Kabanata 3

1044
Kabanata 3 Ungas Malamig ang buong paligid, para akong na sa loob ng napakalaking ref. Ewan ko't bakit ako nakararamdam ng ganito, e 'di naman ako supposedly nilalamig sa kalye kapag natutulog. Marahan kong pinapakinggan ang paligid nang biglang may malakas na boses lalaki akong naririnig na nagsasalita. May kausap siguro sa telepono. "Dad! I am here at the hospital-No! I just saw this girl sa likod ng ating kompanya. I did not do something wrong-Tsk! Fine. Okay. Okay. Dad, Please calm down, mas mabuti pa ikaw mismo pumunta rito para masabi mong nagsasabi ako ng totoo. Shocks! Ako pa nga itong tumulong-  Argh! Fine! Bye." Iyan ang ingay na naririnig ko ngayon dito. Nalilito ako if ano ang ibig sabihin ng lalaki. Gusto kong malaman ang nangyayari kaya pinilit kong ibuka ang aking mga mata. At marahang kinipat-kipat at saka parang nakakasilaw ang ilaw rito dahil dumiditekta sa aking mga mata. Napapitlag naman ako sandali nang biglang may sumigaw. "Nurse. Doc! Gising na po ang pasyente." I felt his voice a little bit shaky. Naibuka ko na ang dalawa kong mata at tinitigan ang buong silid. Kulay puti lahat ang kulay na naririto. Nang may lumapit na doctor at nurse sa akin. Roon ko na napagtantong na sa isang hospital room pala ako. "Nurse Jill, get her temperature and blood pressure." Utos ng doctora sa kasama niyang nurse. Na sa nurse at doctor lang ang atensiyon ko that moment nang biglang may nag-uusap sa likod nila. Dalawang boses lalaki. "Ano na naman itong ginawa mong kalokohan bata ka! I only commanded you to just throw the garbage outside the building, then what now? Nandito ka sa hospital with that innocent girl laying on that bed? What happened?" "Dad, calm down, please, nasa hospital tayo. Nakakahiya." Sabi ng mas batang lalaki sa kanyang ama. "Nakakahiya? May kahihiyan ka pa pala r'yan sa katawan mo? Huh!" At nag-iwas ako ng tingin sa kanila nang natuon ang atensiyon ng matandang lalaki sa gawi ko. At saka lumapit ito. "Doc, how's the patient?" He asked worriedly. "She's okay now, Mr. Esguerra. Nahimatay lang siya dahil sa sobrang pagkagutom at na dehydrate rin siya dahil sa init siguro sa pinaglakaran niya." Espleka ng doctor. "Hmm, mabuti kung ganoon. Akala ko lang kasi may ginawang katarantaduhan na naman ang anak ko, alam niyo naman na suki na siya rito sa hospital. He's a total pain in my ass." Pagmumura ni Mr. Esguerra. "Tsk!" Tanging reaksyon lang na ginawa ng binatang lalaki. Tumingin naman sa akin ang matandang Esguerra. "Hija, you feel okay now?" He asked using a soft tone of voice. "Ahh O-Opo Mr. Esguerra. Maraming salamat po. Pasensya na po sa abala." Humingi ako ng pasasalamat at pasensya at saka nagyuko. "No, it's fine hija-" "Dad!" Nakakunot na naman ang noo ng kanyang ama nang nakalapit na ang binatang lalaki at umalis na rin ang doktora at saka ang nurse. Naramdaman na naman siguro ang init ng awayan nilang dalawa. "What?" "Dad, ako ang nararapat na pasalamatan ng batang babaeng iyan, dahil ako ang nagdala sa kanya rito at isa pa. Kailangan niya bayaran ang hospital bills dito- Aray!" Binatukan naman siya ng kanyang ama. "Wala ka ba talagang tamang pag-iisip Luisito!" At sa pangalawang batok ulit ng ama niya ay nasangga na niya ito. "Dad naman! Luis po! Can you drop that Luisito name kung na sa public place tayo. Nakatataas kasi ng dugo!" Maarte niyang pasaring sa Daddy niya. "Sa ayaw at sa gusto mo! I will call you Luisito dahil iyon naman talaga ang pangalan mo! May pa Luis-Luis ka pang nalalaman," Matapos niyang bombahin ng pangaral ang kanyang Anak ay ako naman ang kanyang tinignan. May binubunot siya sa kanyang bulsa. Isang wallet na kulay brown at may tatak pang Lacoste. Bongga. "Oh ito calling card ng kompanya. Call me if something na may masakit sa 'yo. Kasalanan naman kasi ng anak ko ang nangyari-" "Dad! Sinabi ko na 'di ba? 'Di ako ang may ka-" "Shut up!" Sigaw sa kanya ni Mr. Esguerra. "Pero, Dad!" Umaangal pa rin siya pero 'di na siya pinapakinggan ng kanyang Daddy. Esguerra Marketing Company Call: 222-0222-0398 CEO/COO Mr. Lorenzo Esguerra.  Santo Rosario St. 0234 CC. Iyan ang nakalagay sa calling card na binigay ni Mr. Esguerra. "Pero Sir, wala po kasi akong telepono para makatawag po ako sa inyo." Paliwanag ko sa kanya. "Sa Mama mo o Papa mo." Sabi niya. "Wala na po akong magulang. Laking kalye lang po ako." "Mudos iyan Dad! Naniniwala ka r'yan? Naku! E, tignan mo nga ang kutis! Ang puti, kulang lang ng paligo pero kapag nakaligo na 'yan maputi 'yan! At saka titigan mo ang mata. Kulay asul! Sinong maniniwala na laking kalye 'yan? Tapos ang buhok kulay light gold? Paanong naging laking kalye 'yan ha?" Tinituro-turo pa ako ng ungas na ito. Mataman naman akong inuusisa ni Mr. Esguerra at parang nag-isip rin sa bawat tamang pagkasabi ng Anak niya. Kaya para madepensahan ang sarili ay nagsalita na ako. "Yes may dugong bughaw ako, pero wala akong mga magulang at naninirahan ako sa kalye bilang isang pulubi. Nangangalakal lang ako, para mabuhay ako. Kaya h'wag kang mambintang dahil wala kang alam! Mabuti ka nga may ama ka! Ako? Hindi ko kilala ang mga magulang ko. Dahil they leave me beside the street. 'Di mo kasi alam dahil mayaman ka. 'Di mo alam kaya tumahimik ka! H'wag kang judgemental!" Depensa ko sa aking sarili. "Hija, pasensya ka na sa anak ko. Ungas lang talaga ang batang 'yan! Malaking problema sa buhay!" Sabi sa 'kin ni Mr. Esguerra. Malakas ang kalabog ng pinto dahil sa lakas ng pagsara niya sa pintuan nitong silid na kinalalagyan ko. "Hija, I am sorry for what my son's attitude. Ganoon lang naman kasi ang anak ko. Pero, bakit ka iniwan sa kalye? So ibig sabihin din ba noon ay 'di mo rin alam kung sino ang totoo mong mga magulang?" I felt pity in every words he said. "Opo, Sir." Niyakap lang ako ni Sir Esguerra at may sinabi. "You can work as maid in the house, hija, para naman may tirahan ka. Lalo na maraming masasamang loob ngayon sa mundo at baka may mangyari pa sa 'yong masama 'pag na sa kalye ka." At nagbitaw siya ng yakap. Napaiyak naman ako.  "T-Talaga po?" Tumango naman siya. Kaya ako na rin ang yumakap kay Sir Esguerra. Ang bait ni Sir, sobra. Sana siya na lang ang ama ko. Baka sakaling 'di ako naging ganito ngayon. Ang sakit isiping ganito lang ako sa mundong ito, bilang palaboy.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작