4

2451
"Sino kaya naghihintay sa kaniya sa bahay? Girlfriend niya?" nagtatakang tanong ni Princess sa sarili na hindi siya mapakali sa kakaisip habang nakaupo siya sa desk niya at nagba-browser sa social media accounts niya sa laptop. "Malay mo naman kamag-anak niya. Nag-iisip ka kaagad ng kung anu-ano diyan, Lorainne, eh," pag-aalo niya. "Teka nga, ano ba ginagawa ko? Nagkakagusto na naman ba ako sa Professor ko? Ay, naku! Ayaw ko na maulit ang nangyari last year. Pero kasi iba si Geon. And I already dig his background kaya sure ako na walang sabit 'to unlike Alek," patuloy na pakikipag-usap niya sa sarili niya. "Speaking of the devil, let me see his social media account." And so, she typed Alek's name sa search bar at lumabas kaagad ang gwapong mukha ng ex-first husband niya kaya naman she clicked his picture. "Gwapo pa rin pero bulok ang ugali. Sinungaling at manloloko. I wonder kung kumusta na ang asawa niya na na-comatose," she mumbled just staring at his pictures na nakasalong-baba siya nang iangat niya ang ulo niya dahil may naisip siya. "On which reminds me...how's Chard?" Nag-type siya ulit sa search bar at inilagay ang name ni Chard Danverson, ang lalaking may gusto sa kaniya, one time na umamin sa kaniya na lasing pa at ang nakauna sa kaniya pero wala siyang gusto sa kaniya. Nakita niya ang picture nito na naka-shade habang nakaupo sa isang malaking bato na nagpangiti sa kaniya. "Look at this guy...may resemblance nga sila ni Alek. Pero mas gwapo si Alek dahil mas matured ang itsura niya compared to Chard. Kailan ko ba siya huling nakita? I think one year ago na rin na hindi ko pa siya nakikita. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? How is he?" tanong niya na may somehow pag-aalala for him. Naputol ang kaniyang pagre-reminiscing nang tumunog ang phone niya kaya kinuha niya at tinignan kung sino ang tumatawag and seeing Rachel's name ay napa-rolled eyes siya. "Again? Seriously, Rachel? Kailan ka ba titigil sa kakatawag sa'kin?" inis na tinuran ni Princess. Ever since kasi na ni-reject niya ang apology ni Rachel ay araw-araw na lang siya nito tinatawagan para kulitin siya to accept her again. Pero she keep rejecting Rachel's call. At tulad ng ginagawa niya ay pinatay niya ang tawag. Meanwhile, si Geon ay nakatulog sa tabi ng Lola niya na nakahiga sa kama at nagpapahinga pa rin nang tumunog ang phone niya kaya naalipungatan siya. Kinuha niya ang phone niya at sinagot. "Hello, Sir? Yes po, Sir. Papasok po ako ng 8pm, don't worry. Yes po. Yes po. Understood po. Sige, Sir," magalang na sagot niya sa kausap niya na nasa kabilang linya at pagkatapos ay ibinaba na niya ang tawag. Tumingin siya sa orasan niya at isang oras na lang ay kailangan na niya umuwi para mag-prepare dahil may trabaho siya ng 8 sa isang restaurant as a real chef. Ngunit namomomblema siya kung kanino niya iiwan ang Lola niya na nagpapahinga pa nang may naisip siya kaya naman nag-dial siya ng phone. Hinanap niya ang name na Richard at tinawagan niya ang numero. Pagkatapos ng tatlong ring ay may sumagot sa kabilang linya. "Chard! Busy ka ba ngayon? May ginagawa ka?" nag-aalinlangan na tanong ni Geon dahil baka busy ang tao. "Kakatapos lang ng klase ko, bro. Bakit?" tanong ni Chard na naglalakad palabas ng campus wearing a white medical uniform. "May gagawin ka ba, bro? Okay lang ba na bantayan mo Lola ko? Kahit ngayon lang? Bukas kukuha ako ng panibagong magbabantay sa kaniya," nagmamakaawang pakiusap ni Geon sa kaibigan. "No problem, bro. Nasa malapit na hospital ba kayo sa inyo? Diretsyo na ako diyan," walang pasakalye na sagot ni Chard at ngumiti. "Salamat talaga, bro. I really owe you. Sige, bro, hintayin kita bago ako umalis para may bantay si Lola," nakahinga ng maluwag na tugon ni Geon. "Okay. I'm on my way. Bye," paalam ni Chard at ibinaba na ang tawag. Tumakbo na si Chard papunta sa parking lot at sumakay ng motorcycle niya dahil may lakad siya instead of studying his books. Maya-maya ay nakarating na si Chard sa hospital at nagkita na sila ni Geon na nag-apir silang dalawa ng kamay at nagbanggan sila ng shoulders as sign na magkaibigan sila. "Sige na, bro. Alis ka na at baka hinahanap ka na ng nanay ko," nakangiting sambit ni Chard "Ayun nga, bro. Nag-text sa akin. Pinapatawag na raw ako ng mother mo sa restaurant. Salamat at pumayag ka talaga, bro. Text or tawagan mo na lang ako kapag nagising siya, ha at kung manghingi siya ng food ito..." Bilin ni Geon at nag-pause sa pagsasalita para kunin ang wallet niya sa bulsa nang hawakan siya ni Chard. "Bro, 'wag na. May pera ako. Charge ko na lang sa'yo," mabait na sagot ni Chard at tumawa. "Go na. Kilala mo ang mother ko. Ayaw nu'n ng late. Kaya go na," dagdag pa niya at tumawa ulit ng mahina. "Sinabi mo pa. Ang laki ng bawas niya sa sweldo kapag late. Sobrang strict niya pero maganda magpasahod kaya okay lang. Tiisin ko na lang. Sige, bro. Ikaw na bahala. Alis na ako. Salamat ulit ng marami," masayang sabi ni Geon at niyakap si Chard brotherly. "No problem, bro. Any time," nakangiting reply ni Chard. At pareho sila humiwalay sa isa't-isa. Tuluyan naman na umalis si Geon habang si Chard ay naupo sa upuan na inupuan kanina ni Geon at pinagmasdan ang matandang babae na minsan na niyang naalagan. Then, he opened his phone na ang lock screen niya ay si Princess na natutulog and just seeing it at napapangiti siya dahil litrato lang niya ay sapat na to keep him alive. Naalala niya tuloy kung paano niya kinuha ang picture na nasa lock screen niya ngayon, klase nila noon kay Sir Earl at gumagawa sila ng thesis nang humikab si Princess at saka isinandal ang ulo sa dalawang braso niya para ipikit sandali ang mga mata niya habang siya ay magsasalita sana pero hindi natuloy dahil napatulala siya sa ganda niya. Ginising naman niya kaagad ang sarili at kinuha ang phone niya na kunwari ay may titignan lang siya dahil nasa harap niya si Rachel kaya sumimple siya at kinuhanan niya si Princess ng picture nang biglang nag-flash yung camera niya na naging dahilan kung bakit lumaki ang mga mata niya. Dali-dali niya tinago ang phone niya dahil sa nangyari habang si Rachel ay tumingala at tinignan siya ng malamlam sa mga mata dahil she just caught him taking a picture of Princess while she was sleeping. Onwards, pumasok ng maaga si Princess na may dalang laptop sa kaliwang kamay niya at nang pumasok siya sa classroom ay wala pang tao kaya naman naupo na siya sa upuan niya sa gitna. Inilipag niya ang bag ng laptop sa harap niya at kinuha ang laptop sa loob para ilabas at saka niya tinabi ang bag sa gilid niya. She opened her laptop and signed in. "Well, since nagising ako ng five I might as well come to school early. Wala rin naman ako gagawin and ayaw ko na bumalik sa higaan kaya yeah," she uttered at napabuntong-hininga siya. Nag-play siya ng music sa iPod niya ng malakas that filled the room habang sa laptop ay nag-browser siya ng videos kung paano gumawa ng giant cakes. After kasi niya maikasal kay Alek last year ay nagpaturo siya magluto kay Nanny Deli at dahil doon ay nahanap niya ang passion niya for cooking. But unfortunately, na-annulled ang kasal nila dahil manloloko pala si Alek kaya sa bahay na lang siya nag-practice with Nanny Deli na tinuturuan siya ng mga basic na ginagawa niya araw-araw. And then after that ay magkukulong siya sa kwarto niya every after dishes na nagagawa nila dahil naaalala niya ang ex-husband niya. Thankfully, after one year ay nagising siya sa katotohanan and finally let go of him. Masakit man ang mga salita na nabitawan niya noon kay Alek pero deep inside her ay mahal niya pa rin siya kaya ganu'n na lang kahirap para sa kaniya na mag-move on. Samantala naglalakad sa hallway si Geon nang may naririnig siyang music mula sa loob ng classroom kaya pumasok siya at nakita niya si Princess na tahimik lang sa pwesto niya. Hindi ata siya narinig na pumasok kaya nagpatuloy siya sa paglalakad at pumunta sa desk niya para maupo nang tumingin siya ulit sa kaniya. Ibinuka niya ang kaniyang bibig para sana tawagin ang atensyon ni Princess nang natigilan siya dahil now lang niya siya natitigan ng maigi kahit malayo sila sa isa't-isa at isa lang ang masasabi niya sa kaniya... "Ang ganda niya," bulong niya sa sarili niya. Naalala niya kasi nu'ng isang araw lang na unang pagkikita nila, hindi niya siya natitigan ng husto dahil kailangan nila tulungan ang matandang babae na nalaglagan ng mga oranges. Pagkatapos nu'n ay nagpaalam na siya kaagad dahil nagmamadali rin siya at dahil first day of class and then, sumunod na nagkita sila ay mismo sa classroom pero hindi niya siya binigyan ng pansin dahil busy siya sa class record na inaayos niya. Ngayon niya lang talaga siya na-appreciate. Dagdagan mo pa ng music na parang dinala siya sa ibang dimensyon nang bigla na lang niya naramdaman ang paglakas ng t***k ng puso niya just gazing at her. "Good morning, Sir," bati ng mga babae na pumasok. Na naging dahilan kung bakit nagising si Geon at ngumiti sa mga estudyante na bumati sa kaniya. Si Princess naman ay kaagad na pinatay ang iPod niya nang makarinig siya ng ingay at isinara ang laptop niya. From there ay unti-unti dumating ang ibang estudyante at napuno na sila. "Let's have an attendance first at pagkatapos ay proceed tayo sa history," anunsyo ni Geon na inilibot ang mga mata niya pero tumigil siya nang nakita niya si Princess na nakatitig din sa kaniya na para siyang nahulog. Samantala si Samantha na sinundan ang tingin ni Sir at nang makita niya kung kanino ito nakatingin ay sumama ang timpla ng mukha niya. And so, nakaisip siya kung paano kunin ang atensyon ni Sir. Nilaglag niya ang coins purse niya na naging dahilan kung bakit nalaglag ang mga coins sa sahig. "Sorry," sambit ni Samantha at dinambot ang coins sa sahig at nang makolekta lahat ay lumingon siya sa direksyon ni Princess at tinitigan niya siya ng matalim. Naalis naman ang tingin ni Geon kay Princess nang may narinig siya na nalaglagan ng coins kaya napatingin din ang lahat kay Samantha na nakuha na lahat ng coins niya. — — — Pagdating ng hapon, sa condo unit ni Geon ay busy na nakikipag-usap sa phone niya ang caregiver nang bumangon si Lola sa kama at naglakad papunta sa pinto na walang suot na tsinelas na parang wala sa sarili. Naglakad ito pababa ng hagdan hanggang sa nakalabas ito ng building dahil kumakain ang mga receptionists sa pwesto nila at nagdadaldalan kaya hindi nila napansin na may nakalabas na pala. In the meantime, pumasok ng sasakyan si Princess at inilagay ang bag niya sa tabi at saka siya nagsuot ng seatbelt. Tumingin muna siya sa wrist watch niya para tignan ang oras na 5 na pala ng hapon at saka siya humawak sa manubela at umalis na. Nagmamaneho siya ng banayad nang may tumawid na matanda kaya mabilis niya inapakan ang preno. Huminto ang sasakyan ng malakas na naging dahilan kung bakit nauntog siya sa likod ng dalawang palad niya at saka tumingala para tignan kung nasaan na ang matanda na nakita niya. Tumingin siya sa kaliwa niya at napa-nod siya nang makita niya ang matandang babae na nakatawid ng ligtas nang bigla na lang ito bumagsak na nakita mismo ng dalawang mga mata niya kaya dali-dali siya lumabas ng sasakyan niya at pinuntahan ang matanda. "Lola? Lola? Naririnig niyo po ba ako? Lola?!" tawag ni Princess na kinuha ang ulo ng matandang babae ng dahan-dahan at inilagay sa laps niya. She checked her pulse at napulsuhan niya naman ang matanda kaya meaning buhay pa ito at mukhang nawalan lang ng malay. "Anong nangyari, Miss?" tanong ng isang lalaki na halatang matanda na. "Nahimatay siya. Tulungan mo ko, Kuya na bitbitin siya at isakay siya sa sasakyan ko. Dadalhin ko siya sa hospital. Ayun ang sasakyan ko na red," magalang na paghingi ng tulong ni Princess sa lalaki. Tinulungan naman siya ng lalaki na buhatin ang matanda hanggang sa naisakay na sa sasakyan niya. Nagpasalamat siya sa lalaki at pumasok na rin sa sasakyan niya para dalhin ang matandang babae sa pinakamalapit na hospital. Eventually, tumatakbo si Geon paloob ng hospital nang tumigil siya sa nurse station para magtanong. "Nasaan po ang Lola ko na may pangalan na Leonarda Gano?” hingal na hingal na tanong ni Geon. Pero kahit ganoon ay gwapo pa rin ang itsura niya para sa mga nurses na nasa harapan niya na tinititigan siya. “Excuse me?” tawag niya sa nurse na kaharap niya. “Ay, opo, Sir. Sorry,” paumanhin ng babae at dali-dali na tumingin sa computer niya at saka lumingon ulit at him. “Sa left wing po, Sir,” aniya at tinuro ang left wing. “Thank you,” sagot ni Geon na hindi pinansin ang mga nurses na nagpapapansin sa kaniya at tumakbo papunta sa left wing. “Lola! Lola! Lola!” sigaw niya na hindi magkumayaw habang isa-isa tinitignan ang bawat bed dahil sa pag-aalala niya sa Lola niya kaya pinagtitinginan siya ng mga tao. Hanggang sa nahanap na niya ang Lola na naging dahilan kung bakit tumigil siya. Nakita niya na nakangiti ang Lola niya at hinimas ang mukha ng babaeng nasa kaliwang side niya na parang matagal na silang magkakilala. At bago pa man ano mangyari ay naglakad siya papalapit sa Lola niya na tumayo siya sa kanan side. “Lola,” tawag ni Geon na hindi pinansin ang babae na nasa harapan niya. Lumingon naman ang matandang babae at lalo lumawak ang ngiti niya nang masilayan niya ang apo niyang lalaki. “Apo,” she acknowledged. Niyakap naman ni Geon ang Lola niya na medyo naluluha nang tapikin siya sa likod kaya he let go of her. “Apo, may ipapakilala ako sa’yo. Sigurado ako magugustuhan mo siya kasi sobrang bait niya,” sambit ni Lola at ipinakilala ang babaeng tumulong sa kaniya. Lumingon si Geon sa babae na nasa harap niya at natulala siya nang makita niya si Princess. “You?” he told at nagtitigan silang dalawa ni Princess. “Yes, me,” sagot ni Princess at ngumiti siya beautifully at him. At dahil sa magandang ngiti na iyon ay parang nawala sa sarili sandali si Geon at naging statue dahil tumigil siya sa paggalaw. Itutuloy...
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작