bc

His Infinite Affection (Sequel Of Debt Repayment)

book_age18+
260
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
revenge
HE
second chance
brave
heir/heiress
drama
bxg
mystery
loser
small town
virgin
like
intro-logo
Blurb

SYPNOSISThis is Sequel of Debt Repayment. Kaya, basahin niyo muna ng Debt Repayment bago po ito. Salamat.Akala nina Jarred Racqueza at Jasmine Saderra-Racqueza na pagkatapos nila ikasal ay magiging matiwasay na ang kanilang buhay ng umalis ng bansa si Beatriz para magpagamot. Ngunit hindi pala, dahil may mga taong ayaw silang patahimikin. May babaeng biglang dumating at nais na sirain ang samahan nilang mag-asawa. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan? Mauuwi ba sa wala ang kasal o ipaglalaban nilang dalawa ang pagmamahalan nila hanggang dulo lalo at nagbunga ang pagmamahalan nila.

chap-preview
Free preview
Connivance
"Good morning po, Ate Tessa." bati ni Jarred ng madatnan si Tessa sa kusina at abala sa pagluluto. Lumingon sa kaniya ang kasama at binigyan ng isang ngiti. "Good morning din." bati nito sa kaniya at muling itinuon ang pansin sa niluluto. Umupo siya sa mesa at nagtimpla ng kape. Nang mga sandaling iyon patapos na sa pagluluto si Tessa at inihanda na iyon sa mesa. Ipinaghain si Jarred ng almusal tsaka umupo sa upuan na nasa tapat niya. "Kelan niyo balak magpakasal?" tanong ni Tessa sa kaniya. Mula sa kinakain, nag-angat ng tingin si Jarred at tiningnan ito. Hindi niya naiwasan na makaramdam ng lungkot ng maalala ang usapan nila ni Jasmine kagabi. Huminga siya ng malalim. "Gusto po ni Jasmine na sa huwes ka mi magpakasal." aniya at ikwento dito ang dahilan kung bakit yun ang gusto ni Jasmine. Hindi maiwasang mapailing ni Tessa sa mga narinig. Hindi inaakala na ganun ang ugali ni Beatriz. Ginagap ang kamay ni Jarred, tinuring na kasi niya itong parang anak. Nasasaktan ito, pero naiintindihan niya si Jasmine lalo bat buntis ito. "Intindihin mo nalang si Jasmine." anito. Tumango-tango si Jarred at ngumiti. "Opo, naiintindihan ko po siya lalo at buntis po siya. Pasensiya na po ate, nagiging mahina ako." aniya. Ngumiti si Tessa sa kaniya at ikinumpas ang kamay. "Naku! Wala iyon, ano ka ba!" at binuntutan ng mahinang tawa. "Natural lang na panghinaan ka, hindi ka perpekto Jarreds, may bmga kahinaan ka rin." aniya at tumayo na. "Maiwan muna kita, may gagawin sa ako sa itaas." aniya at iniwan si Jarred na may ngiti sa mga labi dahil kahit papaano gumaan anmg pakiramdan niya dahil nailabas bniya asng dinaramdam niya. Patapos na sa pagbibihis si Jarred ng tumunog ang cellphone niya. Napakunot-noo at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng tokador. Napangiti siya ng makitang si Wilson Monero iyon, tiyak na may update na ito sa kung sino ang may gawa niyon. Sinagot niya ang tawag at inilagay sa taenga ang cellphone. "Yes, Mr. Monero, any update?" tanong niya rito na ikinatawa ng nasa kabila. "Excited Mr. Racqueza?" sutil nitong sagot. Natawa siya. "Oo naman para wala ng maging hadlang samin ng future wife ko." pagbibiro niya. "Wow! Congrats." bati nito. "Thankyou, pero sa huwes muna kami magpapakasal. Request ni DJasmine eh. Syempre, invited ka pero dapat ihanda mo na ang regalo mo." biro niya rito na ikinatawa ng malakas ni Mr. Monero. Kahit papaano nagiging malapit na sila sa isa't-isa. "Sige, walang problema. About sa update, for sure kilala mo siya. Isa siya sa mga empleyado mo na nakasabwat ng sinoman ang nagplano nito. At tsaka yung babaeng nasa dvideo ang may kagagawan nun. Gusto mo bang patahimikin ko siya?" tanong nito. "No, ako na ang bahala sa kaniya or maybe, ang fiancee ko na ang bahaala sa kaniya." kontra niya dito. Gusto niyang si Jasmine ang gumawa ng hakbang para doon. "Okay." anito na tinatapos na ang usapan. "I will send later the payment, Mr. Monero. Thanks for the help, have a good day." aniya at pinatay na ang tawag. Tiningnan niya si Jasmine kung tulog pa ito o gising na. Ngumiti siya rito ng makitang nakaupo ito sa kama. Ngumiti ito sa kaniya pabalik. "Good morning, heart." anito. Pinasadahan niya ito ng tingin at hindi maiwasang mag-init ng makita sa loob ng negligee ang makinis nitong katawan. "Ayan na naman ang mga tingin na yan eh, parang mangangain eh!" ani Jasmine na may pilkyang ngiti sa mga mata habang nakatitig sa kaniya. Tumaas ang sulok ng labi niya at pilkyo rin itong tinitigan. Nilapitan niya ito at hinalikan sa noo tsaka umupo sa tabi nito tsaka inilapat ang kamay sa hita nito at itinaas iyon hanggang sa ibaba ng pag-aari nito. Inilapit niya ang bibig sa taenga nito at bumulong. "Atleast, sayo lang ako ganito." aniya at inilabas ang pangahas na d*la tsaka inilakbay iyon sa gilid ng taenga nito. Napakapit si Jasmine sa kaniyang braso at bumaon doon ang kuko nito. "Jarred.." paanas nito. Itinigil na niya ang ginagawa, baka matukso siya at malate pa sa pagpasok. "I have to go, baby. Natutukso akong angk*nin ka pero baka malate ako. Meron pa naman mamayang gabi." aniya at muling hinalikan ito sa noo. Tinampal nito ang braso niya at binigyan siya ng matalim na tingin. "Ang halay mo talaga!" anito na ikinatawa lang niya. Kinindatan niya ito. "Mahalay pagdating sayo." aniya kaya ang nangyari nakakuha siya ng kurot rito mula sa tagiliran. Tumayo na siya habang hawak ang tagiliran na kinurot nito. "Makaalis na nga, baka mapano pa ako sayo." aniya habang nakanguso. Tumawa ito ng malakas at ikinumpas ang mga kamay na para bang ipinagtatabuyan siya. "Umalis ka na! Shooo!" biro nito na natatawa. Muli hinalikan niya ito sa noo at pinakatitigan. He caressed her cheeks. "I love you." aniya habang titig na titig sa mga mata nito. "I love you too." sagot nito." Nang marating ang gusali at makapasok sa loob. Binati siya ng mga empleyado niya na tinugon naman niya ng tango at ngiti. Pagkarating niya sa opisina ay agad siyang naupo sa swivel chair niya at inilabas ang cellphone na nasa bulsa. May natanggap siyang mensahe galing kay Mr. Monero. Binuksan niya ang mensahe nito at hindi makapaniwalang napatitig sa pangalan na isinend nito. Nagtaas-baba ang kaniyang dibdib dahil sa pinipigilang galit na kaniyang nararamdaman. Naikuyom niya ang kamao. "Bakit mo nagawa sakin ito? Pinagkatiwalaan kita." aniya sa sarili at tsaka dinampot ang telepono sa tabi niya tsaka idinial ang telepono ng Sekretarya niyang si Ms. Ferran. Agad naman nitong sinagot iyon. "Yes Sir, may kailangan po ba sila?" tanong nito. Humigpit ang hawak niya sa telepono. "Cancel my appointment at 1 pm and please tell Cathy Saura na pumunta siya rito sa office at may pag-uusapan kami." aniya sa matigas na tinig. Bahagyang natigilan si Ms. Ferran dahil sa tono ng boses niya, ngayon lang niya narinig ang ganong tono ng boses nito. Pero pinilit niya pa rin sumagot ng maayos sa kaniya. "Okay, Sir. Copy." anito. "Thanks, Ms. Ferran." aniya at ibinaba na ang telepono. Sa kabilang banda, abala si Cathy sa ginagawang report para sa Departamento nila nang tumunog ang telepono niya. Sinagot niya iyon. "Hello, Ms. Saura. Gusto ka daw pong kausapin ni Mr. Racqueza ng 1pm, may mahalaga po kayong pag-uusapan." anito. Hindi maiwasang pangatugan ng tuhod si Cathy pagka-rinig ang pangalan ng boss nila. Hindi kaya alam na nito ang ginawa nila ni Beatriz. Hindi niya tuloy maiwasang magalit kay Beatriz, dahil pagkatapos siya nitong pakinabangan ay nawala nalang ito na parang bula. Ngayon,m mag-isa niyang haharaspin ang problema niya. Pero masaya siya dahil mukhang walang nangyaring hiwalayan kina Sir Racqueza at Ma'am Saderra. Kung sakali mang tatanggalin siya, nakahanda siyang tanggapin iyon. Kilala niya kung paano magalit ang boss nila. Sinubukan niya ang sarili na maging buo ang kaniyang mga salita. "Okay, pupunta ako." aniya. Pinatay na ni Ms. Ferran ang tawag.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
246.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
40.7K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
69.7K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.3K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
50.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook