Story By AtengKadiwa
author-avatar

AtengKadiwa

ABOUTquote
Medyo makulit. Mahilig magbasa ng mga books. Masaya ako kapag nakakagawa ako ng kwento batay sa imahinasyon ko. ☺️
bc
You Are My Savior
Updated at Aug 24, 2023, 22:30
Si Rhianna Evangelista kasama ang kaniyang Ina at nakababatang kapatid na si Ylona ay ikinulong sa isang mansiyon na malayo sa bayan at nasa liblib na lugar na pag-aari ng kaniyang amain na si Don Ysmael na isang kilalang Drug Lord sa bansa na hindi magawang hulihin at hindi mahuli-huli dahil sa koneksiyon na mayroon siya. Dahil sa gusto ni Rhianna na iligtas ang kaniyang ina at kapatid, maging ang kaniyang sarili. Nagpasya siyang tumakas sa kaniyang amain para mailigtas ang kaniyang ina at kapatid. Doon niya nakilala si Leonardo Estralta Jr., isang Agent na siyang nakakita sa kaniya at kumupkop. Naging kasapi siya ng kanilang samahan at nagkaroon ng layunin na tugisin at pabagsakin ang mga taong nasa likod ng pagtulong kay Don Ysmael. Subalit, habang tumatagal nahuhulog na ang loob ni Leonardo kay Rhianna at napagtanto niyang mahal na niya. Handa ba niyang bitawan ang tungkulin para sa babaeng minamahal at makasama hanggang sa pagtanda at ng pamilya kasama si Rhianna o isasantabi ang nararamdaman at ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan?
like
bc
His Infinite Affection (Sequel Of Debt Repayment)
Updated at Aug 23, 2023, 02:51
SYPNOSISThis is Sequel of Debt Repayment. Kaya, basahin niyo muna ng Debt Repayment bago po ito. Salamat.Akala nina Jarred Racqueza at Jasmine Saderra-Racqueza na pagkatapos nila ikasal ay magiging matiwasay na ang kanilang buhay ng umalis ng bansa si Beatriz para magpagamot. Ngunit hindi pala, dahil may mga taong ayaw silang patahimikin. May babaeng biglang dumating at nais na sirain ang samahan nilang mag-asawa. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan? Mauuwi ba sa wala ang kasal o ipaglalaban nilang dalawa ang pagmamahalan nila hanggang dulo lalo at nagbunga ang pagmamahalan nila.
like
bc
My Bestfriend's Affection
Updated at Aug 23, 2023, 01:32
Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
like
bc
Forbidden Affinity
Updated at Aug 9, 2023, 18:14
Luisa Anjienette is a Third Year Student taking up Bachelor of Business Administration in a University called Wirland University. When she's in a Book Store to buy a novel of her favorite writer named Arya Deltan, while she's walking towards the counter, she bumped into a man. A man with pleasing personality. When the first day of School came, she was surprised to see the man she bumped in the Book Store which happen to be her Proffessor in Math and his name is Christian Martinez. Yes, she is attracted to him but still it's wrong having a affection to a teacher or Proffessor.They became friends and Christian confess his feelings to Luisa. What will happen next after Christian confess his feelings to Luisa? Is Luisa listen to her heart or they're having a Forbidden Relationship?
like
bc
Debt Repayment
Updated at Jul 31, 2023, 16:01
Paano kapag nalaman mo na may malaking utang ang iyong magulang sa iyon ex-boyfriend? Ano ang gagawin mo? Ganito ang nangyari kay Jasmine. Ang kompanyang inalagaan ng magulang niya sa loob ng dalawang dekada, nalaman na lang niya na palugi na at nabaon na pala sila utang. At ang mas nagpasindak sa kaniya, sa taong hindi niya inaakala na uutang ang kaniyang magulang. Her ex-boyfriend, Jarred Raqueza. Para maisalba ang kompanya nila ay nagkaroon sila ng kasunduan ni Jarred Raqueza na magiging katulong siya nito sa bahay ng binata. Walang nagawa si Jasmine kundi ang sumang-ayon. Ano kaya ang mangyayari sa kaniya? Bilang isang Engineer ay bigla magiging katulong siya. At ang buong akala ni Jasmine magiging maganda ang trato sa kaniya ni Jarred. Ngunit, nagkamali siya. Dahil ang layunin ni Jarred kaya siya kinuhang katulong ay para maghiganti sa kaniya.
like
bc
My Pretending Boyfriend is My Boss
Updated at Feb 3, 2022, 20:40
Lumaki si Venice Ventura sa hirap. Bilang isang Breadwinner ng kanilang pamilya kinailangan niyang maghanap pa ng isang trabaho bukod sa pagiging waitress sa Bar. Kaya nag-apply siya sa isang Fast Food Chain bilang Crew na pag-aari ng mayamang tao sa kanilang bayan, si Dennis Monteverde. Pero talaga namang tadhana ang naglapit sa kaniya sa swerte, dahil nang makita ni Dennis Monteverde ang sinseridad ni Venice na mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang ina at nakababatang kapatid, ini-hire niya ito bilang Secretary. Subalit isang pangyayari ang hindi inaasahan. Nakipaghiwalay si Luna de Jesus na matagal nang kasintahan ni Dennis. Kaya gumawa ng paraan ang binata para bumalik sa kaniya ang dating kasintahan sa pamamagitan ng pag-aalok kay Venice Ventura na magpanggap bilang Girlfriend nito at pahselosin si Luna. Ayaw man ni Venice, tinanggap niya iyon kapalit ng dagdag sahod. Pero habang tumatagal ang pagpapanggap nila, naramdaman ni Dennis Monteverde na nahuhulog na ang loob niya kay Venice. Ano kaya ang mangyayari? May katugon ba ang nararamdaman niya para sa dalaga?
like