bc

Ang Pari At Ang Prosti

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Sa tapat mismo ng simbahan nagbebenta ng katawan ang mga babaeng bayaran at bumibili naman ang mga hayok sa laman. Isa 'kong babaeng bayaran, isang puta. Disinuwebe anyos na ko at apat na taon na kong nag bebenta ng katawan. Noong nagsisimula pa lamang ako ay para akong tupang binalatan at itinambog sa apoy. Siguro ay sanayan lang o naging manhid na ko sa mga nangyayari.Dito sa bayan pag patak ng umaga ay magsisimba ang mga tao, pero pagsapit ng dilim ay parang wala na silang sinasanto.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Bayaran ng bayan
Sa tapat mismo ng simbahan nagbebenta ng katawan ang mga babaeng bayaran at bumibili naman ang mga hayok sa laman. Isa 'kong babaeng bayaran, isang puta. Disinuwebe anyos na ko at apat na taon na kong nag bebenta ng katawan. Noong nagsisimula pa lamang ako ay para akong tupang binalatan at itinambog sa apoy. Siguro ay sanayan lang o naging manhid na ko sa mga nangyayari. Dito sa bayan pag patak ng umaga ay magsisimba ang mga tao, pero pagsapit ng dilim ay parang wala na silang sinasanto. "Inay gabi na pero bakit wala silang balong sa ulo?" Sambit ng isang batang babaeng nakatingin sa direksyon ng bahay aliwan. May hawak silang kandila na nakasindi. Hinawakan ng matandang babae ang mukha ng bata at inilayo ito sa pagtanaw. "Huwag mong tingnan, mga marurumi ang mga yan." Sabi ng matanda at agarang hinaltak ang bata para makalayo. Hinawakan ko ang buhok ko para ayusin kasabay naman nito ang pagdaan ng isang lalaki. Nginitian ko siya at kinawayan, hinawakan naman niya ang kamay ko at hinalikan. "Magkano isang gabi?" Tanong ng lalaking huminto sa hasap ko. "Tara, sa loob tayo magusap." Hindi ko pinutol ang tingin at sabay hawak ko sa kanyang balikat. Hinawakan niya ang tagiliran ko at pumasok kami sa loob ng bahay. --- Bumangon ako sa kama para isuot ang saplot ko. "Hindi ba pwedeng isa pa." Bukang bibig ng lalaking nakahilata pa sa kama. "Hindi pwede kulang pa nga ang bayad mo." Sabi ko ng nakangiti. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang gripo at idinampi ko ang mukha ko sa tubig. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nagpunas gamit ang panyo para ayusin ang colorete sa mukha ko. Ngumiti ako sa salamin. Pera ang kapalit ng dignidad ko at pera lang din ang kapalit ng pagraos nila. "Carmela, merong naghihintay sayo." Inayos ko ang buhok ko at kinuha ko ang ipinasok ang mga gamit ko sa kartera. "Oo, andyan na."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I have 8 mates

read
332.0K
bc

Love Beyond Numbers

read
1K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
339.7K
bc

My Legendary Alpha Mate

read
82.4K
bc

Dominating the Dominatrix

read
43.4K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
160.2K
bc

The Clawless Luna Wants Rejection

read
1.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook