Kinabukasan habang nagtuturo si Geon at nagsusulat sa white board ay nag-vibrate ang phone ng prinsesa na nasa lamesa lang niya habang nagte-take down notes siya. Binuksan niya ang phone niya at nakita niya na may email na dumating galing kay Mr. Charles, ang matandang butler ng parents niya at kaibigan din niya. Nilakihan niya ang font size ng binabasa niya para malinaw ang pagkakabasa niya.
Real Name: Geon Lao Abadi
Age: 25
Height: 6 feet
Status: Single and never had a girlfriend
Parents: Omar and Lea Abadi (Both died because of Lung Cancer)
Native Land: Saudi Arabia
Migrated in the Philippines: Since he was 20 years old.
Career: Chef at Cario Restaurant
Sports: Tennis, Basketball and Swimming
Hobbies: Cooking and reading books
Napangiti siya sa nababasa niya lalo na sa status niya na single and never had a girlfriend before dahil ibig sabihin lang nu'n ay seryoso siya na tao at hindi pinaglalaruan ang puso ng babae. Pero who knows. How table had turned all of a sudden just seeing his true identity through an investigator. Anyway, hindi niya pa siya kilala ng lubusan kaya hindi niya alam kung may nililigawan ba siya ngayon o wala na naging dahilan nang pagsimangot niya.
"Baka mayroon na. Sa gandang lalaki niya at maraming babae ang nakapaligid sa kaniya ay imposible na wala siyang nililigawan ngayon. However, ngayon na alam ko na taga-Saudi Arabia din pala ay magiging mabait ako sa kaniya. Not because I saw his status, okay? No," bulong ng prinsesa sa sarili niya na nakangiti.
Samantala pagkalingon ni Geon sa klase niya ay kaagad niya napansin ang prinsesa kaya napatigil siya sa pagsasalita. Ang ibang students naman ay lumingon kung saan nakatingin ang Professor nila at natawa sila sa itsura ng prinsesa na ngumingiti mag-isa at wala silang kaalam-alam na kaya siya nakangiti ay dahil sa nalaman niyang impormasyon.
"Ms. Rashid-Al," unang tawag ni Geon na may seryosong mukha.
Ngunit mukhang walang naririnig ang prinsesa dahil she's in deep thoughts nang tinakpan ni Geon ang hawak niyang marker at iyon ang ibinato niya sa direksyon niya. Pagkabato naman ng marker ay bumagsak iyon sa ulo ng prinsesa dahilan kung bakit ang buong klase ay tumawa at doon na siya nagising sa katotohanan. Princess Lorainne looked around her at dahil sa nangyari ay bigla siya napahiya.
"Stand up, Ms. Rashid-Al," tawag ni Geon at tumayo siya sa gitna ng white board na nakatuon ang tingin niya sa babaeng umagaw ng atensyon niya.
Kahit nahihiya ay tumayo naman si Princess Lorainne at tumingin ng diretsyo sa Professor niya ng tahimik.
"Tell me, Ms. Rashid-Al, bakit ka ngumingiti diyan? Anong binabasa mo na nakakatuwa? Would you mind sharing it to us?" Geon asked na may diin sa pagsasalita niya.
"Um...um..." Napalunok ng laway ang prinsesa dahil hindi niya pwedeng sabihin na kaya siya ngumingiti ay dahil sa kaniya at dahil mapapahiya siya lalo sa buong klase kapag nagtapat siya.
"Yes, Ms. Rashid-Al?" Geon acknowledged strictly.
"I...um...I am looking at my social media account and watching funny videos," sambit niya na may halong kaba dahil sa unang pagsisinungaling niya.
"Give me your phone," Geon demanded at itinaas ang kanang kamay niya dahil hinihingi niya ang phone ng dalaga.
Napapikit ng mariin ang prinsesa dahil sa narinig niya mula sa Professor niya at dahil wala siyang magawa ay naglakad siya papalapit sa kaniya at isinuko ang phone niya. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nagkadikit ang kamay nila na biglang kinuha ng prinsesa ang kamay niya dahil sa parang current na naramdaman niya sa kaniya habang patay malisya na hindi gumalaw si Geon pero naramdaman din niya ang kuryente nang magkadikit sila ng balat. She then lifted her face and looked at him, and so is he at her seriously na parang may tension sa pagitan nila. Ang buong klase naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ang dalawa sa gitna habang isang babae sa gilid ang mukhang hindi masaya sa nakikita niya dahil magkasalubong ang dalawa niyang kilay at naka-frown face siya.
For just a moment ay parang tumigil ang mundo ng prinsesa habang pinagmamasdan lamang ang professor niya na si Geon. Alam niya ang tawag sa nararamdaman niya para sa lalaki pero ganunpaman ay natatakot siya dahil isang beses na siya nabigo na naging dahilan ng paghakbang niya ng isa palayo sa kaniya na para bang sinasabi niya she is not yet ready for another relationship.
Alam ng prinsesa na maaga pa para masabi na mahal niya ang lalaki kaya hangga't maaga pa at kahit alam niya ang estado niya sa buhay ay mas pipiliin niya na lumayo sa kaniya na naging dahilan kung bakit napahakbang siya ulit ng isa patalikod na ipinagtaka naman ni Geon. Umiwas na ng tingin ang prinsesa at tumalikod sa kaniya na para bang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa pinag-iisip niya at naupo siya sa lamesa niya ng tahimik. Binulsa naman ni Geon ang phone sa pantalon na suot niya at pinagpatuloy ang pagtuturo.
Eventually ay natapos na ang klase sakto ala-singko ng hapon at naunang umalis ang Professor nila na si Geon habang si Princess Lorainne ay sinundan siya ng tingin at sumimangot.
"How about my phone? Kailan niya kaya iyon isasauli sa akin?" aniya habang nilalagay ang notebook niya sa loob ng bag niya.
Sa kabilang banda ay nagmamaneho si Geon ng sasakyan niya nang nakarinig siya ng phone na tumutunog kaya hinanap niya.
"That is surely not my phone. That's not my ring tone," he told to himself at kinapa niya ang bulsa niya nang nakapa niya ang phone na kinuha niya sa dalaga. "Oh, crap. Nakalimutan ko isauli," he mumbled at kinuha niya ang phone sa bulsa niya.
Nakita niya ang 'Mommy' sa screen dahilan kaya napa-hiss siya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nag-aalangan siya na sagutin ang tawag dahil hindi naman sa kaniya 'yung phone nang namatay ang tawag kaya ibinaba niya ito sa katabing upuan at nag-focus siya sa pagmamaneho nang tumunog ulit ang phone. Kinuha niya ulit ang phone pero bago sagutin ay he cleared his throat at saka niya pinindot ang answer button.
"Princess Lorainne Gale Jang Rashid-Al, we need to talk," an authoritative voice of a woman welcomed Geon at halata na sa kabilang linya na galit siya.
"Excuse me? This is not your daughter, I'm afraid," Geon huskily and respectfully spoke.
"Hello, who is this? And why my daughter's phone is with you? Who are you? Tell me your name now or you will be punish as to the order of the King and Queen of Dubai," Kristine, Princess Lorainne's mother threatened him.
Nanlaki naman ang mga mata ni Geon sa narinig at nalaman niya tungkol sa pagkatao ng estudyante niya. "I...um...I am sorry. My name is Geon and I'm your daughter's Culinary Professor. I-I didn't know that she is your daughter and that she is a Princess, a-and that her parents are the King and Queen of Dubai. My apologies," mabilis na nagsalita siya at humingi kaagad ng paumanhin sa kamangmangan niya.
"A Professor? Not again. Where's my daughter and why her phone is at you? Are you with her now? Put her on the phone now," Kristine superiorly demanded na may pag-aalala para sa kaniyang anak na babae.
"She is actually not with me right now, Ma'am. I-I actually confiscated her phone during class hour because she was out of focus but do not worry because I'm going to take her phone back now," he replied politely at habang nagmamaneho ay kinuha niya ang suitcase niya sa likuran ng upuan niya at kinalkal ang bag niya para hanapin ang black folder na listahan ng mga estudyante niya for reference.
"Make sure to return my daughter's phone, young man. I know who you are and everything you are so, don't you dare make a wrong move," Kristine strictly told at walang paalam na ibinaba ang phone dahil nagmamadali din siya at may ginagawa siya.
"Holy mother-father," he hissed pagkababa ng phone sa other line at saka niya pinatay din ang phone.
Itutuloy...