bc

Tyrant Four: Humanity's Last Hope

book_age16+
126
FOLLOW
1K
READ
second chance
mafia
gangster
no-couple
mystery
loser
werewolves
apocalypse
special ability
tyrant
like
intro-logo
Blurb

?3rd Place?

Rise from the Ashes: King from Nobody Entry

Si Juan Domingo IV o Boss Four para sa kanyang mga nasasakupan, ay ang boss ng tanyag na Dragonica Family, ang pinakamakapangyarihang Mafia Family sa bansa. Kilala siya sa buong lupain bilang isang malupit, matapang at walang kinakatakutan na lider at dahil doon ay binansagan siya ng kanyang mga kalaban na Tyrant Four. Dahil sa malungkot at madilim na nakaraan ay wala siyang pinagkakatiwalaan bukod sa kanyang sarili at sa kanyang nakababatang kapatid na isinumpa niyang poprotektahan kahit anong mangyari.

Nang dahil sa inggit, galit at pagnanasa sa kapangyarihan ay dinakip si Four ng mga kalaban. Binugbog siya at pinagbantaang patayin. Ngunit nang mga oras na mamamatay na siya ay naganap ang isang kakaibang pagsababog. Isang pagsabog na yumanig sa kalupaan at ang mismong kumitil sa kanyang buhay.

Sigurado siyang namatay siya sa pagsabog. Pero sa hindi malamang kadahilanan, ay muli siyang nagising. Nagising siya ng walang sugat o galos man lang. At ang pinakanakakapagtaka, ay wala siyang maalala bukod sa pangalan niya at sa nakakatakot na pagsabog na 'yon.

Isang madilim, mausok at sirang mundo ang tumambad sa kanya paglabas niya. Halos walang gusali ang natirang nakatayo. Isang mundo na tila, wala ng buhay pang natitira. Hanggang sa biglang may umatake sa kanya. Isang malaki, mabuhok, may mahahaba at matatalim na mga ngipin at kuko na nilalang. At dito na niya napagtantanto na ang mundong kinagisnan niya ay tuluyan ng nagwakas.

chap-preview
Free preview
Chapter I
Taong 2085, tatlong taon mula nang danasin ng mundo ang isang delubyo na muntik ng umubos sa mga tao. Tatlong nakamamatay at mabilis kumalat na mga virus ang sunod-sunod na tumama sa sangkatauhan. Kalahati ng populasyon ng mundo ang nawala. Naubos ang pondo ng mga bansa at hindi na sapat ang natitirang likas na yaman. Bumagsak ang mga gobyerno at kumalat ang karahasan sa lahat ng dako ng lupain. At ito ang naging simula ng yugto ng panahon na tinatawag na Dark Era. Pero sa panahong ito nagsimulang mamayagpag ang mga organized crime groups o mas kilala sa tawag na Mafia. Lumutang sila, para pamunuan ang mga tao. Hindi naging maganda ang resulta noon dahil sa kaliwa’t kanang labanan para sa kapangyarihan, pero kahit papaano ay nasapatan noon ang pangangailangan ng ilan. Ang Dragonica Family ang pinakakilalang grupo ng Mafia sa Pilipinas. Kontrolado nila ang kapital ng bansa at may ilang mga base pa sila sa iba’t-ibang probinsya. Mayaman sila, at inoorganisa nila ang paggamit ng natitirang mga yaman ng bansa. Si Juan Domingo IV ang kasalukuyang boss ng pamilya. Siya ang pang-apat na boss ng Dragonica Family. Mas kilala siya sa tawag na Boss Four o para sa iba, siya si Tyrant Four. Dalawampu’t anim na taong gulang, at tamang-tama ang pangagatawan niya para sa tangkad niya na 6’2”. Tisoy at madalas na pinagkakaguluhan ng mga babae. Pero malamig ang binata sa lahat. Hindi siya nagsasalita kung hindi kinakailangan. At kung magsalita man siya ay kadalasang tungkol sa pagbitay sa bihag nila o pagpaparusa sa mga sumusuway sa batas niya. Takot sa kanya ang lahat maging ang mga malalapit sa kanya. Wala siyang kinakatakutan. Ang lahat ng humaharang sa daan niya ay binubura niya. Pero kagaya ng normal na tao, may kahinaan si Four at iyon ay ang nakababata niyang kapatid na siya ang nagpalaki matapos silang maulila ng kanilang ama at ina. Pero ang malakas na kapangyarihan ay palaging may kaakibat na panganib. Hindi natatapos ang isang araw sa buhay ni Four na walang nagbabanta sa buhay niya. Maging mga nasa nasasakupan niya. “Drew, aalis muna kami ni Boss Four. Ikaw na muna ang bahala dito sa base,” sabi ng pinaka kanang-kamay ni Four, si Pete. “Sige, makakaasa kayo sa akin.” Pero ang lalaking pinagkatiwalaan nila ay agad na tumawag sa isang kalaban na pamilya. At ibenenta niya ang mga kasama niya sa halagang limampung libong piso at ilang sako ng palay. Noong araw ding iyon ay nadakip ng kalaban si Four. At lahat ng mga kasama niya ay nasawi sa ambush. At dahil sa walang pinuno ang Dragonica ay madali silang natalo. Sinunog lahat ng mga pagmamay-ari nila. Tinangay ang mga babae at inubos lahat ng nakaimbak nilang pagkain. At lahat ng base nila sa iba’t-ibang probinsya ay pinasabog at sinunog. Walang iniwan ang nagsama-samang pwersa ng mga kalaban para sa Dragonica. “Tyrant Four… ang pinakakinakatakutang mafia boss ng Pilipinas. Nakakakilabot na nandito ka sa harapan ko ngayon. Hindi ko na ata mapipigilan ang sarili ko na tapusin ka!” sabi ng isang lalaki may malaking pilat sa kaliwang pisngi kay Four na nakakadena ang mga kamay at nakabitin sa isang konkretong poste. Nakapaligid naman sa kanya ang tatlo pang armadong mga lalaki. “Kinikulabutan ka na nang makita ako sa kalagayang ito? Paano pa kaya kapag nakaharap mo ‘ko ng hindi naka-kadena? Baka maihi ka na sa takot!” Ngumisi ang lalaki at pagkatapos ay sinampal nito ng malakas si Four. “Ubos na ang mga tao mo! Wala ka ng kapangyarihan, Four! Amin na ang Pilipinas! Nang dahil sa kalupitan mo, maging mga pinakain mo sa palad, trinaydor ka na!” Hindi sumagot si Four, sa halip ay tumawa lang ito ng malakas. Muli itong sinampal ng lalaki at pagkatapos ay sinuntok sa sikmura. Halos masuka si Four sa lakas ng suntok, pero tinawanan pa rin niya ang lalaking nasa harapan niya. “Tandaan mo ‘to,” sabi ni Four sabay ubo, at dura ng dugo. “Sa mundong ito, lahat ay traydor. Walang magiging tapat sa’yo, maging sino ka man! Kaya huwag mong asahan na hindi ka tatraydurin ng mga kasama mo rito. Baka pagkatapos nito, ipatumba ka bigla ng boss mo! Dahil ang ahas, hindi basta-basta tumuklaw! Lalo na kung si Nigel ang boss mong hayop ka!” Namula at nagngitngit sa galit ang lalaki. “Huwag mong bastusin si Boss Nigel!” Kumuha ang lalaki ng mahabang kahoy at pinagpapalo niya si Four. Halos mamilipit sa sakit ang binata pero hindi niya inalis ang nakakainis na ngiti sa kanyang mga labi at ang matalim na tingin sa lalaking nasa harapan niya. “Anong pangalan mo?” tanong ni Four. “Ano naman sa ‘yo ang pangalan ko?” “Ano naman sa’yo,” papilosopong tawag ni Four sa kausap sabay tawa. “Tandaan mo ‘to. Sa mundong ito, wala kang mapagkakatiwalaan bukod sa sarili mo. Lahat sila, kapag nakahanap ng pagkakataon, tatraydurin ka. Wala kang kawala. Kaya mag-iingat ka! Dahil ipinapanganak tayong mag-isa, kaya mamamatay din tayong mag-isa!” malakas na sabi ni Four sabay halakhak. Lalong umusok ang ilong ng lalaki. Kinuha nito ang isang mataas na kalibre ng baril mula sa isa sa mga kasama at itinutok iyon sa ulo ni Four. “Kalabitin mo! Iputok mo! Tignan natin kung may halaga ang lahat ng ginagwa mo para sa boss mo!” Nanginginig na ang lalaki. Handa na niyang kalabitin ang gatilyo. Nang biglang dahan-dahang yumanig ang lupa. Unti-unti itong lumalakas. Hanggang sa magkalaglagan ang mga alikabok mula sa konkretong kisame. Ilang sandali pa ay lalo itong lumakas dahilan para matumba ang lalaki at ang tatlong kasama nito. Nakaramdam na rin si Four ng panganib at pilit niyang tinatanggal ang kadena sa kamay. Pero bigo siya. Nanghihina na siya nang dahil sa bugbog na tinamo niya. Tumigil ang pagyanig ng lupa. Pinakiramdaman ng mga bantay ang paligid at nang maramdamang okay na ay dahan-dahang tumayo ang lalaki at ang mga kasama nito. Pero bago pa sila tuluyang makatayo ay muling yumanig ang lupa. Mas malakas ito sa nauna at nagsimula nang mabitak ang sahig nila. Kasunod noon ang isang napakalakas na pagsabog. Napakalakas noon na dumugo ang mga tainga nila. Maging si Four ay halos mabaliw na sa sakit na nararamdaman. Sumisigaw sila sa sakit, pero ni bulong ay wala silang marinig. Pero wala na silang panahon para indahin ang nararamdaman. Dahil kasunod ng nakabibinging pagsabog ay ang isang nakasisilaw na liwanag at sinundan pa iyon ng isang kakaibang init. Hindi na alam ni Four ang nangyayari. Pakiramdam niya ay nasusunog ang buong katawan niya. Unti-unting nasunog ang balat niya na para siyang nalulusaw. Unti-unting sumisikip na rin ang paghinga niya. Nakayuko na lang siya at pinapanood ang mga ngipin at buhok niya na nalaglag sa sahig. Ni wala na siyang lakas, para sumigaw. Wala siyang marinig, walang siyang makita at napakasakit ng nararamdaman niya. Pero kahit ganoon ay nakuha pa rin niyang ngumiti, dahil hindi siya mamamatay na trinaydor kagaya ng ama niya. Hanggang sa huling sandali niya ay walang tiwala si Four sa mga tao sa paligid niya. Lumaki siyang ganoon at mamamatay siyang gano’n. Tanging ang nakababatang kapatid lang niya ang nag-iisang nagpapasaya sa kanya at halos dalawang taon na rin niya itong hindi nakikita. “Elaine… kung nasaan ka man, sana ay ligtas ka…” Huminga ng malalim si Four. Kahit na ang pakiramdam niya ay sinusunog ng hangin ang baga at lalamunan niya. Parang unti-unti nang nawawala ang sakit na nararamdaman niya. At pagbuga niya, ay tuluyan na siyang nalagutan ng hininga. “Napakatahimik ng paligid. Napakapayapa. Nakakabingi ang katahimikan. Kailan ba uli ako nakaranas ng ganito? Teka, nasaan ako? Anong nangyari?” Nakadilat ang mga mata ni Four pero halos wala siyang maaninag. Napakadilim ng paligid. Hinila niya ang mga kamay na nakagapos ng kadena at isang hila lang ay naputol kaagad iyon at nakawala siya. Inilibot niya ang paningin at pilit na inalala kung ano ang nangyari. At bigla siyang nanginig nang mapagtantong patay na pala siya at kung ano ang nangyari bago siya tuluyang malagutan ng hininga. Nataranta si Four. Gusto niyang umalis sa kinatatayuan pero wala siyang makita. Naiiyak na siya at nagsimula na siyang maghanap ng kasama. Pero walang sumasagot sa kanya. Unti-unting nahawi ang ulap na tumatakip sa buwan at nagbigay iyon ng liwanag sa kanyang paligid. Nakita niya ng malinaw ang sira-sirang mga pader at ilang bumagsak ng mga poste. Ganoon din ang tatlong kalansay ng tao sa harapan niya. Kinilabutan si Four at natumba siya ng biglang lumambot ang kanyang mga tuhod. Hindi niya lubusang maisip kung ano ang nangyari. At kung bakit may mga bangkay sa harapan niya. “Ito na ata ang impyerno…” Nanginginig na tumayo si Four at pilit na inalala kung ano ang mga nangyari. Pero bukod sa pangalan niya at sa huling nangyari sa kanya ay wala siyang maaalala na kahit ano. Lakas loob siyang naglakad. Pero natigilan siya nang maramdaman na nakahubad siya at walang kahit anong saplot. Wala rin siyang kahit anong galos sa katawan at pakiramdam niya ay napakalakas niya. Pero imbis na mamangha ay nakadama ng takot si Four. Takot dahil ang daming tanong sa isipan niya na hindi nasasagot. Agad niyang kinuha ang damit ng isa sa mga kalansay. Sira-sira na ‘yon pero ayos na rin kaysa nakahubad siya. Hinanap niya ang daan papalabas at umaasa siyang may taong makakatulong sa kanya. Sa kanyang paghahanap ay may nakita siyang lighter. Agad niyang kinuha iyon pati na rin ang baril sa tabi noon. At mabilis siyang gumawa ng isang sulo. At ginamit niya iyon bilang liwanag hanggang makarating siya sa labas ng gusali. Pero ang inaasahan niyang pag-asa ay biglang nawala nang tumambad sa kanya ang sira-sirang mga gusali, hati-hating mga daan, sunog na mga sasakyan, mausok na kapaligiran at napakaraming kalansay. At bukod doon, ay walang kahit anong palatandaan ng buhay sa paligid. Napaluhod na lang si Four nang dahil sa mga nakita. Ang kaninang takot na nararamdaman niya ay nauwi sa kalungkutan. Kalungkutan dahil wala siyang maaalala. Hindi niya alam kung sino siya talaga at kalungkutan dahil wala siyang ni isang kasama sa sira at madilim na mundo Hindi maintindihan ni Four ang nangyayari kahit anong pilit niya. Ang tanging alam lang niya ay nabuhay siyang muli at ang mundo ay tila sumapit na sa hangganan nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook