bc

Barbara Catacutan

book_age12+
36
FOLLOW
1K
READ
fated
goodgirl
comedy
sweet
bxg
campus
city
school
weak to strong
lonely
like
intro-logo
Blurb

"Alam mo kung pinagmamasdan mo lang ang pagmumukha mo sa salamin! Hindi ka siguro magkakaroon ng lakas ng loob na ipahiya ako!" Galit at palaban na saad niya s kaharap. Sobrang gigil na gigil na siya dahil sa kasamaan ng ugali ng babaeng kaharap. Hindi niya alam kung bakit nagagawa nito na ipahiya siya sa harap ng maraming tao.

"Talaga lang Miss Barbara Catacutan!" Ipinagsigawan pa nito ang panget niyang pangalan. "Eh ikaw ang lakas ng loob mong rumampa! Hindi rin naman bagay sa iyo! Pa Ara Ara ka pa. Yuck!" Parang diring diri wika nito na naging dahilan ng kanyang pag-iyak. Talaga yatang kasumpa sumpa ang pangalan niyang taglay kaya siya ginaganon ng mga taong nakapaligid sa kanya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ara anak bakit ka umiiyak?" Gulat na tanong ng ina, pagkabukas nito ng pintuan. Galing siya ng kanilang school at umuwe siyang luhaan. Ang sanhi ay naging tampulan na naman siya ng tawanan ng mga classmate niya. Ewan ba niya kung bakit ba ang sasalbahi ng mga iyon at lagi siyang pinagdidiskitahan. Inaasar ng mga ito ang kanyang pangalan na Barbara Catacutan. Lagi nga niyang inuulit ulit sa mga iyon na Ara na lang ang itawag sa kanya dahil palayaw naman niya iyon. Pero hindi siya sinusunod ng mga ito, sa tingin niya ay nasisiyahan ang mga kaklase niya na tawagin siyang Barbara tapos magtatawanan ng malalakas. Kaya lagi siyang umiiyak tuloy dahil sa ipinagsisigawan pa talaga ng mga ito ang pangalan niya. Matitigil lang ang pang aasar sa kanya kapag dumating na ang kanilang titser. Inis din siya sa mga guro nila. Dahil kung hindi dahil sa mga ito ay hindi malalaman ng mga classmate niya na Barbara ang pangalan niya. Araw araw na lang ay nagtatawag ang mga titser ng mga pangalan nila bilang pagcheck ng attendance. Akala mo naman ay nawawala sila lagi. Pwede namang kapag nakita ng mga ito ang pangalan niya ay sulyapan na lamang siya sa kanyang kinauupuan. Katulad ng ginagawa ng kanilang titser sa P. E. na si Mrs. Ramos. Kaya ito talaga ang nag iisa niyang gusto na titser. The rest ay ayaw na niya. Nasasabi niya nga sa sarili na kapag siya ay nakapagtapos na ng high school ay hinding hindi niya babalikan ang mga iyon. Tanging kay Mrs Ramos lang siya dadalaw. Natandaan niya kasi nung unang mga araw niya sa school, ay Ara ang sinabi niyang pangalan niya sa mga nagtatanong na kaklase niya, sa mga nagpapakilala sa kanya. May mga nagsabi pa nga na ang cute daw ng kanyang name, at bagay na bagay sa kanyang cute na mukha. Pero katapus tapusan, nung checking of attendance na ay nagulat ang mga ito nang marinig ang pangalang Barbara Catacutan. Nakita niyang naglingunan ang iba sa mga kaklase niya at hinahanap kung sino ang tinatawag. Hindi kasi siya agad nagtaas ng kamay at parang nanigas siya sa kinauupuan. Buset na buset siya sa titser na iyon, hindi man lang nagpasintabi sa kanya. Walang pakialam sa damdamin niya. Inulit pa talaga ang pagtawag sa buo niyang pangalan at lumibot ang mga mata. Ang sakit sakit tuloy ng dalawang tainga niya dahil sa pangalan niyang taglay. No choice na siya kundi paunti unti niyang itaas ang kanang braso. Parang ang bigat tuloy ng braso niya, gayong payat naman siya. Dama niya na tumutok ang mga mata ng lahat ng tao sa classroom na iyo sa kanya, at iinit na ang dalawang pisngi niya. Halos pigil ang hininga niya at napapikit na siya ng may tumawang isa. Tapos ay nagtawanan na ang lahat. May umulit ulit pa sa pangalan niyang Barbara. Kaya super embarassing moment talaga iyon sa high school life niya. "Class stop!" Madiin at malakas na sabi ng titser na iyon. Pero hindi siya natutuwa kahit pa sinaway nito ang mga classmate niya dahil hindi niya makakalimutan na ito ang dahilan kung bakit nalaman ng lahat ang napakapangit niyang pangalan. Tingin niya sa malas niyang pangalan ay name of a witch. Mula ng magkaisip siya at nalaman niya ang pangalan na iyon ay nangarap na siya nasa paglaki niya ay mag iipon siya ng maraming pera para magawa niyang palitan ang pangalan niyang taglay. Mamimili siya ng pinakamagandang pangalan sa balat ng lupa talaga. "M-ma alam mo na po kung bakit ako umiiyak." Pasinghot singhot pa siya habang nagsasalita. Kahit papaano ay ayaw naman niyang sisihin ang ina sa pagbibigay sa kanya ng pangalang iyon. Mahal na mahal pala kasi nito ang lola niyang namayapa. At gusto nito na may nagpapaalala dito lagi. Naalala niya nung bata bata pa siya na tinanong niya ang ina kung ang pangalan ba niya ay maganda sa kapanahunan ng lola niya. Ang sagot naman nito ay oo. At ipinagmalaki din ng ina na nagmana siya sa lola niya na maganda at maputi. Tiyak daw na paglaki niya ay mukha siyang isang modelo dahil ganoon daw ang lola Barbara niya. Pati daw ang hugis heart na mukha niya ay namana niya rin. Kaya ibinigay din nito sa kanya ang pangalang Barbara. Nung idinugtong niyang sabihin sa ina na ang kanyang pangalan sa panahon ngayon ay katawa tawa. Nakita niyang nagulat ito ng sobra at namutla pa. Kaya never na niyang inulit sa ina ang pagsasabi ng hindi maganda ang pangalan niyang taglay. Ayaw niyang masaktan niya ang damdamin ng kanyang ina. "Anak huwag mo silang pansinin, hayaan mo lang sila sa pang aasar sa iyo, kita mo mapapagod din sila at titigil na rin." Saad ng ina, gusto niya sanang sumagot pa dito at sabihing hindi naman pwedeng hindi niya mapansin ang mga pang aasar sa kanya lalo na at lantarang pinagtatawanan siya. Ang dapat talaga ay iniba na lang ng kanyang ina ang pangalang ibinigay sa kanya. Pwede namang Christine, Angelica or Hanna. Napakaraming magagandang pangalan na nag eexist. Sana ay naisip iyon ng kanyang ina. Eto siya ngayon nagdurusa dahil sa pangalan niyang taglay. Ang masaklap pa ay binagayan pa iyon ng apelyido nilang Catacutan. Lalo tuloy pumanget ang Barbara. Para na tuloy siyang witch talaga. Kulang na lang ay ang walis na sasakyan niya. Pero pinili na lamang niyang manahimik. Alam niyang pwedeng masaktan niya muli ang ina kung magsasalita pa siya. Napakabuting ina pa naman ito sa kanya. Kita niya na talagang ginagawa nito ang lahat para lamang maalagaan siya ng maayos. Nag iisa siyang anak nito. Dalawa lamang sila sa bahay na iyon dahil ang Papa niya ay nasa Saudi at naghahanap buhay doon, may tatlong taon na ang nakararaan ng umalis ito. Katulad niya ay nag iisang anak din ang kanyang Mama at ulilang lubos na sa mga magulang. Ang lolo at lola naman niya sa side ng kanyang Papa ay nakabukod at papunta punta lamang sila doon ng ina kapag may okasyon. Malaki ang bahay na iyon na minana ng kanyang ina sa kanyang lola nga na si Lola Barbara. May kalumaan na talaga, at iyon nga ang balak ng kanyang Papa na ipaayos iyon kaya ito nag abroad. Sa ngayon ang pagkakaalam niya ay nag iipon pa ang mga magulang para dere deretso ang pagpapagawa nito. Up and down iyon na may apat na kwarto sa itaas at isang maliit na kwarto para sa kanilang tambakan ng mga gamit na hindi na nagagamit. Tig isa sila ng Mama niya ng room, pero madalas ay doon na siya natutulog sa kwarto ng ina at nakayakap dito. Ang dalawang pang kwarto ay bakante pero nananatiling maayos para kung magkaroon sila ng bisita. Pero may balak na siyang gawin sa isa, at balak na niyang sabihin iyon sa ina kapag nagkabadget siya. Tapos maluwang ang pinakasala sa ibaba, pwede ka pang magsayaw ng ballroom dancing sa luwang at may dibisyon ang kanilang malaking kusina at lutuan. Plus may isang kwarto pa ulit na tambakan pa rin ng mga gamit ng mga yumaong magulang ng kanyang ina. Dalawa ang banyo ng kanilang bahay. Isa sa taas at isa sa may bandang kusina. Sa may bakuran naman ay napakaraming halaman, parang jungle na nga iyon sa tingin niya. Iyon kasi ang pinagkakaabalahan ng ina niya sa araw araw. Punong puno sila ng mga halamang nasa paso. Kung minsan ay may bumibili sa kanila ng mga halaman. Sa bandang likuran ay may tatlong puno. Puno ng Santol, Mangga at malaking puno ng kamias. Nung bata pa siya ay lagi siyang nakalambitin sa mga iyon na parang unggoy. Magaling siyang umakyat ng puno at talent na niya iyon. Sila ang hingian ng mga kapitbahay kapag namumunga ang mga iyon. Kaya ang Mama niya ay maraming kaibigan sa kanilang lugar dahil palabigay nga ito. Buhay probinsiya talaga, yung tipong bigayan ng ulam sa mga kapitbahay. Kaya kung minsan ay hindi na nagluluto ang kanyang ina ng maiuulam nila. Pero kapag ito naman ang naisipang magluto ay bandehado at ipapamigay din naman sa mga kalapit bahay. Hindi kasi sila malakas kumain na mag ina kaya pareho silang slim. Turo din iyon sa kanya nito dahil kapag daw mataba ay sakitin at mabigat ang katawan para ikilos. Saka isa pa ay pangarap yata ng Mama niya na maging modelo siya. Pero hindi niya pangarap iyon, dahil ang gusto niya ay maging isang doktor. Sa katunayan ay favorite subject niya ang Science lalo at sa parts of the body ang tema. Laging 100 ang score niya sa mga exam. Mula pa sa elementary days niya. Yun nga lang kapag sa ibang kurikulum na ay nabobokya na siya minsan. "Anak kumain ka na oh. Huwag mo ng isipin iyon." Lambing ng Mama niya tapos ay ngingiti ng matamis kaya hindi niya rin maiwasan na magmaktol dahil sa hindi niya kayang tiisin ang kanyang ina. "Kare kare pa naman ito, bigay ni tita Lenie mo." Ang tinutukoy nito ay ang katapat bahay nila. "Okay Ma. Saka hinawakan na niya ang tinidor at kutsara. Nakita niyang pumuwesto na rin ito sa tabi niya kaya nagsimula na silang kumain. Wala din namang mangyayari kung magmamaktol siya at sasama ang loob niya. Dahil pangalan na niya iyon at hindi na mapapalitan pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook