Leannah Sathea
WALA ako sa sariling sinundan nalang si Steven since I'm really confused. Bakit ako dinala ng lolo ko sa all boys school? Or baka naman he's not aware na para lng sa lalaki ang eskwelahan na 'to?
But it is impossible since nga nag a-aral din si Steven dito. I'm sure he's aware. So bakit nga ba ako nandito?
Is it because of Steven? He wants me to babysit his stupid na apo? Or baka naman ma tas nda na siya at 'di na alam kung anong tama at mali?
Ihh!
"Oy!" nabalik ako bigla sa reyalidad nang biglang pitikin ni Steven ang noo ko.
"Mamaya ka na mag muni-muni. Pasok ka rito baka ipapaliwanag sa'yo bakit pinayagan pumasok ang isang panget na katulad mo rito." ngumiti ito nang nakakaasar at hinawi pa ang buhok na kala mo artista.
Napaka feeling pogi talaga. Mukha namang lupa!
Napatingin ako sa pintuan na hinintuan namin at do'n ko nakita ang nakalagay na admission office.
"Enjoy your first day my favorite cousin."
Hindi na ako nakipag asaran pa sakaniya at agad na akong pumasok sa loob. Nilibot ko ang paningin ko dahil wala akong tao na nakikita. At halos mapamura ako nang biglang may sumulpot na babae na nasa mid 40 dala-dala pa ang isang baso ng tubig.
"Oh my god!" sigaw nito dahilan din para
mapitlag ako sa kinatatayuan ko.
"G-good morning po." napa 'oh' ang expression niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Oh ikaw na pala 'yan Ms. Villiegas ang akala ko sino na. Pasensya na at nagulat kita magugulatin din kasi ako ang akala ko ay nagpaparamdam na si..." bigla siyang natigilan na parang nag lag ito.
"Ayos lang po ba kayo?"
"Ah oo, nakakalimutan ko sasabihin ko kasi. Alam mo naman matanda na."
I laughed nalang pero syempre 'yung plastic. I don't know but she looks weird eh. 'Yun na first impression ko sakaniya.
"Take a sit muna, hija." tinuro niya ang upuan sa harap ng table niya. Sumunod naman ako sakaniya.
Inilahad niya ang kamay niya and she smiled sweetly. "I'm Innes Del Moro. I know, you're confused now. Tama ba ako?"
"Obvious po ba?" sarkastiko kong sambit.
She just laughed as if that's a joke.
"Ikaw ang kauna-unahang babae na magaaral dito sana walang maging problema---." I cut her off.
"Tiyak na magkakaroon ng problema. Libo libo ang mga lalaki rito at ako ang mag isanv babae satingin walang gulo na mangyayari? Bakit kayo pumayag na may babaeng mahalo sa school na 'to? Edi wala ng saysay na all boys school 'to dahil may saling pusang babae?"
Hilaw itong ngumiti. "Your grandfather is a friend of the owner of this school. Malaking utang na loob ng eskwelahan sa lolo mo dahil isa ito sa naging rason para hindi tuluyan bumagsak ang eskwelahan. That's why when he asked a favor sa school president agad na pinagbigyan."
Napatayo ako saaking kinauupuan. "What? This is ridiculous! Talaga bang hahayaan niyong masira 'yung rules niyo dahil lang sa isang request mula sa matandang 'yun?"
Sumeryoso ang mukha niya. "Give us a chance, hija. Our quality of education here is good. This is just an experiment hija, soon tatangap na rin kami ng mga baba---."
"Anong experiment? Ano ako guinea pig? Para saan at may experiment pa 'di ko gets, sa totoo lang po." diniin ko talaga 'yung word na 'po'
Bumuntong hininga siya at inabot ang student and isang flyer. "You can read that. And also about your id—"
Pinutol ko ang sasabihin niya. "Explain niyo po muna bakit ako narito. I need the exact answer po. Yung nag m-make sense sana. Future ko ang nakasalalay dito. Huwag niyo naman ako pag tripan.."
She sighed. "You can ask your family to explain it to you clearly, hija. Sila ang may gusto na rito ka mag aral. But for me, I think he just want you to be the first girl to enter this campus because you're special. Soon kasi makikipag merge na rin ito sa sister school niya na all girls din."
I gritted my teeth. At kinuha ang telepono para idial ang number ni Mommy pero hindi ito sumasagot at napunta ang atensyon ko nang may kumatok.
Nay isang babae na pumasok. Siguro nasa 30s na but she looks young actually. Tapos she's wearing an eye glass and naka uniform na pang teacher I think eto magiging adviser ko.
"Sakto ang dating mo Ms. Melendez."
"Good morning, Mrs. Del Moro. Opo, sakto kasi mag t-time na. It almost 8 am na." dumako ang tingin niya saakin.
Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. "Good morning, Leannah. I'm Karina, ako ang magiging adviser mo." nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis.
Pilit akong ngumiti at sumulyap kay Ma'am Ines. Ngumiti rin ito na para bang sinasabi na sumama ka na.
"Tapos na po ba tayo magusap? I mean should we go na po ba sa classroom or may sasabihin ka pa po?" awkward kong usal kasi nakatingin lang sila saakin at nakangiti.
Weird talaga. Parang namamangha rin sila katulad nung mga lalaki kanina sa labas.
"Wala na hija, if you have a question or a problem. Don't hesitate to report it to your teacher or to the dean. Enjoy your first day, I hope you make a lot of friends today. And also, huwag ka munang umuwi later. Go to Ms. Karina's faculty room para sa id mo and also she will do an one on one orientation."
I sighed and nodded.
Wala naman akong magagawa. Kahit sila mukhang hindi naman ang tunay na dahilan bakit ako nasa school na 'to.
Tumayo ako mula sa pagkaupo at yumuko muna saglit. "Sige po, thank you." bago sumunod na kay Ma'am Karina na nakalabas na ng classroom.
Nagsimula na kamiung lumakad. "Huwag kang mahihiya magsabi saakin kung magkaproblema ka man ha? I know you're not comfortable now pero I hope soon maging ok din. Tignan mo itong school na para dating school mo lang. You'll study and enjoy lang, nak."
Napatango-tango ako. "I hope po. I've heard naman po na the quality of the education here is superb. So, I'll give my lolo a chance nalang since wala naman akong magagawa. Ako rin naman kawawa if tuluyan ako magbulakbol. Sana lang po huwag niyo po akong biguin. Maayos na ang kalagayan ko sa dati kong school sana dito rin." ngumiti ito at nag thumbs.
"Don't worry, nak. I will make sure na magiging masaya ka rito."
Hindi rin nag tagal ay nakarating na kami sa isang building. "Dito sa building 3 na 'to ang classroom mo. Sa second floor tayo. Let's go." naghagdan kami pero napansin ko na merong elavator.
This is an elite school I think. I wonder how much ang tuition dito. Actually ang hallway ay naka tiles and kita ko pa rin ang kintab. Paniguradong alagang-alaga 'to ng mga janitors.
Sumunod lang ako sakaniya hanggang sa makarating na kami sa isang classroom na mag sign na 2-A. Napataas ang kilay ko sliding door ang kanilang pintuan.Hindi typical na pintuan katulad ng sa school namin.
When I entered the classroom. Now, I know why there's a blazer in their uniform. Grabe ang lamig. Ano ba 'to? Nakatodo ata ang aircon nila.
Iginiya ako ni Ms. Karina sa gitna. At nang humarap ako sa klase ay mas lalo akong nanlamig nang makitang nasaakin ang atensyon ng mga magiging kaklase ko. Base sa mabilisang bilang ko nasa 23 na estudyanteng lalaki ang nakatingin saakin.
They looked so amazed as if I'm the God. Their stares makes me a littble bit uncomfortable. I mean hindi ako sanay na gan'to karami ang tumitingin na lalaki saakin at the same time.
Ganito pala feeling ng mga idols? Omg.
"Good morning everyone. Today our class has a new transfer student. And obviously she's the only girl here in our campus. I hope we can help her to adapt the new environment. Ok ba 'yun?"
"Yes, Ma'am!" masayang sambit nito na kala mo mga grade 1 pupils.
"Not because she's the only girl. You'll bully and disrespect her. We put her here dahil alam namin na disiplinafo ang section na 'to. Siya ang princess ng section natin. Ok ba 'yun? Ya'll her knight. So please protect her."
"Yes, ma'am." some of them looked so excited and some not. They look so sleepy pa as if na b-bored.
I bited my lower lip to hide my disgusted face. Oh my god. This is so cringe. No way, are they going to call me princess? Ni minsan hindi ko hinayaan na tawagin ako ng Mommy ko ng princess it makes me sick.
"Sige na, introduce yourself, nak," tinap ni Ms. Karina ang shoulder ko at nginitian ako.
Napalunok pa ako at tumingin sakaniya bago binalik ang tingin sa mga kakalse ko. Ngumiti ako at agad naman silang nag react. 'Yung iba humiyyaw, tumawa at samut-saring reaksyon pa.
"Shh, quiet! Let her speak muna."
Tumingin ako kay Ms. Karina to ask if I can start na. She just nodded and smiled at me again. Bumuntong hininga ako at ngumiti muli.
"Hi, good morning everyone. I'm Leannah Sathea Villiegas." I stopped and tumingin muli Ms. Karina to assure if ok na ba 'yung sinabi ko.
Tinap niya muli ang balikat ko. "Continue, nak. Tell us about yourself."
Tumango-tango ako at nahihiyang tumingin muli sa mga kaklase ko. "I'm 20 years old. I do love reading books and I'm not interested with any guy unless you're a member of my favorite kpop group." napayuko ako at naginit ang pisnge ko.
I've always say this since highschool ako. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang hiya lalo na nag react sila.
"Wala ka pa naman, Basted agad!"
"Sabi na, e. Amoy 'di mapapasaakin!"
"Baka pwedeng ipilit, Lean?"
"Boys at the back. Quiet. Stop making her uncomfortable. Kakasabi ko lang sainyo She's the only girl in our campus. If you keep doing that kahit pabiro pa baka wala pang isang araw iwan niya na tayo," maotoridad na sambit ni Ms. Karina.
Natahimik sila at sabay-sabay na nag "Sorry po."
Bumuntong hininga si Ms. Karina saka sumulyap saakin. "Pasensya na, ha. Sige na maupo ka nalang sa tabi ni Mr. Talledo. He's the president of this section. He will take care of you. Ito-tour ka niya sa whole campus para mafamiliarize ka." tinuro niya ang isang bakanteng upuan sa tabi ng isang lalaki.
He looks like a korean. Super puti and singkit and by looking at him I guess matangkad din siya. He lookes feminine and neat din.
Lumapit na ako sa tabi niya and he smiled sweetly kaya ginantihan ko rin ito ng isang napakatamis na ngiti bago umupo saaking upuan.
"I'll be back. Kukunin ko lang ang libro ko sa faculty, ok? Huwag masyadong maingay." paalam ni Ms. Karina at nang paglabas ay biglang umingay na para bang katulad nung mga elementary student.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang sabay-sabay silang tumingin saakin at may mga mga balak pang lumapit mabuti nalang ay biglang humarang si Talledo na classroom president.
"Hep! Again, don't make her uncomfortable. If you'll gossip about her. Huwag dito at huwag masyadong obvious. If you want to be friend with her please always know your limitation. Make sure niyo muna na ok lang sakaniya. Naiintindihan?"
"Yes, Press!"
Napataas naman ang kilay ko. Dahil marunong naman makinig ang mga kakalse ko at nagsibalik na sa kani-kanilang upuan at sariling business. They stop looking at me na which makes me happy. Nakahinga tuloy ako ng maluwag.
"Hi, Leannah. I'm Athan. Una palang, I'm sorry if our classmates will make you uncomfortable. Most of us we're shock and amaze since ngayon lang kasi nangyari ang ganito and kagaya mo naninibago rin sila sa magiging set up," formal na turan nito.
Umupo siya sakaniyang upuan pero naka harap siya saakin.
"Oo naiintindihan ko. If they need to adjust I should adjust too. I'm good naman if they want to be friend with me. Kaso 'yun lang na shock lang ako kasi nga hindi ako sanay. You know, mostly talaga girls ang aking mga kaibigan at mga kasama."
Tumango siya. "Yeah, I understand. And I'm willing to help to you to adapt in this new environment. Nga pala, what group do you stan?"
Napakunot ang noo ko kasi ang random ng tanong niya.
"Are you a kpop fan din?" nag aalanganin na tanong ko.
Tumango siya saka ngumit ng malaki dahilan para mawala ang mata niya. Oh my god, he looks like samoyed. So cute.
Biglang na excite ang buong pagkatao ko. " Actually kasi EXO is my main pero I stan also NCT. You know wrecker ko 'yung group na 'yun. Then 'yung ibang group naman ay casual listener nila ako pero but not totally their fan. Pero 'yung nga EXO and NCT talaga ang pinaka. Ikaw?"
This is a normal conversation sa mga fans na katulad namin. We feel so excited. May part pa na titili bigla, mapapapalo at palakpak sa tuwa at marami pang iba.
"Whoah, you're into boygroup. I do love listening to them din pero mostly girl group stan ko. I do love RV, BP, ITZY, AESPA, TWICE and many more too. Same multi din kaso RV inuuwian ko."
Oh my god, He's a fanboy. I didn't expect this grabe.
"Talaga? Bias ko si Seulgi sa RV! Omg, ikaw?" hindi ko matago ang sobra kong pagkatuwa dahil bihira lang din talaga ako makasalamuha ng fanboys.
"Wendy. Grabe kasi vocals, e."
"Magkakasundo tayo nito! Omg. I'm so happy. Do you attend ba sa concert? Or do you collect merch?"
"Yep, I love attending concert and collecting merch. Tho, Wendy bias ako. I love collecting Irene photocard. The sparks is really there."
"So true! Madalas kung sino 'di mo sila pa grabe sparks ng photocard. By the way, are you korean?" I asked when I noticed his singkit eyes and fair skin.
"No, my Mom is a chinese . Pero dito na ako lumaki. I'm more confident in speaking english and tagalog than speaking mandarin."
Natigilan kami nang biglang bumukas ang sliding door at niluwa nito ang muli adviser namin kaya natigil na kami sa pagkukwentuhan napaayos kami pareho sa pag upo.
"Nako kayo makukulit pa rin talaga huh! Kolehiyo na kayo pero ang ingay niyo para paring grade 1," natatawang sambit ni Ms. Karina.
See? Kahit adviser namin nanotice 'yun. Hmm.
She scanned the whole classroom and sighed in disappointment. " Where's Mr. Orquia? Ano na naman dahilan at bakit late na naman?"
Super calm niya magsalita and parang wala sa mukha niya na masungit o nagagalit siya. Nakatingin siya sa upuan sa likod ng first row na tabi ng bintana. Wala ngang nakaupo siguro do'n nakaupo 'yung Orquia na 'yon.
"Ano? Nasaan ang mga spokesperson niya? Ano na namang dahilan ng kaibigan niyo at bakit wala pa siya hanggang ngayon?"
Napakamot sa batok ang isang lalaki na nakasalamin. "Ma'am, may sakit daw po."
"Tell him to bring his medical records to the faculty room."
After that, she started to discuss na. Bukod sa adviser she's also our teacher in business statistic. And I like the way she give an example and explain it clearly.
I don't want to compare pero mas naiintindihan ko ang lesson niya kesa sa previous teachers ko.
2 hours ang buong subject niya kagaya sa previous school ko and eto ang pinaka hate kong subject sa totoo lang. I feel so bobo talaga when I'm listening to this lecture pero dahil kay Ms. Karina naiintidihan ko ang content ng lesson for today.
So far so good.
Then after that sinundan na ng basic finance na isang oras. And wow, I can't deny the fact na magaling din ang prof ko rito na si Mr. Arellano.
Medyo hindi ako nahirapan humabol sa lesson kahit advance sila dahil na rin inexplain ng ayos at inuukit talaga nil.
Hindi rin nagtagal ay nag breaktime na muna. Inayos ko ang gamit ko at napatigil ako nang biglang may pumasok na isang lalaki.
Napataas ang kilay ko dahil parang pamilyar siya. Tinitigan ko ito ng matagal at mabuti nalang 'di niya ako napapansin.
"Uy g-go Ey (e-way) bat ngayon ka lang?"
"Isn't obvious?" pinaikot niya ang mga mata niya. His eyes wandered and landed on me.
Saktong nakatingin ako sakaniya kaya nagtama ang paningin namin.
Tinaasan niya ako ng kilay. Ok, hindi ang mukha niya ang pamilyar. 'Yung hairstyle niya pala kasi. Mahaba ito at parang kay Beomgyu ng TXT ang buhok niya. Ano ba 'yon parang wolf cut na layer? Ay basta I envy his hair so much mukhang super healthy.
Agad kong iniwas ang tingin sakaniya at nagbusy-busyhan sa aking ginagawa. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang mapansin niyang nakatingin ako sakaniya.
Omg, baka mag assume siya?
"Dayoff mo kagabi 'diba?" rinig kong tanong ng isa kong kaklase. 'Yung nakaadalamin na spokesman niya raw.
"Yeah, but I have a very insensitive neighbor. I can't even sleep. Ang sh-t lang."
Nawala ang atensyon ng utak ko sa pakikinig sakanila nang bigla akong kinalbit ni Athan. "Tara na, sabay na tayo pumunta ng cafeteria."
Tumango ako at ngumiti. Sabay kaming tumayo sa kinauupuan namin at akmang patungo na kami nsa pintuan nang biglang humarang si Ey.
He's eating lollipop na and he looks puyat nga but I can't deny the fact na medyo ang fresh pa rin ng look niya.
"Sino 'to? Siya ba 'yung bagong salta? Pres?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at ngumiwi na animo parang napapangitan pa saakin.
"Ey, let's talk later. Ilugar mo ugali mo. Make sure na you'll not make her uncomfortable."
"Gege, sabi mo, e." ngumiti ito at agad ako napalunok nang makita ko ang dimples niya. Iniwas ko ang tingin ko muli pero naglahad siya ng kamay.