Story By Smiling_Ace
author-avatar

Smiling_Ace

ABOUTquote
"Stories of imagination tend to upset those without one" — Terry Pratchett *|*|*|*|*|*|*|*|* Kamusta, Kaibigan. Alam mo ba na sa anino ng tunay na buhay at realidad ay may hiwaga at misteryosong nahihimlay? Nais mo bang masaksihan ang mga kwentong puno ng hiwaga at kamangha-mangha at pansamantalang tumakas sa kamay ng realidad? Kung iyon ang nais mo ay handa akong buksan ang pinto ng aking mundo para sayo ngunit nais ko sana na ipangako mo na sa oras na ikaw ay bumalik may dala-dala at baon kang aral mula sa mga kwentong iyong napuntahan. Nawa ay tumatak hindi lang sa iyong isipan ang aking mga kwento kundi higit sa iyong puso. Maalala mo sana ako sa tuwing ipipikit mo ang mga mata mo at manariwa sa\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\'yo na minsan kitang naidala sa isang mundong puno ng hiwaga. Makita lang kitang nakangiti sa pagtatapos ng bawat kwento ko bayad na ang pagsama ko sayo, dahil ang nais ko lang naman ay samahan ka at sandaling mapasaya ng aking mga likha. || Wala tayong kapangyarihan sa realidad ngunit sa imahinasyon, punong-puno tayo ng hiwaga || Maligayang pagdating sa aking mundo, kaibigan.
bc
Pretending Terry
Updated at Aug 4, 2022, 09:06
|| This Story is an BxB Romance-comedy || Sabi sa pag-aaral; out of million people around the world, maaring sampu rito ay kamukha mo. What if, in just one unwanted meeting ay maharap ka sa isang kondisyon na never pumasok sa iyong isipan? That you need to pretend to be someone na hindi mo naman kilala pero kamukhang-kamukha mo? Yan ang mga katanungan na haharapin ni Russel Guevarra, a 20 year old aspiring artists from the beautiful province of Zambales. Bata pa lang ay pangarap na ni Russel na maging isang artista- lumabas sa telebisyon, mapanood ng marami at gumanap ng iba't-ibang role. Nasa dugo na nga raw niya ang pag-arte kaya upang matupad ang kanyang pangarap ay nagtungo ito sa Manila upang magtrabaho at mapalapit sa makinang na bituin ng kanyang pangarap. Ngunit ang pangarap ni Russel ay naging bangungot sa pagtapak ng kanyang paa sa Manila. Wala sa mga ine-expect nya na mangyayari sa kanya roon ang natupad bagkus ay naharap ito sa isang kondisyon kapalit ng kalayaan at malaking halaga na kailangang-kailangan n'ya. Ang kondisyon? Magpanggap bilang bunso at kaisa-isang anak na babae ng isang kilalang business tycoon; bilang Terry Villaford. Hindi man inaasahan ngunit ang pangarap ni Russel na gumanap ng isang role ay matutupad ngunit hindi sa harap ng kamera kundi sa tunay na buhay. Handa ba s'ya at ang kanyang acting skills para sa kanyang "major big role" na gagampanan? To Pretend Terry.
like
bc
Jian: The Book Bearer [BxB]
Updated at Jul 3, 2021, 04:42
|| Bearer Series Book 1 || Isang mahiwagang Libro na naglalaman ng mga napakalakas na kapangyarihan at ang kulungan ng isang makapangyarihang nilalang ang bumago sa simple at tahimik na normal na buhay ni Jian Louis Madrigal. Isang nagngangalang Andress ang nagpakilala sa kanya at nagbigay ng kapahayagan sa responsibilidad na nakaatang sa ating Bida. Sa kauna-unahang pagkakataon, isang purong mortal ang 'itinakda' at 'pinili' ng Libro. Kayanin kaya ni Jian Louis Madrigal ang mabigat na tungkulin at responsibilidad bilang bagong 'Tagahawak'? o tatalikuran nya ito at hahayaan na lamang ang mundo na bumagsak sa kamay ng makapangyarihang nilalang na nakakulong sa Libro? Tadhana. Responsibilidad. Misyon. Kailangang pumili ng desisyon bago dumating ang itinakdang panahon. "Ako si Andress, isang Andekas at Anak ni Merlin- ang nakaraang itinakda at nakaraang Tagahawak ng Libro at ikaw Jian Louis Madrigal, ang bagong itinakda at pinili ng Libro na susunod sa akin. Ikaw ang bago nitong Tagahawak." ***** This story is an Epic Fantasy Novel and a LGBT themed one. Boy-to-boy po. Maraming Thankies. Smiling_Ace | JhayemmJVR
like