bc

Boundlessly (La Esperanza Series #2)

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
billionaire
contract marriage
HE
opposites attract
kickass heroine
powerful
bxg
small town
disappearance
lies
like
intro-logo
Blurb

Solana Eveline Acosta hated Pierce when she first saw him; arrogant, bossy, and as hard as rock. Pagtapak niya pa lamang sa bayan ng La Esperanza ay sukdulan na ang iritasyon niya para sa lalaki. Solana got involved in an accident, at para protektahan ang kaniyang buhay ay kinailangan niyang magpanggap bilang pamangkin ni Donya Viera.

But what if she gets entangled with the donya’s real nephew? Walang iba kundi ang aroganteng si Pierce Atlas Archemedes na nagparamdam ng dalawang klase ng init sa kaniya—init ng ulo at init na hindi niya pa nararanasan sa kaniyang tanang buhay. At hindi pa nakatulong ang pag-alok nito ng kasal upang solusyunan ang kaniyang problema at problema nito! Pero para kay Solana, ang pagpapakasal kay Pierce ay pagtalon sa isang matarik na bangin—a sureball death.

But what if she falls in love in the midst of it all? Would Solana give way to Pierce’s boundless escapades even when she knows it’ll cost her heart?

chap-preview
Free preview
Prologo
Love is boundless, they said. It has no limits. It doesn’t know any rules. Kaya nga siguro maraming nagkakamali o nasasaktan. Dahil sa paniniwala na ito. Na sa pag-ibig, kapag puso ang nagdidikta’y wala nang laban ang kahit na ano. Na sa pag-ibig, kahit ang batas ay ‘di kayang pumagitna. Katulad na lang sa digmaan. Kahit na may pandaraya at panlilinlang ay wala nang pakialam. Ang mahalaga ay maipanalo ang laban. It pulls the dirtiest trick, because victory is far more important than being fair. Or maybe—there’s no fairness at all. Lahat ay kumikilos ayon sa kanilang sari-sariling pabor. Ganoon din sa pag-ibig. All is fair in love and war, ika nga. The affairs of the heart do not care about the rules. Pasaway ang puso, ganid na manalo sa pag-ibig. Gagawin ang lahat para lang dito. “Let’s go, Solana,” marahan at titig na titig sa akin na sinabi ng isang lalaking balbas-sarado. Malaki ang pangangatawan nito, may mga tattoo sa braso, at mahaba ang buhok na naka-man bun. For a split second, it even crossed my mind that he might be a professional wrestler or what! Nang hindi ako makakilos, halos sikuhin ako ni Tiyo Anselmo. Pagtapos ay ngumiti ito sa lalaking iyon. “Pasensya na kayo, Mr. Moore. Nagkasakit kasi itong si Solana. Alam ninyo naman ang schedule niya. She has been working tirelessly these past few months! Sana ay mahabaan ninyo ang pasensya sa kaniya,” kwelang sabi ni Tiyo Anselmo. Napatingin ako kay Tiyo. What? That’s not even true! Wala na nga akong endorsement dahil nagkandaletse-letse na ang career ko sa kung sinuman ang gustong magpabagsak sa akin! Nang tiningnan ako ni Tiyo Anselmo ay makahulugan ‘yon. Halos panlakihan niya ako ng mga mata at sinasabing sakyan ko ang kaniyang mga sinasabi kundi ay maglalaho lahat ng pinaghirapan niyang madala ako sa harapan ni Mr. Moore. Joseph Moore is a famous wealthy man. Hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. He’s also British. And as far as I know, married! Kaya hindi ko maiwasang maguluhan sa nangyayari at kung anong tunay nitong intensyon. “I understand, Anselmo. Miss Solana’s really hardworking. She needs someone to take care of her,” ang nakangiting sabi ni Mr. Moore. Kumikinang pa ang mga matang tila ba handa siyang gawin iyon para sa ‘kin. Nandito kami sa isang yacht club sa Lapu-Lapu. Kasalukuyang ginaganap ang isang exclusive party para kay Mr. Moore. Ladies are wearing their best dresses. And men are in fine suits. Hindi pa man kami sumasampa sa napakalaki at tiyak na napakamahal na yate ay ramdam ko na ang tensyon sa buong katawan ko, parang may hindi magandang mangyayari. At iba ang kutob ko sa pinaggagawa ng aking tiyo. Pero tuwing naiisip ko lahat ng pagsisikap niya sa ‘kin, kumakalma ako dahil alam kong hindi ako hahayaang mapahamak ni Tiyo Anselmo. “Sige na, Solana. Mr. Moore, kayo na muna ang bahala sa kaniya,” sabi ni Tiyo Anselmo at tuluyang binigay ang kamay ko sa lalaki. Even when I felt very disgusted, with this man’s infidelity towards his wife, hindi ako makagalaw o makahuma. Hanggang sa ang braso ko ay nakapulupot na sa braso ni Mr. Moore. Ngumiti sina Tiyo Anselmo kasama ang babae kong manager at umuna na nga sa pagsakay roon sa yate. Iniwan na nila ako rito sa matandang kulang na lang ay mahulog ang mga mata kakatitig sa akin! Inisang tingin pa ako ni Tiyo Anselmo na tila malilintikan ako kapag gumawa ako ng eksena. Wala na akong mga magulang. Tanging si Tiyo Anselmo na lang ang karamay ko sa buhay. Siya ang bunsong kapatid ni Mama. My parents died a long time ago when I was a kid. My mother from her sickness, and my father from depression dahil sa pagkamatay ng mama. Simula noon ay kinuha na ako ni Tiyo Anselmo at siya na ang nagpaaral sa akin. Wala siyang asawa at wala ring anak. Bukod sa dahil lalaki rin ang kaniyang gusto. May nakakalat na bodyguards sa buong party. Bago kami tuluyang sumakay sa yate ay may lumapit sa amin na mukhang mataas ang pwesto sa security team ni Mr. Moore at binigyan ako ng isang masquerade mask. Kulay ginto iyon at bumagay sa suot kong champagne gold dress na hapit sa katawan at spaghetti strapped. Para bang magkapares na magkapares ang dalawa. Naalala ko na ito ang pinasuot sa akin ni Tiyo Anselmo. “What is this for?” tanong ko at nagpalipat-lipat ang tingin kay Mr. Moore at kaniyang tauhan. Mr. Moore lets out an expensive chuckle. “Just for you protection, Miss Solana.” Umismid ako nang kaunti. Ngunit tinanggap na rin iyon at sinuot. Natatakpan din nito hanggang ilong ko. Hindi ako gaanong makikilala dahil na rin ang buhok ko ay nakapusod. I don’t wear the same accessories I usually wear. “To protect me? Or to protect your image?” may lamig kong tanong kay Mr. Moore. Ngunit sa halip na ma-offend ay lalo itong natuwa. Humithit ito sa tabacco sabay tingin sa bodyguard na parang tinatanong kung narinig ba nito ang tabas ng dila ko. “I like that sharp tongue of yours,” ani Mr. Moore. Pag-akyat sa yate ay sumalubong agad sa akin ang malamig na hangin. Naamoy ko ang alat ng dagat. At ilang sandali lamang din ay nagsisimula na itong umandar. It’s already dark. Nang tingnan ko ang langit ay tila ba tahimik ito, tila natutulog ang mga tagapagbantay. Habang dumaraan kami sa iilang bisita, nakita ko na may ilan ding naka-masquerade mask na katulad ko. Kaya naman kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko na hindi lang pala ako. May ilang naagaw ang atensyon dahil sa pagdaan namin pero dire-diretso lang kami patungo sa isang mas mataas na deck ng yate na ngayon ay umaandar na patungo sa gitna ng malawak na dagat. “I like your name. It means sunshine,” saad ni Mr. Moore noong inabutan ako ng alak. “Thank you, but I don’t feel like drinking tonight, Sir,” tanggi ko roon sa alak ngunit hindi nito iniwas iyon. Nakangiti pa rin siya at tumalas lang nang kaunti ang mga mata. Pagtingin ko sa tauhan ni Mr. Moore na umiinom na rin, para ba akong nakatali at hindi makakapalag. “Sige na, Miss Solana. Kaunti lang naman. Why? Are you afraid?” tanong ni Mr. Moore. Sinubukan kong ilibot ang aking paningin sa buong deck na kinaroroonan namin pero bukod sa nasa gilid kami ng railings ay mas marami sa guests ang nasa middle deck. “Hindi naman po,” sagot ko na lang at inabot iyong alak. Alanganin akong inumin iyon, pero sabi ni Tito Anselmo kanina bago kami pumunta rito, kapag nalasing ako ay kukunin naman daw nila ako ni Jemimah, my manager. Hinihintay nila ako na inumin iyon kaya naman sa huli, ginawa ko. Gumuhit agad ang pait nito sa aking lalamunan. Napangiti si Mr. Moore. “So, Miss Solana, do you have a boyfriend?” tanong nito at nagsimula na ang pag-uusap. Mabilis ang pangyayari. Kinakausap nila ako at hindi ko alam kung gaano kalutang ang sagot ko. Suddenly, I feel so high. Noong mapatingin ako sa dagat ay nakita ko ang ragasa ng tubig na patuloy sinasalubong ng yateng malayo na sa baybayin. “Miss Solana... halika na,” ang malalim na boses. Nahilo ako bigla. Hindi ko maintindihan at biglang parang may shut down button ang sistema ko. My mind suddenly went blank. “Sandali lang po... I want to go to the restroom,” saad ko dahil para na akong nasa ibang dimensyon. “Sure, hija. You want me to accompany you?” tanong ni Mr. Moore. Umiling ako at umalis na nga roon. Naghagilap ako ng banyo. Malaki ang yate at mayroong cabins. Pagkarating ko sa isang banyo ay halos matumba-tumba ako pagpasok doon. Napapahawak na rin ako sa ulo ko. Pakiramdam ko ay nakalutang ang mga paa ko sa ere. Hinagilap ko sa aking clutch bag ang cellphone ko at hinagilap ang pangalan ni Tiyo Anselmo. I think I need help. I think I’m very drunk! Kaso lang ay may pumasok sa banyo. Pagtingin ko sa salamin ng banyo ay may nakatayong lalaki. Lumapit ito at kinuha ang phone ko at nagpresintang tatawagan si Tiyo Anselmo. Iyon pala ang bodyguard ni Mr. Moore. “Natawagan ko na. Ipagpahinga mo na raw muna at susunduin ka. May kausap lang sa baba,” sabi nito na ikinatango ko. “Thank you,” sabay tanggap muli sa phone ko. “Halika na, Miss Solana.” Inakay na ako nito palabas ng restroom. Nakita ko ulit si Mr. Moore at kung wala lang akong lipstick, pakiramdam ko ay kitang-kita ng lahat ang pamumutla ng mga labi ko. Hindi na maganda ang pakiramdam ko. Nag-usap si Mr. Moore at ang tauhan. Parehas seryoso ang mga mukha at mapanganib ang tingin. Pagtapos ay tinapon na ni Mr. Moore ang sigarilyo roon sa dagat. Dinala nila ako sa isang kwarto. Doon nagsimulang haluan ng malakas na t***k ng puso ko ang lutang kong pakiramdam. “S-Sandali... saan ninyo ako dadalhin?” tanong ko dahil sa paghila sa aking braso. “Sa kwarto, Miss Solana. Magpahinga ka na dahil susunduin ka ni Anselmo,” sabi ng bodyguard. “Hindi. Sa labas na ako maghihintay. Patapos na siya sa kausap, ‘di ba?” “Matatagalan pa raw kaya rito ka muna.” Bumukas ang isang kwarto may malaking kama at puting-puti ang bedsheet. “Hindi na kailangan. Sa l-labas na lang!” saad ko sa bodyguard at nagpilit na bumalik pero sinara nito ang pintuan! Nanghilakbot ako. Kinalampag ko iyong pintuan. “Anong ibig sabihin nito?! W-Why are you locking me here?” Pinabubuksan ko iyon ngunit walang nagbukas. Ang narinig ko ay mga yabag na papalayo sa kwartong ‘yon. Makailang ulit kong pinihit ang doorknob na hindi man lang gumalaw. Nang hinagilap ko ang clutch bag ko ay wala na ‘yon sa paligid. Nakuha na ng lalaki! Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Kahit gusto kong maluha ay hindi ko magawa. Masiyadong nanghina ang mga buto ko sa katawan. At hindi pa nakatulong ang sobrang init na nararamdaman ko. I had to take my scarf off. Ang init na ‘yon ay gumagapang sa aking mga ugat. Sinubukan kong maghanap ng daanan papalabas ngunit wala. Bumukas din agad ang pintuan at nilingon ko iyon agad upang harapin si Tiyo Anselmo at tanungin kung ano ang kahulugan ng lahat ng ito! Ngunit hindi si Tiyo Anselmo ang nagpakita kundi si Joseph Moore. Ibang-iba ang kaniyang mga mata noong dumako sa akin at pababa sa katawan ko. Napaatras ako agad nang humakbang siya papasok sa pintuan. “Miss Solana, ang sabi ko ay magpahinga ka, hindi ba?” tanong nitong banayad pa. “Lalabas na po ako. Hinahanap na ako ni Tiyo Anselmo,” usal ko na pilit inaayos ang pananalita. Tinungo ko agad ang pintuan pero dahil naroon siya ay kailangan kong makalagpas sa kaniya, bagay na imposible dahil hinawakan ako ni Mr. Moore upang hindi makalabas. “Anong ginagawa ninyo? Lalabas na ako. Please, let me go...” “Hindi ka hahanapin ng Tiyo Anselmo mo. I guarantee you, Miss Solana. Magpahinga ka na lang dito. We will have a good time...” sabay haplos nito sa balikat ko. Nagpumilit ako. I started panicking, the heat on my veins high rocketing more, subalit ‘di ko iyon binigyang pansin. Sa kakapiglas ko at pagpilit na makalabas, tuluyang napikon si Mr. Moore. Hinaklit niya ang panga ko at hinarap ako sa kaniya. His bloodshot eyes pierced into me. “Sinabing walang maghahanap sa ‘yo. Bayad kita, Miss Acosta! Kaya kumilos ka ayon sa gusto ko!” He pushed me off to the bed. Napadausdos ako roon. “N-No! Please! Palabasin mo ako rito! H-Hindi ko alam ang sinasabi ninyo...” usal ko. Sinubukan ko ulit na marating ang pintuan at dahil muli akong inabot ni Mr. Moore upang pigilan ay napahawak ako sa cabinet kung saan niya pinatong ang champagne glass kanina dahilan para mahulog iyon at kumalat ang bubog sa sahig. Naramdaman ko ang pagsugat nito sa aking talampakan ngunit walang oras upang indahin iyon. Narating ko ang doorknob pero nahuli ulit ako ni Mr. Moore. Diniin niya ako sa pinto at doon tuluyang pumatak ang luha ko, ngunit bago pa lumapit ang labi nito sa katawan ko ay ilang ulit nang umalingawngaw ang putok ng baril sa buong yate. Napatigil si Mr. Moore at mabilis na kumuha ng baril sa cabinet. Hinawakan niya ako sa aking leeg. “Ano ang nangyayari, Richard?!” marahas na tanong niya sa bodyguard pagkalabas habang dala ako. I tried to get out of his strong arms, but hell, I couldn’t! “Wala kaming ideya, boss. Sumabog ang kalahati ng yate,” madilim na usal ng bodyguard. Pagkalabas sa pasilyo at muling marating ang bandang railings, may mga bodyguard din doon. Tumingin sila sa ‘kin nang panandalian at napagtanto kong si Mr. Moore at bodyguard niya lamang ang nakakita sa mukha kong ako ang kasama ni Mr. Moore ngayong gabi! “Find out what’s happening!” galit na deklara ni Mr. Moore. Nanghina ako nang nakitang nasusunog ang kalahati nitong yate. Tiyo Anselmo... Doon ako lalong nanghilakbot, hindi na para sa kalagayan ko kundi sa kalagayan ng aking tiyo at ni Jemimah na rin! “Ano ang nangyayari?” tanong ni Mr. Moore at inutusan ang mga bodyguards na protektahan siya. Nagsimula siyang mabahala sa kaligtasan. Halos gawin na ring panangga ang katawan ko kung sakaling may bumaril na lang sa kaniya bigla! “Tumigil ka!” sigaw nito sa ‘kin dahil sa pagpiglas kong makawala. Nakawala ako. Tinutok nito ang baril sa akin ngunit aligaga na ang mga mata. Then, I realized he’s high on drugs. Sinabunot nito ang kamay sa buhok na tila nanggagalaiti sa nangyayari. “Boss, mukhang utos ito ni Mrs. Moore,” saad ng isang tauhan. Lalong nagmura si Mr. Moore sa narinig, na asawa niya ang nagpasabog ng yate. Napatingin sa akin ang mga tauhan. And I realized something again. Ako ba ang kabit niya? Mamamatay ako ngayong gabi? His wife ordered to k*ll me for what? For his husband’s infidelity? I don’t even know I’m his mistress? Ngayon ko lang ito nakasama, at ang buong akala ko ay narito kami bilang guests. Hindi ko alam na ako ang babae niya ngayong gabi! I swear to God that I am not! “Boss, we found a bomb inside the cabin,” ang deklara ng isang tauhan nang lumabas sa cabin kung saan ako dinala kanina. Napaatras ako sa railing. Hindi ko na alam ang nangyayari. Ni minsan ay ‘di ko ito naisip! Napatingin si Mr. Moore sa mga tauhan. Pagtapos ay lalo yatang gumapang ang droga sa kaniyang sistema. Tumingin siya sa ‘kin at lalo akong napaatras, my masquerade mask still on place. There are more bombs on the whole yacht. Guests are dead. Sumabog ang yate at makapal na ang usok. Naglabo ang mga mata ko habang iniisip si Tiyo Anselmo... “Let’s go to my wife and tell her that you seduced me!” saad ni Mr. Moore at hinaklit ang braso ko. Ngunit nakaatras na ako sa railing. Hindi ako nakasagot. Pulang-pula na ang mga mata ni Mr. Moore at naglilikot ang tingin. He’s high. Nang hindi ako sumagot ay lalo itong nawawala sa sarili, iniisip na pinapapatay siya ng sariling asawa. “Damn that c*nning w*tch!” he shouted, rubbing the tip of the gun on his temple. Mabibigat ang paghinga ko sa takot na baka ako ang mabaril niya sa isang maling kilos ko. May mga dumating ulit na tauhan pero kasabay niyon ay ang pagsabog ng upper deck! Nahulog ang ilang parte ng yate galing sa pagsabog. Ang lakas din ng impact na halos nabuwal din ako at napatakip sa aking mga tainga. “Boss, the whole yacht is collapsing!” sigaw ng tauhan, at ibig sabihin niyon ay sasabog na rin itong kinaroroonan namin! Wala na sa sarili ang kanilang amo. Wala na sa sarili si Mr. Moore. Ako ang napagtuunan niya ng mga matang pulang-pula, parang mga apoy na kumakalat ngayon sa buong paligid. Napakapit ako sa metal railing sa aking likuran. Tinutok niya sa ‘kin ang baril, dahilan para lalo kong pasimpleng dalhin ang sarili paupo sa railings, bagay na ‘di niya na pansin dahil abala rin sa pag-iwas sa nahuhulog na apoy. “Tiyo...” usal ko sa aking sarili. Gusto ko mang suungin ang delubyong ito, it felt impossible. Tila ba nasa likuran ko lang ang tanging daan palabas dito, na wala pang kasiguraduhan! Ramdam ko ang patuloy na pag-andar ng autopilot yacht dahil nasa pinakagilid na ako nito habang nakaupo ako sa railings, with only my weak and shaking hands supporting my balance. Naghapdi ang balat ko dahil sa marahas at malamig na hangin. Nilipad ang aking buhok. My weary eyes reflected the fires of hell. And I felt the drug racing through my bloodstream. I felt weak. And I felt high, liban sa katotohanang nasa mataas akong metal railings at isang dulas ng pagkakahawak o pagkawala ng balanse, bubulusok ako sa dagat. Sumara sandali ang mga mata ko dahilan para kumawala ang luha at hikbi. Nasaan si Tiyo Anselmo? Bakit niya hinayaang mangyari sa amin ito? Sa akin? “Solana!” ang boses ni Mr. Moore. Tiningnan niya ako na tila naghahamon kung gagawin ko nga ang binabalak ko. Sa isip niya, hindi ko kaya. At sa isip ko rin, hindi ko kaya... Pagdilat kong muli ay nakita ko ang nakatutok na baril sa akin. From meters away. Ang suot kong masquerade ay ngayon lamang tuluyang nawalay dahilan para tuluyang malayang liparin ng hangin ang buhok ko. Nanuot agad sa ‘king pang-amoy ang maalat na simoy ng dagat. Nakita ko pa si Mr. Moore na handang pindutin ang gatilyo anumang sandali. Kumurap ako. At bago niya pa iyon magawa, inalis ko na ang pagkakahawak ko sa metal railings. Hinayaan kong itulak ako ng hangin pabagsak sa dagat. Kasabay niyon ay pag-alingawngaw ng putok ng baril mula kay Mr. Moore. Nakita ko pa ang pagbagsak ng apoy sa kaniya dahilan para mapaluhod siya, bago ako tuluyang bumulusok pababa. Nakita ko ang langit at kung posible lang iyong maabot sa aking mga kamay ay ginawa ko na sana. A tear fell and I don’t know what will happen next. Pumikit na lamang ako at hinayaang ihele ng hangin. Pagbagsak ko sa tubig, bumulusok din ako pababa roon. The water got splashed harshly at gumawa ng ingay sa pagkahulog ko mula sa mataas na yate. Marunong akong lumangoy pero sa puntong ‘yon, hindi ko alam kung paano ikakawag ang aking mga kamay at paa. Dumilat ako at madilim, mahapdi sa mga mata, ngunit nakita ko pa ang liwanag mula sa yate na unti-unti ring nilamon ng lalim ng dagat, palayo ako nang palayo sa ibabaw ng katubigan. My hair floated like clouds and a trace of light is the only thing I could see above the water while I continue falling further and deeper. The water embracing the wholeness of me is piercing through my bones. Hindi ako nito hinahayaang makahinga. Halos naninigas na ako at hindi ko na maramdaman ang katawan kong nakalutang sa tubig. It cuts deep within my skin like a hard rock with sharp edges. Unti-unti ko nang napapakawalan ang hanging naipon sa aking baga bago tuluyang nahulog sa dagat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.8K
bc

His Obsession

read
91.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook