PROLOGUE
Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang katulong ay pakakasalan ng kanyang boss which is Mayaman. Siya si Sandra mahirap lang ang pamilya na kanyang pinagmulan ngunit mayaman naman sa pagmamahal dahil sa mabuti niyang mga magulang. High school lang ang natapos ni sandra at tanging pagbubukid lang ang hanap buhay ng kanyang mga magulang. Pero kahit ganon paman ay hindi niya ikinahihiya na ganon ang trabaho ng magulang niya.
Masaya naman sila subalit nagkaroon ng pagsubok ang pamilya ni sandra na naging dahilan para lumuwas sya ng maynila para maghanap ng trabaho para siya naman ang makatulong sa mga magulang.
Nagkasakit ang tatay niya na naging dahilan para hindi na ito makapag trabaho dahil sabi ng doctor ay di na daw ito makakalakad.
Sinolo lahat ng nanay niya ang trabaho sa bukid pero dahil babae ito ay di nito mapantayan ang trabaho ng tatay niya noon.
Nilisan na nga ni sandra ang kanilang bayan para tumungo sa manila, ayaw man sya payagan ng mga magulang ay disidido na talaga siyang umalis.