Chapter 2 (PART 2)

4290
"Magandang araw. I'm Eyon. Ey for short." he smiled brightly and super na d-distract ako ako sa dimples niya and his almond shape eyes is just wow. Kahit gusto ko pang tignan ang kabuuan at aralin ang parte ng mukha niya ay iniwas ko na ang tingin sakaniya dahil bigla akong nahiya. Tumango lang ako at hindi inabot ang kamay niya kaya agad siyang pinagtawanan ng mga kaklase namin. "Ey, you should go to the faculty room first. Ms. Karina is looking for your medical proof. Kaito said maysakit ka raw, e." "What?!" Hinawakan ni Athan ang kamay ko at agad naman akong napasunod hanggang sa makalabas kami sa room. Tahimik ako habang naglalakad na kami sa hallway. "I'm sorry if Ey makes you uncomfortable kanina. Pero don't worry sa susunod na mga araw hindi ka naman niya g-guluhin katulad ng kanina. Wala pake sa mundo at nasa paligid 'yun. Maybe after days He probably forget that you're existing dahil wala naman gagawin 'yun kung hindi matulog at mag cutting." I pouted. "Hindi mo kailangan laging mag sorry. Ok lang naman. Naiintindihan ko naman kasi. Don't worry! Katulad din kasi nila ay kailangan ko rin mag adjust. Hindi pwedeng masyado akong sensetive and pabebe. Makikisama rin ako naman ako kahit p-paano." Ngumiti siya kaya nawala na naman ang mata niya. He looks like samoyed talaga. Nangigil ako. Yung dog na white. Super cute sa totoo lang. "Tara dito tayo daan. We can't use the elevator ang alam ko under construction pa rin 'yan." Sumunod lang ako sakaniya. Noong una halos tumitingin ang mga nakakasalubong namin saakin pero mabilis din nila iniiwas at binabalik ang atensyon sa mga ginagawa nila. Napaawang nalang ang labi ko nang makita naka aircon din pala ang cafeteria nila. Mukga tuloy food court sa mga mall but this one looks more fancy. Pagpasok namin ay napatingin muli saakin ang mga tao pero agad din iniwas at bumalik na sakani-sakanilang ginagawa. Hindi na rin ako sobrang kinakabahan katulad ng kanina unti-unti akong nasasanay at nagiging kumportable. "What do you want to eat? Let's order first before we look for the spot." tumango lang ako. Namangha ako dahil kahit pa-paano pala they are selling some street foods katulad ng siomai, siopao, suman, burger and so on. May korean, chinese and kung ano-ano pang foods ang meron kada stall. This place is quite big din. "Mag bababa cue at blueberry slurpee nalang ako," usal ko sa cashier habang nakatingala ako sa menu nila. "And also add 1 watermelon shake and turon nalang for me," sabat ni Athan. Maglalabas na sana ako ng wallet pero pinigilan niya ako. Sumulyap siya saakin. "My treat.." napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero nang mag nilabas siyang card ay sinwipe niya lang 'yun sa ano na animo credit card. Napaawang ang labi ko. "They don't accept cash here. Do you have this na ba? You need to load this card in order to purchase foods and but school supplies here in our school." "Just wow." namamangha ko nalang sambit. Sa mga chinese and korean drama ko lang nakikita 'yun and now may gano'n pala here da pinas? "Baka after class pa nila e-explain sa'yo what's the rules and regulations. And also 'yung mga needs and don't. I've heard almost late ka na dumating kanina kaya 'di ka nakausap ng ayos ng Dean and ni Ms. Karina." "Siguro nga.." Super bilis ng serving at binigay na agad ang order namin. Hiyang-hiya 'yung dati kong school na halos maubos na ang oras ng break time 'di pa rin nabibigay ang order mo. "Tara na." sumunod ako sakaniya habanh nililibot ang buong mata sa cafeteria. "Wow, you're really allowed to use phone here ha," sambit ko nang mapansin ko na halos lahat ng estudyante ay nakatutok ang mga mata sa phone nila. "Yep, why? Sa dati mong school bawal?" Umiling ako. "Yeah, we asked the tindera pa in our cafeteria to hide our phone. You know catholic school thinky." natatawa kong usal lalo nang maalala ko kung ano mga kalokohan ko noon. "Yeah, I've heard a lot about the strict rules of catholic school." Nagsimula na kaming kumain at habang ako nakatitig sa kawalan dahil hindi naman kami nagu-usap ni Athan pero it's not awkward ha. Binasag ko ang katahimikan nang biglang may nag pop-up na tanong sa utak ko. "I have a question," saad ko kay Athan. "Sorry, I don't talk when I'm eating. Pero go spill it." "Ay hindi sige mamaya na. Kapag tapos mo nalang hehe." napainom ako bigla dahil sa kahihiyan. "No, I'm done na rin. You can ask na." tinuro niya ang plate niya na wala na ngang laman and drinks niya na almost paubos na rin. I sighed. "May sinabi ba sainyo kung bakit ako mag t-ransfer dito? Tiyak na curious kayo kasi out of nowhere may mag t-ransfer sa all boys school na isang babae. Isn't weird?" Humigop muna siya ng shake bago sumagot. "Yeah, It is. At first we're confuse kaso ang sabi saamin exchange student ka, may isa ring estudyante rito na nag a-aral ngayon sa former school mo. And we don't know why they did that. Experiment I think?" "What? Pareho ka'yo sinabi nung Dean. Like we're not guinea pig for the pete's ake." natatawa kong usal kaya natawa na rin siya. Nagusap kami about kpop na na udlot kanina habang kumakain ako and hindi rin nagtagal ay natapos na rin naman akong kumain. Dapat babalik na kami sa classroom since tapos na breaktime ang kaso may meeting daw ang mga faculty kaya eto tinotour nalang ako ni Athan sa buong campus. "As a kpop and c/kdrama fan. Yes, pingarap ko naman na pagtinginan ako ng gan'to kapag pumasok ako sa isang campus pero 'yung mga koreano sana," biro ko sakaniya. Nawala nannaman ang mga mata niya dahil sa pag tawa niya. "This school is actually owned by a korean. Then some of the guy here is korean din. To be honest mas marami ang foreigner dito kaysa sa pinoy. Pero why, ayaw mo ba ng Pinoy?" Napanguso ako. "Gusto ko naman syempre kaso nga I prefer kpop idols and actors sana hahaha." "Who knows malay mo may schoolmate o classmate tayong maging idol soon." "Ikaw ayaw mong maging idol?" I asked and looked at his eyes and studied his features. Grabe ang cute niya. Ewan ko pero nakikita ko si Dongpyo and Sunoo sakaniya but his eyes looks like Jeno's eyes more but hindi naman niya kamukha 'yung tatlong 'yun ng sobra. He have an unique and own beauty. "No, may sinasak akong kaklase gamit lapis. Mahirap na baka biglang lumabas 'yung issue na 'yun. Wala pang one month akong nag debut cancelled na aga." "Baliw hahaha." Nagikot-ikot na kami and isa-isa niya tinuro ang facilities and kung ano-ano pa. And all I can say na dream school lahat ng tao 'to. Kasi nandito na lahat. Sadly lang, all boys school lang I wonder if 'yung sister school nila ganito rin kabongga. Nasa third floor kami ngayon ng building namin. At napatingin ako sa rooftop. Super curious ko pakiramdam ko maganda rin do'n and mostly talaga sa mga drama kong pinapanood one of the favorite spot ng student ang rooftop. Super excite akong makapunta do'n kasi never kong naranasan sa previous school ko 'yun. Ni hindi ka pwede tumungtong do'n. Aakyat kalang sa hagdan pipituhan ka na ng guard or susuwayin ng mga teachers. "Tara sa rooftop tayo!" masayang usal ko at namagdali akong umakyat sa hagdan sa sobrang excited. "Teka-----!" hindi ko na narinig pa ang mga huli niyang sinabi dahil patakbo akong umakyat sa hagdan hanggang sa makarating na ako. Nang makarating na ako ay agad pa akong namangha dahil may bubong ang rooftop nila pero still open area pa rin naman at ang kinatuwa ko rito ay super malinis. May lamesa pa nga at sofa. At kung ano-ano pang gamit. Well organize pa and super presko talaga rito. Ang sarap ng sariwang hangin. Marami rin kasing nakatanim na halaman at puno sa school na 'to which I really admire. Naupo ako sa isang sofa at inilabas ang phone ko para magpatugtog. Ang gan'tong kagabdang lugar deserve ng magandang kanta. I chose to play Lemonade by NCT 127. "Ahmm, Lean kasi ano——." napatingin ako kay Athan na hirap na hirap pang magsalita dahil sa sobrang hingal niya. "Ang ganda naman dito! Super presko sarap tamanbay. Grabe, like sulit din pala ang tuition niyo sa super ganda ng school na 'to—LEMONADE!" sabay ko pa sa kanta dahil 'yon lang naman ang part na kaya kong kantahin ng maayos. "Lemonade!" sigaw ko pa lalo na nung humampas ang preskong hangin sa mukha ko. "Teka hindi tayo pwede rito. Ang ibig kong sabihin hindi pwedeng nagpapatugtog." napatingin ako kay Athan na napakamot nalang sa ulo. "Huh?! Bakit?" kunot noong tanong ko. "Bullshit?! Hindi ba kayo titigil?!" napatalon pa ako sa kinauupuan ko nang biglang may sumigaw. "Ay inasal ka!" ang bilis ng t***k ng puso ko sa sobrang gulat. "Pati ba naman dito? Hindi niyo ko papatulugin?!" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may sumulpot na lalaki. Si Eyon. Gulo-gulo ang mahaba niyang buhok at sobrang pungay niya ng almond eyes niya. Nakahiga pala siya sa duyan at nakaharang ang isang sofa kaya hindi namin siya napansin. Nataranta kong pinatay ang telepono ko saka sumulyap kay Athan na napabuntong hininga nalang. "Ey, you don't need to shout. Tinatakot mo siya. We don't know na nandito ka pala. And hindi niya alam ang rules dito—-" "Exactly, Athan. Hindi niya alam sana sinabihan mo siya. And you..." tumingin siya saakin na para bang may gustong sabihin pero hindi niya na tinuloy. "Tsk, make sure to descipline your girl, Talledo." pinagikutan ako ng mata ni Ey at nilagpasan na kami para bumaba na. Mukhang galit nga siya kasi tinaway niya sa apelido si Athan. Napaaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin kay Ey na pababa na. "Ang kapal naman ng mukha ng Eyon na 'yan. Anak ba 'yung ng may ari ng school?" irtable kong sambit at dinuro-duro pa. Tapos biglang oo pala no? Like the plotwist sa mga drama. Anyway, hindi naman siya mukhang anak ng may ari ng school! 'Di bagay sakaniya! Ngumiting hilaw si Athan. "Chill lang. Upo ka muna." naglabas ako ng malamin na hininga at naupo nalang. "Hindi anak ng may ari si Eyon pero siya ang may ari rito. Each building ng bawat ng school rooftop ay may mga may ari no'n. Here in our department, Eyon owned this place since siya ang nagayos ng mga 'to. Siya lahat nag provide ng mga 'yan. Pero pwede naman tayo rito ang kaso bawal kumain, magdumi at magingay dito kasi ang purpose nito ay maging tambayan 'to ng mga estudyante na gusto matulog na 'di pinayagan na mag stay sa clinic." "Eh bakit pati pagkain bawal?!" " Eyon is a neat freak. And also when food was allowed here iniiwanan lang ng mga students ang pinagkainan dito. Hindi rin sila mapagsabihan na ligpitin ang kalat kaya nag decide si Eyon na food is not allowed since hindi naman siya lagi nandito to clean those messed and besides hindi rin sakop ng school janitor ang paglilinis dito since nga binigay ng school ang mga spot na katulad ng ganito sa mga students, that's why.." Napatango-tango ako at naglakad-lakad sa kabuuan ng lugar na 'to. And hindi nga mapagkakailala na sobrang linis talaga kahit 'yung mga furnitures. "Ohh, no wonder." We stayed a bit pa tapos we decided to go back na sa room since time na nga. Pagbalik namin sa room naabutan namin na natutulog si Ey sa desk niya. At tama nga si Athan buong klase wala siyang ginawa kung hindi matulog. Tinanong ko pa si Athan bakit hindi pinapagalitan. Nasanay na raw 'yung teacher at kahit ang sermon hindi rin naman makikinig. Sa mga susunod na subject naging ok naman ang experience ko. And again, nang mag lunch time na si Athan lang kasama ko and nilibot na naman rin namin ang buong campus. Samantalang si Steven. Hindi na nagpakita saakin buong araw and I thought isasabay niya ako pauwi but at the end nag book nalang ako ng grab. Pero before ako umuwi, dumaan muna ako sa faculty and do'n inexplain saakin ni Ms. Karina ang lahat about the school regulation and so on. They take my id picture na rin tapos binigay saakin ni Ms. Karina 'yung card and na load-an ko na rin sa cashier. What if ibebenta ko sybc ni Jaehyun to buy car. I know naman Mom and Lolo will not buy me car. Tss. Asa pa ako. I don't have license nga. Nang makarating ako sa condo ay hinarang ako ni Kuya Guard na nagpataka saakin "Ma'am, gusto po kayo makausap ng reception desk." iginiya niya ako papunta doon. "Good day po, Ms.Villiegas. Maupo po kayo," usal ng babaeng receptionist at itinuro niya ang sofa na malapit lang saakin. I raised ny eyebrow pero sumunod na rin ako. What's wrong? Bakit biglang gusto ako makausap? Did I do something wrong? "May complain po kasi. Dapat po tatawagan nalang namin kaso po we can't reach your number po," "Huh? Complain? Ano ginawa ko?" litong-lito kong saad. Wala akong nalalang may nakaaway ako o ano? "May noise complain po kasi kayo ma'am." Ahh, ok. Oo nga pala nagpatugtog ako kagabi at umabot 'yun ng madaling araw ng hindi ko napapansin. And hindi ko naman sinasadya 'yun. "Hah? Paano? I thought sound proof ang bawat unit dito?" kaya naging kampante rin ako kasi sound proof daw sabi ni Steven. " As of now po kasi 'yung kwarto niyo lang at katabi niyong unit ang hindi soundproof. Nagkamali po kasi ng materials na ginamit noong ginagagawa 'yung unit n'yo." How cliché. "Huh? Napaka irresponsible naman ng gumawa niyan. Seriously? Anong gagawin ko? Ako mag a-adjust? Ako may kasalanan? Hindi ako aware na hindi pala soundproof 'yung unit ko kaya wala dapat ikagalit yung mga kapitbahay ko." "Pasensya na po, Ms. Villiegas. Opo, hindi naman po galit 'yung katabi niyong unit. Nireport lang po kasi nga possibleng hindi niyo alam na hindi sound proof ang unit niyo. I understand your frustration po. I appologize po for not telling you na hindi sound proof ang unit niyo." I deeply sighed and looked at my phone. It's already 6:30 pm na. "Ok, sige. Nagulat lang ako and sorry din if I sound so rude kanina I was so shock kasi, e. Anyway ang hiling ko lang is sana magiging sound proof ang unit ko kasi kung hindi ay lilipat nalang ako. Paano niyo ba sosolusyunan ang problem na 'to? Magkakaroon ba ng reconstruction?" She nodded. "Yes po, don't worry po iu-update ka nalang po namin kung kailan. Pasensya na po talaga." Nag thumbs up nalang ako at ngumiti bago tumayo saka naglakad na papunta ng elevator. Nang makapasok na ako sa elevator ay agad kong tinawagan si Steven. "Ano na naman? Naglalaro ako, e!" "Hoy ngayon palang ako tatawag! Stop acting like kinulit kita all day!" "Ano na naman ba kailangan mo?" "G-go ka, you told me na my unit is sound proof?!" "Malay ko ba. Eh, saakin sound proof h'wag mo nga akong tawagan panget!" Napakagat ako saaking labi at halos ibato ko ang phone ko sa sobrang inis ko kay Steven. That jerk! Malilintikan talaga saakin 'yan kapag nagkita kami. Bwisit! Nang makapasok ako sa unit ay diretso agad akong humiga sa couch sa sobrang pagod at dala na rin ng antok dahil maaga ako nagising ay nakatulog ako. Nagising ako mga alas otso na. Dang, late na naman ako makakatulog nito mamaya.Sirang-sira na body clock ko. I decided nalang to order jollibee for my dinner. Super tinatamad akong tumayo para mangalikot ng pwedeng kainin. While waiting sa aking foods I opened the twitter app nalang to check some chismis and updates about my idols. I used my stan account more than my real account. I read some tweets lang then nag tweet na rin ako ng thoughts ko. After that, I go to shopee pa because it's budol time! Nag canvass ako ng mga photocard, other merch and also some gamit for my condo. Sa huli, nag check out ako ng limang products. Level ip nga, e. Walang any merch puro gamit lang dito sa condo. Umalis na agad ako sa orange app na 'yon bago pa ako tuluyang mabudol ng bongga. Nag scroll nalang ako sa t****k hanggang sa dumating ang order ko. Nang marinig ko ang doorbell ay agad akong nagmadali na buksan ang pintuan. "Thank you po!" masaya kong usal sa driver nang maiabot niya saakin ang order ko. Isasara ko na sana ang pintuan pero biglang may pumigil. "Ay teka ma'am!" napakunot ang noo ko nang mapansin ko delivery rider din siya at hawak niya pa ang paper bag na order. "Bakit po?" baka mag tatanong lang siguro. "Eto po." inabot niya saakin ang paper bag and that's mcdo. "Hala—" hindi ko natapos ang ssabihin ko nang may biglang dumating na namang rider. "Ma'am Leannah po? Eto po ang order niyo." and that's a pizza hut. Magsasalita sana ako pero biglang may dumating na naman dala ang mga drink from starbuck. Wait saan galing 'to? Napindot ko ba? Huh? Or may nagbigay lang? Baka pala 'yung nga lalaki sa school ko. Sabagay, hindi malabong magkaroon agad akong admirer? Ako lang ang isang babae roon so huwga na ako magtaka hindi ba? "Hala hindi ko ata mauubos 'to. Ok na saakin yung isang paper bag nalang. Sainyo na po 'yan mga Kuya hehe," nakangit kong sambit. Biglang nanlaki ang mga mata nila sa tuwa. "Talaga po?" "Opo. Itong jollibee nalang po ang akin." malaking ngiti na usal ko. Isinara ko na ang pinto pero nakita ko sa video intercom na nagkatinginan silang lahat na parangconfuse. Hindi sila gumagagalaw sa kinatatayuan nila at balak pa sana mag doorbell nung isa pero inopen ko na. " May problema po ba?" tanong ko. Napakamot nalang sa ulo ang mvdo driver. " 'Yung bayad mo po ma'am. Wala po kaming pang abono po." "Ha?" nagtataka kong wika. "Hehe COD po kasi 'yan," usal ni starbucks rider. "Ha?!" this time super OA na ng sigaw ko dahil wala naman akong naalalang nag order ako ng ganito karami. And besides hindi ako tanga para mag order ng ganito kung ako lang kakain. And usually I don't use cash on delivery when it comes sa food order laging online p*****t so how come may ganito senaryo ngayon? "Wala po akong naalalang nag order ako. Kahit icheck pa natin. I ordered jollibee lang kasi, e. I can show the history pa sa app." " Eh baka naman 'yung boyfriend niyo po ata ang nag order? Hindi niya po nasabi sainyo?" Mas lalong sumama ang timpla ko dahil parang may suspect na ako kung sino ang gagawa no'n. "Kuya, hindi ba kayo nagbibiro 'di ba?" "Eh, ma'am hindi po," sagot ng mcdo rider. I sighed. "Kuya wala akong boyfriend! Kaya paanong mangyayari na inorderan niya ako nito? Sino ba 'yan? Wala bang information?" Sabay-sabay silang napakamot. "Nako ma'am paano 'yan wala po kaming pang abono rito." "Pa call nga po ulit 'yung number nung nag order sainyo." tinawag nung isa pero wala out of coverage and gano'n din sa iba. "Ma'am baka naman pinag t-tripan niyo lang----" At ngayon ako pa ang nant-trip? Hello! Victim ako. Sinong walang puso ang gagawa nito? Nanayang sila ng oras what the hell. Paano kung wala akong pera? Ano 'to mapopost akong bogus buyer na wala sa oras? "Kuya, I'm serious here! Kayang-kaya ko bayaran ang lahat ng 'to pero hindi ako oorder ng gan'to karami kung ako lang magisa nakatira rito. Wala din naman akong bisita. Kaya hindi ko pinag t-tripan. Hindi ako gano'n kalupit para paglaruan kayo. I know your time is precious." hindi ko na sinasadyang tumaas ang boses kasi nakaka frustrate 'yung nangyayari. "Ma'am, kung marami po kayong pera. Bayaran niyo nalang kami. Nangangain na po kasi ng oras ma'am." "Baka naman pinag t-tripan ka ng manliligaw mo ma'am? O kaya mga kaibigan mo?" "Wala akong manliligaw at mas lalong hindi alam ng kaibigan ko ang bago kong address. Wala akong kaibigang lalaki. And they are not cheap to pull this kind of prank pero I think.." I know kung sino ang pwedeng gumawa nito. He's the cheapest person that I know. Napatingin ako sakanila na naghihintay ng sasabihin ko. "Maghintay muna kayo, I'll get money." sinara ko ang pinto at agad na kinuha ang phone ko to dial Steven's number. "Ano na naman?! I told you not to call me! Gabi na nag papahinga na ako!" "D-mn you! Ikaw ba nag order ng napakaraming foods dito tapos COD pa? Ikaw lang 'yung g-gong gagawa nito!" gigil kong sigaw. "Hep hep! 'Tong Nana na 'to! Kung makapabintang ka d'yan! Bakit ko gagawin 'yun? That's harsh, kawawa ang mga driver. Kung gagawa man ako ng kalokohan hindi ako mandadamay ng iba! Baka ikaw!" "Then sino ang mant-trip saakin ng ganito?!" "Just report it to the police. Uso talaga ang fake booking ngayon. Baka isa sa mga schoolmates or classmates mo." "Bye!" Napa stamp nalang ako ng feet sa sobrang inis. Kinuha ko ang wallet ko. And I have 3 thousand pocket money nalang. I hope pwede pa 'to. Nagmadali akong lumabas. Naabutan ko pa silang nag uusap at nag rereklamo na dahil sobrang tagal ko. Natigilan lang sila nang makita na nila ako. "Sainyo na po 'yan foods but in one condition. Give me your number po para ma contact ko kayo kapag need ng witness kapag nag file ako ng kaso about d'yan. It looks fake booking po kasi and we're all victim here." agad kong binayaran sila and it's worth 2300 lahat. Grabe. Gano'n kadaming food ang finake book. "Sige, ma'am thank you. Pasensya na rin po," usal nila. Pumaso na ako sa loob and hindi ako nag patiumpik-tumpik pa and I get my laptop and search about fake booking . At sa kabutihang palad naman ay meron naman akong habol Revised Penal Code at Cybercrime Law, na pwedeng gawing basehan ng kaso laban sa mga 'to kaso mga 'to. I checked my wrist watch it's almost 9pm pala. May bukas naman na presinto so dapat lang na ireport ko ngayon. Hindi ako makakatulog hanggat hindi k nasudumbong ang nangyari. I take a bath na. This time super bilis nalang kasi nagmamadali talaga ako. Gustong-gusto ko na talaga ireport ang insidente. I reported din sa front desk na nakakatanggap nabibiktima ako ng fake booking. And they asked me that they will report din sa police kaso sabi ko ako nalang ang pupunta para personal kong masabi ang experience ko. Itinuro naman nila na may malapit ngang police station dito at ayun sumakaya nalang ako tricycle ako since malapit lang din naman and besides baka ma short ako sa pocket money. Nang makarating ako do'n ay agad kong inireport lahat nang nangyari but it's really frustrating dahil parang wala silang interest sa mga sinasabi ko. "Baka naman kasi kaibigan mo lang ang t-trip sa'yo?" "Kakalipat ko lang sa condo na 'yun wala akong kaibigan na may alam kung saan ako nakatura. And they will not do such a thing, edukada mga kaibigan ko." Napahawak ito sakaniyang sintido habang tinitignan ako kabuuan ko. "Hindi ka naman artista o influencer. Baka naman may gusto sa'yo 'yun? Ginagawa lang niya 'to para mapansin mo?" "Walang nakakagusto saakin dahil kalilipat ko lang dito!" "Ma'am, 'yun na nga po. Ang sabi niyo kalilipat niyo lang sa school niyo. Baka naman may nagkainterest sa'yo do'n at inistalk ka tapos ginawa 'yan para mapansin mo." Napanga-nga ako nang marealize ang sinabi niya. At bumuo ng senaryo sa isip ko about sa stalker, "Oh my god. If that's so super creepy naman." "Opo. It's really alarming din na alam nila ang address and name mo. Baka stalker 'yan. Kaya don't worry Ma'am. We'll call you po kapag may progress na ang investigation ." Bumuntong hininga nalang ako at tumango. "Ok, thank you." lumabas ako agad ng presinto. At nakaramdam ako ng panlalambot dahil sa gutm. Dang, hindi pala ako nakakain. I don't think makakaya ko pang maghintay at magtiis hanggang sa makauwi ako para lang makakain. Naglakad ako and medyo malayo pa ang mga fast food chain. And super sayang naman if o-order ako don. Kaya nang makita ko ang 7/11 ay agad kong napagdesisyunan na kumain nalang ng snack there. Kumuha ako ng mogu-mogu and hotdog sandwich. Pumunta ako ng counter and magbabayad na sana ako pero dumako ang mata ko sa mukha ng cashier. "Eyon?" napaangat ang tingin niya saakin at kinunotan ako ng noo. "Who you?" nanliit ang mga mata niya. "Huh? Kaklase mo 'ko! Ako 'yung babaeng—"natigilan ako nang marealize ko bakit ako nag e-explain sakaniya. "Nevermind. Keep the change." "We don't accept tip." ngumiti siya ng matamis dahilan para lumabas na naman ang pesteng dimples niya at pagkatapos ay agad na binigay ang sukli ko. " Edi 'wag!" kinuha ko 'yun saka naupo nalang ako sa table and kumain na. Hindi ko maiwasan na mapatingin sakaniya siguro eto 'yung sinasabing work niya? Kaya na late siya pumapasok? Siya lang mag isa ngayon. And He keep cleaning nga at naalala kong OC nga siya. Maya't maya niya kasi inoorganize lahat ng mga hindi maayos. Natapos ko na ang nakain ko habang pinapanood siyang mag trabaho dahil nag enjoy ako sa 'di ko malamang dahilan. Napaigtad ako nang biglang sumulpot siya sa harapan ko at nilapit ang mukha saakin. "Bakit kanina mo pa 'ko tinitignan? Crush mo ba ako?"
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작