Kabanata 4
Isip bata
Literal akong napanganga nang nasa loob na ako nitong napakagarang bahay, mukhang hindi nga lang ito matatawag na bahay dahil sa sobrang laki, mansiyon siguro pwede pa. After kasi akong ma-discharge kanina sa hospital ay kaagad naman akong tinanong muli ni Mr. Esguerra, kung tatanggapin ko ba ang alok niyang magtrabaho ako bilang isang kasambahay nila.
Pinag-isipan ko na talaga ang alok na iyon kanina pa. Mahigpit kong hinahawakan ang calling card, at sa wakas ay nakapagdesisyon na kaagad ako. Alam kong baka mag-aalala sina Layka at Aling Tanya sa akin kapag hindi ako makabalik mamayang gabi sa gilid ng kalye. Kaya kinausap ko rin si Mr. Esguerra patungkol doon.
Mabait naman si Mr. Esguerra, ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ganoon ang pakikitungo nilang dalawa sa isa't isa ng anak niya, e, kung tutuusin nga ay sila rin lang naman ang dapat na magkaintindihan kasi mag-ama sila.
Pumayag naman si Mr. Esguerra sa favor ko, kaya bago kami pumunta rito sa bahay nila ay pinuntahan ko na muna sina Aling Tanya at Layka saka nagpaalam ng maayos.
Sa sandaling iyon ay nakaramdam ako ng pagkawili, kasi sila na ang nagsilbing kasama ko sa kalye. Nagsiiyakan naman sina Aling Tanya at Layka na niyayakap ako nang sobrang higpit. Habang pinagtatawanan ang aming mga sarili, dahil nagmumukha na kaming mga baliw sa gilid nitong eskinita.
Naalala ko pa ang kaninang mga habilin nila sa akin. Na kesyo bibisitahin ko raw sila 'pag may free time ako sa work para makapag-tsikahan. Tumango naman ako sa mga pabor at habilin nila sa akin. At ako na mismo ang tumapos sa usapan namin dahil nakahihiya na rin kay Mr. Esguerra kung matatagalan kami rito.
Naalala ko naman bigla ang ungas na si Luisito...ay Luis daw pala. Nasaan na kaya iyon?
Dapat pala akong magpasalamat sa kanya dahil kung hindi sa kanya ay baka wala ako rito sa bahay nila at hindi ako mabibigyan ng trabaho. Pero higit sa lahat, magpapasalamat ako sa kanya dahil din sa kanya ay buhay pa ako ngayon.
Paano na lang kung kinain na ako ng mga asong 'yon? O baka may nakakita sa aking masamang tao saka ma-salvage o gahasain ako? Paano kung...
"Ay, anak ka ng pusa---!" Nagulat ako dahil may kumalabit sa akin. Pero sa pagharap ko'y si Mr. Esguerra lang pala ito. Kaya nahiya ako at walang tigil akong yumuyuko sa kanya at humihingi ng paumanhin.
"Naku! Sorry po, sir, naku! Hindi ko po namalayang lumapit ka po, sir, okupado rin talaga ang utak ko, naninibago. Pasensya po ulit, sir." Matapos humingi ng despensa ay kagat-kagat ko na ang aking labi dahil sa kahihiyan.
"Okay lang, hija, ikaw talaga, nais ko lang sabihin na si Manang Minda mo muna ang aalalay sa 'yo rito, siya kasi ang Mayordoma rito sa bahay. Siya rin ang magbibigay sa 'yo ng mga tatrabahuin mo rito---Manang, ikaw na muna rito ang gumabay kay...ay, oo nga pala, hija, ano nga pala ulit ang pangalan mo?" Napaisip naman ako sa totoo kong pangalan, kasi inaalala ko ang sinabi noon ni Aling Tanya.
"Ahm…noon po kasi iniwanan lang po ako sa gilid ng kalye ng ina ko, kaya po 'di kop o talaga alam ang buong pangalan ko po. Ang tanging sabi lang ni Aling Tanya sa akin noong napulot niya ako ay may nakasulat daw na pangalan ko sa ilalim ng singsing ko na ito.” Tinignan ko naman ang singsing na ngayon ko lang naalala ulit na tanggalin. Maingat kong pinaikot ang singsing sa daliri ko hanggang sa mahulos ito. Binasa ko ang pangalang naka-ukit sa loob.
"Anessa Hitchwood."
"Anessa Hitchwood? Kaya pala nakikinita talaga sa unang tingin pa lang na hindi ka purong Filipina, hija. Pero I am sorry for what my son's awful attitude earlier at the hospital, hija." Paghingi na naman ni Mr. Esguerra ng paumanhin.
"Wala pong anuman 'yon, sir,"
"Ang gandang bata, nalulungkot din ako sa sinapit mo, anak, 'di bale, dahil nandito ka na. Ako na muna ang magsisilbing ina mo rito sa bahay." Sabay lapit ni Manang Minda sa akin at hinahaplos-haplos pa ang aking buhok.
"Naku! Salamat po, Manang Minda."
"Nanay Minda na ang itawag mo sa akin, hija, ano pala ang palayaw mo?" Madamdaming pagkasabi ni Nanay Minda sa akin.
"Nessay po, pero mas okay sa akin na tawagin akong Essa." Maligaya kung pahayag at napupuno ang puso ko ng kasiyahan. Kaya marahil sa puntong ito ay hindi ko na naitago pa sa aking mga mata ang mga luha na kanina pang nagbabadyang gustong lumabas sa aking dalawang mata.
Sa araw na ito, hindi ko lubos maisip na ang itinatago ko sa aking sarili sa napakahabang taon na pagiging isip bata ay ngayon naman ay lumalabas na ulit.
Nakalimutan ko siguro noon dahil sa labis na pagkamuhi sa mga magulang na nang-iwan lang sa akin. At higit pa roon ay ang nasa isipan ko na lagi ay ang magpulot ng mga basura upang may makain at maipangtustos sa sariling pangangailangan.
"Tumahan ka na, Essa, mabuti pa ay samahan na kita sa loob ng kwarto mo, para makaligo at makapagbihis ka na muna." Pagpapaalam ni Nanay Minda sa akin.
Ang gaan ng loob ko kay Nanay Minda kahit na ngayon ko lang siya nakilala. Dahil sa sobrang kuryosidad ay nang na sa loob na ako ng kwarto kaagad akong nagtanong sa kanya ng mga personal na bagay.
"Nanay, may pamilya ka na po ba? Asawa't anak?" Walang preno kung tanong.
Nag-iisip na muna si Nanay Minda bago sumagot. "Oo Essa, may asawa't anak na ako." nababakas ang lungkot sa kanyang boses.
"Nanay, malayo po ba sila sa 'yo ngayon? Nasaan na sila? Bumibisita ba sila rito? O ikaw ang bibisita sa kanila?" Tanong ko ulit.
Ngayon ay biglang may mga mamasa-masang likido na nagbabadyang lumabas sa kanyang mata kaya nakaramdam ako ng pag-aalala.
"Naku, nay, sorry po. Sorry po, 'di ko po intensiyong mapaiyak po kayo." Niyakap ko si Nanay at nag-sorry.
Nagsalita naman siya kahit na ramdam ko na sa balikat ko ang basang likido na tumutulo galing sa kanyang mga mata. Ang kanyang boses ay nanginginig na rin. Nakikinig lang ako sa maaring sabihin ni nanay. Baka kagaya ko ay matagal na rin niyang kinikimkim ang pasakit sa kanyang buhay, kaya siya umiiyak. O, kaya miss na niya ang pamilya niya.
"Ako na lang ang maaring makadalaw sa kanila, Essa, noon pumupunta sila rito. Pero simula noong naaksidente ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep ay hindi na sila maaaring dumalaw pa rito dahil...wala na sila. Ako na lang ang dumadalaw sa kanila, sa kanilang mga puntod." Umiiyak pa rin si nanay, habang nagsasalita. Tanging yakap ko lang ang maaari kong magawa sa kanya para gumaan ang kanyang pakiramdam.
Hindi namin namalayang gabi na pala. Matapos maka-recover ni nanay sa pag-iyak ay kaagad niya akong hinandaan ng maisusuot na binili ni sir kaninang mga damit na maaari kong isuot. Kaya ngayon ay lalabas na ako sa pinto matapos na akong maligo at magbihis.
Nang nakalabas na ay pinasuot naman ako ni nanay ng sinusuot nilang damit bilang isang kasambahay. Infairness, gustong-gusto ko ang uniform nila rito. Malinis tignan.
Malamig ang gabi, tahimik. Nasabi ko sa sarili kong, kahit pala ibang tao ay may hinanakit sa kanilang mga puso. Hindi lang pala ako ang nag-iisang may dinadala sa mundo.