bc

PROVOKE

book_age16+
108
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
twisted
sweet
bxg
ambitious
cowboy
others
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Sa edad ni Antonio Gabriel na trenta'y singko o may palayaw na Anton ay ngayon lang siya nabighani sa isang dalaga, sa kabila ng marami namang nakapaligid din sa kanyang mga babaeng may mga sinasabi ang itsura.

Hindi niya akalain na magiging ganoon katindi ang madarama niyang atraksyon sa masungit na si Nathalie na nagtatrabaho sa bahay ng kanyang Biological Father na hanggang sa panaginip niya ay nandoon ito, at sinusungitan siya.

Unang kita pa lang niya dito ay nakatanggap na siya ng panlalait at pagmamaliit. Sabagay she don't know yet na anak siya ng mayamang Don.

The first encounter that they had ay nang pumasok na lang siya basta sa opisina ng father niya, na nakatsinilas lang, wearing old and faded jeans and perforated t-shirtl. He looks like a beggar. Kaya parang nandiri ang itsura nito pagkakita sa kanya. Nilait-lait siya nito, kaya nalaman niyang pangit pala ang ugali ng babae, but definitely beautiful, sexy and very attractive in his eyes.

Hindi niya alam kung hanggang saan ang pagsusungit nito. But despite of being rude to him, he felt something to her that he could not ignore.

Parang gusto niya tuloy subukang tumira sa malaking bahay na iyon, para lalong asarin pa ang dalaga.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Badtrip na ang pakiramdam niya. Nakakaramdam na siya ng matinding inis at mukhang mapapaaway pa yata siya sa kaharap na guwardiya ng isang exclusive na subdivision na iyon, pero pilit niya pa ring pinapakalma ang sarili. Nagtataka siya kung bakit ayaw siyang papasukin doon eh matagal na siyang pabalik balik naman sa mansyon ng Father niya. Napakataas pa naman ng sikat ng araw at talagang init na init na ang pakiramdam niya, balak niya tuloy na tumalon sa swimming pool doon pagdating niya. Bago kasi ang guard na kauspa niya at wala ang mga dati na niyang kilalang bantay doon. Sa lahat ng mga binanggit niyang pangalan ay isa lang ang kilala nito at panggabi pa daw ang duty niyon. Sinabi pa nga niya dito na tignan nito ang logbook para makita na may mga pangalan siya doon na katunayan na nakakapasok naman talaga siya sa loob ng subdivision. "Boss bakit ba kasi ayaw mo akong papasukin? Napakainit pa naman." Naiiritang sabi niya, nabibilad na siya sa init habang nakasakay sa kanyang motor. Alam niya ang isa sa dahilan kung bakit nag aalangan ito na papasukin siya. Kanina pa lang, paghinto niya sa tapat ng guard house ay tinignan na siya nito. Siguro dinidiscriminate nito ang itsura niya. Ang motor niya kasi ay lumang luma na parang matetetano ang sinumang humawak doon at talagang mukhang malakas lang ang resistensiya niya kaya nananatili siyang buhay. Galing kasi iyon sa mga pinagsama samang parte ng mga lumang motor na nakukuha niya. Kumbaga pinagtagni tagni niya lang ang mga pupwede pang magamit na mga motor parts at nirecycle. Bukod doon ay maingay rin ang makina na parang makina na naghuhukay ng lupa. Pero wala siyang pakialam ang katwiran niya ay gumagana pa naman, at napapakinabangan pa. Tatlo ang ganoong motor niya na galing lang sa mga lumang parte ng iba't ibang klase ng motor na pinagkakakalas niya, at pinagsasalit salit niya ang paggamit. "Sir sumusunod lang po ako sa ibinigay na bilin sa amin. Naghigpit po kasi dito sa loob ng subdivision dahil sa maraming nakakapasok na mga hindi naman dapat makapasok at nagmamanman lang pala sa loob Sir." Paliwanag nito, mukha pa itong bata, sa tingin niya ay naglalaro ang edad nito sa bente singko pababa. "Diyan sa loob nakatira ang father ko." Nang may maalala siya kaya dinukot niya ang kanyang wallet sa side pocket niya. "Oh eto tawagan mo para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo. Napakainit pa naman." Kinuha nito ang ibinigay niyang calling card at pumasok sa maliit nitong pwesto. Siya naman ay nagpasya ng pumuta muna sa lilim at talagang nasusunog na siya sa matinding init ng araw. "Kamo si Tonyo." Pahabol pa niya dito. Actually ay ang pangalan niya ay Antonio Gabriel. At ang tawag talaga ng father niya sa kanya ay Gab o Gabriel dahil sunod iyon sa pangalan nito na Gabriello pero mas gusto niya ang Tonyo na palayaw niya dahil sunod iyon sa pangalan ng kanyang ina na Antonette. Itinayo niya ang motor niya sa gilid ng kalye at tumayo din siya doon habang nakatingin sa guard na tumatawag sa telepono. Isip isip niya habang nakatingin doon ay wala namang problema sa suot niya atleast ay hindi naman siya nakahubad. Baka siguro kasi iniisipan siya nito nang hindi maganda. Nakasuot kasi siya ng lumang luma na maong na short, tapos ang t-shirt niya ay kulay brown na parang itim na tapos ay may mga puti puti pa dahil iyon sa zonrox siguro kaya nangupas, lumang luma na rin iyon, idagdag pa ang mahaba na niyang bigote at longhair na buhok na itinali niya lang sa likod. Ang overall looks niya ay para siyang adik sa kanto lang pero wala siyang pakialam, komportable siya sa ganoong style, style sanggano. Lumapit siya ng makita niyang ibinaba na nito ang telepono. "Oh boss okay na?" Ngunit sa pagkadismaya niya ay umiling ito. "Sir wala pong sumasagot sa ibinigay niyong number." Turan nito, nahampas niya ang hita sa inis, gusto na niyang manuntok, pero syempre ay hindi niya gagawin iyon sa batang guard, may puso naman siya kahit papaano. "So anong ibig mong sabihin? Hindi mo ako papasukin talaga ha!?" Sininghalan na niya ito at hindi na siya makapagtimpi mahigit thirty minutos na silang nagdidiskusyunan doon. Tumingin ito sa kanya. "Sir wala po tayong magagawa at sumusunod lang ako sa instruction sa akin." Pangangatwiran nito. "Anak ng pating naman!" Badtrip na sabi niya, no choice na siya kung hindi umuwe na lang talaga, isip niya ay nasayang lang ang oras niya sa biyahe, medyo malayo layo din kasi siya doon na inaabot ng mahigit isang oras kahit nakamotor pa siya. Sana pala ay hindi na lang siya pumunta doon at marami na siyang nagawa sa talyer niya. Tinawagan kasi siya ng father niya kagabi at pinapapunta siya doon, medyo matagal tagal na rin kasi siya na hindi nagagawi sa poder nito, siguro ay mga lagpas isang buwan na. Tumanggi nga siya at marami siyang trabaho pero ang sabi kasi nito ay may sira daw ang gripo nito sa may garden area kaya ipapagawa daw sa kanya at babayaran na lang siya, alam niya na palusot lang iyon nito at gusto lang siyang papuntahin doon. Anak siya nito sa unang babae na nakarelasyon nito, at iyon nga ang kanyang ina, pero hindi nito pinakasalan kahit na ipinagbubuntis na siya dahil sa may fiance na talaga ito at ang mga magulang nito ang siyang pumili, wala na raw itong nagawa dahil ang panakot dito ay aalisan daw ito ng mana ng mga lolo at lola niya. Kalaunan ay natanggap na rin niya ang ganoong setup, miski naman kasi ang nanay niya ay mukhang tanggap na tanggap na talaga na hindi ito ang pinakasalan ng father niya at mula pagkabata ay hindi naman niya kinakitaan ng pagkamuhi ang nanay niya na ukol sa father niya. Isa pa ay mabait naman ang pinakasalan nito at nagkaroon pa ito ng dalawang supling sa totoong asawa na nito ang kaso ay parehong babae naman kaya kahit hindi aminin ay dama niya na gustong gusto siya ng father niya dahil siya na ang pinakajunior nito kung tutuusin. Wala namang problema sa asawa nito na nakasundo din niya. Sa totoo lang ay marunong kasi siyang mangarinyo ng babae, kaya niyang paamuin yata kahit na sino pang babae na saksakan ng sungit, talent na niya iyon mula pagkabata. Laki siya sa kanyang ina, sila lang dalawa ang magkasama simula ng magkaisip siya. Hindi na ito nag asawa pa, hindi niya rin alam kung bakit pero sa tingin niya ay napakaganda ng kanyang ina noong kabataan nito at kitang kita pa rin naman kahit sa may edad na ito ngayon. Kapag tinatanong niya ito ay ang sagot lang ay wala naman na daw kasi itong natipuhan pa na ibang lalaki at isa pa ay nariyan na siya kaya sa kanya na lang daw ibubuhos nito ang buo nitong atensyon. Binuksan na niya ang makina ng kanyang motor at minaniobra na niya para makaalis na siya doon. Ayaw na niyang mag aksaya pa nang kahit na isa pang minuto doon at nanghihinayang siya sa oras niya na nasasayang. Paandar na siya ng may humintong kotse sa gilid niya, paglingon niya ay alam na niya kung kanino ang kulay pula na kotse na iyon. Hinintay niyang maibaba nito ang side mirror. "Kuya!" Biglang tawag nito. Ngumiti siya sa step sister niya. "Pupunta ka ba sa bahay?" Tanong nito. "Oo sana sis kaso ayaw akong papasukin ng guard. Kanina pa ako dito." Sumbong niya kay Trisha, amg kanyang step sister. "Ah ganon ba. Pasensiya kana kuya. Sabihan ko yung guard ha. Sandali." Nakita niyang sumenyas ito lalaki na lumapit. Narinig pa niya ng sabihan nito iyon na papasukin siya at kapatid niya ito. Agad namang tumango ang guard at mukhang nataranta pa. "Kuya deretso ka na lang doon ha. May lakad kasi ako." Tumango naman siya dito, saka nagbabye na. Sa inis niya ay ni hindi niya tinignan ang guard at basta na lamang niya pinaharurot ang kanyang motor. Alam niya na lumikha iyon ng noise pollution at air pollution pero wala siyang pakialam at talagang badtrip siya sa lalaking iyon, alam niya na dapat na siyang makaalis doon. Kahit alam niya na dapat pang maisulat ang pangalan niya sa logbook ay hindi na niya ginawa pa. Hindi naman siya ganoon na barumbado, magaling talaga siyang makisama, talaga lang wala na siya sa huwisyo, marahil ay dahil na rin sa napakainit na panahon, yung pakiramdam na sinisilaban na siya. Huminga siya ng malalim ng nandoon na siya sa tapat ng malaking bakal na gate, gusto niyang kumalma. Pinindot na niya ang doorbell. Pinagbuksan siya agad ng kasambahay doon na si aling Ising. Bitbit niya ang dalang tool box niya at dumeretso na siya agad sa likurang bahagi ng bahay at titignan niya ang sinasabi ng father niya na sirang gripo doon. Hindi pa naman siya gutom kaya gagawin niya muna iyon bago siya kumain at balak niya na magbabad sa tubig ng mga isang oras. Nalaman niya agad ang dahilan ng pagtulo ng gripo doon kahit na nakasara. Kailangan lang na palitan ang sapatilya, buti na lang at may mga stock pa siya. Karamihan sa mga kapitbahay nila at kakilala ay siya ang takbuhan kapag may mga nasisira sa bahay ng mga ito. Marami pa siyang kayang kumpunihin, hindi lang iyon. Siguro dahil sa lalaki siya kaya hilig niya talaga ang magkutkot. Bata pa siya ay kutkutero na siya kaya madalas siyang napapagalitan ng kanyang ina. Makikita na lamang kasi nito na nabuksan na niya ang likod na ulo ng elektrikpan nila at kung ano ano ang pinagtititignan niya doon. Basta may makita siyang mga turnilyo ay hilig niya na pagbubuksan ang mga iyon at kukutkutin niya ang mga piyesa sa loob, tapos ibabalik din niya sa ayos na nadatnan niya. Kaya ang tinapos niya ay Mechanical Engineer dahil sa hilig niyang iyon, ang father niya ang gumastos sa pag aaral niya. Alam niya na hindi naman sila pinabayaan ng father niya pagdating sa pinansyal kaya nga nagawa niyang makapag aral kahit na isang sari sari store lang ang mayron sila. Noong nagpasya siya na magtayo ng maliit na talyer ay pinahiram siya ng kanyang father ng pangpuhunan, ayaw nitong pabayaran pero siya ang nagpumilit na mabayaran iyon. Luminga linga siya sa paligid ng matapos na niyang magawa ang gripo. Naisip niya sa sobrang laki ng bahay na iyon ay parang hindi na yata nagkakakitaan ang mga tao doon. Tumayo na siya at balak niyang pumasok sa kusina, nawala nasa isip niya na kanina pa pala siya nauuhaw dahil sa pagkainis na naramdaman niya kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.4K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.9K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.7K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.7K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook