Episode 2

2031 Words
Masayang sinalubong niya ang tatay niya. Malayo pa ito na naglalakad ay tanaw na niya at nakaabang na siya agad sa bungad ng pintuan nila. "Tatay!.." Bati niya dito. "Oh anak! Pakiss si tatay." Agad naman siyang yumakap dito at humalik. "Wow! Nawala agad ang pagod ni tatay anak ah." Wika nito, nakangiti siyang nakatingin dito. Masayang masaya siya at naririyan ang tatay niya, kumpleto na silang tatlo. "Ang nanay mo anak?" Tanong nito, kasalukuyan nitong inilalapag ang mga dala dala nitong plastic, nang may mapansin siyang isang kulay blue na plastic bag, parang mga notebook ba iyon? "Nagluluto po si nanay. Ano po ito tatay?" Sabay lapit niya doon sa plastic bag na inilapag nito sa bangkuan. "Ah ayan anak? Mga notebook mo iyan. Nag iipon na si tatay ng mga gamit mo sa school at malapit na ang pasukan. Diba grade 1 ka na?" Turan nito. Lalo tuloy siyang sumaya at inilabas niya sa plastic na iyon ang mga notebook, at saka niya binilang. "Isa, dalawa, tatlo, apat." Apat lahat ang mga iyon at iba iba ng kulay, binuklat niya ang isa, natuwa siya dahil sa makinis na papel parang gusto na niyang magsulat na agad. "Anak dahan dahan ha, para hindi siya malukot agad, tapos ayusin mo ilagay mo doon sa karton box." Sabay turo nito sa isang karton na nasa sahig. "Opo tay." Sagot niya dito. Sinundan niya muna ng tingin ang tatay niya, pumunta iyon sa likod ng bahay, labasan din iyon, doon kasi nagluluto ang nanay niya. Isa isa niyang tinitignan ang mga notebook, nagagandahan siya sa mga kulay, parang gustong gusto na nga niyang sulatan ang mga iyon kaso para iyon sa pasukan. Hinimas himas niya muna ang mga pahina ng papel at ng magsawa ay saka pa lamang niya itinago sa box na tinuro ng tatay niya. "Anak nagpunta pala kayo doon sa malaking bahay?" Bigla siyang nag angat ng ulo. Pumasok na pala ulit ang tatay niya. Siguro ay naikwento ng kanyang ina dito. "Opo tatay." Sagot niya dito. "Maganda anak? Anong ginawa no doon?" Tanong muli nito, umupo ito sa kahoy na upuan at tinitigan siya. "Naglaro po, mabait po ako doon." Wika niya dito, lumapit siya sa kandungan nito at nagpakandong, niyakap naman siya ng kanyang tatay. Sa batang edad pa lang niya ay damang dama na niya ang malaking pagmamahal sa mga magulang niya. Sabay silang napatingin sa pagpasok ng nanay niya, may bitbit na itong mangkok ng ulam na agad niyang naamoy. "Hhmmm.. Ang bango nay, gutom na ako." Nakatawang sabi niya dito. Bumaba siya sa pagkakakandong niya sa kanyang tatay at lumapit sa maliit nilang lamesa. Balak niyang tignan kung anong ulam. Ang kaso ay hindi niya alam iyon, basta ang nakikita niya ay maliliit na isda lang. "Anak kakain na tayo." Masayang sabi ng kanyang ina, pati siya ay naexcite sa pagkain, nakakatuwa ang kanyang nanay, lagi iyong nakatawa na parang ang saya saya pa, lalo na kapag naroroon na rin ang tatay niya sa bahay. Ang alam niya ay mahal na mahal ni nanay niya ang tatay niya. Masaya silang nagsalo na buong pamilya sa hapag kainan kahit simple lang ang ulam nila ay napakasarap na iyon sa panlasa niya lalo pa at kasalo niya ang mga magulang. Siya ang prinsesa ng mga ito at alam niya na siya ang dahilan ng kasiyahan ng nanay at tatay niya. Ang tatay niya ay lagi pang hinihimas ang bumbunan niya at lagi nitong sinasabi na sigurado daw ito na  lalaki daw siyang mabait na anak. Maraming kwento pa ang tatay niya na mga nakakatawang kwento, hindi niya alam kung saan nito nalalaman ang mga ganoon basta tawa sila ng tawa na magnanay. Sa batang isip niya ay masasabi niya na sobra siyang blessed dahil sa pagkakaroon ng mga mapagmahal na mga magulang. "Bili na kayo!!" Malakas niyang sigaw sa bangketa, nagpilit siya na sumama sa nanay at tatay niya na magtinda ng araw na iyon, ayaw niyang maiwan siya sa pinag iiwanan sa kanya. Nagpramis naman siya na magpapakabait siya at tutulong siya na magtinda, kaya todo sigaw siya ngayon. Nakikita nga niya na napapatingin talaga sa kanya ang mga nagdaraan ang iba ay humihinto talaga at tinitignan ang tindang gulay ng tatay niya. Mayron silang mahabang kariton at doon nakadisplay ang mga tinda nila. "Ano bang tinda mo baby." Isang ginang ang lumapit sa kanila na parang sa tingin niya ay mas matanda sa kanyang nanay. Nakangiti ito at hinimas pa siya sa ulo, mukhang natuwa ito sa kanya. "Marami po kaming gulay!!" Pabibong sagot niya dito. "Bili na po kayo magandang ale." Sabay nginitian pa niya ito ng isang matamis na ngiti. Nakita niyang sumaya ang mukha nito sa pagkakatingin sa kanya. Lumapit nga ito sa kariton at nakita niyang inasikaso ito ng kanyang nanay. "Ang cute naman ng anak niyo." Narinig pa niya na sinabi nito sa mga magulang niya. Kapag walang labada ang nanay niya ay sumasama ito sa kanyang tatay sa pagtitinda para makatulong at siya ay iniiwan nga doon sa kapitbahay nila. May kasing edad din siya na anak nito at iyon ang nakakalaro niya kapag nandoon siya. Pero minsan ay masungit ang batang iyon at inaaway siya na madalas hindi niya lang sinasabi sa nanay niya at ayaw niya na mag alala ito kaya minsan ay nagpupumilit na lang siya na sumama sa pagtitinda. Nakita niyang may mga hawak ng plastic bag ang ale, parang ang dami pa nga nitong binili. "Salamat po suki." Masayang sabi niya dito, ginaya niya ang tatay niya sa sinasabi nitong suki sa mga bumibili. Natawa ang babae sa kanya. "Salamat din baby." Nakangiting sabi nito. "Bumili na ako ng tinda niyo." Sabay turo sa mga binili nito. "Salamat po sa inyo, balik po kayo ulit." Wika niya dito, nagbabye pa ito sa kanya bago tuluyang umalis. "Anak halika muna dito." Napalingon siya sa nanay niya at tinatawag siya nito, agad siyang lumapit, tinignan nito ang kanyang likod kung basa ng pawis. "Anak very good ka ah." Sabi ng kanyang tatay. "Baka maubos agad ang tinda natin ngayon dahil sa iyo." Dagdag pa nito. "Ibig mong sabihin swerte si Hanna natin." Nakangiting sabi ng kanyang nanay sa tatay niya. "Opo swerte po ako kaya lagi nyu na po akong isasama sa pagtitinda, gusto ko po na laging nagtitinda." Sabi niya sa mga ito, nagtawanan lamang ang mga magulang niya. "Ano ba ang gusto mo anak paglaki mo?" Tanong ng tatay niya sa kanya. "Gusto ko po na maging tindera. At magtitinda ako ng maraming maraming paninda." Tuwang tuwa na sabi niya sa mga ito. "Talaga itong anak ko. Idol mo pala si tatay anak?" Nakatawang tanong nito. "Opo idol ko po kayo at si nanay. Pareho ko po kayong idol. Masayang sabi niya sa mga magulang. Kita niya ang katuwaan sa mga mukha ng mga ito. Naging busy na ang mga ito sa pag aasikaso ng mga bumibili, sa tingin niya kasi ay papagabi na at dumarami na ang mga tao sa palengke. Ang alam niya ay uwian na ng mga ito. Pinaupo muna siya ng kanyang ina sa isang bangko at binilinan na doon lang sita at baka kung aalis siya ay mawala siya doon. Nakikita niya na paunti na ng paunti ang laman ng kanilang kariton. Sa batang puso niya ay sobra siyang saya dahil ibig sabihin ay magkakaroon ng pera sila. "Anak napagod ka ba sa pagtitinda." Tanong ng kanyang tatay, nakaakbay ito sa kanya habang naglalakad silang pauwe, ang nanay niya naman ay hawak siya sa isang kamay. Madilim na talaga ang buong paligid. "Hindi po! Ang lakas lakas ko pa nga po tatay." Biglang sabi niya at baka kasi bukas ay hindi na siya isama ng mga magulang niya sa pagtitinda. "Sasama po ako ulit bukas tay." Tumingala siya dito. "Nako anak hindi pwede na araw araw ay kasama ka. Bata ka pa kasi mapapagod ka nga sobra, gusto mo ba ay hindi ka na lalaki anak?" Pero hindi pa niya maunawaan iyon, basta ang gusto niya lang ay sumama ng sumama at gusto na rin niya na lumaki din. "Hindi ka muna sasama anak bukas ha. Iiwan ka muna namin kay ate Rose, maglalaro naman kayo ni Cheche doon diba." Wika ng kanyang ina gusto niya sanang tumutol ang kaso ay baka magalit ang mga ito, at alam niya na bilang bata ay dapat siyang sumunod sa mga magulang niya. "Uuwe din agad si nanay anak ng hapon at kukunin kita agad doon. Masyado kasing marumi sa paligid sa bangketa anak baka magkasakit ka dahil napakabata mo pa." Paliwanag ng kanyang ina. Tumango na siya bilang pagsang ayon sa ina. Kinabig siya ng kanyang tatay. "Wow napakabait naman ng anak ko, dapat laging ganyan ha anak.." Bilin ng kanyang tatay. Yumakap din siya dito habang masaya silang naglalakad pauwe ng kanilang bahay. "Hello Cheche!" Agad na bati niya sa kalaro niya. Napatingin ito sa kanya pero hindi ito bumati o ngumiti man lang, may pagkamasungit kasi talaga ang bata na iyon na anak ni aling Rose. Umaga iyon, at iiwang siya ng kanyang ina sa mga ito para makapagtinda ang mga ito. "Ate Rose iiwan ko muna sana si Hanna dito, magtitinda lang kami." Narinig niyang sabi nito sa babaeng papalapit. Matagal tagal na rin siyang iniiwanan dito mula nung wala nang pasok at bakasyon. "Ah ganon ba Analyn, Oh siya sige. Hanna pasok ka na, laro muna kayo ni Cheche ha." Sabi nito sa kanya. Humarap siya sa ina at humalik siya sa pisngi nito. "Bye po nanay. Ingat po kayo ni tatay." Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob at pupuntahan niya si Cheche, may ginagawa iyon na kung ano sa notebook, parang nagsusulat o nagdrodrawing. "Salamat ate Rose ha." Lumingon pa siya sa mga ito, kaya nakita niya na may inabot ulit ang nanay niya na palstic bag ng mga gulay kay aling Rose. Sa pagkakaalam niya ay laging nagbibigay ng mga gulay doon ang nanay niya kasi nga ay iniiwan siya doon. "Anong ginagawa mo Cheche?" Tanong niya sa kasing edad niya na batang babae. Nagtaas ito ng tingin. Napasulyap siya sandali sa kanyang ina, papaalis na kasi ito. Si aling Rose naman ay lumakad ng papunta sa kusina ng bahay, pero saglit silang tinignan. "Drawing ako." Sagot naman nito. "Marunong k magdrawing?!" Excited na tanong niya dito. "Oo marunong ako. Tignan mo." Sabay abot sa kanya ng hawak nito, tinignan nga niya iyon. Ang nakita niya ay may malaking babae, malaking lalake at isang bata tapos ay may bahay pa. " Ang galing mo Cheche, marunong ka na nga magdrawing ah." Masayang sabi niya dito, nakita niyang ngumiti ito, at yung naging proud sa sarili. Nakuha niya na kasi ang kiliti ng kalaro niya na ito dapat ay huwag kokontrahin, kundi ay magsusungit ito sa kanya. May isa pa itong kapatid na babae din pero malaki na iyon at laging lumalabas ng bahay ng mga ito. "Turuan mo ako hindi ako marunong eh." Sabi niya dito. "Madali lang yan Hanna." Iniabot nito sa kanya ang kabilang pahina ng notebook at ang lapis nito, doon daw siya magdrawing, gayahin lang daw niya ang ginawa nito. Inabot niya ang mga iyon at nagsimula na siyang magguhit sa papel. Nagsulat siya ng bilog. "Hindi ganyan Hanna. Mali yan, ganito dapat." Sabay agaw sa kanya ng lapis at papel, at ito na ang nagdrawing doon. Kahit gustong gusto niya na siya ang magdrawing ay hinayaan na lamang niya si Cheche at pinanuod na lamang ito. Baka kasi magalit na naman sa kanya, katulad nung nakaraan, ang gusto nito ay ito ang masusunod at ito ang magaling lagi. Napukpok siya nito sa ulo ng hawak na lutuan, at huwag daw siyang mangialam.Tumahimik na lang siya ang pinanuod ang ginagawa nitong paglalaro. Hindi na lamang siya nagsumbong sa magulang. May mga laruan kasi ito na lutu lutuan na bagong bili, mayron din naman siyang mga laruan pero luma na rin ang mga iyon. "Ganyan! Oh tignan mo Hanna ang ganda." Wika pa nito, nakapagdrawing na ito agad ng isang babae at nilagyan ng mahabang buhok. "Oo nga Cheche ang ganda." Sang ayon na lamang niya dito. Sa sarili niya ay gustong gusto niya na magdrawing din ang kaso ay isa lang ang lapis. Kaya naisip niya na sa bahay na lang siya magdodrawing pagkauwe niya. Inaalala niya kasi ang bilin nang tatay niya na maging mabait siya lalo at nasa ibang bahay siya at huwag na huwag siyang makikipag away kahit na kaninong bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD