Chapter 2

1951 Words
"Happy Birthday brad.!" Masayang bati ng mga ito sa kuya Mark niya. Kararating lang ng mga barkada nito sa bahay nila. Actually lahat na yata ng mga kabinataan sa kanilang lugar ay kaibigan ng kuya niya. Naroon siya sa kusina at katulong ng kanyang Mama sa paghahanda pa ng iba pang mga pagkain. Nagtutusok siya ng karne sa stick para sa barbecue party na hiniling ng kapatid niya sa Papa nila. Debut na ng kuya Mark niya dahil sa twenty one na ito. Pinayagan na rin ng parents niya na may konting inuman na mangyayari dahil sa binata naman na ang mga ito basta paalala ng Papa nila ay moderate lang ang pag inom at huwag na huwag magpapakalasing. Nang lumabas siya ng kusina bitbit niya ang tray ng mga iba't ibang klase ng barbecue stick na dadalhin niya sa may labas nila. Nadatnan niyang nagbubukas ng mga regalo ang kapatid, mga gift iyon na galing sa mga kaibigan. Nagkakasiyahan ang mga ito at naghaharutan, nagbabatuhan pa. Syempre palihim niyang hinahanap si Dax kung nandoon na ba ito. Pero parang wala pa. Busy ang mga ito at ni hindi siya napansin na dumaan. Halos kilala niya ang lahat ng mga nagpunta dahil mga kalugar nila ang lahat ng nandoon. May mga invited din na mga girls. Klasmeyt ng kuya Mark din niya. Graduating na ang mga ito sa course na Mechanical Engineering. Si Dax sa pagkakaalam niya ay IT course naman ang kinuha nito. Nang mailapag sa isang lamesa ang tray na bitbit niya ay pinaypayan pa niyang mabuti ang uling na may baga na para lumakas, balak na niyang lutuin ang chicken barbecue dahil gusto na rin niyang matikman iyon. Mayroon ding bangus na inihaw at mga tilapia na inihaw. Pork barbecue at atay barbecue. Tapos ay nagluluto pa ang Mama nila ng Sinigang na baka para may masasarap na sabaw din naman. Dalawang mahahabang lamesa iyon na may nakalatag na mga dahon ng saging. Tapos ay ilalatag na mamaya doon ang maraming mga kanin at kanya kanya ng kuha pwesto ang mga kakain mamaya. May isang case din ng beer sa isang gilid at limit na iyon bawal ng sumobra sabi ng Papa nila. "Hi.!" Napaangat siya ng tingin mula sa pamimili ng iihawin niya, si Dax pala iyon. Nagulat siya at hindi nagawang makangiti. Bigla siyang naconcious sa kung ano kaya ang itsura niya. Pero sa pagkakatanda niya ay maayos naman ang face niya kanina, yun lang sa amoy ay di siya sigurado dahil kanina pa siya nauusukan. "S-si Mark.?" Nakangiting tanong nito, napatulala siya dito dahil sa naisstartruck na naman siya. Nakagel ang buhok nito na parang lalong bumagay dito. "Kisses si Mark?" Saka lang siya natauhan sa pangalawang tanong na iyon. "Huh.. Hmm n-nasa loob. Pasok ka na lang doon." Nahihiyang sabi niya, agad niyang iniwas ang paningin at nagworry siya dahil baka nahalata nito ang saglit niyang pagkatigalgal. Nang pumasok na ito ay saka siya nakapagbuga ng hangin sa dibdib. Nakakainis hindi ako nakapagready. Saloob niya. Bumili pala ng malaking cake ang mga klasmeyt ng kuya niya bukod pa sa cake na binili ng coach ng mga ito sa basketball at bukod pa sa cake na binili ng mga parents nila kaya tatlong cake ang hinipan ng kanyang kapatid. Hanggang sa sumapit ang kainan ay napakasaya sa loob ng kanilang bakuran, marami ding mga kapitbahay nila ang nandoon. Inimbitahan ng kanyang Mama, nandoon din ang mga ilang kamag anak at mga pinsan nila. Masayang naglolokohan sa panig ng barkada ng kanyang kapatid habang sabay sabay na kumakain. Kung titignan ang bahay nila mula sa labas ay napakaiingay ng mga tao na nasa loob. Bukod doon ay may malakas na tugtog pa. Pero ayos lang iyon dahil alam naman ng mga nakapaligid sa kanila na kaarawan ng kuya Mark niya. Siya naman ay laging nakatayo sa kung saan malapit kay Dax. Kapag mag iba ito ng pwesto ay pasimpleng lumilipat din siya. Natutuwa siyang pinakikinggan ang pagsasalita nito ang mga pagtawa nito at kapag pabida din ito sa barkada. Palihim din ang kanyang mga sulyap dito. May pagkakataon pa nga na tinatawag pala siya ng kanyang ina ay hindi niya tuloy naririnig dahil ang tenga niya ay nakadikit kay Dax. "Ate Kisses tawag ka ni Mama." Napayuko siya sa kumakalabit sa kanya, si Matthew pala. "Bakit?" "Si Mama tawag ka ate." Sabay turo sa bandang kusina. "Ay!" Sabay pasok sa loob ng bahay. Nakalimutan na niya ang inuutos nito na magsaing siya at mukhang bitin ang rice sa mga guest nila. Nang dumating ang Papa nila galing sa trabaho nito ay nahinto saglit ang mga ingay at magalang na bumati ang lahat sa Papa niya. Iginagalang ang Papa nila ng mga nandoon dahil sa isa itong pulis at may edad na rin, propesyonal pa itong kumilos lagi. Gumanti lang ng bati ang ito sa lahat at pumasok nasa bahay, deretso sa kusina, nakasunod siya ng tingin sa Papa niya alam niya ang susunod na gagawin nito. Hahalikan nito ang kanyang Mama. Simula pagkabata ay ganoon na ang Papa niya, nakikita niyang napakalambing nito sa kanyang ina. Sampung taon ang agwat ng edad ng mga magulang nila. "Pano ba iyan ang susunod na celebrity natin ay di Dax na!" Malakas na sabi ng kapatid niya. Napatingin ang lahat sa binata pati na rin siya. Magkasunod lang ang buwan ng kaarawan ng dalawa alam niya iyon dahil sa lagi din siyang nakakasaksi ng celebration party nito. Pumupunta siya pero pagkatapos kumain ay umuuwe na rin siya dahil medyo alangan din siya na tumambay ng matagal doon tapos ay puro lalaki pa ang mga bisita, nahihiya siya. "So siya naman ang reregaluhan natin ng trunks!" Tawanan ang lahat. "Ang maganda ay iyong kulay orange." Malakas na tawa ng kuya Mark niya. "Tapos ay magsuswimming tayo sa Dolatre at suot ang kanya kanya nating mga trunks.!" Tawanan ang lahat, kay lakas din ng tawa ni Dax,na parang musika sa pandinig niya. "Maganda iyon pare.. I like that!" Pagsakay ni Arnel, kaibigan ng kapatid niya. Nakita niyang nagbabatukan pa ang mga ito. Hindi niya alam kung nakailang stick na siya ng barbecue. Nakakarami na yata siya ng sobra. Feeling bloated na rin siya. Bukod doon ay nararamdaman niyang tinatawag na siya ng kalikasan. Kaya no choice siya kailangan niyang iwan ang mahal niya at dapat na siyang pumasok sa loob ng bahay. Habang nasa banyo siya ay naririnig pa rin niya ang masasayang pag uusap ng mga tao sa labas. Parang sa pakiwari niya ay nag iinuman na ang mga iyon kaya binilisan na niya ang ginagawa. Kailangan niyang tumulong sa Mama niya sa pagliligpit. "Wow Pare! Para sa may kaarawan na si Mark.. Cheers!" Sabi ng isang kaibigan nito. May mga hawak ng tig iisang beer ang bawat isa. Syempre hinanap niya agad si Dax. Ayun nakita niya na isa na ito sa mga umiinom ng beer. May tunggaan pang nangyayari. Pansin niya na ilang mga bisita ay nag uwian na yata, nabawasan na kasi ang mga tao na naroroon. Alas diyes na ng gabi nandoon siya sa labas at niluluto ang mga huling barbecue, sinulyapam niya ang case ng beer, ubus na wala ng laman. Alam niyang hindi naman tatamaan ng pagkalasing ang mga magkakaibigan dahil sa kaunti lang naman ang iniinom ng mga ito. Busy siya sa pagpaypay ng baga ng uling, parang mamamatay na kasi. "Tulungan kita. Akin na." Kilala niya ang boses na iyon kahit na hindi siya lumingon. Para tuloy may naghabulan na daga sa dibdib niya, dahan dahan siyang lumingon dito. "Ha! A-ako na lang. K-konti lang naman na ito." Kinakabahang sagot niya. "Sige na pagbigyan mo na ako Kisses." Medyo nagulat siya, parang sa tingin niya ay tinamaan yata si Dax sa beer. Kasi ay bakit nito maiisipan na tulungan siya sa pagpaypay at iniwan nito ang mga barkada sa lamesa. Wala sa sarili na ibinigay niya dito ang pamaypay, saglit niyang sinulyapan ang barkadahan na nasa lamesa pa. Parang hindi naman namamalayan ng mga ito na nasa tabi niya si Dax. Pinanuod niya ito habang malakas na pinapaypayan ang baga. Pangiti ngiti pa ito sa kanya na parang nagpapabibo pa sa kanya, napansin niyang mapupungay na ang mga mata nito. Nang lumakas na ang apoy ay ito pa ang naglagay ng mga natitirang iihawin, siya ay nanood na lang. Naisip na lang niya na baka gusto pa nito ng barbecue dahil masarap naman talaga ang timpla ng Mama niya. "Kisses sa birthday ko imbitado ka ha." Napalaki ang mata niya tuloy dito, nahuli pa yata nito na nakatingin siya sa mukha nito. Parang gusto niyang mamula sa hiya. "Punta ka ha." Ngumiti ito ng matamis. "Next month na iyon don't forget." Sabay kindat pa sa kanya. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na barbecue. "O-oo naman Dax." Tipid na sagot niya, iniwas niya ang tingin at luminga sa dako ng kuya niya at ng mga barkada nito. Feeling niya ay nagkukulang na siya ng oxygen sa paligid niya. "Okay aasahan ko yan. Twenty one na ako nun.. Pwede nang manligaw." Tuluyan na niyang nabitawan ang hawak na stick. Sinamantala rin niya ang pagyuko para pulutin ang nahulog, ewan ba niya concious na concious na siya sa harapan nito. Tapos tumatak sa isip niya ang mga tingin na iyon ng sabihin nitong pwede na itong manligaw. Isip niya bakit nito kailangang sabihin pa iyon sa kanya. Or else nagpaparinig ba ito sa kanya, may balak ba ito? Napuno tuloy ng katanungan ang utak niya. Nasa silid na siya at tapos na ang pagdiriwang. Sarado na ang bahay nila dahil gabing gabi na rin, actually ay madaling araw na. Nakahiga na siya sa kama niya pero nananatiling nakadilat siya. Gising na gising ang diwa niya. Gusto na niyang sabunutan ang sarili sa inis dahil ayaw maalis sa gunita niya ang nangyaring maikling pag uusap nila ng crush niyang si Dax. Kapag pumipikit siya ay nakikita niya ang gwapong mukha nito na nakangiti sa kanya. Pinalo na nga niya ang kanyang ulo dahil feeling niya ay nababaliw na yata siya. Hindi talaga siya dalawin ng antok ang tanong niya ay dahil ba iyon sa sobrang kilig niya kanina. Hindi niya napapansin na nakailang tawag na ang Papa niya sa kanya dahil sa tutok na tutok ang atensyon niya sa mukha ng binata. "Kisses!" Huling tawag ng Papa niya na parang nagulat pa siya sa tawag na iyon. "Pa!" Malakas na sabi din niya dito, sabay tarantang lumakad papasok ng bahay. Tandang tanda niya ang huling sinabi ni Dax sa kanya kung may boyfriend na ba daw siya? Na hindi na niya nakuhang sagutin dahil sa tinawag na siya ng Papa niya. Parang gusto niyang singhalan ang Papa niya at sabihin na istorbo ito. Natatawa na lang siya sa sarili niya. Pilit niyang sinasabi sa sarili na may tama lang iyon at napagtripan kang asarin Kisses.. Huwag kang masyadong kiligin at baka atakihin kapa sa heart. Yung gustong gusto niyang lumabas at balikan ang binata pero hindi na niya magawa dahil sa inutusan na siya ng Papa niya na maghugas ng mga baso para bawasan ang trabahonng kanyang ina. Pero habang maghuhugas siya ay pangiti ngiti pa siya na nagkataong nahuli ni Matthew. Nagulat na lang siya dahil sa narinig na sinabi nito. "Mama si ate pangiti ngiti. Tignan mo Ma." Bigla siyang natauhan. Kahit nakatalikod siya ay kinabahan siya ng kaunti, feeling pa niya ay nag init ang dalawang pisngi niya. "Hayaan mo anak baka inlove yan. Hayaan mo lang." Narinig naman niyang sabi ng kanyang Mama. Lalo tuloy siyang nahiya sa sarili niya. Pinatigas niya ang leeg na huwag lumingon sa dalawa, at nagkunyari na hindi niya naririnig ang mga usapan ng mga ito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD