bc

I'm sorry I can not UnLove You

book_age16+
53
FOLLOW
1K
READ
dare to love and hate
drama
tragedy
twisted
sweet
bxg
cowboy
others
childhood crush
first love
like
intro-logo
Blurb

"Lumayo ka na. J-just leave me alone. M-maiintindihan kita Dax kung gagawin mo iyon, dahil iyon ang tamang gawin." Lumuluhang sabi niya dito. Nakatingin lang ito sa kanya, hindi nagsasalita pero kita niya sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman. Tutol ang kalooban nito na umalis at iwan siya. "Alang alang sa pamilya mo, sa mga pamilya natin, ito ang makakabuti." Dagdag pa niya dito.

Pero habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay unti unti na siyang nadudurog, pinipiga ang puso niya sa tindi ng sakit na nadarama niya, wala siyang kasalanan pero bakit kailangang siya ang masaktan at magsakripisyo. Ang sagot ang kani kanilang pamilya ang involve sa sitwasyon. May malaking kasalanan ang pamilya niya sa pamilya nito. Kaya mas makakabuti na maghiwalay na sila kahit ni hindi pa nga nagsisimula ang magandang relasyon sana na magkakaroon sila ni Dax para sa katahimikan ng lahat at para sa kapayapaan ng puso ng lalaking mahal niya.

Tumalikod na ito, at naglakad palayo. Kung kailan magkakaroon ng kapatawaran at magiging maayos ang lahat o kung matatanggap pa ba siya nito at ng pamilya nito ay hindi na siya aasa.

Bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata na sumama sa malakas na buhos ng ulan. Sinimulan na rin niyang tumalikod at maglakad palayo sa lalaking iyon na minahal niya ng lubos mula pa noon.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Kisses halika dito anak." Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanilang sofa, nagbabasa siya ng mga books na bagong bili sa kanya ng kanyang ina ng tawagin siya ng kanyang Papa. Tumayo siya at agad na lumapit. "Yes Papa. Bakit po?" Nadatnan niyang nagkakape ito sa lamesa nila, isa itong pulis. Mataas ang pagkakilala niya sa kanyang Papa, dahil alam niyang tapat ito sa tungkulin katunayan ay napakarami na nitong natanggap na mga award sa twenty five years nito sa serbisyo. "Ikaw ba ay kumain na anak?" Tanong nito. "Opo Papa." Kahit wala siyang pasok ay maaga siyang nagising at kumain na siya agad ng breakfast dahil sa very excited siyang magbasa ng mga new books na binili ng kanyang Mama. Hobby na niya iyon. "Papasok po kayo sa trabaho Papa?" Naisipan niyang itanong, nakasuot na ito ng uniporme. Isang Senior Inspector na ang ranggo ng kanyang Papa. "Oo anak." Sagot nito, at saka humigop ng kape. Isang respetadong pulis ang kanyang Papa sa lugar nila, ginagalang ito ng mga tagaroon, dahil na rin sa mababa ang loob nito at marunong makisama isa pa ay tumutulong din ito hangga't kaya nito sa mga kalugar nila. "Ingat po Papa." Ngumiti siya dito. Nang umalis ang Papa niya ay umakyat na siya muli sa taas, doon siya sa loob ng kanyang kwarto at doon siya pupwesto sa may malaking bintana niya. Mayron kasing dahilan kung bakit lagi siyang nakapwesto doon kapag may pagkakataon. Mula doon ay kita niya kapag lumabas sa katapat na gate ang lihim niyang crush na si Dax. Kapitbahay, kalugar at kababata niya ito. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon dahil ang kabatch nito ay ang kuya Mark niya. Apat silang magkakapatid at pangatlo siya, may bunso pa sila na lalaki naman na si Matthew. Solo niya ang kwarto niya dahil magkasama ang dalawa niyang kapatid na lalaki sa iisang kwarto. Ang panganay nila na si ate Kathryn ay wala doon. Nasa State ito dahil kinuha ng masmatandang kapatid ng kanyang Papa at doon ito pinag aaral. Minsan sa isang taon lang ito nakakauwe ng bansa para makasama sila. Nagbabasa na siya muli ng new books niya habang patanaw tanaw sa bahaging color maroon na gate. Sabado ang araw ngayon kaya alam niya na maglalaro ng basketball ang kapatid niya at syempre ay kasama nito ang kaibigang si Dax. Kani kanilang ay naramdaman na niya ang mga pagkilos sa kabilang silid kaya iniisip niya na palabas na ang kuya niya ng bahay. Hindi na nga nagtagal ay narinig na niya ang pagbubukas ng gate nila kaya medyo sinilip niya hindi nga siya nagkamali dahil ang kuya Mark na niya iyon. Sinundan niya iyon ng mga mata habang patawid sa kabilang kalsada, susunduin na nito si Dax. Nailapag na niya ang librong hawak at tumingin na lang doon. Wala pa yatang dalawang minuto ay nasilayan na niya ang makakapagpaganda ng kanyang araw. Hindi niya napapansin na sobrang dungaw na ang ginagawa niya at ni hindi siya kumukurap dahil pinagmamasdan niyang mabuti ito. Nakasuot na ito ng pangbasketball outfit. Matangkad ito sa kuya niya ng mahigit sa isang dangkal, kay gwapo talaga nito sa kanyang paningin. Feeling energetic na naman siya sa maghapon niya at tiyak niya iyon. Muntik na siyang mapatalon sa gulat dahil bigla itong tumingin sa pwesto niya, hindi na siya nakapagtago dahil magmumukha naman siyang tanga kapag ganoon at mahahalata siya. Ang lalong nakapagpakilig sa kanya ay bigla itong kumaway tapos ay ngumiti pa. Pakiramdam niya ay huminto yata ang t***k ng puso niya. Nang mawala na ang dalawa sa kanyang paningin ay umalis na siya sa bintana, tumayo siya sa harapan ng kanyang whole body mirror at pinagmasdan ang sarili. Tinitignan niya kung maayos ba ang itsura niya dahil nakita siya nito. Itinali niya kanina hanggang sa tuktok ang kanyang mahaba at straight na buhok, gusto niya kasi na lagi siyang nakatali para sa kanya ay mascute siyang tignan. Maliit kasi ang kanyang mukha at may almond shape siyang face. Napagdiskitahan niya tuloy pag aralan ang sarili. Napapangiti siya habang nakikita ang kanyang mukha, miski siya ay nagagandahan talaga sa kanya itsura. May malalaki siyang mata, matangos na ilong na minana niya sa kanyang ina na may lahing kastila, bukod doon ay kissable at cute ang kanyang lips. Sa edad niyang eigthteen dahil kakadebut niya lang last three months ago ay ganap ng dalaga ang kanyang itsura dahil sa kanyang malusog na dibdib, maliit na tiyan at mabilog na balakang. Lagi siyang figure concious na nakuha niya ang ugaling iyon sa kanyang ina. Lagi silang tandem nito sa pagwowork out at pagzuzumba. Lagi siyang sinasabihan nito na alagaan ang kanyang katawan katulad nito na kahit apat na ang naging anak ay seksi pa rin itong matatawag. Hindi tumaba ang kanyang ina. Ang sabi nito ay tamang pagsusuheto sa katawan lang daw ang sikreto para manatiling seksi. Natatawa nga siya dahil minsan ay napapasarap ang kain niya dahil sa masarap magluto ang kanyang ina ay hihirit pa siya ng kain pero ang Mama niya mismo ang magpipigil sa kanya na kumain. Muli siyang napasulyap sa kanyang katawan kaya nasabi niyang sabagay maganda naman ang kinalalabasan ng pagpipigil nilang mag ina sa pagkain. Bumaba na siya ng bahay at oras na niyang magbantay ng kanilang sari sari store dahil magluluto na ang kanyang ina ng para sa tanghalian nila. Pakanta kanta pa talaga siya habang bumababa. Ang saya ng araw niya na dadalhin na niya iyon sa maghapon tiyak niya. Nadatnan niyang kumakain sa kusina ang bunsong kapatid na lalaki. Kumakain ito ng sinangag at hotdog samantalang siya ay dalawang sliced of bread lang ang ibinigay sa kanya ng ina kanina, pero okay lang iyon. "Mama magbantay na po ako sa tindahan." Paalam niya sa ina na nasa dirty kitchen. "Oh sige anak para makapagluto na ako." Narinig niyang sabi nito. Mamaya kasing twelve ng tanghali ay babalik ang kanilang Papa para kumain ng lunch. Mas gusto nitong umuuwe ng bahay para kumain kesa sa kung saan ito magtanghalian, syempre iyon din ang gusto ng Mama nila. Hinawakan niya sa buhok si Matthew at saka siya lumakad palabas. Tuwing weekends na wala siyang pasok ay nakatoka siya sa tindahan nila na magbantay. Sa bahay lang kasi ang Mama niya kaya gusto nito na kumikita din ito kahit nasa bahay kaya nagrequest ito sa Papa nila ng sari sari store. Alam din niya na mamaya pag uwe ng kuya niya ay dadaan ang mga ito doon, syempre kasama nito si Dax. Dati nung bata pa siya ay hindi siya nakadarama ng hiya sa binata, kahit nga patakbo takbo siya noon na nakapaa lang tapos ay nandoon ito sa kanila at sinasabihan siyang magsuot ng slippers. Kababata kasi na nila ito mula noon. Pero ngayon ay hiyang hiya na talaga siya simula ng makaramdam siya ng paghanga dito. Ewan niya kung napapansin nito iyon. Basta sinisigurado na niya na lagi siyang nakaayos kapag makikita nito. Wala pa naman sa plan niya ang magkaboyfriend dahil una sa lahat ay priority niya talaga ng kanyang pamilya at gusto ng father niya na magtapos muna ng pag aaral. Kung may damdamin siya kay Dax ay hanggang crush lang naman iyon. Masaya lang and nakakainspired everyday, nakakakilig din kasi. Kung hanggang saan aabot ang damdamin na iyon ay bahala na ang panahon ang magpasiya. Napatuwid siya ng upo dahil nauulinigan na niya ang malakas na boses ng kapatid, pabida ito sa pagkukwento. Ibig sabihin ay pauwe na ang mga ito. Napasulyap siya sa oras sa dingding, malapit na pala ang lunch time. Inayus ayos pa niya ang buhok at binasa basa ang kanyang labi, sigurado siya ilang hakbang na lang ay tatapat nasa tindahan nila ang kuya Mark niya at ang mga barkada nito, syempre kasama si Dax doon. "Pabili!" May kasama pang kalampag iyon. Alam niyang ang kapatid ang may gawa. Pagsilip niya ay mukha ni Dax ang bumungad sa kanya, medyo nakayuko iyon dahil sa matangkad. "Iyon oh.! Si Kisses ang bantay." Nakatawang sabi nito. Agad naman siyang napangiti ng marinig ang sinabi nito. Ewan ba niya yung simpleng ganon lang over to the max na ang kilig niya, pero syempre bawal magpahala. Miski mga kapatid niya ay walang alam na may crush siya dito, wala siyang tiwala na sabihin lalo nasa kuya Mark niya. Ang kanyang Mama lang ang nakakaalam na may crush siya sa barkada ng kuya niya pero hindi siya umaamin na si Dax iyon. "Oo kaya bumili na kayo! Ano bang gusto niyo?" Sabi niya, lima lahat ang mga binata na nandoon kasama ang kuya Mark niya. Agad namang nagbilihan ng softdrinks ang mga ito. Dalawang 1.5 at naghati hati na lang. "Kuya magbayad ka din ha, bawal libre." Biro niya sa kapatid. "Nope libre ko yan. Ako ang taya ngayon. Talo eh.. Eto kasing si kuya Mark mo ay gumagaling na." Sabi ni Dax sa kanya. Hindi naman niya naintindihan masyado ang mga sinabi nito, nakatingin kasi siya sa gwapong mukha ng nagsasalita. Naririnig din niya na nagtatawanan ang mga magkakasama. "Sis baka gusto mo nang ibigay sa amin yan.. Mahirap na at magbago ang isip nito." Sabi ng kuya niya sabay akbay kay Dax. "Kunin mo rin agad ang bayad sis." Pang aasar pa ng kapatid niya. Hindi mawala wala sa labi niya ang mga ngiti habang pinapanuod ang mga magbabarkada na nag aasaran sa bawat isa, pero ang maganda ay wala namang pikon, puro tawa lang ang nangyayari. Maliliit pa ang mga ito ay magkakakilala na. actually ay kasali siya doon sa mga magkakakilala. Mga magkakapit bahay kasi silang lahat sa lugar na iyon. Nahinto lang ang kasiyahan ng mga ito at pati na rin siya ng pumarada na ang owner ng Papa niya sa tapat. Kakain na kasi ito ng lunch. Magalang na nagsibatian ang mga ito sa Father nila. Ang kuya Mark niya ay lumabas at sinalubong ang Papa nila. Ganoon din ang ginawa niya. Nang makahalik nasa pisngi ay bumalik na siya sa tindahan. Mamaya pa siya kakain kapag nakakain na ang mga magulang, sasabayan kasi ng Mama niya ang Papa niya tapos  ang Mama niya ang magbabantay nasa tindahan para kakain naman siya. "Kisses ito na yung mga bote." Sabay ipinasok ni Dax sa square na butas ang mga basyo ng coke. "Salamat po." "Salamat din." Ganting sabi niya dito. Maya maya lang ay naghiwahiwalay na ang mga ito at mag uuwian na daw at mga gutom na. Nauna na nga ang kuya niya na pumasok na ng bahay nila. Ang kaba na nadama niya dahil bago tuluyang pumasok ng gate nila si Dax ay parang luminga pa ito sa tindahan nila. Napapangiti tuloy siya sa kilig na nadarama. May mga ganoon kasi talagang eksena ang binata na hindi niya maiwasang bigyan ng kahulugan, sabagay crush niya kasi kaya ganoon. Alam niya na iisipin niya iyon hanggang mamaya. Kunyari pa siyang nagbabasa na ulit ng mga books pero ang isip ay nandoon sa binata. Sa tingin naman niya ay normal lang sa isang teenager ang ganoong damdamin. Maraming beses na rin niyang tinanong iyon sa Mama niya at ang sabi nito ay normal nga daw pero mawawala din daw iyon kapag nagmature na siya, basta huwag daw niyang seryosohin and enjoy her teenager life dahil konting panahon na lang at magiging young adult na siya at magkakaroon na rin siya ng mga plano sa kanyang buhay at iyon ang mas bibigyan niya ng mas mataas na prayoridad. "Kisses kumain ka na don. Tawag ka na ng Papa mo." Nagulat tuloy siya hindi niya napansin na nakapasok na ng tindahan ang kanyang ina dahil sa kakaisip kay Dax. "Opo Ma."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
363.1K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
632.2K
bc

My Favorite Subject

read
216.9K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook