Chapter 3

1011
KINABUKASAN, Trigonometry ang una kong subject. Ngayon ko lang ito kukuhanin dahil full-load lagi ang schedule ko in the past semesters dahil sa mga sideline ko para magkapera. Balita ko pa nga ay terror daw ang magiging professor namin dito kaya sa pinakadulo sa likod ako umupo. Sa malapit sa bintana. Unti-unti na ring nagsidatingan ang mga magiging kaklase ko. Laking-gulat nga ng marami nang pumasok ang isang babae at kilala ito ng lahat. "Siya 'yon! Si Lorraine Gonzales," sabi ko sa aking sarili na may kasamang pagkagulat. Napansin ko pa nga na agad siyang pinag-usapan ng mga katabi kong lalaki. Talagang marami siyang tagahanga at nakakakilala sa kanya sa buong campus. Pinagpakilala lamang kami isa-isa nang oras na iyon. Hanggang sa napatuon ang mata ng lahat sa isang babaeng tumayo. "Hello!" Nag-wave muna siya ng kamay sa amin. "I'm Lorraine T. Gonzales, 18 years old. I am taking-up Tourism. Thank you," pagpapakilala niya habang nakangiti. Halos malaglag ang panga ko nang oras na iyon. Ang ganda niya. Hindi ako makapaniwalang kaklase ko siya. "Ah... Ms. Campus!" Biglang nagsalita ang katabi ko na kanina pang nagpapa-pogi. "Single ka pa ba?" Naghiyawan agad ang marami pero tumigil din agad ng makitang magkasalubong ang kilay ni Ma'am Umali. Ngumiti si Lorraine sabay sabing, "I'm NBSB!" Napuno ng ngiti ang lahat ng mga lalaki sa loob nang marinig iyon. Patay-malisya naman ako pero deep-inside ay nagbubunyi ang puso ko. "Sabi ko sa'yo eh. Hindi pa sila ni Lawton," ani naman ng katabi ko sa isa pa niyang katabi. Nagpatuloy nga ang pagpapakilala ng bawat isa hanggang sa dumating na sa akin. Naiilang pa akong humarap sa kanila kaya medyo nakayuko ako nang sandaling iyon. "M-Magandang umaga po..." "Mellard Cruz, 18. Civil Engineering ang kurso ko." Biglang nagkantyawan ang marami. "Wow!" Mukhang hindi sila naniniwala sa sinabi kong kurso. "Really? I thought he was just a janitor," bulalas ng babaeng nasa unahan ko na may makapal na foundation sa mukha na sinamahan pa ng pagtawa ang mga nasabi niyang iyon. "Wow! Ang lupit mo pala pogi. Engineer ka pala," sabi ng katabi ko na tila hindi makapaniwala. "Hindi kasi halata," dagdag pa nito. No comment na lang ako sa mga reaksyon nila. Sanay na kasi ako sa ganito. Halos lahat naman ng naging kaklase ko ngayong college ay ganito ang nagiging reaksyon sa akin. Nagugulat sila kapag sinasabi ko ang kursong inaaral ko. Ang tanging alam lang kasi nila tungkol sa akin, isang trabahador ng campus na ito. DUMAAN ang mga araw. Kakatapos din lang ng aming preliminary examination. Sa awa ng nasa langit ay pasado naman lahat ang exams ko. "Ok, these are the results of your exam," ani Ma'am Umali sa aming lahat. "And Mr. Cruz. You got the highest score in this class. Out of 100, you got 98. Good job!" Naglingunan ang lahat sa akin. Nagulat at hindi mapigilang humanga sa taas ng nakuha ko. "Wow!" bulalas nila at sinundan pa ito ng palakpakan. Halos lahat ng subject ko ay ganito rin ang nangyari sa tuwing malalaman nila ang score ko. Napabilib ko sila. "Wow! Pare, genius ka pala. Mabuti na lang at katabi kita," sabi ng magulo kong katabi. Pagkatapos sabihin ni Mam ang aming mga scores ay binigyan naman niya kami ng home activity. Bukod sa pagiging terror ay dito rin siya nakilala. Eksakto ang copy para sa aming lahat. Bawat copy ay may pirma rin ni Ma'am. Ito nga ang istilo niya. Gusto kasi niyang maging masinop at maingat ang mga estudyante niya. Kung may makawala man kahit isa sa amin ay tiyak na makakatikim ng sermon. Ganiyan si Madam! "Half of your project's grade will be get from these activities. These will be submitted on Tuesday. No activity, no project's grade! Much better if you will write your name now on the front page of yours," paliwanag nito sa amin. "Class dismissed! See you on Tuesday." Long weekend nga pala. Holiday kasi ang Lunes. Mukhang karamihan sa mga classmates ko ay may mga lakad. Nagmamadali kasi sila. Nakakainggit kasi nakakapamasyal sila pero ayos lang. Sa dorm na lang ako at kagaya ng palagi kong ginagawa... Mag-aaral. Makakatipid pa ako. GAWAIN ko na talaga ang magmasid sa daan 'pag naglalakad. Eksaktong may nakita pa ako na naka-stapler na mga papel. Na-curious ako kaya dinampot ko ito. Nang buklatin ko iyon, mabilis kong nalaman kung ano ito. "Teka... Activity namin ito sa Trigo. Ang malas naman ng nakalaglag," sabi ko sa aking sarili. Tiningnan ko na rin kung kanino at nabigla ako nang mabasa ang pangalang nakalagay roon. "K-kay... Kay Lorraine pala ito!" Ibabalik ko sana kaso wala na siya sa campus. Wala naman akong kilala na malapit niyang kaibigan kaya't ako'y nagdesisyon na ako na lang ang gagawa nito. Walang pasok ang Lunes kaya wala ring pagkakataon na maisauli ko 'to. ***** MADALING-ARAW pa lang ng Martes ay inilagay ko na agad sa desk ni Lorraine ang activity niya. May sagot na rin ito. Kami pati ang unang gagamit ng room kaya natitiyak kong walang makikialam noon. Ang iniisip ko ay kung ano'ng naging reaksyon ni Lorraine nang malaman niyang nawala ito. Tiyak na problemado na 'yon ngayon. Pagkadating ko sa room no'ng umaga  ay agad akong umupo sa pwesto ko. Medyo inaantok pa kasi ako nang mga oras na iyon. "Ui tropa! Nandito na you," nakangising wika ng katabi ko. Lebron ang pangalan niya. Pangalan ng isang basketbolista. "Pwede bang masilip ang mga sagot mo?" dagdag pa nito na ngiting-ngiti sa akin. Sa lakas ng boses niya'y pinagtinginan tuloy kami. Mabait din naman ako kaya't ipinahiram ko ang aking activity. May mga kaunting binago si Lebron sa mga sagot niya pero doon lang sa mga unang two pages. Hindi naman pala siya greedy. Napatingin naman ako kay Lorraine na nasa loob na rin ng classroom. Ang ganda niya talaga. Nakangiti. Masaya. Ang aliwalas tingnan ng maamo niyang mukha. Hindi nakakasawa. Pansin ko nga lang na parang pugto ang mga mata niya. Nabigla nga ako nang bigla siyang mapatingin sa akin. Nagkasalubong ang aming mga mata. Pasimple siyang ngumiti. Agad din naman akong umiwas ng tingin. Nakakahiya kasi ang ginawa ko dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Pero napangiti ako bigla nang maalala ko ang kanyang ngiti. "Sayang! Kung pwede lang sana tayong maging magkaibigan," sabi ko sa aking sarili. Isang imposibleng mangyari sa isang tulad ko at sa babaeng gaya niya.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작