bc

My Bestfriend's Affection

book_age16+
369
FOLLOW
2.7K
READ
billionaire
family
HE
second chance
powerful
drama
bxg
gxg
like
intro-logo
Blurb

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?

chap-preview
Free preview
His Arrival
Athalia'sPOV "ANAK, dalian mo kailangan natin magmadali. Ilang araw nalang darating na si Sir Luke at ang pamilya nito. Kailangan malinis ang mansiyon. Paniguradong madaming bisitang darating," wika ni inay. Papunta kami ngayon sa mansiyon nila Luke para maglinis at mag-ayos. Wala naman akong trabaho dahil linggo ngayon. Isa akong Marketing Staff sa Heirwone Enterprise na isang garment factory. Pagkagraduate ko ng kolehiyo, nagtrabaho na ako dahil na rin inalok ito sa akin ni Ate Melissa na doon din nagtratrabaho. Ang ina ni Ate Melissa ay nakatatandang kapatid ng ama ni Luke. Sila na ang naging katiwala ng hacienda simula ng mag-migrate sa Canada sina Luke. Kaya ipinagkatiwala na sa mga ito ang hacienda. Kababata ko si Luke. Mula limang taon gulang hanggang sa mag sampo ako ay lagi na kaming magkasama. Lagi akong nasa bahay nila kapag dinadala ako ni inay sa mansiyon kapag wala akong pasok. Mas matanda siya ng dalawang taon. Pagka-graduate ni Luke ng elementarya sa isang pribadong paaralan ay nagpasya ang mga magulang niya na sa Canada na siya mag-aral ng high school at college. May negosyo rin kasi sila sa Canada. Mayaman sila Luke. Kaya, mayaman lang din ang nababagay para sa kanya. Nalungkot ako sa isiping iyon. Imposible na maging kami dahil sa katayuan ko sa buhay. Bakit ba yun ang iniisip ko? Dahil tiyak naman na di ako magugustuhan ni Luke. Kababata lamang ang turing niya sa akin. Bigla kong naalala 'yung araw na nalaman ko na sa Canada na siya mag-aaral. *Nasa labas kami ngayon. Sa may hardin. Tinitingnan ang kagandahan nito. Ito yung parte ng Hacienda na gustong-gusto ko. Masarap sa paningin at masarap ang simoy ng hangin. "May sasabihin sana ako sayo Athalia. Aalis na ako sa susunod na buwan. Pupunta na kami sa Canada. Doon na ako mag-aaral ng high school at college," paalam niya sakin. "Iiwan mo na ako? Kelan ka babalik?" tanong ko sa kanya. Nangingilid na ang luha sa aking mga mata. Nasanay akong kasama siya 'tapos ngayon maghihiwalay na kami. Hindi ko na napigilan ang umiyak. Itinaas niya ang ulo ko at pinunasan ang luha ko gamit ang mga daliri niya. "Huwag ka ng umiyak, ilang taon lang naman ako doon tapos babalik na ako dito. Ang sabi ng mga magulang ko, ako daw ang mamamahala sa hacienda kaya kailangan sa ibang bansa ako mag-aral kasi mas magagaling daw mga guro doon at syempre mas madami akong matututunan." "Mamimiss kita best. Pangako mo yan huh. Babalik ka. Best friends forever?" "Best friends forever!" sigaw niya. Ikinawit namin ang aming hinlilit na palantandaan na nangako kami sa isa't-isa. Nang ihahatid na sila, sumama ako sa airport. Sobrang iyak ko noong namamaalam na siya sa amin. Sobrang iyakin ko noong mga panahong iyon. Naudlot ang pagmumuni-muni ko ng tawagin ako ni inay. "Halika na. Baka tayo nalang ang wala doon," wika niya. Kinuha ko na ang bag at nagmadaling lumabas ng bahay. Sumakay kami sa tricycle na huminto sa harapan namin. Medyo malayo ang bahay sa mansiyon kaya kailangan naming mag-commute. Mga labim-limang minuto ang layo. Pagdating namin, naabutan naming abala ang lahat sa mansiyon dahil bukas na darating sina Luke. Sa isiping iyon, nakaramdam ako ng excitement. Makikita ko na si Luke na ilang taon din na nawalay sa'kin. Sana hindi siya nakalimot. Pagpasok namin sa mansiyon, binati kami ni Ate Melissa. Binati rin namin siya pabalik. Binitbit ko ang isang paper bag na naglalaman ng bagong laba na kobre kama at dinala iyon sa ikalawang palapag. Papalitan ko ang kobre kama ang bawat kwarto. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang kulay abo na pintura ng kwarto. Paborito ni Luke ang kulay abo. Kapag may binibili ang mommy niya, sapatos man o damit kailangan kulay abo iyon dahil paniguradong hindi rin niya tatanggapin kapag hindi ganoon ang kulay na ibibigay. Pumasok ako sa loob at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Ngayon ko lang ulit ito nasilayan. Ganoon pa rin sa dati, walang nagbago sa ayos ng kwarto. Nililinisan lang ito ng mga katiwala isang beses sa isang linggo. Dumako ang paningin ko ang dalawang mesang maliit na nakaayos sa isang tabi. Lumapit ako doon. Dito kami madalas gumawa ni Luke ng mga asignatura namin sa paaralan. Pinalitan ko na ang kobre kama. Maging ang punda ng unan. Pagkatapos, pumunta ako sa banyo ng kwarto para kumuha ng basahan at tubig. Tutal narito na rin lang ako, lilinisin ko na ang kwarto niya. Napadako ang tingin ko sa isang larawan na nakapatong sa mesa. Larawan iyon ni Luke noong nagtapos siya ng elementarya. Napangiti ako. Kamusta na kaya siya? May asawa na kaya siya o nobya? Nakaramdam ako ng paninikip ng d*bdib sa isiping May asawa na si Luke. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang tawagin ako ni inay mula sa labas ng kwarto. "Anak, halika na. Bumaba ka na at ng makapag-tanghalian na tayo," anyaya sa akin ni inay. Pagod rin ang kababakasan sa mukha niya. "Sige po 'nay. Susunod po ako," wika ko. Tumango si inay. "Bilisan mo dahil marami pa tayong gagawin," aniya at umalis na. Muli kong sinulyapan ang larawan bago lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at nsgtungo sa hapag-kainan. Nagsasandok ako ng kanin ng biglang magsalita si Manang Daisy. Isa rin sa mga katulong dito sa mansiyon. "Kasama daw na darating ni Sir Luke 'yung nobya niya na Pilipino rin daw. Grabe, ang ganda niya! Isang sikat na modelo," kwento niya. May nobya na siya. Parang may punyal na tumusok sa d*bdib ko. Napaka-imposible ng mabawi namin ang mga panahon na hindi kami magkasama dahil may nobya na siya. May mapagtutuunan na siya ng pansin. Hindi naman pwedeng ipilit ko ang sarili ko sa kaniya. Tiyak na magseselos ang girlfriend niya. Pagkatapos kong mananghalian, itinuloy ko na ang ginagawa ko kanina hanggang sa matapos ko lahat ng kwarto na dapat palitan ng punda at kobre kama. Dito kaya matutulog 'yung nobya niya? Magtatabi ba sila sa pagtulong? May nangyari na ba sa kanila? Hindi malabong mangyari 'yun. Liberated na bansa ang Canada. Bakit ba iyon ang iniisip ko? Eh ano naman ngayon kung may nangyari na sa kanila? Wala na akong pakielam dun. Pangakong bata lang ang ipinangako namin sa isa't-isa noon. Maaring nakalimutan na rin niya ang pangako niya sa akin. Isa lang ang kailangang kong gawin ngayon, ang kalimutan siya. "Mauna na kami Ate Melissa. Kailangan ko pang gumawa ng liham para sa pagliban ko para bukas," paalam ko. Parang ayaw kong pumunta bukas. Mas gusto ko na lang ibuhos ang atensyon sa trabaho kaysa makita siya na kasama ang nobya niya. Pero kailangan kong harapin siya. Hindi ako duwag! "Oh sige. Mag-iingat po kayo, tita," paalam ni Ate Melissa sa amin. Pagdating sa bahay ay agad kong hinarap ang laptop para gumawa ng liham. Pagkatapos ipasa ay nahiga na ako sa kama. Kaya ko ba siyang harapin bukas? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ako? Namimiss na ba niya ako? Nakatulugan ko na ang pag-iisip. NARITO na ako sa mansiyon mga bandang alas kwatro ng hapon. Inihahanda na ang buong mansiyon para sa pagdating nila Luke. Paniguradong madaming darating na bisita ngayon. Mga kilalang tao sa industriya. Mga pulitiko at iba pa. Pasado alas syete na ng magsidatingan ang mga bisita na sakay ng kanilang mamahaling sasakyan. Na tanging mayayaman lamang ang nakakabili. Nakasuot ako ng puting polo blouse at skirt na kulay itim na hanggang taas ng tuhod ang haba. Kumbaga, isa akong service crew sa pagkakataong iyon. Nagsiupo na ang mga bisita. Nilapitan ko ang isang mesa ng tawagin ako dala ang isang tray ng wine. Nilapag ko ang hawak kong wine sa mesa. Tumayo ang isang lalaki na nakaupo na sa tantiya ko nasa bente otso ang edad. "Good evening. I'm Charles Andrew. And you?" Nilahad niya ang kamay sa'kin bilang paggalang. Tinanggap ko iyon. "Good evening din, sir. Athalia Patricia Ramos po." Pagpapakilala ko sa aking sarili. Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na para magserve sa ibang bisita. Sobrang dagsaan talaga ang mga tao. Buti na lang madami kaming ni-rent na mesa kaya hindi kami mamomoblema sa upuan. Nakita kong may papasok na van. Sina Luke na ba ito? Bumaba ang isang lalaki. Natigilan ako. Pamilyar sa'kin ang lalaki. Siya na ba si Luke? Hindi maipagkakailala na sobrang gwapo niya. Nag-matured din siya. Lalo at sa Amerika siya nag-aral kaya lalo siyang pumuti. Binuksan niya ang pintuan ng van at bumaba ang isang ginang, ang kanyang ina. Parang hindi tumanda si Mrs. Olivia Sebastian. Sumunod na lumabas ang isang magandang babae na nakasuot ng kulay asul na gown. Fitted iyon kaya bakat na bakat ang kaseksihan niya. Nakaramdam ako ng inggit sa babae dahil bagay na bagay siya kay Luke. Parehong mayaman. Umabresete sita kay Luke. Nauna na si Tita Olivia na inaalalayan ng isang ginoo na nasa mid 60's. Hindi ko mapigilang manlilit sa sarili ko. Napakaganda ng babae. Walang-wala ako kung ikukumpara sa kanya. Modelo siya samantalang ako, isa lamang hamak na empleyado. Pero masaya ako para kay Luke na nahanap na niya ang babaeng magmamahal sa kanya. "Athalia!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Ate Melissa. Itinuturo 'yung lalaki kanina na dinalhan ko ng wine at nagpakilala sa akin. Lumapit ako sa kaniya. Paglapit ko, agad siyang tumayo at hinila ang isang bakanteng upuan para sa akin. "Join us," alok niya. "Naku, huwag na po, sir. Marami pa kasing bisitang darating para asikasuhin ko." Luminga ako sa paligid baka may makakita sa akin na imbes na ginagawa ko yung trabaho ko, iba ang ginagawa ko. Ng magawi ang paningin ko sa unahan kung saan naroon ang mesa ni Luke, nobya at ina niya. Nagtama ang aming mga mata. Para akong matutunaw sa titig niya. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na matagalan ang titig niya. "Kahit 20 minutes lang. Para may kausap naman ako na medyo malapit ang edad sa akin," aniya at ngumiti. Nginitian ko din siya pabalik. Pinakilala niya ako sa kanyang mga magulang. Magiliw naman akong nagpakilala. Tumingin ako sa unahan. Kumakain na si Luke at kakwentuhan ang kaniyang nobya. Nilagyan ni Sir Charles ang plato ko ng pagkain na nakahain sa mesa. "Salamat po, sir. Nag-abala pa po kayo." "Wala 'yun. Masaya lang ako dahil may nakilala akong napakagandang dilag ngayong gabi." Ngumiti ako bilang tugon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

His Obsession

read
74.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook