Pero nang palapit na ang oras ng pasok ko ay do'n ko naramdaman ang matinding antok. First day ko ngayon ayon kay Lolo and I received an email from my latest school last night na 8am ng morning until 3pm ang class ko.
I went to kitchen to see what can I eat. Actually i don't know how to cook heavy ulam? Nag r-rely lang ako sa mga easy na lutuin such can goods, ramen, fried eggs and so on. Ewan ko ba I don't know how to measure kasi. Usually nagluluto ako maalat or minsan walang lasa. I don't know what's the problem if 'yung taste buds ko ba or sadyang my cooking skill sucks.
I decided nalang to eat cereal since tinatamad ako mag cook ng ramen. I poured the milk first before I put the cereal. S-subo na sana ako kaso biglang may nag doorbell.
Agad kong chineck sa video intercome to see a visitor that is at the door pero 'di ko kilala. Ang kaso may dala siyang uniform and bag na I think for me so I opened the door nalang.
"Good morning po." ngiti-ngiti nitong bati.
"Morning," tamad kong saad.
"Eto po 'yung uniform niyo at bag niyo. Pinadala po ni sir Steven 'yung sa 10th floor po. Pinsan niyo po."
I nodded. "Opo, thanks." sinarado ko ang pintuan.
Napangiwi ako nang makita ko ang uniform ko. This is too short? Above the knee siya kulay khaki and may black blazer na may blue logo ng school saka white sleeves sa loob and also blue necktime. You know typical uniform sa mga korean drama.
Hindi na ako nagtaka because this is an international school. Kaya hindi siya katulad ng typical uniform sa pinas. Masyadong malamig siguro loob ng campus kaya ganito ang uniform. I don't like wearing blazer.
But super short talaga nito for me? I mean siguro 'di lang ako sanay na gan'to ang uniform since mahahaba ang palda sa school ko? You know catholic school thing.
Tumingin naman ako sa bag. And it's a black hand bag. Tapos chineck ko ang laman may mga binders and isang pouch na punong-puno ng pen, pencil and more school suplies pa.
Bumuntong hininga nalang ako dahil wala naman na akong magagawa. Binilisan ko na mag breakfast at naligo na.
Agad kong sinuot ang uniform ko. I looked at my reflection on the mirror. I'm glad that it's fitted but my concern talaga is hindi ako sanay na above the knee ang palda.
I pouted nalang at nagsimula ng mag ayos ng aking sarili. Natigil ako sa pag blower ng buhok nang biglang may nag doorbell na naman.
And it's Steven.
"Nana!" bungad niya na malaki ang ngiti. Napangiwi ako ang panget naman ng uniform ng school nila. Naka blazer rin siya with I think polo rin sa loob tapos may blue tie din. 'yung color din ng pants is khaki just like my palda.
"Why are you here?" taas kilay kong tanong.
"Syempre isasabay kita, wala ka naman kotse. Wala namang driver rito?" saad nito habang inaayos ang buhok niya.
Napangiwi naman ako. "Sus, gusto mo lang tumaas allowance mo."
"Yes, ofcourse. At gusto ko rin makikain ng breakfast solid naman si Lolo nung lumipat ako sa unit ko noon wala naman freebie na grocery. Sarili kong pera binili ko. Favoritism talaga."
"As if naman true 'yun! Tss, bilisan mo d'yan!" pumasok na ako sa kwarto at pinagpatuloy ang pag a-ayos ko.
Nag lightmake up lang ako and inayos ko ang maliit kong bangs na kulot. Medyo curly kasi ang aking hair lalo na sa mga babang parte.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Steveb na nag c-cellphone. "Tara na!" saad ko at nauna ng lumabas ng unit.
Bumaba na kami papuntang parking lot and
sinuot ko na airpods ko bago ako pumasok sa sasakyan niya.
Humikab ako dahil sobrang antok ka talaga. "Wake me up ha kapag nando'n na tayo." he just nodded kaya pinikit ko na ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
"Nana! Gising!" madali kong binuklat ang mga mata ko dahil sa pag alog ni Steven sa magkabilang balikat ko.
"What's your problem?!" tinulak ko siya at pinagpapalo.
"Madam .we're here na po. Nagpapagising ka tapos ngayon magagalit ka? Utak mo gulo-gulo," sarkastikong saad nito.
Inirapan ko siya at nagsalamin nalang sa front cam ng phone ko. Medyo puffy ang eyes at mukha ko dahil nga nakatulog ako tapos bitin pa. Inayos ko na rin ang buhok ko at uniform ko na medyo na gusot.
Bumababa na ako ng kotse at nasa loob pala kami ng campus and meron designated parking lot here unlike sa dati kong school na wala.
Napaawang ang bibig ko dahil malaki ang eskwelahan na 'to. Looks high-end and fancy na rin. Ang interior ay may pagkahalo na old and modern design.
Napakunot naman ang noo ko nang mapansin na kada may bumababa ng kani-kanilang kotse ang tao ay nasaakin ang tingin na para bang namamangha.
Nagagandahan ba sila saakin?
Anyway, hindi ko sila masisi because I am!
Napailing-iling nalang ako. Boys are always boys. "Tara na!" sambit ni Steven nang makalabas na siya sa kotse.
Sumunod ako sakaniya na taas noo ang paglalakad. At gano'n pa rin, halos nasaakin ang tingin ng mga tao I feel tuloy na there's something wrong with my suot or face.
"Steven, What is their problem ba? Bakit nila ako tinitignan ng gan'yan? It makes me uncomfy. I mean alam kong maganda ako pero why are they looking at me na parang na aamaze. Wala bang maganda sa school niyo?"
Binigyan ako ng nakakaumay na expresyon ni Steven. "I'm famous ofcourse and you're nobody. Malamang pagtitinginan tayo. Asa kang maganda singaw ka lang sa pamilya."
Umiling ako at sumulyap pabalik sa mga taong nakatingin saakin. "No, this is weird. Bakit 'yung reaction nila parang gulat at namamangha? Ngayon lang ba sila nakakita ng babae?"
Tumawa lang siya ng malakas at binilisan ang paglalakad kaya napatakbo na rin ako para mahabol siya.
Alanganin akong tumingin muli sa mga tao sa paligid ko.
"Wait, Steven. this is weird na talaga? Bakit wala akong nakikitang babae? Bakit puro lalaki?" as in, puro lalaki sila. Huwag mong sabihin na iba schedule ng girls? Kaya pinagtitinginan nila ako right now?
Omg! This is so embarrassing! Hindi man lang ako ininform?
Tumawa siya ng tumawa at inakabayan ako.
"Ouch gege. Gano'n ka na ba kawalang pake saakin para hindi alam kung ano ang school ko? Nana, this is an all boys school. And I don't know ano trip nila kasi you're the only lady that will study here from now on."
Hell what?