin na biko para kainin natin. Wala naman masyadong gawain ngayon sa loob mg bahay at natapos ko na kahapon. Si Ma'am kasi ay gusto niya ng malagkit na biko kaya ginagawan ko siya lagi. Ipapatikim ko sa iyo Analyn." Nakikinig siya sa mga usapan ng mga ito habang punong puno ang bibig niya ng kinakain. Para sa kanya ay napakasarap niyon. Pag naubos nga ay gusto pa niyang humingi sana kaso baka magalit ang nanay niya. Nakita niyang pumasok sa loob ng pintuan ang babae na kausap ng nanay niya. "Anak masarap?." Napatingin siya sa nanay niya. Tumawa siya dito na punong puno ang bibig niya "O-oopo n-nanay." Sagot niya dito. Nakita niyang ngumiti ang nanay niya at siya ay sumubo pa ulit ng pagkain. Maya maya ay lumabas na ang babae at may dala na namang pagkain. Naisip niya na napakarami pa lang pagkain kapag malaki ang bahay. At sobrang yaman talaga ng amo ng nanay niya. Binilisan niyang maubos ang nasa plato niya at hihingi talaga siya sa nanay niya ng kakaibang pagkain na iyon na iniabot dito ni ate Lagring ng nanay niya. Lumapit na siya sa mga ito. "Oh Analyn mukhan gusto ng anak mo nitong biko bigyan mo." Wika nito ginulo pa ang kanyang buhok, mukha kasing tuwang tuwa ito sa kanya. Natuwa siya sa narinig kaya lapit agad siya sa nanay niya. "Gusto mo anak? Masarap ito oh." Tango agad siya dito, saka iniabot ang kanyang hawak n platito. "Paglaki niyan Analyn kagandang bata siguro." Komento pa ng babae n nagbigay ng pagkain sa kanila . "Baby Hanna dapat lagi kang goodgirl ha." Sabi naman nito sa kanya. "Opo ate Lagring." Ate din ang itinawag niya sa babae. Nagtawanan tuloy ang nanay niya at ng babae. "Hanna ang itawag mo sa akin ay tita Lagring na lang." Utos nito sa kanya, tumango naman siya dito at saka tumawa, inulit ulit pa niya ang pangalan niti habang pabalik siya sa upuan niya. "Nanay sobrang ganda po doon. ang sasarap pa ng mga pagkain ni tita Lagring. Sama po ulit ako bukas." Masayang sabi niya sa kanyang nanay, naglalakad ba sila pauwe ng barong barong nilang bahay. Pagkalabas ng bonggang lugar na iyon ay medyo malayo pa ang lalakarin nila para makauwe. Yumuko sa kanya ng kanyang ina, sa tingin niya ay mukha na itong pagod. "Oo nga anak! Ang ganda doon, pero wala trabaho doon bukas si nanay, sa susunod na araw pa, wala pa kasi akong lalabhan na damit nila na marumi." Paliwanag sa kanya ng ina. Medyo nalungkot siya, pero ayus lang makakabalik pa naman siya doon sa susunod daw. "Nanay bukas tapos bukas ulit?" Makulit na tanong niya dito, gusto niyang makasigurado. "Hindi pa anak. Bukas tapos bukas tapos bukas pa tayo babalik doon." Nakangiting paliwanag sa kanya ng nanay niya. Naisip niya ang tagal pa pala, matagal pa siyang makakakain ng masarap ulit. "Okay po nay, bast sasama niyo ulit ako ha." Bilin pa niya sa ina. Mamaya pag uwe ng tatay niya ay marama siyang kwento dito, tungkol sa lugar ng trabaho ng kanyang ina. Sa murang edad ay nangangarap na siya agad na magkaroon ng ganoong kagandang bahay para doon na sila titirang tatlo. Si nanay niya, si tatay niya at syempre ay siya. Napangiti siya ng maluwag sa naiisip. Naisip din niya na kapag may ganoon na silang bahay ay may labandera din sila at balak niya na pakakainin din niya ng masasarap iyon pati ang anak nito kung mayron. Inaliw niya ang sarili sa dinaraanan nilang lugar, kumakanta pa siya habang nakahawak siya sa kamay ng nanay niya at naglalakad. Ang puso niya ay napupuno ng mga pangarap niya sa paglaki, marami na agad siyang plano sa buhay at gusto niya na mangyari lahat iyon kasama ang mga magulang niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.8K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

Married to a Hot Magnate

read
356.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook