Chapter 1

626
Pangarap Lang Kita Genre: Romance, Slice of Life, Inspirational (Mellard) ISA akong estudyante sa isang sikat na unibersidad dito sa Maynila. Napakaswerte ko kasi kahit mahirap lang ako ay heto, nakapasok pa rin ako ng college. Scholar ako rito at para naman matustusan ang gastusin ko rito sa araw-araw ay suma-sideline ako ng trabaho rito sa campus. Minsan ay gabi ang class ko... minsan ay regular class naman, kaya 'yong natitirang oras ko ay doon na ako nagtatrabaho. Minsan isa akong janitor, minsan ay tindero, o kaya assistant ng mga prof' at madami pang iba. Basta kung ano'ng ibinigay na trabaho sa akin dito sa campus ay ginagawa ko. Laki ako sa hirap at ako ang panganay sa pamilya kaya dapat akong mag-ayos dito. Dito na rin ako nakatira sa Campus. Ngayon, nasa 3rd year college na ako at Civil Engineering ang course ko. Kaya ko naman 'yon kasi hindi man ako gwapo ay nabiyayaan naman ako ng gwapong utak. Kaya heto, retained ang scholarship ko rito dahil sa sobrang pagtitiyaga ko. Unang araw nga ng pasukan ngayong araw. "Kailangang bilisan ko, unang klase ko pa naman 'to." Nagmamadali ako dahil masyadong marami ang aking ginawa kaninang umaga. Naglinis pa kasi ako ng gymnasium. Sa pagmamadali ko ay bigla na lang akong may nabangga. Napaupo ako sa sahig at ang ilang aklat at xerox na dala ko ay naglaglagan sa baba. "f**k! Sino naman ang walang modong bumangga sa akin? f**k s**t!" iyon ang winika ng lalaking nakabunggo ko. Nakaupo na rin ito at iiling-iling dahil sa mga nangyari. Halos marinig nga ng lahat ng nakakita ang mga salitang iyon dahil sa lakas ng boses nito. Itinayo agad siya ng dalawa niyang kasama. Pupulutin ko na nga sana ang mga gamit ko nang biglang napatingin ako sa nabunggo ko. "Patay... 'pag minamalas nga naman. Si Andrew Lawton pa ang nabangga ko," sabi ko sa isip ko. Si Andrew Lawton, isa siyang 4th year student. Isa sa mayaman at sikat dito. Siya rin ang Mr. Campus sa loob ng apat na taon at tinitilian ng napakaraming babae. Matalino, gwapo, maginoo at mabait... Ito ang sabi ng mga babae sa campus tungkol sa taong ito. Pero ako? Nayayabangan ako rito. "Are you blind? Hindi mo ba nakita na dumadaan ako? Tingnan mo ang ginawa mo! Nagdumi ang damit ko!" wika ni Andrew habang dinuduro ako. Ramdam ko ang inis nito at napayuko naman ako habang nagsasalita siya. Hindi ako makatingin sa kanya kasi natatakot akong magkaroon ng masamang record dito sa campus. Nakuha ko na lahat ng gamit ko at  nag-sorry ako sa kanya. Hindi ko na lamang inintindi ang mga sinasabi niya. Dito na nga ako umalis ngunit sa paglampas ko sa kanya... Bigla akong nadapa. Tinakid ako ni Andrew Lawton at narinig kong tumatawa siya at ang kanyang mga kasama. "'Yan ang mapapala mo, kinakausap pa kita, tapos aalis ka na agad? Kabastusan 'yan!" sabi pa niya. "Brad, tingnan mo! 'Yan pala ang trabahador ng campus," pasingit na sinabi naman ng isa niyang kasama. "Oo nga! Ang hearthrob ng mga kubeta," sabi ni Andrew at napatawa din lahat ng nanonood sa amin. Pero... Sanay na ako sa ganito, kaya okay lang sa akin. Sanay na akong pagtawanan at kutyain. Kahit na masakit ay pinapalampas ko na lang ang lahat ng iyon. "Pasalamat ka at hindi kita kalevel, kung hindi ay baka lalo kang pumanget!" dagdag pa ni Lawton habang inilapit ang boses sa akin. Umalis na rin sila pagkatapos akong pagtawanan. Sinipa pa nga nila ang isa kong aklat palayo. Kinuha ko naman iyon at dali-daling inayos ang aking sarili. Umalis ako nang nakayuko dahil sa kahihiyan nang oras na iyon. "Napakamalas ng araw na ito!" Madaming mata ang nakatingin sa akin at tiyak na pinagtatawanan na nila ako. Pagdating ko nga sa room ay 10 minutes late na ako. Pinagsabihan ako ng Professor namin pero parang wala lang sa akin iyon dahil sa mga nangyari.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작