Chapter 2

1544 Words
Binuksan niya ang screen door at tuluyang pumasok sa loob ng kusina. Parang sarili niyang bahay na pumunta siya sa malaking refrigerator na naroon at kumuha ng malamig na tubig. Sige lang siya sa pag inom sa basong sinalinan niya ng malamig na tubig, sarap na sarap siyang uminom at talagang sobrang napakainit kasi sa labas tapos ay nabilad pa siya sa sikat ng araw. Pilit niyang inaalis sa isip niya ang pagkainis sa batang gwardiya na iyon at binibigyang katwiran sa sarili niya na sinusunod lang naman nito kung ano ang bilin dito. Nalaman niya na pasado ala una na pala ng hapon base sa wall clock na naroon sa kitchen. Napatingin siya sa paligid dahil parang napakatahimik naman yata. Siguro ay nagpapahinga ang mga kasambahay doon. Ang father niya naman ay nasa office room siguro nito, sapantaha niya lang iyon. Bahagya siyang sumulyap sa labas, napatingin siya sa pahabang pool na naroon, pakiramdam niya ay hinihikayat siya niyon na maglangoy doon kahit saglit pero may naalala pa siyang dapat gawin kaya gusto na niyang makauwe agad. Mayron palang nagpapaayos ng makina ng jeep sa lugar nila at asap pala iyon dahil gagamitin na ang sasakyan agad kaya kailangan niyang macheck na iyon. Nagsabi naman ang may ari na handa daw itong magbayad ng doble sa kanya basta unahin niya lang gawin ang sasakyan nito. Gagamitin daw kasi iyon bukas sa pagsundo sa anak nito sa Airport. Kaya balak niya na magpapakita lang siya sa father niya at nang makapagpaalam na. Dahil sa alam naman niya kung saan iyon ay derederetso na siyang pumasok sa pinakaloob ng bahay. Actually ay kabisado naman niya ang buong bahay na iyon dahil natitira siya doon mga dalawang araw hanggan tatlong araw noong bata pa siya dahil napipilit pa siya ng kanyang father, pero agad siyang nagpipilit din na makauwe dahil namimiss niya ang kanyang ina. Hindi siya sanay na malayo ng matagal dito, nalulungkot talaga siya. Wala din siyang pakialam kung tuksuhin siya ng mga step sister niya na mama's boy siya. Miski kahit matatanda na sila, minsan ay inaasar pa rin siya ng mga ito. Ang tangkad daw niyang lalaki at brusko ang dating pero mama's boy daw pala. Tinatawanan lang niya ang mga ito. Hindi na siya kumatok ng mapatapat sa pintong iyon, basta pinihit niya ang seradura at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Pero pagtingin niya ay wala doon ang father niya sa malaking lamesa nito, miski ang madrasta niya, nilibot niya ang paningin, kaya nagulat talaga siya. Pagtingin niya kasi sa bandang kanan ng silid na iyon ay may babae na nakatulala sa kanya. Ang itsura nito habang nakatingin sa kanya ay hindi talaga makapaniwala na nakikita siya nito. Huling huli niya rin na tinignan siya nito mula ulo hanggang paa habang nanlalaki ang mga mata, tapos ay biglang napatayo na parang noon lang ito nakapag isip ng dapat gawin. Kumunot ang noo nito at sumibangot sa kanya. Ang itsura na nito ngayon mula sa pagkashock ay napunta sa parang diring diri sa kanya ang mukha nito. "Anong kailangan mo dito? Paano ka nakapasok?" Malakas na tanong nito, para itong kung sino makapagsalita sa kanya. Naisip din niya kung sino ba itong babae na ito at bakit ito nandito.? Napapalatak siya dahil sayang ang kagandahan na taglay nito pero mukhang masama ang ugali. Ang father nga niya at madrasta niya ay never siyang tinignan ng ganito na para siyang taong grasa kung uriin nito. "Will you please go out!" Masungit na sabi nito. Napatawa siya ng bahagya. Iba na talaga ang mga tao ngayon masyado ng mapanghusga, magdamit ka lang ng panget, ng madumi ang tingin na sa iyo ay hindi tao, isip isip niya. Mukha ba talaga siyang nakakadiri? I don't think so.. Sabi niya sa sarili. At dahil sa nakikipagtitigan siya dito ay tinaasan pa siya ng kilay nito. Pasalamat talaga itong babae na ito at gentleman siya kahit hindi halata. "Sino ka ba ha! Lumabas ka nga dito! Gusto mo mademanda ka ng tresspassing.!" Wala pa ring pigil ang bibig nito, pinapanuod niya lang ito habang nagagalit at tinitignan siya na parang diring diri. Mabilis itong pumunta sa pinto at ibinukas iyon dahil pinapalabas na siya nito. "Labas! Ang baho mo pa!" Kinusot pa nito ang ilong. Natatawa naman na siya ngayon sa kaartihan nito, naiisip niya na halikan niya kaya ito baka magmumog ito ng alcohol sa sobrang pandidiri sa kanya. "Wala ka bang naririnig sabi ko labas?" Singhal muli nito. Natawa siya dito dahil napapantastikuhan siya sa babaeng masungit na ito. Ngayon niya lang ito nakita doon pero parang ito ang may ari kung umasta. Buti na lang at hindi niya kasama ang kanyang ina doon kung hindi ay baka nakatanggap na ito ng sampal. "So! Anong nakakatawa?" Sabay naghalukipkip pa ito ng dalawang braso. Talagang mataray ito, naisip niya. Nagtaas na siya ng dalawang kamay at balak na niyang lumabas. Wala siyang panahon sa mga ganitong uri ng babae. Tatawa tawa pa siya habang sumusunod sa gusto nito, inaasar niya. Nang mapatapat naman siya sa harap nito ay huminto siya at tinignan ito, at dahil sa matangkad siya ay mataray pa rin itong tumingala sa kanya, nakikipagtagisan ang uri ng tingin nito, yung tipong hindi magpapatalo. "Anong tinitingin tingin mo diyan?" Taas kilay na singhal nito. Umiling iling siya habang nakangisi. Ang sungit talaga. "Maganda ka sana kaso.." Binitin niya ang sasabihin saka siya tuluyang lumabas ng kwartong iyon. Doon na lamang niya hihintayin sa living room ang father niya. Ibinagsak pa nito ang pintuan paglabas niya. Kaya napailing siya. "May pagkabastos. sayang." Nasabi niya. "Hindi marunong tumanggap ng bisita." Lumakad na siya papunta sa mahabang sofa. "Gabriel nandito ka na pala." Napatingala siya sa malaking hagdanan, at pababa na pala ang father niya. Nakangiti siya habang hinintay ito na ganap na makababa. "Opo kanina pa." Sagot niya dito. "Napababa ako kasi ay parang may naririnig ako. Si Nathalie ba iyon? Yung bago naming secretary?" Tanong nito na tumingin sa dako ng officeroom nito, naisip niya na Nathalie pala ang pangalan ng mataray na babae na iyon. Nagkibit balikat lang siya sa father niya. "Nagawa ko na yung sinasabi ninyong gripo sa labas." Turan niya dito, para mabago na ang usapan. Atleast may info na siyang nalaman tungkol sa taong iyon. "Ahh. Salamat, salamat anak." Saka siya tinapik tapik nito sa balikat. "May inayos kasi kami ni Lorna sa kwarto." Sabi nito, ang tinutukoy nito ay ang madrasta niya. "Kumain ka na ba?" Tanong nito. "Uminom lang ako ng tubig sa kusina, hindi pa naman ako gutom, sa bahay na lang, nagluto si nanay." Sabi niya dito. "Dito ka muna anak. Aalis ka na ba?" Nakita niya na lumungkot ang mukha nito. Gustong gusto talaga ng father niya na tumira siya doon, pero wala itong magawa syempre mas pipiliin niya ang kanyang ina. "Oo sana po. At may kailangan akong gawin sa talyer, marami kasi nagpapagawa ngayon." Sabi niya dito. "Ganon ba, akala ko ay magpapaabot ka pa dito ng dinner para sana sabay sabay tayong kumain, pinapauwe ko nga ng maaga yung dalawa mong kapatid." Turan nito, okay lang naman sa kanya pero naiisip niya yung nakompromiso na niya na gagawin. Kawawa naman ang customer niyang iyon at umaasa. "Sa ibang araw na lang po. Babalik na lang ako dito." Pangako niya sa father niya. "Oh siya sige anak kung talagang hindi ka na paaawat, pero sana ay dalasan mo naman ang pagdalaw dito sa bahay." Request pa nito. "Ihuhulog ko na lang sa bangko mo yung bayad ko sa iyo ha." Tumango siya sa sinabi nito. Parang gusto sana niyang mag stay para makilala niya ang masungit na babae na iyon, ang kaso ay naalala na nga niya yung sasakyan na gagawin niya kaya dapat na siyang makauwe. "Tay alis na ako." Paalam niya dito at saka siya dumeretso na sa pintuan palabas ng bahay, naghahabol na siya ng oras at malamang ay abutin siya ng gabi sa pagkukumpuni sa talyer niya. Lumabas na siya ng gate at hinila niya para sumara sa loob. Nakapark kasi ang teytanus motor niya sa mismong tapat ng gate. Sumakay na siya doon pero muli siyang tumingin sa malaking bahay ng father niya. Naisip niya siguro kung naging mukha siyang pera at ginusto niya ang maalwan na buhay ay mas pipiliin niya na tumira na doon at kagaya ng dalawang kapatid niya na babae, ang sarap din siguro ng buhay niya. Yung may tagasilbi ka sa lahat at walang kapagod pagod, mag utos ka lang ng mag utos sa mga tagasilbi ay walang problema. Ang kaso ay alam niya na hindi siya matututo sa ganoong buhay, hindi siya uunlad dahil magiging dependent siya. Bata pa lang siya ay busog na busog na siya sa pangaral ng kanyang ina, kaya maaga siyang nagmatured. At isa sa mga natutunan niya ay matututo ng mabilis ang isang tao kapag dumadanas ng hirap, mas maganda kung matututo ka sa hirap at doon ka magsisimula, dahil doon ay malalaman mo kung paano magpahalaga sa kahit na kaliit liitang bagay na mayron ka. At habang lumalaki naman siya ay nasasabi niya sa sarili na tama ang lahat ng pangaral ng kanyang ina. Hindi sa materyal na bagay ang sukatan ng pag unlad ng isang tao, kundi sa ugali, paninindigan at kakayahang taglay. Sinuot niya ang kanyang helmet at saka niya pinaharurot ang kanyang motor, lumikha iyon ng ingay sa tahimik na lugar na iyon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD