bc

The Last Liberator

book_age12+
136
FOLLOW
1K
READ
adventure
powerful
brave
mystery
goblin
male lead
magical world
another world
secrets
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Si Simon Flabio Teres ang ikasangdaan saling lahi ni Gabriel na tagapangalaga sa The Concealed World. Siya na ang pinakahuling saling lahi dahil siya ay mapupunta sa misteryosong lungsod na iyon na siyang nakatadhana upang iligtas ang sangkaluluwa na naninirahan doon. May natatangi siyang lakas na nakapaloob mismo sa kanyang kaluluwa na nagmula sa kanyang ninunung si Gabriel.

Magigising na lamang siya, na naroroon na siya. Puno ng pagtataka at takot ang kanyang puso sa una lamang, dahil sa kanyang nakikitang paghihirap at pang-aalipin ng mga lahing demonyo na lumukob doon.

Magkakaroon ng isang matinding labanan sa pagitan ng mga demonyo at ng mga kaluluwa. Na dapat maipanalo ni Simon dahil nakasalalay doon ang ikatatahimik at kapayapaan ng lungsod.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
PROLOGUE Sa araw araw, na mga nagaganap na pakikipagsapalaran sa buhay sa mundong ibabaw. Sa daigdig ng mga taong buhay ay hindi maiiwasan nang sinuman, na kahit saan man na patuloy na may masawi na buhay. Na parang halaman na biglang malalanta, na matutuyo at malalagas. Ito ang paliwanag.. Kaya kahit maraming ipinapanganak sa mundong ibabaw ay may kapalit, na binabawian din naman ng buhay. Ang iba ay sadyang nakatadhana at kapalaran na talagang mamatay. Masasabing iyon na ang kanilang oras ng pag-alis nila sa mundong ginagalawan. Bata, sanggol matanda, dalaga, binata, ang iba ay nasa kalagitnaan ng normal na edad, anuman ang kasarian ay walang makakapagsabi kung saan talaga napupunta ang sinumang nilalang na namatay na. Dahil kapag nalaman mo iyon, ay kahit na gahiblang pag-asa na maiparating mo sa mga nananatiling buhay ang lihim ng kamatayan ay walang walang pag-asa. At sinu nga ba ang makakapagsabi sa kaninuman? Nang pagkakaroon pa ng isang mundo na kung saan doon lahat napupunta ang mga taong nabuhay ng minsan pero namatay na isang aksidente lamang o hindi pa dapat iyon ang panahon ng kanilang pagpanaw. Dahil hindi nila naingatan ang katawang lupa na kanilang tinitirhan. Maaaring ng dahil sa pagkakasakit ng malubha o sa isang pangyayari na hindi lubos na inaasahan. Hindi pa talaga iyon ang kanilang oras ng pag-alis sa mundo, pero nangyari ng biglaan, na wala pa sa nakatakdang panahon. Kung halimbawa ang isang tao ito ay nakatadhanang mamamatay sa edad na singkwenta'y kwatro. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari o aksidente ay namatay lamang siya sa edad na labing dalawang taong gulang. Kaya may kwarenta'y tres pang mga taon ang natitira sa kanyang buhay. At dahil sa pangyayari iyon ay hindi pa siya maaaring mapunta sa kanyang destinasyon. Kung sa langit man o sa mundo ng impyerno. Kumbaga ay wala pa siyang pribilehiyo na pumunta sa talagang lugar na nararapat para sa kanya. Kinakailangan pa niyang bunuin ang natitira niyang 43 years na dapat nabuhay pa siya. Pero wala na siyang pagkakataon na magawa iyon dahil ang tinitirhan niyang katawang laman ay patay na, at unti unti ng mabubulok hanggang sa malusaw at maglaho sa paglipas ng mga taon. Kung ganoon ay saan siya mapupunta? Saan niya tatapusin ang 43years na mayroon pa siya kung patay na ang kanyang katawang laman? Doon papasok ang 'the Concealed World.' O ang natatagong mundo ng mga nabubuhay na kaluluwa lamang. Walang sinumang makakapagsabi kung totoo ba iyon o talagang umiiral ba ang klase ng lugar na iyon. Dahil kapag napunta ang isang namatay na tao ng dahil sa isang hindi inaasahan na kamatayan o isa lamang aksidente dahil hindi pa iyon ang kanyang oras ay doon dederetso ang kanyang kaluluwa. Hinding hindi na siya makakabalik sa mundo ng mga buhay dahil wala na ang kanyang katawan na magagamit. Wala na iyong buhay at mapupunta na sa pagkabulok at pagkasira. Kaya wala na talagang pag-asa pa na malaman ng mga nabubuhay na may ganoong klase ng lugar na umiiral sa sangkatauhan. Bago ka makapasok sa lihim na mundo ay kailangan mong magkaroon ng isang katawan na hindi malakas pero hindi namamatay. Hiram lamang ang katawan na iyon, at para lamang makapanahan ka sa ganoong lugar. Mawawalan lamang ng buhay ang katawang iyon kapag natapos muna ang mga taon na dapat mong tapusin sana sa mundo ng mga buhay. At kapag matagumpay mo ng natapos ay saka ka lamang makakalabas sa natatagong mundong na iyon at pupunta sa iyong destinasyon. Pero ang paraan ng ibinuhay mo doon ay hindi magiging basehan para mapunta ka sa langit o sa impyerno. Dahil nanatiling basehan pa rin ay ang paraan ng ibinuhay mo sa mundo ng mga tao. Kumbaga, ay sadyang tatapusin mo lamang ang mga natirang mga taon na dapat sana ay patuloy ka pa ring existido sa totoong mundo pero ng dahil sa kamalasan ay hindi mo naingatan ang katawan na tinitirhan mo. Kaya ang halimbawa ay nakatadhana ka na mamatay sa edad na sisenta'y uno pero aksidenteng namatay ka sa edad na sisenta ay kailangan mo pang maglagi sa Concealed World ng isang taon bago makapunta sa iyong destinasyon. Kaya masasabing malas ng mga taong napaaga ng sobra ang kamatayan dahil ang ibig sabihin ay napakaraming taon pa ang kakailanganin niya ilagi doon. Noon marami ang natutuwa na doon mamuhay sa concealed world habang naghihintay ng nakatakdang panahon, dahil isang payapa at tahimik ang lugar na iyon. Kahit pa sabihing isang mabato at puro lupa lamang yari ang kabuuan ng mundo. Para lamang siyang isang lugar na hindi makita ang pinakadulo. Dahil sa isang pagiging mahina ng isang nilalang, kaya walang kakayahan na lakbayin pa sa kung hanggang saan ba naaabot ang lugar. Kadalasan ay hanggang sa may bukana lamang naglalagi ang mga napupunta doon. Doon na lamang silang maglalagi habang naghihintay. Lalo na ang mga alam nila na sandaling panahon lamang ang ilalagi nila sa lugar na iyon. Halimbawa ang mga wala ng isang taon ang bubunuin doon ay hindi na naiisipan pang lumayo sa malaking pintuang gawa sa iba't ibang klase ng matitibay na mga bato na walang sinumang may kakayahan na sirain iyon. Kaya hindi na sila nag-iisip na tuklasin pa ang mga bagay na nasa malalayong lugar na nakapaloob sa mundong iyon. Ang mundo na iyon ay walang gabi at walang umaga, walang klima, walang malakas na hangin o ulan. Mistulang dapit hapon sa tuwina ang kalawakan, at ang bilog na apoy na siyang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng siyudad ay laging nasa parteng norte. Hindi iyon kumikilos o naiiba ang pwesto. Wala rin sa sinumang namumuhay doon ang makapagsabi kung ang bilog na apoy ba ay isang araw o bituin. Dahil ang lahat na mga ipinapasok doon ay wala ng kakayahang alalahanin pa ang lahat ng mga bagay na natutunan niya sa mundo ng mga tao. Nakalimutan na lahat ang anumang katalinuhan na mayroon siyang taglay. Payapa din naman ang mamuhay sa Concealed World. Wala naman silang kailangan pang isipin kung paano nila mairaraos ang pang araw araw na pamumuhay doon dahil ang katawan nila ay hindi na kailangang kumain o uminom man lang. Basta walang ibang gagawin ang isang napapunta doon kundi ang maghintay ng kanyang pag-alis din sa lugar na iyon. Ang mga kaluluwa na mapupunta sa langit,. Matinding pagkainip ang nadarama ng mga iyon dahil sa gustong gusto na nilang makarating sa lupang pangako dahil sa kanilang ginawang mga kabutihan sa mundo ng mga tao. Kabaligtaran ng mga taong mapupunta sa impyerno naman ang nadarama ng mga masasama. Mas gusto na ng mga iyon na doon na lumagi sa lugar na iyon, na huwag ng umandar ang napakalaking orasan na nakadikit sa pintuang bato. Dahil alam nilang katakut takot na parusang pagkasunog ang kanilang dadanasin sa purung apoy na impyernong dagat. Malalaman mo na ang iyong destinasyon bago ka umapak sa dakong iyon. Sasabihin ng punong tagabantay na nakapwesto sa kanang bahagi ng malaking pintuan. Ang mga may puting bilog sa noo ay naglalarawan na sa langit ang iyong patutunguhan pagkatapos na ikaw ay maglagi sa lugar na iyon. At ang mga may itim na bilog naman sa noo ay sa sinumpang impyerno. Ang mga kaluluwang nabubuhay doon ay may iisang lengwahe, kung paano nila nalaman o nagawang magsalita ng ganoong ay hindi nila nalalaman. Walang mga lahi. Kundi iisang anyo lamang ang lahat. Kahit nagmula ka pa sa lahi ng mga kano, kastila, intsik, indiano. O ikaw ay nagmula sa malayong silangan o gitnang silangan na mundo. Ang katawan na iyong hihiramin para makatahan ka sa lugar na iyon ay halos magkakamukha ng aura at istilo. Puro maiitim, na payat na matatangkad. Mga walang buhok. Wala ding kasarian. Kaya kahit isa kang bata na namatay o isang matanda, o isang babae o isang lalaki, anumang lahi. Pagpasok mo sa lugar na iyon ay ang katawan na ipapahiram sa iyo ay katulad ng mga kaluluwang naroroon na. Bago ka papasukin ng tagabantay sa labas ng batong pintuan ay pauupuin ka muna sa isang napakalaking silid. Magbabasa ka muna ng isang librong naglalaman ng mga batas at alituntunin sa iyong titirahang mundo. Kinakailangan na naintindihan at inunawa mong mabuti ang lahat ng iyong mababasa. Dahil hindi ka maaaring magpanggap na naunawaan ang mga nasa librong nakasulat dahil ang bantay na magpapapasok sa iyo doon ay nakakabasa ng iyong diwa. Kaya kung hindi mo ganap na naunawaan ay muli kang papupuntahin sa kwartong iyon upang muling magbasa, hanggang sa iyo nang ganap na maunawaan ang lahat. Masasabing napakaayos ng lahat ng proseso at mga alituntunin na pinaiiral sa Concealed World. At halos lahat ay nagagawa talagang makapagpahinga doon at makapagrelax. Dahil iyon sa maayos na pagbabantay at pamumuno ng pangulong bantay na si Gabriel. Mahalaga ang lahi na mayroon si Gabriel na nasa mundo ng mga tao. Dahil ang dugo nito at mga kadugo lamang nito ang makakayang pamunuan ang Concealed World upang manatiling payapa ang lahat. May nananalaytay na kakaibang lakas na likido na nasa mismong kaluluwa ni Gabriel na minana ng kung sinumang natitirang lahi nito sa lupang ibabaw. Pero ang malaking tanong ay kung may natitira pa bang lahi si Gabriel sa lupa ng mga tao? Walang nakakalam, at walang pwedeng umalam dahil walang namang ugnayan ang dalawang mundo. Pero ang bagay na iyon ay hindi na muna binibigyan ng importansya dahil napakahabang panahon o isang magpakailanman man ang termino ni Gabriel upang mamuno sa Concealed World Pero sa kasamaang palad ay biglang naglahong parang bula na lamang si Gabriel sa lugar na iyon. Na wala man lamang makapagsabing sinuman kung saan ba napunta ang kaluluwa nito. Kung bumalik ba ito sa mundo ng mga tao o may kumuha ba dito? Gayong hindi pa natatapos ang isang milyong taon na termino nito bilang isang pinunong tagabantay ng siyudad. Marami ang nabahala at natatakot para sa katahimikan ng lungsod. Hindi kasi pupwedeng walang mamumuno sa Concealed World dahil maaaring samantalahin iyon ng mga demonyo sa impyerno upang pamunuan ang lungsod. Na kung mangyayari ang kinatatakutan ng mga naninirahan doon ay tiyak na hindi na magiging lugar iyon ng kapahingahan. Magiging isang mapagparusang lugar, na puno ng kaguluhan at p**********p. Dahil tiyak na hindi papayag ang mga demonyo na manatili ang kapayapaan sa lihim na dako na iyon..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook