Inilapag niya ang phone sa katabing upuan ulit at binuklat naman ang black folder para hanapin ang pangalan ng estudyante niya na si Lorainne na hindi niya aakalain na isa pa lang anak na babae ng King and Queen of Dubai ngayon kung saan siya galing. Malaki ang respeto niya sa King and Queen kaya naman kaagad siya nagpaumanhin kanina. He then looked down sa folder pagkakita niya ng pangalan ng dalaga at binasa gamit ang kaniyang mga mata ang address kung saan siya nakatira.
"Okay. I have to go there now or I will be a dead meat," he murmured at ibinalik at black folder sa loob ng suitcase niya habang nagmamaneho.
Pagkalipas ng ilang minuto ay narating na ni Geon ang lugar na nakasulat sa reference ng estudyante niya at napaawang ang bibig niya sa nakikita niya na isang malaking bahay at malawak na garden.
"Oh, my goodness. I am messing with a wrong student of mine," bulong niya sa sarili at bumuntong-hininga dahil sa natuklasan niya.
Samantala sakto ay dumating ang sasakyan na minamaneho ni Princess Lorainne at nagtaka siya kung bakit may sasakyan sa harapan niya nang nakita niya ang plate number na pamilyar sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto niya na ang sasakyan na nasa harap niya ngayon ay pagmamay-ari ng Professor niya na si Geon at hindi siya pwede magkamali dahil noong unang pagkikita pa lang nila ay nakabisado na niya ang plate number niya.
"Ano'ng ginagawa niya dito? Bakit nandito siya? As far as I know, naging mabait ako after niya kunin ang phone ko kaya bakit nandito siya ngayon sa harap ng bahay ko? Or baka naman kaya siya nandito ay dahil isasauli niya ang phone ko na nakalimutan niya ibigay? Baka nga. Teka nga at makababa," she said na may pagtataka at pag-aalinlangan.
Bumaba ang prinsesa ng sasakyan niya at kumatok sa window ng Professor niya na ikinagulat niya pero ng nakita niya siya ay tinanggal niya kaagad ang seatbelt niya at bumaba siya ng sasakyan niya. They faced each other sa harap ng malaking gate na pagmamay-ari ng prinsesa.
"May I know what are you doing here, Sir?" she queried first.
"First of all, I wanted to say sorry sa ginawa ko. Here, I am returning your phone now," he apologized sincerely at iniabot ang phone sa dalaga.
"Thank you," Princess Lorainne awkwardly responded at kinuha ang phone niya sa kaniya.
"By the way, tumawag ang mommy mo kanina and..." Natigilan siya sa pagsasalita at nagtitigan sila sa mata sa mata. "I didn't know that you are the daughter of the King and Queen of Dubai. My apologies," he apologized again but this time, he bowed his head to give her respect.
"No, it's fine," she spoke na naging casual ang tono ng boses niya.
Dahilan kung bakit iniangat ni Geon ang ulo niya at nagtagpo ulit ang mga mata nila.
"Well, I much preferred na walang nakakaalam ng tunay na identity ko sa bagong school na pinapasukan ko pero you discovered it already and that's fine. As long as kaunti lang ang nakakaalam, I'm good," she calmly told at ngumiti na casual sa kaniya.
"Do not worry I won't tell a single soul. You can count on me," he promised her at ngumiti ng matamis at kalmado.
Pagkakita ni Princess Lorainne sa ngiti niya ay involuntarily lumaki ang ngiti niya sa mga labi niya habang pinagmamasdan niya lang siya. Hindi niya aakalain na magkakasalubong sila sa harapan ng gate nila at magkakalagayan sila ng loob dahil sa nangyari na pananakot ng nanay niya na hindi niya alam.
"Um...you want to go inside and have some coffee or tea, perhaps?" she invited.
"No, no need for that. Napadaan lang ako dito para isauli ang phone mo. I have to go now at may naghihintay sa akin sa bahay. Sorry again earlier and thank you. Bye," mabilis na sambit niya at sumakay na ng sasakyan niya.
Habang ang prinsesa ay natulala sa pwesto niya dahil sa sinabi niya na pinagtataka niya.
"I have to go now at may naghihintay sa akin sa bahay?" she repeated at umatras siya para makaalis ang sasakyan.
Pagkaalis ng sasakyan ay napangisi siya dahil hindi niya aakalain na may kinakasama pala siya.
After half of an hour ay nakauwi na si Geon sa condo unit na tinutuluyan niya at inilipag niya ang supot na hawak niya sa lamesa sa dining nang makarinig siya ng inuubo kaya naman kumuha siya ng baso at naglagay ng tubig at saka siya pumunta sa kwarto para tignan ang Lola niya na inuubo at naghahabol ng hininga. Tinulungan niya iuupo ang Lola niya at binigyan niya ng tubig.
"Nasaan na po 'La ang katulong na kinuha ko para sa inyo? Umalis na kaagad? Ang sabi ko hintayin ako bago siya umalis para hindi kayo naiiwan ng mag-isa dito. May dinaanan lang naman ako kaya ako nahuli. Mahirap na," nag-aaalalang sabi ni Geon sa Lola niya at marahan na hinimas ang likod niya.
"Apo, 'wag kang mag-alala sa akin dahil okay pa ako," tugon niya at inubo ulit ng apat na beses.
"Mukhang hindi na maganda ang tunog ng ubo niyo, Lola. Halika na kayo at dadalhin na kita sa hospital," he invited at tumayo sa gilid ng kama para alalayan ang Lola niya na mahina at sakitin.
Soon, sa hospital ay nilagyan kaagad ng nurse ang matandang babae ng oxygen mask para makahinga siya ng maluwag habang si Geon ay nakatayo lang sa gilid at pinagmamasdan ang hindi magandang kalagayan ng Lola niya.
"Please, stay with me, Lola. Please," he pleaded at lumuhod siya sa sahig para pumantay siya sa kama. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ng Lola niya at taimtim na nagdasal.
He then remembered ang nangyari sa mga magulang niya na dinala din sa hospital noong nasa bansang Saudi Arabia pa sila, pagkadala niya ng mga magulang niya ay doon lang niya nalaman na may Lung Cancer sila both at pagkatapos niya makapagtapos ng high school ay saka sila binawian ng buhay. At dahil sa nangyari ay napag-isipan niya na lumipad ng bansang Pilipinas dahil tanging ang Lola niya na nanay ng nanay niya ang gusto niyang makasama kaysa sa family side ng tatay niya na puro panghuhusga.
Itutuloy...