|| This Story is an BxB Romance-comedy ||
Sabi sa pag-aaral; out of million people around the world, maaring sampu rito ay kamukha mo. What if, in just one unwanted meeting ay maharap ka sa isang kondisyon na never pumasok sa iyong isipan? That you need to pretend to be someone na hindi mo naman kilala pero kamukhang-kamukha mo?
Yan ang mga katanungan na haharapin ni Russel Guevarra, a 20 year old aspiring artists from the beautiful province of Zambales. Bata pa lang ay pangarap na ni Russel na maging isang artista- lumabas sa telebisyon, mapanood ng marami at gumanap ng iba't-ibang role. Nasa dugo na nga raw niya ang pag-arte kaya upang matupad ang kanyang pangarap ay nagtungo ito sa Manila upang magtrabaho at mapalapit sa makinang na bituin ng kanyang pangarap.
Ngunit ang pangarap ni Russel ay naging bangungot sa pagtapak ng kanyang paa sa Manila. Wala sa mga ine-expect nya na mangyayari sa kanya roon ang natupad bagkus ay naharap ito sa isang kondisyon kapalit ng kalayaan at malaking halaga na kailangang-kailangan n'ya.
Ang kondisyon? Magpanggap bilang bunso at kaisa-isang anak na babae ng isang kilalang business tycoon; bilang Terry Villaford.
Hindi man inaasahan ngunit ang pangarap ni Russel na gumanap ng isang role ay matutupad ngunit hindi sa harap ng kamera kundi sa tunay na buhay.
Handa ba s'ya at ang kanyang acting skills para sa kanyang "major big role" na gagampanan?
To Pretend Terry.