bc

The Game Of Love Is Over (TAGALOG)

book_age16+
1.4K
선작수
6.2K
독자수
계약 결혼
운명적인
다재다능
CEO
드라마
bxg
유머러스
도시
오피스/직장
적에서 연인으로
like
intro-logo
작품 소개

Does the word 'us', exist? O, hanggang ikaw at ako na lang?

Baka pwedeng ako na lang?

How could our hearts choose where infact wala naman itong kamay para makapagturo. Wala rin naman itong mata upang makakita. At higit sa lahat wala naman itong buhay para...ahh, wait, shoot. I'm so damn.

I forgot the importance of our heart. Our heart is the one who beats for the right one in unexpected place and time. Ang puso ang kusang tumitibok at nagmamahal. Ang puso ang siyang namimili ng walang permiso kay utak.

Dahil kung nakikipagcooperate lang sana ang puso natin sa ating utak, e 'di sana--- walang nasasaktan at naiiwang luhaan. Walang umaasa dahil walang paasa. Walang mawawala kung nag-uusap ang puso at utak.

Pero ang totoo, tayo mismo ang nagdadala sa sarili natin. Tayo mismo ang nananakit sa sariling damdamin. Tayo mismo at wala ng iba pa. Dahil alam mo na ngang laro lang ang lahat. Eh bakit tinotoo mo na?

So this time all I can say, the game of love is finally over. And it's over, basta h'wag ka lang maghabol. Tao ka hindi ka hayop na nagmumukhang tanga.

Play the game, as it is.

chap-preview
무료로 첫화보기
Kabanata 1
Kabanata 1 Kahirapan I don't have anything to be proud of, I only have myself sa mundong ibabaw. Walang mga magulang na nagsisilbing kaagapay ko sa buhay, walang kapamilyang tumutulong sa akin sa oras ng kagipitan. Nagpalaboy-laboy lamang ako sa kalsada. Walang direksyon ang buhay. Kapag hindi ako namamasura ay wala akong naipapambili ng pagkain. Kapag hindi ako nagbebenta ng sampaguita wala akong panggastos sa iba ko pang kailangan. Sobrang hirap ng buhay. Sa edad kong ito natuto na akong kumayod ng todo. Natuto akong bumangon sa sarili kong mga paa. Hindi madali ang mamuhay sa gilid ng kalsada. Lalo na kung wala kang mga kasama. Mabuti na lang din ay 'di ako nag-iisang natutulog sa gabi. Dahil kasama ko ang pamilya ni Layka. Ang mama niya pati mga kapatid niya. Sila lang ang nagsisilbi kong kasama. Pero pagsapit ng umaga ay 'di kami magkakasama sa pangangalakal. "Nessay, paano ba 'yan? Mauuna na kami nila Mama sa pangngalakal, ha? Kita-kita na lang ulit tayo mamayang gabi rito sa pwesto natin. Sige, ha? Bye." pagpapaalam naman ni Layka sa akin dahil nagsitakbuhan na ang kanyang mga kapatid sa pangangalap ng mga basura. "Nessay, maiwan ka na muna namin, ha? Mag-ingat ka sa lugar na pupuntahan mo, okay? Marami pa namang kriminal na umaaligid ngayon." tinapik naman ako sa may kanang balikat ni Aling Tanya matapos niya akong payohan sa maaaring mangyari kapag 'di ako nag-iingat. "Lalo na ang ganda-ganda mong bata." ngumiti naman siya. Umangal naman ako. "Naku po, Aling Tanya kulang na nga ako sa paligo. Tapos sasabihan mo pa akong maganda. Saan naman po banda?" ngumisi na rin ako. "Hala ang batang 'to palabiro rin minsan. Naku Nessay. Kilala mo ba si Berto? Iyong anak ni Manang Karya r'yan na palagi sa computer shop ni Tonying?" "Iyong binata po ba na walang ibang ginagawa kung 'di ang maglaro na lang d'yan sa kompyuter. Asos. Mga tamad naman." inis kong usal. Naiinis kasi ako sa mga anak na ganoon. Walang ibang ginagawa kung 'di mag-aksaya ng oras at pera. E 'di kung naglilinis na lang sila ng bahay nila. Baka may silbi pa sila roon sa kanila. "Hala maka-snob 'tong batang 'to e parang may galit talaga." pasaring ni Aling Tanya sa akin. 'Di ko namalayang nakalapit na rin pala si Layka sa amin. At nakisali na rin sa usapan. "Ma, bakit ba ang tagal ninyong matapos mag-usap ni Nessay, at sa pagkakarinig ko bakit nasali ang pangalan ni Berto sa usapan ninyo? 'Di ba may crush 'yon kay Nessay?" "Layka!" saway ni Aling Tanya sa anak niya. "Ay sorry nadulas lang." ngumisi rin si Layka. "Kahit may gusto sa'kin 'yon, sorry na lang sa kanya. Kay bata-bata ko pa. Dose anyos pa ako at wala pa sa isip ko ang mga ganyan. Lalo na sa buhay kong ito. Walang pag-ibig sa buhay na ganito. Marami akong kailangan mairaos sa buhay. Pera ang kailangan ko at 'di ang pag-ibig na pasakit lang naman ang dala niyan sa buhay ng mga tao." napakahaba kong salaysay sa kanila. Wala silang imik na ginawa at natameme na lang. "Ano?" Usal ko. "Ang seryoso mo naman ngayon Nessay, may problema ka ba?" "Oo nga hija, may problema ka ba? Anong maitutulong namin sa 'yo?" Tumahimik ako saglit at saka tumawa na ng malakas dahil sa kanilang mga pasaring sa akin. Para silang nag-aalala sa mga madramang pahayag ko kanina. "Wala po 'no. Sadyang ganyan naman po talaga 'di ba? Katulad ng mga magulang ko. Kung mahal nila ako e bakit 'di ko sila kasama ngayon? Ang hirap kasi sa kanila, gagawa sila ng pamilya pero 'di nila magawang panindigan. Gagawa sila ng milagro, pero kung magbunga na, e boom. Wala na silang pakialamanan. Sa tingin ko nga parang sinadya lang nila akong iwanan sa kalye at pabayaan na dahil 'di nila ako magawang buhayin. Mga wala silang puso." lagi ko iyang sinasabi sa sarili ko kaya 'di na magawang lumabas ang mga luha sa aking mga mata. Napapagod na rin kasi talaga ang mata ko sa pag-iyak at pagbabalik tanaw sa damdaming dapat ko na sanang kalimutan. Pero dahil nakatatak na sa buhay ko ang katotohanang isa akong bunga ng pag-ibig na hindi naging successful. "Wow. Bongga mo na mag-isip Nessay. I and mama so proud of you. Biruin mo 'di ka na umiiyak sa pagsasabi mo ng mga katagang iyan. E noon nga grabe ka makangawa kesyo wala kang silbi, malas ka, 'di ka nila mahal kaya ka nila iniwan sa kalye. Pero look at you now. Wala ng iyak-iyak." napanganga ako literal sa pagiging Englisera ng kaibigan ko. "Wait. 'Di yata ako na inform about sa pagiging English speaking mo Layka. E noon ngang unang beses nating kitaan e para kang pipi. 'Di mo ako magawang kausapin dahil may accent akong iba at 'di ko rin alam kung bakit ako marunong mag-English." puna ko sa kanya. "Gaya nga ng sinasabi mo. Paano ba ako hindi matututo e ilang taon na ba tayong magkasama. At isa pa, ang arte ng boses mo 'di ko lang sinasabi dahil naaaliw ako sa boses mo sa ka ka-English mo. Biruin mo laking kalye tapos hayop maka-English parang nag-aaral." ani Layka. Ngayon ko lang din napansin ang style ng pagsasalita ko. 'Di nga siya nagkakamali. Althroughout this years ngayon ko lang nalaman na ganito pala ako magsalita. Natatawa ako sa boses ko dahil maarte nga pakinggan. Pero hoy, boses lang maarte sa akin pero 'di ako maarte interms of life na ganito. "Oh. Naging mahaba yata ang daldalan natin dito. Layka! Tara na at baka wala tayong makain ngayong araw." ani Aling Tanya. "Ay oo nga ano. Hala Nessay. Ikaw kasi e ang drama mo." paninisi sa akin ni Layka. "Anong ako? Ang mabuti pa. Tara na, at mangalakal na lang tayo kay sa naman magsisihan pa tayo rito." Nagsitawanan kami at saka nagsimula ng pumunta sa magkaibang direksyon.

editor-pick
Dreame-PD 추천픽

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
219.7K
bc

OSCAR

read
237.4K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.6K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.5K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
394.1K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M

스캔하여 APP 다운로드하기

download_ios앱스토어
google icon
구글 플레이
Facebook