bc

Leander Castiel Smirnov (SSPG)

book_age18+
543
FOLLOW
3.0K
READ
dark
playboy
badboy
mafia
heir/heiress
drama
serious
mystery
loser
city
office/work place
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Hearts Aligned Series #4

Si Twyla Ivelle Rusco ay isang medical technology student sa isang kilalang university. May angking ganda at talino rin ang dalaga na siya namang nakakakuha ng interest ng mga kalalahikan.

Ngunit hindi naman makalapit ang ilan sa kaniya dahil tutok ito sa pag-aaral. Maliban pa roon, may nagbabantay sa kaniyang lalaki at ’yon ay si Leander Castiel Smirnov. Isa siyang varsity player at magkaibigan na talaga ang kanilang mga pamilya ngunit silang dalawa ay hindi close. Sadyang nakabuntot lang madalas ang binata sa kaniya para bantayan ang dalaga.

Ang problema lang ay ayaw ni Twyla Ivelle dahil halos pagkaguluhan ang binata ng mga babae. Sikat kasi ang mga varsity player sa campus nila at wala ring nakakaalam masiyado na magkaibigan talaga ang pamilya nila. Gusto rin kasi niyang mabuhay nang tahimik at malayo sa magulong mundo.

Paano kung isang araw ay naglaho ang lahat ng iyon nang hindi na makapagtimpi pa si Leander Castiel?

Ang tahimik na buhay na inaasam ni Twyla Ivelle ay biglang nawala nang pumutok ang balita na siya ang sinusundan at binabantayan madalas ni Leander Castiel sa campus.

chap-preview
Free preview
Leander Castiel Smirnov
Hearts Aligned Series #4 Leander Castiel Smirnov Twyla Ivelle Rusco Tumaas ang aking kilay habang nakatingin sa aking kaibigan na ngayon ay parang kinikilig. Wala naman kasing nakakakilig sa lalaking nasa labas ng classroom namin. Kaya hindi ko talaga maintindihan ang mga kaklase ko kung bakit sila tumitili. Smirnov lang naman kasi ang nakasandal sa may pintuan. Wala namang nakakakilig kung tutuusin. Parang normal lang na tao ang mga Smirnov sa akin dahil nga family friend sila. Saka bakit naman ako kikiligin sa lalaking ‘to? Nakakasawa ang mukha niya. Kilala rin sila ng mga student dito. Madalas kasi silang magpunta rito kung minsan pero hindi naman kasi ibig sabihin no’n ay student sila rito. Sadyang trip lang yata niyang tumambay rito madalas. Mukhang may tipong babae. “Hindi ka ba kinikilig sa kaniya?” tanong sa akin ng kaibigan ko at bahagya pang hinampas ang aking braso. Napangiwi naman ako dahil sa bigat ng kaniyang kamay. Akala ko naman ay hindi na babae ang humampas sa akin. Pakiramdam ko pa nga ay halos madurog na ang aking buto dahil sa ginawa niya. Ibinaba ko naman ang hawak kong libro at kaagad na nilingon ang lalaking kanina pa na naghihintay sa labas ng classroom namin. Kulang na lang ay halikan siya ng mga babae dahil punong-puno ng pagnanasa ang kanilang mga mata. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. Kahit na sabihin pang guwapo ang lalaki, bakit naman kailangang maglaway at ipahalata nilang tinititigan nila ito? Wala naman siyang ginagawa kung hindi sumandal lamang sa pintuan at nakatingin sa gawi ko. Teka—sa gawi ko? Napakunot naman ang aking noo habang nakatitig sa kaniya. Doon lang lumitaw ang ngisi sa labi nito na siya namang ikinagulat ko. Ramdam ko rin ang pagbundol ng puso ko dahil sa simpleng pagngisi niya pero kahit na ganoon ay hindi man lang nakabawas iyon ng kaniyang kaguwapuhan. Mas lalo pa nga siyang naging guwapo na hindi ko maintindihan. Magulo na nga ang buhok niya. Magulo rin ang kaniyang suot na white long-sleeves lalo na sa part ng kaniyang kuwelyo. Nakabukas din ang dalawang botones ng kaniyang suot kaya medyo litaw na litaw ang kaniyang matigas na dibdib. “Ang guwapo talaga niya!” tilian ng mga kaklase ko na siya namang ikinailing ko. Mabilis kong inilihis ang aking mga mata at napalunok na lamang nang pasimple bago nilingon ang kaibigan ko na hindi man lang magawang alisin ang kaniyang mga mata sa lalaking iyon. “Bakit naman ako kikiligin sa kaniya?” tangkang tanong ko sa kaniya pero ramdam ko naman ang panginginig ng aking mga palad. Ramdam ko pa rin kasi ang mga mata niyang nakatingin sa aking gawi at hindi man lang binalak na alisin sa akin. Medyo nagre-react na rin ang puso ko sa nerbyos. Hindi ko alam kung dahil sa mainit at malagkit niyang titig sa aking gawi o ang presensya niyang abot hanggang sa puwesto ko? f**k! Magkaibigan ang mga Smirnov at Rusco. Kaya hindi na normal sa akin ang mga presensya nila dahil magmula nang bata kami ay madalas kaming magkaroon ng interaction. Sa murang edad nga ay halata na ang kaguwapuhang taglay nila pero hindi man lang ako naapektuhan, ngayon lang. Gulat na napatingin sa akin ang kaibigan ko na para bang isang malaking kasinungalingan ang binitawan kong salita. Napahawak pa nga siya sa kaniyang dibdib na parang nasaktan sa aking sinabi. Nanglaki rin ang kaniyang mga mata at maging ang kaniyang labi na napaawang. “What?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. “Wala naman kasi talaga.” “Nagbibiro ka ba?” gulantang na tanong niya sa akin. Medyo napalakas pa ang sigaw niya pero hindi naman iyon narinig ng mga kaklase namin dahil busy sila sa pagpapantasya sa Smirnov na iyon. “Ang guwapo ni Leander!” Umirap na lamang ako sa kaniya at ipinagpatuloy na basahin ang Diagnostic Microbiology na libro. Mag-a-advance reading na lang ako kaysa titigan ang Smirnov na iyon. “I can’t believe you, Twyla!” wika pa niya. “Whatever.”

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook