Chapter 2

780
NATAPOS lahat ng klase ko nang araw na 'yun. Mabuti na lang at walang pinagawa sa akin ang management ng campus. Binigyan kasi nila ako ng rest day, Lunes. Habang ako ay naglalakad papunta sa dorm ko ay biglang may kumuha ng atensyon ko. Isang litrato sa bulletin board na biglang napansin ng paningin ko. "Nandito pa pala ang picture niya. Ang ganda niya talaga." Napangiti na lang ako habang tinitingnan ko ang litrato ng isang babae. Siya si Lorraine Gonzales, 18 years old, at kumukuha ng kursong Tourism. Siya ang Ms. Campus last year kaya nandito pa rin sa bulletin board ang picture niya. Siya rin ang crush ko magmula nang makita ko siya rito. Habang tinitingnan ko nga ang litrato niya ay bigla kong naalala ang unang beses na nakita't nakilala ko siya... ARAW ng entrance examination namin  noon. Doon ko siya unang nakita. Naging katabi ko kasi siya at unang kita ko pa lang sa kanya ay nabighani na agad ako. Ewan ko nga ba, pakiramdam ko kasi ay nakita ko na siya kung saan pero wala naman akong maalala. Balisang-balisa siya nang magsisimula pa lang ang exam. Iyon pala ay dahil naiwan niya ang kanyang ballpen. Bibili na nga sana siya pero napansin ko at nalaman ko ang pangangailangan niya. "M-miss... 'E-eto oh, ballpen," wika ko. Lakas-loob ko ngang iniabot sa kanya ang isa kong ballpen habang nakatingin sa papel ko. Nahihiya kasi ako sa kanya. "K-kuya, sigurado ka? Ang galing mo naman at nalaman mong wala akong dalang bolpen... Pasensya ka na huh,  nakalimutan ko palang ilagay sa bag 'yong sa 'kin," sabi naman niya. "A-ayos lang, gamitin mo 'yan. Kaysa lalabas ka pa para bumili. Mabuti na lang at ako katabi mo," sabi ko naman. "Salamat kuya ha..." Nginitian pa niya ako pagkatapos. NAPAKA-MEMORABLE para sa akin ng araw na iyon. Sa araw-araw na pagpasok ko nga rito sa campus ay isa siya sa inspirasyon ko (bukod sa pamilya ko). Palagi ko siyang pinagmamasdan nang hindi niya alam at makita ko lang siya ay buo na agad ang araw ko. Marami siyang manliligaw. S'yempre  hindi siya mawawalan noon. Naba-badtrip nga ako 'pag nakikita kong may umaaligid sa kanyang manliligaw. Isa na rin nga roon si Andrew. Pero, ano ba ang magagawa ko? Ano bang laban ko? Imposible namang mapansin ako ni Lorraine lalo pa't hindi ako kagandahang lalaki. Ang totoo nga ay dalawang beses na kaming nagkatagpo rito sa campus. Ang pangalawa naman ay noong second year ako. Biyernes yata no'n at wala nang gaanong estudyante nang mga sandaling iyon. Maglilinis ako ng C.R. sa 4th floor ng isa sa mga building dito sa campus nang biglang makarinig ako ng humihingi ng tulong sa loob nito. "Tulong, please!" Ito ang narinig ko sa kabilang pinto ng C.R. at halatang umiiyak siya base sa kanyang pagsasalita. "B-bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ko naman. "Hindi ko ka-kasi mabuksan 'tong pinto. Nasira yata 'yong knob. K-kanina pa nga ako rito kaya please Kuya, tulungan mo ako," pagmamakaawa niya sa akin. "A-ah, wait kukuha lang ako ng pambaklas sa door knob." "K-kuya, 'wag mo na akong iwanan dito," tila humihikbi naman niyang sinabi. Naawa ako sa kanya, kaya nag-desisyon akong gamitin ang aking lakas para buksan ang pinto ng C.R.. Sana nga ay umubra ito. "S-sige. Lumayo ka muna d'yan sa pinto at gagawin ko ang lahat, makalabas ka lang d'yan. Pangako." Umatras muna ako para may bwelo at pagkatapos ay mabilis akong tumakbo papunta sa pinto. Binunggo ko ito subalit walang nangyari. Hindi ako sumuko at sa ika-siyam kong subok ay sa wakas, nagawa kong buksan ang pinto ng C.R. Medyo nanakit nga lang ang braso ko at sa pagpasok ko rito... Bigla na lang akong niyakap ng babaeng nandoon at umiyak siya sa dibdib ko... Nakaramdam ako ng munting saya dahil nailigtas ko siya. "Huwag ka nang umiyak. Okey na. Makakauwi ka na," mahina kong sinabi sa kanya. Napatingin naman siya sa akin pagkatapos noon at nang nakita niya ako ay bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap. "A-ay, sorry kuya. Mabuti na lang at dumating ka. H-hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Natakot kaagad ako," sabi naman niya sa akin pero ako, natulala ako nang makita ko siya. Lorraine. Ito ang pangalang umalingawngaw sa utak ko nang mga oras na iyon. Hindi ako makapaniwala. Siya nga talaga, ang crush kong babae rito sa campus. NANATILI akong nakatayo. Hindi ko alam ang aking gagawin. Nanatili akong walang kibo. Siguro'y dahil kanina ay niyakap niya ako. Wala na akong nasabi hanggang sa 'di ko namalayang lumakad na pala siya papalayo. Hindi pa man siya nakakalayo ay nabigla ako nang lumingon pa siya sa akin. "Salamat... Mister." Ngumiti pa siya sa akin habang ako naman ay natulala na lang dahil sa mga nangyari... Parang kailan lang ang mga sandaling iyon, at hindi ko makakalimutan ang mga nangyaring iyon sa aming dalawa.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작